August 24, 2021. Tuesday.
Gusto ko lang batiin ang nag iisang nating Pambansang Kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao. Kahit pa hindi nya naipanalo ang laban kay Ugas nitong nakaraang linggo.
Maganda at Mapagpalang Araw sa ating lahat. Nawa ang lahat ay masaya at maayos ang kalagayan. Sana ay malusog at ligtas tayong lahat palagi.
Nananalo ang Boksingero ng Cuba na si Yordenis Ugas (Unanimous Decision) laban kay Manny Pacquiao sa ginanap na laban nitong nakaraang linggo, na may pinamagatang Pacquiao vs. Ugas. Na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas. Nananatili pa rin kay Ugas ang WBA welterweight title dahil hindi ito nasungkit ng ating pambansang kamao.
Ngunit sa kabila ng pagkabigo na masungkit o mabawi muli ang ninanais na titulo ng ating pambato ako ay sumasaludo pa rin sa kanyang kakayahan. Hindi man sya nagwagi sa kanyang laban ay ipinagmamaki pa rin sya ng maraming Pilipino. Dahil matalo man sya ay hindi maipagkakaila kung paano nya winagaywag ang watawat ng Pilipinas sa larangan ng “Boxing”. Hindi din matatawarang ang kontribusyon nya sa pagboboxing. Napakaraming beses nya ng nagwagi sa boxing kaya naman hindi maitatangging isang Legend na ang pangalan nya pagdating sa Boxing. Kaya naman wala naman na syang dapat pang patunayan dahil kitang kita naman na ang layo ng narating nya. Kung sakaling magreretiro man sya ay hindi na iyon kaso dahil napakatagal na nyang lumalaban at may edad na sya ngayon. Kitang kita naman na sa huling laban nya na hindi na sya gaanoong katikas katulad ng dati.
Si Manny Pacquaio pa rin naman ang kampeon para pusong Pilipino. Kaya naman kung ano man ang magkng desisyon nya ay paniguradong para iyun sa ikabubuti ng desisyon nya at hindi iyun dahil sa pagkatalo nya.
Ngunit ang iba talaga ay hindi nauubusan ng pambabatikos at pati ang asawa ng ating Pambasang Kamao ay ginawan pa nila ng memes. Marami ang napatawa nito at ang iba naman ay hindi ito ikanatuwa. May ilang komento din akong nabasa sa isang Instagram post tungkol kay Jinkee Pacquiao at ito ay nagsasaad ng masasakit na salita at hindi kaaya ayang akusasyon sa pamilya Pacquiao. Pero kahit ganoon pa man ay hindi naman nasusukat lang sa materyal na bagay nasusukat at suporta ng isang tao. At sana ay iwasan na rin natin ang manghusga ng iba lalo na at wala naman tayong pinagbabasehan.
Marami man ang nalungkot sa kinalabasan ng huli mong laban ay saludo pa rin ako sa iyo Sir Manny Pacquiao. At manalo man o matalo ay ikaw pa rin ang nag iisang pambansang kamao ng mga Pilipino at ng Pilipinas. We are still proud of you.
Authors Note:
I supposed to publish this article yesterday but since it has a maintenance/upgrading/updating of this site I just publish it this day.
Lead image source: CNN Philippines
Photo 1 source: www.cbssports.com
Photo 2 source: www.startattle.com
Photo 3 soucre: Facebook memes
Thanks to all of my wonderful sponsors. Thank you so much for the love and support. Visit and read their precious articles too.
And I also want to thanks everyone who always read, comment and upvotes my articles. Love you guys and thanks a lot.
Feel free to read my previous articles here if you have free time:
1. https://read.cash/@Expelliarmus30/something-personal-ad7ba092
2. https://read.cash/@Expelliarmus30/twenty-four-equals-to-five-hundred-sixty-two-228ba794
3. https://read.cash/@Expelliarmus30/restore-the-past-4dba7e44
4. https://read.cash/@Expelliarmus30/friend-pa-answer-399e6dab
5. https://read.cash/@Expelliarmus30/ecq-season-3-c1598f5e
Thanks a lot for reading this.
God bless and Keep safe Everyone.
Don't forget to Be Good and Be Nice as always.
Bye.
...and you will also help the author collect more tips.
Normal lang naman na matalo ehh di talaga iyan mawawala sa laban Kaya kahit matalo man basta ginawa mo best mo panalo kaparin