read.cash Log in
@Emeline

@Emeline in February 2022

@Emeline

SIDE VIEW Hindi lang walking ang ginawa ko tuwing umaga . Kundi pati narin ang paligid na enjoy ko. Kung tumingin ka sa kahoy nasisikatan ng araw ang iba ang pakiramdam ko. Hindi lang sariwang hangin nalanhap ko kundi pati isipan at puso ko buhay na buhay kung titingnan mo lang ang puno na pinagdaan ko. Ito kuha ko habang ako'y naglalakad sa isang lugar papuntang dagat. Pinapalakas ko ang katawan ko para ilayo sa sakit sa pamamagitan ng walking araw araw at mabawasan di ang…

@Emeline

Maulan na hapon ngayon .nakamotor pa nman kami pumunta ng bayan pàg alis namin walang ulan pero makulimlim na ang kalangitan sa bayan na kami biglang umulan nasa traffic lights pa naman kami alanganin sa lugar.medyo basa na ang damit ko pero ang ulo at buhok ko hindi naman dahil naka helmet kami.sa bayan lang pala may ulan sa amin barangay wala daw,tumawag ako agad sa bahay na kunin nila ang sinampay ko pero wala daw ulan doon.hindi lahat na lugar inuulan .sana hindi ako…

@Emeline

Good morning!!! Maulan pa rin Hanggang ngayon nakahalata parin sa higaan tamad ako bumangon malamig at malakas ang ulan. Araw ngayon ng laba ko ,kahapon binabad ko agad ang mga puti pero hindi ko na labhan ang iba .yon nalang mga puti baka hindi matuyo agad at mangamoy kulob pa. Tambay muna ako dito sandali ,bago humataw sa trabaho sa kusina. Hindi naman papasok ang asawa sa trabaho dahil bawal pa , wala na siyang lagnat pero may ubo at sipon pa. Kaya medyo maluwag ang oras…

@Emeline

Sa wakas natapos ko narin paglaba ng mga puting damit sinama ko rin ang mga ibang dicolor ginanahan na ako kaya tinapos ko lahat. Sinampay ko nalang sa ilalim ng bubong namin at ang iba sa harap sa garahe,kasi pabugso bugso ang ulan.mainit ilang oras maambon na naman bahala na matuyo na yan sa hangin. Mamaya mga alas kwatro alis naman kami dalawin muna namin ang tatay ng asawa ko sa cementeryo dahil kaarawan nya ngayon kahit ipagsinde malang sya ng kandila. Pero sa ngayon…

@Emeline

MORNING BLESSING Bago ako bumangon tiningnan ko muna ang cp ko ganito naman ginagawa ko every morning,kung ano oras na at kung may mensahe ako sabay silip dito sa noisecash.ganito rin siguro kayo? Maraming messages sa gc namin yon asawa ko at anak ko lang panganay nag Convo dahil maaga ako nagpahinga pagod sa laba at iba kung anak natulog din maaga .kaya dalawa lang Sila nag usap.bigla ako nagulat doon may pinadala syang allowance sa akin .Hindi ko napigilang umiyak…

@Emeline

Kakatapos ko lng ng pagtutupi.ito yon kahapon nilabhan ko natuyo sa hangin hindi ko na binilad sa init baka maulanan ,sayang pa. Kaninang umaga maaraw pero saglit lang, ngayon umuulan na buti nalang tuyo sila lahat. Hanggang ngayon hindi pa ako nakameryenda ,nag dalawang isip ako mag kape o kakain ulit ng kanin ,Ang isip ko gusto ko uminom ng kape dahil malamig ang hangin at maulan tamang tama mainitan ang tiyan ko, Pero ang bunganga ko gusto kumain ng kanin.ano oras na kasi…

@Emeline

LUTONG KAHOY Magandang umaga Pilipinas Malamig na umaga pero maganda pagsikat ni haring araw, sigurado walang ulan . Gising na gising na kayo may lutong pansit ako dito. Inagahan ko na magluto, mga 5:15 gising na ako para magluto ng pansitcantoon sa dahilan walang laman ang gasul namin ...huhuhu tamad sana ako sa labas magluto malamig pa kaso wala magawa at kailangan ko talaga bumangon. Aalis kami at kailangan din nang asawa ko ipila ang motor nya para sa smoke test.ako…

@Emeline

BRAZILIAN BLOW OUT Galing ako ng LTO diretso ako sa mini salon . Sinamahan ko ang aking cute na kaibigan para ayusin ang buhok nya . birthday ng anak nya ngayon,tawagin natin sa pangalan "saysay".Ika 14 nya ngayon.ayaw nya maghanda importante maganda si Mama ok na sa kanya,simple bata walang hinihinge imbes na maghanda si mama muna. Tuwang tuwa na tong cute ko na kaibigan dahil nakapagrebond na sya ng buhok nya sa murang halaga dahil anniversary promo nila ngayon sa kakilala…

@Emeline

Madilim pa ang kalangitan nasa biahe na kmi . Nakipaglibing kami sa pinsan ng asawa ko.9:am ang misa ng burial nya kaya dapat maaga kami umalis 131.8km pa ang biahe namin . Sobrang 3hrs bago kami makadating doon. Mula Aklan hanggang Estancia Iloilo. Hindi pwede kasi hindi kami pumunta nakakahiya naman dahil walang representative sa pamilya namin kaya go talaga kami kahit maulan pa. Maambon ang panahon at malamig pa,Buti naman mamaya kung lumabas na si haring araw hindi na…

@Emeline

RAINY DAY Rain , rain go away Come again another day. Umuulan parin ang biahe namin pauwi.tapos na libing kanina pa pero may kunting salo salo kami para rin family bonding sa Isang resort ang venue ,nagkwentuhan ,nagpakilala ang mga apo kung sino ang mga magulang may mga pinsan na hindi pa nagkikita sa personal sa social media lang nag uusap kaya pagkakataon na kanina nagkakilala ang mga apo at mga magpinsan. Masaya kaming lahat nagkitakita at nagkwentuhan hanggang nabuksan…

@Emeline

Have a blessed Sunday Sunday is church day Kape muna tayo habang naghihintay lumalabas si haring araw,medyo mahangin sa harap ng bahay at malamig.tama lang to mainitan ang tyan . Araw ng pahinga ko ngayon dahil napagod ako kahapon sa biahe namin ,nakatulog ako kagabi ng maaga buti nlang ang sarap ng tulog ko nakabawi Ako. Ngayon pahinga muna,ipagluto ko ang mga bata ng pagkain at sabay kami kakain at pahinga ulit. Mahirap na pagbumagsak ang katawan natin ,ilang araw busy ako…

@Emeline

Suited kangkong Ano ba ginawa natin ngayon?sigurado ang iba dyan busy dahil Sunday ngayon "family day". Kami sa bahay lang lahat nagpahinga ng bongang bongga at nanood ng television. Habang nag movie marathon sila ako naman naghanda ng lulutuin ko ,ginawa ko dito ginisa ko sya sa sibuyas at kamatis ayos na ito sa amin . Walang sahog pero masarap parin,ito lang talaga ang ulam namin ,Hindi naman naghanap ang mga bata ng ibang ulam sanay naman sila manguya ng gulay.masarap ang…

@Emeline

Watching Jurassic Park Habang kumain si bunso ng hapunan nmin sabay nanood ng tv.hindi mapaawat ,Sabi ko sabay sabay tayo maghapunan sa misa pero talaga nagpamakaawa sa akin sa sususnod nlang daw. Nag enjoy sya ,at bigla rin napasigaw sa pinanood nya akala nya kakainin na ng dinosaur ang isang babae . Ang inggay nya bigla lumaki ang boses nya "TAKBO TAKBO" ang sabi nya akala nya maririnig sya ng babae 😂😂🥱🥱 Napatawa kami lahat ..sumingit si papa nya sabay sabi sa kanya"…

@Emeline

Araw ng trabaho ,Araw ng klase nman ngayon. Lunes na naman..Ang bilis ng araw lumipas. Bago ko sinimulan ang araw ko nag walking muna ako ng 30 mins para pawisan ang ganda panaman pagdating ni haring araw. Pagdating ko nagluto ako agad para makapag almusal para maya maya punta nman Ako school ng mga bata para kumuha ng module nila . Ang Ganda ng mga bulaklak na ito habang ako naglalakad napansin ko to sa daan at Hindi nakaligtas sa akin picture agad para may panshare ako…

@Emeline

Project Archimedes Ito kahapon ang ginagawa namin ng anak ko nanood at makinig sa video tungkol sa mathematics nila. Pagkatapos kunan sila ng picture at lagyan ng comments at ipasa sa group chat namin para Ikoconsolidate ng teacher nila at ipasa din sa district bilang report din nila every quarter. Natapos din namin ang video pinanood kahit maraming Arte ang ginawa ni bunso. Kàhapon din nag umpisa ulit ang module nila.ang ibang bata excited mag aral ng leksiyon nila.ay…

@Emeline

Kadalasan kong ginagawa pagkatapos ko kumain. Tumatambay sa halaman ko, Lalo na kung hindi ako natulog sa hapon.lagi ko tinitingnan sila ,kung sapat pa ang lupa nila sa paso o kailangan na dagdagan o diligan .inaalagaan ko sila araw araw .tuwing bakante ang oras ko sila agad kaharap ko. Ito ang kauna unahan bulaklak nya na bagong tanim ko bonggavilla na double ang petals nya hindi tulad ng yellow na single lang sya.ang tingkad ng kulay nya.ganda nila tingnan. Sa hapon Kay…

@Emeline

TERMITE Magandang umaga sa lahat, Kape muna tayo bago simulan ang lahat para tiyan natin mainitan. Sa totoo lang hindi talaga maganda ang umaga ko sana huwag kayo madamay ... 😂😂🤣 Halos buong gabi hindi ako nakatulog ,Hindi ko kasi akalain wasakin o anayin ang mga document s ng asawa mga importante panaman . last month hindi pa yan ganyan ang mukha . Tagapagwasak itong klaseng insekto.parang mababaliw ako sa kanila, kung tao lang tao ay naku kanina pa to sila palayasin..…

@Emeline

PEACE WITHIN CLOUDS Tumawag ako sa bahay sa akin mismo probinsya gusto ko lang kamustahin ang nanay,pero ang nakasagot ng tawag ko ang akin pamankin .kinamusta ko agad sila ..at sabay sabi niya masaya daw sila doon dahil may birthday, Hindi ko na naalala ang birthday ng Isang pamankin kong babae .. Dahil na patawag narin ako doon binati ko narin ang pamankin.nag sorry ako sa kanya dahil hindi agad ako nakabati. Ilang minuto pagkatapos ng pàg uusap namin may mga picture sya…

@Emeline

PANSIT CANTOON Gumising ako ng maaga kumakalam ang tiyan ko nagugutom.kagabi maaga ang hapuna ko . Insakto 5:00am nagising Ako pero ayaw bumangon tinatamad lang katawan ko. Hindi nakatiis nagutom ako,nagluto ng pansit cantoon at nag timpla ng kape para mainitan ang tiyan at sympre banat kain agad . Pagkatapos tambay ako Muna dito sandali bago simulan ang lahat. Pag medyo maliwanag na sa labas ,laging gawi mag walking muna nman ako kahit 30mins.tapos bago naman simulan…

@Emeline

Malapit nalang sya matapos .pinagawa ko lang to ulit noon kasi kahoy ang countertop ko kaso lang sa katagalan umatake ang anay sa bahay kaya naubos nila kinain ang lahat ng parte ng kahoy haggang nasira sya. Hindi pwede hayaan ko nlang dahil nga may gamit sa loob ng aparador at wala nman Ako paglagyan ,kaya dapat ipagawa ulit. Sakit sa ulo ang anay ,nagtitipid ako para istudyante ko pero sumingit talaga sya.kung baga "nagpagasto"sya sa akin. Buti nalang mabait to kapentero…

@Emeline

ALIMANGO -CRABS Tumawag ang kaklase ko sa kolehiyo pa kami doon kami maghapunan sa kanila dahil maraming kuha ang asawa nya ng alimango. Harvest ng alimango nila kahapon isa may ari ng katankihan ,Lasang Pinoy ang luto nya kaya masarap talaga. Kagabi ko pa sana to share dito kaso pagod na ako.anong oras na kami nakauwi 10pm na buti nlang 11pm na ngayon ang curfew. Pinadalhan pa niya kami pàg uwi.ang bait nman nya.tawagin natin sa pangalan ,"Jayking".nahiya ako sa kanya dahil…

@Emeline

Lutong Nanay Napasarap ang kain ko ngayon ..bumili ako kanina ng isang kilo Paras ng baboy nilaga ko sya.at nagprito ng tuyo para may partner para lalo maganahan sa kain Para masarap at maparami ang higop ng mga bata ng sabaw nilagyan ko nang mais at gulay na petsay. Mahal ang karne kaya baboy nalang kaya ng bulsa,mas masarap pa to sana kung karne.dibale sa sususnod nalang pàg maluwag ang budget. Minsan lang kami kumakain ng meat kadalasan gulay at isda lang dahil nag iingat…

@Emeline

GUSTO KITA Ito galing sa puso at hardin ko nagsasabi sa inyo lahat magandang umaga at bagong pàg asa. Dahil medyo malamig at makulimlim pàg gising ko hindi nako nakapaglakad. Dito muna ako sa hardin sa puting gumamela. May iba-ibang pangalan ang tawag kanya:. Tapuranga Taukangga Tapolanga Kayanga Arotanga Saysaya Sa amin ang tawag dito Tapurangga .Isa ito sa nagbigay Gaan ng loob ko tuwing umaga makikita ko na namukadkad tuwing umaga. Hindi lang yan marami din sya…

@Emeline

Chicharon Parang buntis ako habang nagpahinga ang isip ko talaga doon sa chicharon. Naglalaway iwan ko kung bakit ??bigla lang siya pumasok sa isip ko at hindi na ako mapakali. Insakto 2:00pm pumunta ako sa bayan at bumili nito para lang makatikim. Total doon na ako ,bumili na rin ako ng paninda ko para hindi masayang ang oras at pamasahe ko ,doble panaman ang pamasahe ngayon. Sa royal supermarket ko sya natagpuan.,.sympre natuwa naman ako ...matikman ko na sya ang chicharon…

@Emeline

LEFTOVER Maaga pa ang hapunan ko kanina . Bago mag 6:00pm kanina sumabay ako sa asawa ko kumain dahil pinapunta sya sa office nila ngayon gabi,may besita silang dumating para alalayan nya muna sila hanggan ok na sila bago nya iwanan,kaya napaaga ang kain namin Hanggang ngayon hindi parin ako dinalaw ng antok at ginutom pa.buti nalang may tira na spaghetti sa ref.kinain ko nalang,linuto ko to kahapon dahil nga may panday kami.tama tamang lang din to matunawan ako at makauwi…

@Emeline

ANIHAN NA Sa likod ng bahay ko sinalubong ang pagsikat ng araw kaninang umaga. Tama tamang ANIHAN na pala ,Ang may ari ang kapitbahay namin hindi rin magkalayo sa amin kundi pinsan namin. Napansin ko hindi madali mag harvest ng palay halos buong oras o araw mo nakayuko kaya hindi biro ang ginagawa ng isang magsasaka. Kaya ang mga bagay na yan ay dapat natin ipagmalaki , sapagkat malaking kahalagahan at papel nila sa atin na sya pinakunan natin ng pangunahing pangangailangan.…

@Emeline

Kakauwi palang namin galing sa bahay ng kaibigan namin.naimbetahan lang kami kanina ,doon kasi ang pinsan ng kaibigan namin ng asawa ko.hindi ko alam may plano pala mag bake ng cookies at brownies para bukas.hindi ito para sa amin mag asawa kundi para sa mga bata.. 😂😂😂😂 Hindi porket valentine daw bukas para lang sa mag asawa at mag nobyo at nobya ,para rin daw sa mga bata.. Nagluto sya ng cookies with Hershey fillings, tapos yon brownies nya may twist na coffee…

@Emeline

Araw na ng puso sigurado halos lahat ito na hinihintay nila. Ako walang date mangyayari muna sa labas ,dito muna kami sa bahay lahat magdate.. Busy ang asawa ko sa office may besita at may kailangan pa sila dapat tapusin na report bukas na ang deadline. Ang anak ko basta lunes sigurado online class na naman sila busy rin yon ganon din ang Unica iha ko. Ako Naman pagkatapos ng trabaho ko ngayon sa school naman ang diretso ko dahil araw nman Ng pasahan ng module. Kuha ko to…

@Emeline

Doughnut sapat na Umuwi ang asawa may pasulubong doughnut sa amin kaya laking tuwa ng mga bata may dalang pasalubong si papa nila . Sabi ni bunso ito ang valentine's date natin lahat dapat sabay sabay tayo mag meryenda .. hahahaha,natuwa ako sa kanya parang oinaiba nya lang ang araw nato ,lagi nman kami sabay lagi sa meryenda. Sapat na to sa akin ..laking tuwa ko .Tara na meryenda tayo ..kahit busy ako ngayon sa project ng mga Bata pero hindi pwede hindi ko kayo sisilipin…

@Emeline

TINIG SA RADYO Habang nagkakape nakikinig muna ako ng balita sa radyo ,dahil may update na daw nasa level 2 na kami. Huwag muna ako maglakad medyo mabigat ang ulo ko paggising parang masama ang pakiramdam. Dito muna ako sa munti kong radyo ito ang paborito ko kalibangan sa hapon lalo na nasa hardin ako tumatabay pagkatapos kumain sa tanghalian o hapunan. Bago pa man tayo umasa sa telebisyon at internet para sa mahalagang impormasyon ,nariyan na ang radyo upang ihatid sa atin…

@Emeline

TORTANG TALONG Kagigising ko lang masakit ang ulo pagkatapos ko ng trabaho kanina bumalik ako sa kwarto at natulog.hindi ko namalayan anong oras na pala kaya nakaramdam ako ng gutom.ayaw ko pa sana bumangon at kumain, pero hindi pwede kailangan ko talagang kumain para makainum ako ng gamot tortang talong ang ulam ko kaninang umaga pa to. Kahit walang gana pinipilit ko .hindi pwede ganito lang ako , marami pa kami ni bunso dapat sasagutan na module dahil bukas na ang pasahan.…

@Emeline

Araw na maganda ang pakiramdam at maganda ang kalangitan ,parang ako'y nabuhayan ulit . salamat ok na ang pakiramdam ko buong araw kahapon nagpahinga ako kaya ngayon powers ulit. Balik ulit sa paglalakad para palakasin ang katawan para malayo ulit sa sakit. Pero langhapin ko muna ang sariwang hangin at pàg init ky haring araw . Kung tingnan mo ang langit ay kulay asul at ang liwanag ay waring kumikinang . Tumingin lang ako sa paligid ng puno ng punongkahoy kahit papaano…

@Emeline

DOORKNOB Sira ang doorknob namin kaya binilhan ko nlang sa Mr.D.I.Y. kasi nakita ng asawa ko may sale doon para makatipid ako at swak naman sa bulsa. Ilang taon din gamit namin maliit pa ang panganay ko naka 24 years na rin bago sya sumuko.sulit naman at ang tibay nya. Pero ito binili ko ,hindi ko alam kung hanggang kailan to sumuko sa amin.alam nyo nman ngayon mga gamit iba kumpara noon matitibay at makapal,kaysa ngayon maninipis at madaling masira. Laki naman na discounts…

@Emeline

Peppermint tea Hindi maiwasan sa umaga malamig parin kung minsan ang dapya ng hangin. Pero sobrang init naman pagdating ng tanghali. Bago umpisahan ang trabaho tara na magpainit muna tayo ng tiyan natin.ang iba diyan sigurado kape ang paborito sa umaga? Tea ang gusto ko.gusto ko lang tikman ang binigay ng kapatid ko tea ,parang nakakaiba sa paningin ko ,binili nya daw sa S&R .Ang lagi ko ginagamit Lipton na green tea. Hmmm,sa totoo lang ha...masarap ang hagod nya sa…

@Emeline

Malungay at Sayote Ginisang Sayote at malunggay ang ulam namin sa tanhalian na may konting sahog na baboy.para may sabaw ang mga bata. Simpleng luto pero masustansya at mura pa.bumili ako ng 30peso ang kilo ng Sayote at baboy na pansahog na 50 peso laman dahil mahal ang kilo ngayon nasa 240 per kilo na,umaaray na ang bulsa ko para may pangsahog lang. Ang malunggay sa gilid lang ng amin bahay kaya libre sya.nagustuhan nman ng mga bata at alam ko marami maidulot na benepisyo…

@Emeline

BLOOMING Medyo hindi nakatulog kagabi ,alam nyo nman usapan babae ..buwan buwan nangyayari to.medyo mainit ang noo at katawan kaya hindi na ako umalis para mag walking dito nalang sa bahay . Dito ang destinasyon ko sa garden para maka pàg exhale inhale at kunting galaw galaw ang katawan .para mapawisan at lumabas din Ang mga toxic sa katawan. Habang gumagalaw ang katawan ang akin mata doon sa mga halaman ko puno ng mapupulang bulaklak pati ang mata ko nabusog na rin sa…

@Emeline

Batang makulit Oras nang pahinga,pero ang mga bata itong super energetic hindi nagtutulog sa hapon .anak ng kapitbahay namin. Ang nilalaro nila ang bulaklak ng halaman kong bonggavilla ginagawa nilang lutolutoan. Kung minsan yon kandado ng gate namin kaya kung gabi hanapin mo nawawala na ilan beses na ako nagpalit. Binuksan ko gate para medyo may harang dahil naglalaro rin sila skateboard baka dumiretso sa kalsada naku baka madegrasya pa.pero kusa parin nila sinerado. Iwan…

@Emeline

Araw at buwan February 19,2022 Time 6:05 Saturday Oh. May ganito Pala Paglabas ko sa harap ng bahay pagdating na si haring araw ang ganda ng kalangitan at panahon. Sa ikalawang kuha ko..sa likod ng bahay namin nakita ko nandyan pa si buwan ..nabigla ako at nagtanong sa sarili ko pwede Pala yon.hindi pa nakauwi si buwan padating na si araw. Nagkasalubongan sila.hinihintay ko mawala si buwan pero medyo matagal bago mawala at si araw nman pasikat na pasikat na sya.siguro na…

@Emeline

Sibuyas at kahoy Namalengke ako kanina, bumili ako ng paninda ko sa bayan, wala na kasi laman ang munting tindahan ni Aling Emeline. Mga pangunahing pangangailang sa kusina ang lagi ko binili dahil mabinta ito sa tindahan ko. Mura na ngayon ang kilo ng sibuyas mula 220per kilo bumaba na sya sa 80 per kilo.ang layo na Ng deperensya.pero sa buwan ng pasko at bagong taon napapa aray ka sa presyo nito. Ilang kilo ang binili ko total mura nman sya Isa pa sabay ko na rin ang…

@Emeline

Kanina nandyan pa siya bago kami kumain,pagkatapos ko kumain lumabas ako ulit biglang nawala na sya madilim na ang kalangitan at parang babagsak ang ulan na hindi nman. Medyo malakas din ang hangin parang pasko ulit ang simoy ng hangin. Masarap itulog ang ganitong panahon malamig lamig pero hindi pa ako inaantok. Magpahangin muna ako dito sa labas kahit medyo malamig ,pero masarap parin sa pakiramdam nasa mood lang siguro ako . Mamaya sigurado iiyak ang langit dahil makapal…

@Emeline

SUN-DYE Pagtulog ng maaga sa araw ng sabado At pàg ngiti sa araw ng linggo. Araw ng pagkaroon ng oras sa tahanan ng panginoon.ito ay isang paraan ipakita sa mga bata,ang linggo ay espisyal na araw at nagsisimba tayong tuwing linggo upang sambahin ang ama sa langit at panginoon mag aaral tungkol sa kanila. Oras ng pagbigay halaga sa pamilya kung baga family bonding. Pagkatapos ng lahat ,nakasimba na kami ,nakakain narin ng almusal at nakalinis na ng bahay. Oras na naman sa…

@Emeline

On the way to Malinao , Aklan Isang masamang balita sa amin noon Friday yon inaanak namin nadisgrasya . Every morning bumili sya ng kape sa akin at powder na panlaba,kaya lagi sya nakikita dito sa amin bahay. Sa kabilang bahay lang sya nakatira ,nangungupahan siya dahil malayo pa kanyang bahay sa airport siya nagtrabaho. Dalawang araw siya hindi nakatambay dito sa amin,yon pala na disgrasya siya. Day off niya kaya umuwi sya doon sa kanila bayan medyo malayo pa galing dito sa…

@Emeline

Maagang gumising Maagang naghanda Maagang nagluto Maagang kumain. Araw ng lunes , Araw ng trabaho Dito naman ulit nakaikot ang buhay pagkananay ko buong linggo.magaagang gumising para ipagluto ang asawa ko dahil maaga siya aalis ngayon dahil may travel sila may importante lakad. Bago siya umalis dapat naka kain siya,medyo malayo pa kasi ang puntahan nila. Kàhapon binili ko na agad ang uulamin nmin ngayon para n lutuin ko nlang.hindi ko alam ko anong pangalang niluto ko…

@Emeline

CARD DAY Pumunta ako school ng anak ko sa high school,nagpasa ng module at nag kuha ng card nya . Pagpasok ko doon ang daming tuyo ng dahon sa playground nila ,doon kasi ako dumadaan para malapit lang sa room nila. Hindi ko alam kung ano ang pangalan ng kahoy na ito,ang dami nila isang linya tapos may mga upuan at misa parang ginawa ng istudyante pahingahan o pasilongan habang wala pang klase siguro noon . Maulan at malakas ang hangin kaya siguro nagkaliparan ang mga tuyong…

@Emeline

CRABS Good morning kainggay medyo malamig naman ang umaga masarap pa sana matulog pero hindi pwede kasi ang kusina na natin kailangan na galawin para may pagkain tayo. Aalis ako mamaya pàg office hour na may asikasuhin na nman akong papers sa anak ko sa kolehiyo. Madilim dilim pa nag luluto na ako.alimango Ang ulam namin tamang tama to sa almusal namin tag iisa kami. Bigay ng mapagbigay na kapitbahay namin ,medyo maliit siya klaseng alimango pero matataba.niluto ko lang siya…

@Emeline

PATAK NG ULAN Hayan naligo ulit sa ulan ang mga alaga kong halaman.matataba na sila .sa likod ng bahay namin to nakapwesto malapit sa gripo Ng kusina ko para madali lang pagdilig ko sa kanila. Makulimlim kanina pàg gising ko ,lumabas si haring araw makadali tapos biglang nawala yon pala iiyak ang langit. Pero alam nyo ba,iba ang takbo ng panahon ngayon araw,biglang uulan at bigla din maliwanag ang kalangitan hindi ko alam ,mainit na maambon na maulan...baka mamaya marami…

@Emeline

Spicy noodles Medyo malamig ang umaga ko ,gusto ko magkape pero ang tiyan ko nag alburuto. Walang natira na ulam kagabi simot lahat basta adobong baboy mga bata paborito nila yan. Konti lang ang kain ko gabi,kaya maaga ako ginutom.pag adobo baboy ang ulam ayaw ko ,pero kung baboy na may gulay ayos yan sa akin. Nag luto muna ako ng noodle na labuyo para magana ang kain ko at maubos lahat linagyan ko siya ng baguio petsay para may gulay. Malamig at medyo mahangin kaya tama…

@Emeline

Kakarating ko palang galing sa bayan .bumili ako ng ulam namin para sa tanghalian . Bumili na rin ako ng Isang tray na itlog , carrot at Isang kilo din patatas. Dahil nga wala dito ang asawa ko kailangan ko na bumili ng pankonsumo namin lalo na sa umaga kahit itlog nalang kami ayos na o kaya corned beef na may patatas gusto na yan ng mga bata. Tama tamang pàg uwi ko biglang bumuhos ang malakas na ulan ay naku basa ako. Pag alis ko walang ulan kaya hindi ko na dinala ang…

@Emeline

My dinner Isa na naman mabait kung kapitbahay..may pasalubong sa amin ng maki o ano ba ang tamang tawag dito sushi o maki. Galing siya sa trabaho niya ,binigyan siya ng boss niya ng maki 5boxes .Ang dalawa binigay nya sa amin, hindi naman nila mauubos dahil dalawa lang silang mag asawa. Tuwang tuwa nman ako ,ilang taon na hindi ko na to natikman dahil bihera na may tinda umpisa na may pandemic. Mayroon nman sa citymall na tinda nito ngayon,kaso iba to para sa akin, sarap…

@Emeline

Lumabas na siya Ganda ng panahon ,hindi na umiiyak ang langit. Nakangiti na ang araw sa atin maliwanag na ang kalangitan. Dito naman ako ulit sa harap ng bahay,habang umiinom ng mainit na tubig nagpapainit ky haring araw. ito lagi ginagawa ko sa umaga nagpapainit sandali bago magsimula ng trabaho,pàg hindi ako nakawalking. Lumabas na si araw napag isipan ko na maglaba nalang ako mamaya.samatalahin ko nalang ang init ,dalawang araw na umuulan ,kaya Dami ko na rin…

@Emeline

Ginisang gulay Bago mag umpisa kumain flex ko muna ang niluto kong ulam.tara na kain tayo,medyo late na ang tanghalian namin . Ginisang kalabasa at malunggay na may sahog na konting baboy.sarap daw sabi ng mga bata kahit ako gusto ko rin.pag gulay ang ulam namin gusto ng mga bata lalo na kung ginisa sa baboy . ang bunso ko maparami ng kain dahil may sabaw. Hindi ko na niluto sa kahoy ,gasul ang ginamit ko dahil pagod na ako sa kalalaba ano oras na ako nakatapos tapos nagluto…

@Emeline

Complete and nutritious food Isang masaganang pagkain ayos na sa almusal namin bago simulan ang mahabang biahe. Nilapwahan o nilaga (steam) sa English na okra at dahon ng kamote.pritong talong at nilagang itlog na may kamatis ..ano pa hananapin ko completo na para dagdag ang lakas ng katawan. Pinagana ng sinangag na delis . Ito ang hinanda ko ngayon almusal namin para makakain ang asawa ko ng gulay ilang araw baboy lagi ang ulam nila.kagagaling niya galing ng travel nila…

@Emeline

From Kalibo to Iloilo via Antique Tara na samahan niyo ako sa akin paglalakbay. Medyo matagal pa ang biahe namin galing Kalibo to Iloilo pero dito kami dumaan sa Antique . May mga importante lakad lang kami mag asawa Hindi na kasama ang mga bata bukas uuwi din kami Isang gabi lang kami. Yon sa 2nd picture dito kami sa Antique, huminto kami nag pahinga sandali para magkape pero kung titingnan mo ang kuha ko dito ang ganda dahil sa kabila ng mga niyog dagat na yan.tamang tama…

@Emeline

Bananaque good for stress Sa habang biahe ko ito ang nadatnan ko sa amin probensiya . tama tamang pagdating ko kanina may meryenda ang nanay ko hinanda sa amin. Pag sa probensiya namin maraming pananim ng saging ang Nanay namin para daw pàg wala kaming kanin ito ang pang tawid gutom namin noon bata pa kami. Masaya kaming nagtipon tipon kanina habang kumain ng niluto ng nanay sobrang na miss ko rin ang luto niya kaya maparami ang kain ko. Kahit anong oras na kami dumating…

@Emeline

Welcome Cabatuan Namangha ako sa sikat ng araw. Kaya ninamnam ko na siya agad.Dito to sa bahay ng nanay ko kakatapos ko lang magligo kaya painit muna ako, bago umalis naman ulit. Sentro talaga sa harapan ng bahay ang sikat niya.maganda ang pagspasok niya .sana maganda din ang pasok ng swerte natin ngayon araw. Ganda ng panahon,ang lugar at tahimik dito. Nag iisa lang ang nanay ko dito sa bahay umaga pa siya naggising para pakainin ang alaga niyang manok at aso. Ito ang…

@Emeline

Stop over SM City Pagkatapos ng libing diretso kami sa bahay nila ulit,dahil nga may pantanhalian sila hinanda sa amin lahat. Maaga pa natapos mga 11am dahil maaga ang burial mass . Kaya kwentuhan sandali bago lumarga ulit.Tamang 12noon kami umalis sa bahay ng kaibigan namin .medyo mainit ang panahon ,Kaya gusto ng asawa ko punta muna kami sa sm para mamasyal kahit sandali lang kahit umiinom lang kami panpalamig.,pero doon na kami sa loob para nagmamadali na rin kami lumabas…

@Emeline

CHILLAX Sa wakas nasa bahay na kami .ilang oras kami bago nakarating sa amin. Galing Iloilo to Dumarao ,Capiz dalawang oras ang biahe.may kapatid ako ditong babae nakatira kailangan ko rin siya puntahan at kamustahin sila ng mga anak niya tatlo lang sila bahay nila kasi nasa biahe rin ang asawa niya. May bigas at saging pinadala si Nanay para sa kanya ,kaya need ko puntahan siya para idaan ang pinadala sa kanya,pagdating doon nagkape muna kami pero hindi mapigilan ang amin…

@Emeline

Walking by the river Maganda ang panahon Balik ulit tayo sa paglalakad Dito muna ako sa tabing ilog Para damhin ang masarap na hangin at sikat Ng init. Bago sa paa ko ang pagmasahi ng mga bato habang ako naglalakad. 10mins ang biahe papunta dito . Nagmotor muna kami ng asawa ko para makarating dito para makapagrelax din . Magaan sa pakiramdam ko pagpinawisan ako bago ko simulan ang lahat. Kung minsan kasi paggising ko sa umaga masakit ang mga joint ko sa paa ko kaya…

@Emeline

Gawang Sebaste,Antique Bandi,bukayo,butongbutong,o ano man ang tawag dito sa inyo yon na yon. Binili ko to isang araw pa sa Antique Sebaste nasa biahe kami , marami nagsasabi na mura at masarap ang bandi at bukayo gawang Antique. Tinuro kami ng kaibigan namin na may Isang pagawaan doon at mura lang.pero hindi namin alam kung ano barangay yon ,kaya doon nalang ako bumili sa isang tindahan na binabagsakan din nila.mura nga kumpara dito sa amin bayan. Marami ako binili ,ginawa…

@Emeline

SINAING NA ISDA Ulam sa hapunan Sinain na isda Manamis namiss at maasim Nanunuot sa ilong ang amoy Sa mukha niya palang magana na Ito ang ulam ko ngayon ,kompleto rekados kaya malasa at mabango.naparami ang kain ko dito.para maganda siya tingnan linagyan ko ng hiniwa na lemon.napawow ang mga bata at sympre may palapak din ako sa kanila. Natuwa din ako na appreciate nila ang effort ko para maganda sa mga mata nila. Kailangan din kung minsan may pasabog sa kanila para masaya…

@Emeline

Saging at Bagoong Basta lunes ,araw ng trabaho ,pasahan ng module,busy busyhan ang lahat. Katapusan ng buwan ,bukas panibagong buwan na naman ang bilis ng panahon. Ito lagi ginawa ko gumising maaga para ipagluto sila para makakain bago umalis papunta ng trabaho. Nilagang saging para sa almusal nmin mamaya na lang kami magkanin.pinadala pa to ng Nanay ko galing sa amin probensiya. Tama tamang sa ginisang dayok o Bagoong na binili ko kahapon may naglako dito sa amin. Sarap…

@Emeline

IBONG MAYA Nakapasok siya sa bahay ,matamlay at parang may hinahanap. Mukhang malungkot siya baka iniwanan to ng Nanay niya.kinuha ko siya at kinuhaan ng picture pero makikita sa mukha niya ang kalungkutan at ayaw niya humarap sa camera ayaw niya mag papicture ,masungit siya sa akin. Pero pagkatapos ko kuha ng litrato sa kanya.pinakain ko siya pero ayaw pa rin niya. Naawa ako ,sabi ko pakawalan ko nalang siya baka sakali mahanap niya ang mga kasamahan niya o ang nanay…

@Emeline

KAMAYAN Bagon buwan na Sana papalain tayo ng panginoon Mula sa simula hanggang sa katapusan g buwan Buwan kung saan nagsisimula ang bakasyon at summer. Pero buwan parin ng tag ulan to??malakas ang ulan dito sa amin at mahangin. Flex ko lang to ang hapunan namin kagabi . Kamayan ang ginawa namin para nakakaiba nman, ito kasi ang gusto nila, parang may pasabog si Nanay Emeline sa kanila.hindi kami nagsabaw gusto ko kamayan.natuwa nman sila ganda daw kahit konti pero galing ko…