IBONG MAYA Nakapasok siya sa bahay ,matamlay at parang may hinahanap. Mukhang malungkot siya baka iniwanan to ng Nanay niya.kinuha ko siya at kinuhaan ng picture pero makikita sa mukha niya ang kalungkutan at ayaw niya humarap sa camera ayaw niya mag papicture ,masungit siya sa akin. Pero pagkatapos ko kuha ng litrato sa kanya.pinakain ko siya pero ayaw pa rin niya. Naawa ako ,sabi ko pakawalan ko nalang siya baka sakali mahanap niya ang mga kasamahan niya o ang nanay niya.malaya na siya lumilipad palayo sa amin bahay sana mabuhay siya at makabigay pa ng maraming ibong tulad niya. Ibong Maya ang tawag namin dito,sa ngayon parang unti unting na sila nawawala hindi tulad noon makikita mo sa palayan ang dami nila. Kahit sa likod ng bahay namin sa may puno makikita ko parin dumadapo pero ngayon wala na. Marami na kumuha sa kanila at binibinta .kung minsan hindi rin maalangan ng mabuti kaya namamatay sila.mas mabuti nalang palayain sila para dumarami pasila. #ibon#malayang lumilipad #magandang hapon PILIPINAS @Emeline
No comments yet