Friend, Pa-answer!

August 15, 2021

 

Magandang Araw po sa inyong lahat.

Ngayong araw po ay magsasagot tayo ng Slambook. Yung idea po na ito ay nakita ko kay @mommykim Answering Slambook Questions, and since dati po ay hindi ako masyadong nagsasagot ng ganito noong nag-aaral pa ako dahil nahihiya ako sa mga classmate ko kaya tinatanggihan ko. Kaya ngayon dito na lang po ako sasagot ng ilang Slambook Questions. Sana po ay mag-enjoy kayo.

 

Tara at simulan na natin!

 

Who is your secret crush?

-         Hahahha secret nga po eh. Di joke lang po. Wag po kayo maingay ah dito ko lang sasabihin yung secret crush ko kahit nga kaibigan ko po ay hindi ito alam hahahha. Si Donny Pangilinan po talaga ang crush ko. No explanation na po kung bakit sya hehhehe.

 

Source: Unsplash

Who would you most like to talk to?

-         Yung mga friends/barkada ko po. Sobrang gaan lang po kase ng pakiramdam kapag sila yung kausap ko. At sobrang saya kausap ng mga yun walang oras na hindi ka tatawa pero kapag seryoso naman po ang usapan ay nagseseryoso naman sila.

 

Source: Unsplash
Source: Unsplash
Source: Unsplash

Your dream?

-         Simple lang po yung mga pangarap din po ng karamihan. Gusto ko po na magkaroon ng sariling bahay, sasakyan, magandang trabaho at magkaroon ng sariling negosyo someday.

 

Your favorite actor or actress and why?

-         Kung local artist po ay sina Dingdong Dantes at Marian Rivera po. Alam naman po ng lahat kung gaano kagaling umarte ang mag-asawa na yan. Kahit noon pa po na hindi pa sila ay pinapanood ko na sila dahil nga po parehas silang magaling.

 

What’s your biggest “what if”?

-         What if kayang kong gawin lahat ng gusto kong gawin? Hahahha siguro po ang saya saya ko na kaso alam naman natin na hindi lahat ng gusto natin ay natutupad at nakukuha natin eh.

 

Source: Unsplash
Source: Unsplash

Do you believe in ghosts? How about aliens?

-         May part po sa akin na naniniwala sa parehas na yan pero may part din po na nagdududa din. Depende po sa mood. Hehehhe jk.

 

If you can be invisible what first naughty things you will do?

-         Hahahha pupunta po ako sa bahay ng kaibigan ko at tatakutin ko sila hahahhaha char lang po. Mas maganda sana kung ang pupuntahan ko ay ang bahay ng kaaway ko tapos tatakutin ko sya kaso wala po akong kaaway, hindi ko po kasi kaya ng may kagalit na tao parang hindi po ako mapapanatag hanggat alam kong may taong galit sa akin.

 

Describe your most memorable experience in college.

-         Hmm, yung Team Building po namin sa NSTP, tuwing sabado po ang course/subject na yan pero one time lang po nangyari yang Team Building at sobrang hindi ko po yan makakalimutan dahil sobrang saya ng araw na yan halos lahat kami ay halatang nag enjoy.

 

Describe your soul mate…

-         Marunong umintindi/ Understanding po. Naniniwala po kase ako na kapag ang isang tao ay marunong umintindi sa mga bagay bagay na nangyayari ay madali po syang pakisamahan. At dahil understanding po sya kaya nyang intindihin ang pagkatao ko at kung ano po ako.

 

When you were little, what did you want to be when you grew up?

-         Gusto ko po talagang maging Fashion Designer. At nasabi ko na po sa mga nakalipas kong article na mahilig ako manahi at kasama na po doon mahilig din ako magdesign design, pero hindi po kase ako ganon kagaling magdrawing eh. Kaso po nitong lumalaki na ako ay nagbabago na ang desisyon ko.

 

Source: Unsplash

Give your three best past moments that you can’t forget?

-         Yung una po ay yung nakasama ko ang mga pinsan ko na salubungin yung New Year, sobrang saya po ng araw ko na iyon bata pa po ako noon I think 12 years old pa palang po, umaga hanggang gabi po ay nasa kalsada kami ng mga pinsan ko at nakikipaglaro sa iba pang bata na kapitbahay namin hanggang sa oras po na mag-alas dose na. Pangalawa po nitong Acquaintance namin nitong first year college po ako, never po kase akong naka-experience ng ganun noong high school ako dahil hindi po nagkaroon ng mga ganung program o JS prom sa school namin kaya po sobrang diko din makakalimutan yung unang Acquaintance na inattendan ko. At yung last po ay yung sa first work ko po, nakakapagod po pero ang sarap lang sa feeling na may trabaho kana at kikita kana ng sarili mong pera.

 

 Ayan at jan na po nagtatapos ang pagsasagot ko ng mga slambook questions. Sana po ay nag enjoy kayo sa pagbabasa kahit papaano. Kung gusto nyo din po magsagot ay ito po ang link. http://questionsgems.com/slam-book-questions/

Hanggang sa muli po. 😊

This is my wonderful and amazing sponsors. Thank you very much po sa inyo. Visit/Check their articles too.

Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

 Feel free to read my previous articles here:

https://read.cash/@Expelliarmus30/ecq-season-3-c1598f5e

https://read.cash/@Expelliarmus30/the-plan-89979353

https://read.cash/@Expelliarmus30/88-budol-bdfff526

https://read.cash/@Expelliarmus30/just-for-singles-f52612c8

https://read.cash/@Expelliarmus30/not-so-late-b50eb4b7

Lead image source: Unsplash

Thanks for reading this.

God Bless and Keep Safe Everyone.

Don't forget to Be Good and Be Nice as always.

Bye.

 

6
$ 4.70
$ 4.38 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @ARTicLEE
$ 0.05 from @Bloghound
+ 5
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Ako more on family ako. HAhaha. Sorry for feeling close. I'm just new here. I want to gain friends here. Actually, crush ko din si Donny sa true lang. Hahaha. He's kind kasi, lalo na sa mga supporters niya. I watch the video on tiktok on how he hug and treat his supporters as his girlfriends . Accckkkkkk!!! Aykanatttt talaga. Nakaka sana all na lang. hahahaha

$ 0.03
3 years ago

Hahahha opo iyun din ang dahilan ko bakit ko po sya naging crush. We can be friends here naman po.

$ 0.00
3 years ago

Mas comportable din ako sa mga friends ko kesa sa family hehe. Nice naman ng mga experiences mo :)

$ 0.03
3 years ago

Hahahha same po tayo, okay din naman po kausap ang family ko mas komportable nga lang po ako pag mga kaibigan ko po ang kausap ko.

$ 0.00
3 years ago

na excite ako sa crush ha,,,hehhee nakamiss naman talaga mga bonding natin with the cousins eh lalo na ngayon pandemic nami miss natin sila

$ 0.03
3 years ago

Hahahha nakakaexcite po ba? Opo kaya nga po nakakamiss na talaga yung dati. Ngayon di na po kami makapag bonding ng mga pinsan ko kase ang lalayo po nila.

$ 0.00
3 years ago

same din sakin beb...kami na dinadalaw nila dito kasi di lumalabas masyado sila mama kasi nga may mga bata

$ 0.00
3 years ago

Opo yun nga po yung mahirap may mga bata po kase.

$ 0.00
3 years ago

kaya nga eh

$ 0.00
3 years ago

Ang lakas makathrowback ang vibes ng slambook.😊 Para kang bumabalik sa high school days. ◉‿◉

$ 0.03
3 years ago

Opo yun nga po. Hindi din po ako masyadong nakapagsagot ng slambook dati eh mahiyain po kase ako. Hahahha.

$ 0.00
3 years ago

Akala ko ibubunyag mo na yung crush mo somewhere hahaha artista yun eh haha

$ 0.03
3 years ago

Hahahha para safe po. Tsaka wala din naman po akong crush dito sa amin. Hehehe.

$ 0.00
3 years ago

Hahaha grabe ka naman wala bang kaibig-ibig sa inyo? Hehe

$ 0.00
3 years ago

Meron po marami hahahha kaso di pa po ako ready sa mga pag ibig na yan. Crush crush lang po muna hahahha.

$ 0.00
3 years ago

Hahaha cge..

$ 0.00
3 years ago

Who wouldn't admire Donny Pangilinan? Ang gwapo and he's our living Deib Lohr from He's into Her. Hehe

$ 0.03
3 years ago

Ate nanonood ka ba nun? Nabasa ko na kasi yung book kaya diko na pinapanood..hehe

$ 0.00
3 years ago

Nanood ako sis, although nabasa ko na yung sa book. Kaso yung pinalabas nila hindi eksakto doon sa book, pero maganda parin naman.

$ 0.00
3 years ago

Mas bet ko pa rin yung book hehe tsaka di ko bet yung mga gumanap hehe pasensiya hehe

$ 0.00
3 years ago

It's okay sis, alam ko namang iba-iba tayo ng preferences and I respect that. :)

$ 0.00
3 years ago

Ako din po yung book po talaga yung unang binasa ko. Share ko lang po. Grabe umabot po ata ako ng 1 or 2 months bago ko natapos yung 3 books hehehhe nag aaral pa po kase ako nung binasa ko yun kaya pag kauwi ko lang po galing sa school tsaka lang ako magsisimula magbasa.

$ 0.00
3 years ago

Hahahha my baby babe. Fan din po ako ng He's into Her tsaka po ng author nun si Maxinejiji. Hehehhe

$ 0.00
3 years ago

Oo tapos alam mo, ang haba haba ng per chapter niya kaya natagalan din ako diyan haha book 4 yan diva natapos ko na lahat haha bitin ngalang.haha

$ 0.00
3 years ago

Same, kaya ang saya ko nung pinalabas yun sa IWant. One of my favorite authors din is Maxinejiji aside from Jonaxx and other writers in Wattpad.

$ 0.00
3 years ago

Yes po favorite ko din po si Jonaxx, ang gaganda din po ng mga sinulat nun. Yung Love without Limits tsaka Love without Boundaries sana nga din po isadula eh.

$ 0.00
3 years ago

Haha grabe wattpad lover kadin haha ako xxxkanexx naman kaya sa patreon na siya nagsususat.

$ 0.00
3 years ago

Waiting din ako dun, when kaya?

$ 0.00
3 years ago

So nanonood ka po ng Endless Love? hehe

$ 0.03
3 years ago

Ah yung replay po ulit ngayon? Napanood ko na po yun eh dati pa tsaka masyado ng gabi po sya pinapalabas ngayon. Pero minsan po pinapanood ko ulit pag hindi pa makatulog.

$ 0.00
3 years ago