read.cash Log in
@Emeline more from that month

LUTONG KAHOY Magandang umaga Pilipinas Malamig na umaga pero maganda pagsikat ni haring araw, sigurado walang ulan . Gising na gising na kayo may lutong pansit ako dito. Inagahan ko na magluto, mga 5:15 gising na ako para magluto ng pansitcantoon sa dahilan walang laman ang gasul namin ...huhuhu tamad sana ako sa labas magluto malamig pa kaso wala magawa at kailangan ko talaga bumangon. Aalis kami at kailangan din nang asawa ko ipila ang motor nya para sa smoke test.ako naman may importante lakad para tipid sa pamasahe sabay nalang ako sa kanya. Buti nalang maapoy ang kahoy ko.at naganahan na rin ko magluto sa labas Kaya pati kanin doon ko nlng niluto. Hayan nakahanda na kakain nalang kami ,sympre bago kumain share ko muna dito. Tara na kain na tayo...para mabilis matapos Ang kain ko iwanan ko muna kayo . #pansitcantoon #good morning Pilipinas #my photo Emeline

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.