Project Archimedes Ito kahapon ang ginagawa namin ng anak ko nanood at makinig sa video tungkol sa mathematics nila. Pagkatapos kunan sila ng picture at lagyan ng comments at ipasa sa group chat namin para Ikoconsolidate ng teacher nila at ipasa din sa district bilang report din nila every quarter. Natapos din namin ang video pinanood kahit maraming Arte ang ginawa ni bunso. Kàhapon din nag umpisa ulit ang module nila.ang ibang bata excited mag aral ng leksiyon nila.ay naku!!ayaw niya kaya halos wala sa mood . Kung wala ako sa tabi nya, sigurado wala rin sya sa module nya .kaya magbibigay talaga ako ng oras para sa kanya para makasagot lang sa takdang aralin nya. Hirap naman maging instant teacher na hindi naman nagkikinig ,alam nya na Nanay ka. Ganito rin ba sainyo? Sa lahat ng anak ko ito lang ang bunso ko na ayaw mag aral gusto nya laro lagi.nahirapan ako pagdating sa module , noon na school sya kahit ayaw nya mag aral pero takot sya mag absent at kahit paano gumawa sya ng takdang aralin.ngayon naku lalo tinatamad sya lalo ako nagtuturo .ayaw niya sa akin hindi naman daw ako teacher. Sana babalik na sa normal ang lahat para hindi na mahirapan ang mga bata lalo na ang mga Nanay. #project #video #module 📸 Emeline
2 comments
Nakuh yung sister ko naman ang nahihirapan dahil yung mother walang tyagang magturo kaya si sister ko ang nahihirapan ayaw din magpokus para kang nakikipag usap sa pader araw araw stress super hyper sobrang nakakahilo
Super stress sis kailangan extra tiyaga walang alam Sila lalong madagdagan kung pabayaan lang