read.cash Log in
@Emeline more from that month

Kakauwi palang namin galing sa bahay ng kaibigan namin.naimbetahan lang kami kanina ,doon kasi ang pinsan ng kaibigan namin ng asawa ko.hindi ko alam may plano pala mag bake ng cookies at brownies para bukas.hindi ito para sa amin mag asawa kundi para sa mga bata.. 😂😂😂😂 Hindi porket valentine daw bukas para lang sa mag asawa at mag nobyo at nobya ,para rin daw sa mga bata.. Nagluto sya ng cookies with Hershey fillings, tapos yon brownies nya may twist na coffee flavor,dinamihan nya talaga ang chocolate para magustuhan ng mga bata. Tagumpay ang luto niya,ang galing!!Hindi naman sya nag aral sa pagluluto kundi natutunan lang niya lang sa youtube .nag aaral palang sya ngayon sa kolehiyo sa kursong engineering.mahilig lang siguro mag bake.pwede rin nya makitaan balang araw kung gugutuhin nya,pero sabi nya panpamilya lang daw.pero ang kinalabasan ang sarap , special ang dating niya. Hindi ko nag expect pagdating sa bahay akala ko bukas na nila kakainin,naku hindi nakaligtas kinain na nila agad pati ang tinapay na kababayan ko para bukas sa kape dalasa pa.may pa cup noodles pa sila #midnight snack #cookies& brownies 📸 Emeline

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.