TINIG SA RADYO Habang nagkakape nakikinig muna ako ng balita sa radyo ,dahil may update na daw nasa level 2 na kami. Huwag muna ako maglakad medyo mabigat ang ulo ko paggising parang masama ang pakiramdam. Dito muna ako sa munti kong radyo ito ang paborito ko kalibangan sa hapon lalo na nasa hardin ako tumatabay pagkatapos kumain sa tanghalian o hapunan. Bago pa man tayo umasa sa telebisyon at internet para sa mahalagang impormasyon ,nariyan na ang radyo upang ihatid sa atin ang mga kailangang balita. Ito ay malaking bagay noon sa tao para makasagap ng ibat ibang TINIG at tunog mula sa malayong ibayo.at nagpapalawak ng pananaw sa mga isyu,at musika nagbigay buhay. Ano man ang tinig na marinig sa radyo,ito ay tinig ng isang mamayang may kalayaan sa pamamahayag. #voice on the radyo #mabuhay Pilipinas
No comments yet