read.cash Log in
@Emeline more from that month

Malungay at Sayote Ginisang Sayote at malunggay ang ulam namin sa tanhalian na may konting sahog na baboy.para may sabaw ang mga bata. Simpleng luto pero masustansya at mura pa.bumili ako ng 30peso ang kilo ng Sayote at baboy na pansahog na 50 peso laman dahil mahal ang kilo ngayon nasa 240 per kilo na,umaaray na ang bulsa ko para may pangsahog lang. Ang malunggay sa gilid lang ng amin bahay kaya libre sya.nagustuhan nman ng mga bata at alam ko marami maidulot na benepisyo sa kanila lalo na ang sayote na napakabisa din sa pagbawas ng timbang dahil wala itong cholesterol at bagay din ito sa akin ang ganitong gulay. Sinamahan pa ng malunggay na mayaman sa bitamina at nagpapalakas ng katawan ng mga bata.Kaya ugaliin kumain ng gulay para lalo humaba ang buhay. Lalo pinasarap ang luto ko ,dahil lutong kahoy. Iba ngayon nag meryenda na ,kami kakatapos palang nang tanghalian dahil ang almusal nmin kanina ano oras na rin. #lutong kahoy 📸Emeline

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.