Sibuyas at kahoy Namalengke ako kanina, bumili ako ng paninda ko sa bayan, wala na kasi laman ang munting tindahan ni Aling Emeline. Mga pangunahing pangangailang sa kusina ang lagi ko binili dahil mabinta ito sa tindahan ko. Mura na ngayon ang kilo ng sibuyas mula 220per kilo bumaba na sya sa 80 per kilo.ang layo na Ng deperensya.pero sa buwan ng pasko at bagong taon napapa aray ka sa presyo nito. Ilang kilo ang binili ko total mura nman sya Isa pa sabay ko na rin ang pankonsumo namin para isahan na ,mahal pa rin ang pamasahe para hindi na magasto . Bumili na rin ako ng kahoy sa pinagdaan namin sa Isang barangay ok lang ang presyo ng Isang tali nila nasa 60 hindi tulad sa isa pwesto ang mahal din.kung saan ang mura doon lng muna ako para makatipid. Masarap kasi ang luto sa kahoy.mayroon nman akong uling pero kung minsan inaalalayan ko ng kahoy para hindi magasto sa puro kahoy,,pagmarami ang lulutuin mo mas maganda sa kahoy makatipid sa gas at yon huli na apoy pwede pa ako makainit ng tubig para ilagay sa thermos at may pangkape sa hapon. Yon gasul ko ginagamit ko nlang kung may lulutuin akon panmadalian . Lahat ginawa ko nalang maging wais nanay. Kain na kayo??Ako kakatapos lang kaya nakapagtambay na dito.
1 comment
Mura na bili nila sa farmers ngayon 15-20 nalang kilo