Sa sobrang busy ,relax muna ako sandali dito. Sakit na ng paa ko,sana mamaya tuloy kami sa manggahan festival.
Joined 23 October 2022 · 2620 posts
Simple and humble
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Sa sobrang busy ,relax muna ako sandali dito. Sakit na ng paa ko,sana mamaya tuloy kami sa manggahan festival.
Good morning!! kamusta na Po? Araw araw busy talaga Ako,ngayon paliguan ko naman ang alaga ko,kasi mamayang hapon nasa garden nman ako ulit .. Ingat po tayo sobrang init Po ngayon
Salamat sa mga katarabaho ng asawa ko sinama nila ako sa birthday party ng bossing nila sa Westown hotel sa Iloilo.Nag enjoy ako doon isa rin ako sa nakatangap ng mga giveaways nila ,pero yon nagustuhan ko yon sa pangatlong picture pwede ka magrefill ng pabango. #65birthday #retirement day


Maagang pamasko galing sa close friend namin. Syempre masaya naman ako nakatanggap ng bagong sapatos lalo na paborito ko ang kulay nito at may alak rin ang asawa ko. Pwede na ito gamitin ang alak sa palapit ng kaarawan ng asawa ko sa susunod na buwan. Goodnight everyone .. #feeling blessed
Relax Muna Tayo sa tabing dagat #lunch
Ang akin hapunan, luto ng akin kaibigan dito sa amin bahay. #creamy carbonara
Evening visitors.. Pagkatapos nila kumain ng hapunan ,inuman agad red horse with talaba . Masarap rin ang luto ko chicken teriyaki para sa hapunan namin kahit betin sa sauce, pero ang saya parin nila dahil nabusog sila.

Tara kape tayo ,pangpagising ng kaluluwa ,ilang gabi na kulang ako sa tulog.Dumating ang anak ko kasama ang katrabaho niya kaya busy lagi at ano oras na makatulog. Kaya bawi ko nalang sa kape to. Good morning 🌞🌞

Welcome home inaanak ko!!! Ilang taon hindi nakauwi sa bahay nila at dito sa amin.Kung minsan kailangan magtrabaho sa labas ng bansa para iraos ang mga kapatid niya kahit masakit lumayo siya sa kanila lalo wala na silang Nanay at Tatay. Pero dito na siya tuwang tuwa pumunta sa bahay kahit paano binili niya parin Ako ng pasalubong. Mahal man ito o mura mahalagang mahalaga ito para sa akin ,kahit walang pasalubong basta makita ko lang sila safe at masayang umuwi sa bahay masaya na rin ako para sa kanila. Lord thank you sa blessing 🙏🙏 Goodnight everyone .

My stress reliever Buong week na busy mula na mayroon pasok mga bata lalo na ngayon marami akong ginagawa. Kaya sa pagkain nalang ako bumabawi ..
Isang linggo busy pati mga bata busy narin sa school nila . Naglalambing lang naman sila para kumain sa labas,sympre alam naman natin kung minsan basta pagdating sa mga bata lahat gagawin para mapagbigyan ang hiling nila. Tuwang tuwa sila dahil lahat na order nila nagustuhan nila kaya worth din ang bayad namin . Salamat Lord sa masarap na hapunan namin.
Good morning everyone.. Lunes na naman ulit . Ang bilis ng araw may klase na ang mga bata ngayon. Maaga pa ako gumising para magluto ng pagkain. Maaga rin nakatanggap ng blessings galing sa inaanak ko dahil paalis na siya papunta maynila. Kaya tara na kain tayo pizza sa umaga. Have a blessed Monday
Swimming with my kids at Evergreen Resort
Na miss ko agad ang mga pamankin ko. Ilang weeks sila nagbakasyon sa bahay. Ayaw pa sana nila umuwi kaso hindi pwede malapit na naman ulit ang pasukan. Marami pa sila gagawin sa kanilang bahay.Hindi na papayag ang kanilang magulang dahil matagal na sila dito sa amin. Nag enjoy sila dito kasama ang anak ko nakapagbonding din ang mag pinsan. Kahit ilang linggo na sila dito pero bitin parin para sa kanila..masayang masaya naman ang mga anak ko nakagala silang magpinsan sa Boracay at sa amin bayan. Kaya sa sususnod na bakasyon may plano sila babalik ulit dito. Goodnight everyone..


Tara kape tayo ! Masarap magkape sa bahay ng kaibigan mo lalo na may kasamang kwentuhan walang kabuluhan.. May importante lakad lang sa kanila .
Masaya ang Unica ija ko at ang pinsan niya sa kanilang Boracay trip. Ito ang hiling nila kung magkaroon ng honor sa school kaya hindi na kami nakatangi sa kanila. Kahit magasto pero sulit naman.
Ito ang pinakamagandang araw ng akin inaanak kung saan aakyat siya sa taas ng intablado. Masaya ako sa kanya kahit wala na siyang magulang pero sumisikap parin makatapos. Ito rin ang simula ng buhay niya patungo sa tagumpay.. Congratulations inaanak ko...

Sundate with my inaanak Today was fulfilled!

Good morning everyone Kape at suman latik ...Tara na kain tayo.. Sigurado maraming tao sa dagat ngayon pero kami dito lang sa bahay. Happy fiesta San Juan!!!
Biglaan pagkikita namin ni kumari sa isang drug store,halos namiss namin ang isat isa kaya sa isang resto rin kami umabot.nag snack kami doon habang nagkwentuhan. Maliit talaga ang mundo hindi ko inaasahan magkikita pala kaming dalawa.

Day off nang asawa ko kaya heto lumabas kaming dalawa lang iwan ang mga Bata sa bahay. Miss niya lang uminom sa labas para makabonding din na kami lang... Masaya talaga ako pagnagyaya ang asawa.. Lalo na kung gusto ko binibili niya sa pagkain lang kasi ako maluho. Good night..
Sa wakas nakauwi na rin ang bunsong kapatid namin isang gabi.masayang masaya si Nanay sa pagkikita nila kahit sa pagsundo sa airport hindi pahuhuli. Kahit pagod sa biahe pagkasama na ang pamilya baliwala na sa kanya ang lahat basta makita lang ang masaya kami lalo na si Nanay. Salamat nakauwi narin at makapahinga sa trabaho ang kapatid ko.
Nakarating man ako dito at gustong gusto ko tong belhin ang damit na sinusukat ko para gamitin ko sa graduation ng anak ko, pero pagdating sa presyo nahihinayang ako mahal na ito para sa akin sobrang isanglibo kaya hanap muna ako ng mura. Kahit nang doon na ako sa mall pinagliban ko parin . Masaya kaming mag asawa nakapasyal ulit sa Fistive walk ,kahit naghintay kami ng matagal sa mga bata sa labas,iba rin kasi ang trip ng mga bata.


Selfie muna habang naghihihintay matapos ang PMS ni Raize. Good morning..

Bago umuwi ng Aklan kumain muna kami, Ito ang panpawi ko sa pagod pagkain.Galing kami sa bahay ni Nanay dumaan muna kami sa isang fastfood para tuloy tuloy na ang biahe namin kasi medyo malakas ang ulan sa ibang lugar na dinaanan namin.kaya ingat po kayo .

Happy mother's day!! Simpleng hapunan pero makahulugan lalo na may pa surprise na cake ang asawa at anak mo para sayo pati na rin ang pamankin mo. Good night everyone 😚😚

Dahil maulan at malamig ang panahon ,dito muna kami sa bahay ng kumpari namin at kumari,nagyaya na mag inum sila ng asawa ko dahil may luto silang bulalo na tamang tama naman sa panahon ngayon. Habang nag inuman hindi mawawala ang kantahan. Pero kami ni kumari nag mamarites nalang ,Hindi pwede kami uminum, pareho kami may sipon at ubo. Habang nagkwentuhan kami masarap naman humigop ng sabaw ng bulalo na niluto nila lalo na mainit pa. Ingat po tayo ngayon maulan na naman baka magkasakit kayo.
Malaking pasasalamat ko natupad na ng kapatid ko maregalohan si Nanay ng sasakyan. Bungga ng kahirapan niya noon mga bata pa kami . Umiyak din siya sa tuwa kahit hindi siya marunong magmaneho pero binigyan parin..."kukuha lang daw siya ng driver niya" kaya go nalang ang kapatid ko. Masaya rin ako para sa kanya kahit papaano maenjoy niya ang bungga ng pagsasakripisyo niya noon sa amin.

Batang makulit,sa wakas nakabakasyon rin ang pamankin ko dito sa amin. Ang saya niya lalo na marami siyang kalaro. Iba talaga kung may batang maliit sa bahay. Masaya na nakakapagid din sa mga ginagawa niya. Kanina pinasyal namin sa mall para maglaro sa mga laruan.kitang kita sa mata at galaw niya na gustong gusto niya maglaro. Namiss ko rin may batang maliit sa bahay
Kahit nakaramdam ako ng pagod basta pagkatapos pagkain ang kaharap ko lahat baliwala na yan. Kaya busog lusog ang katawan ko ,kahit sinsabihan ako ng doctor ko maghinay hinay sa pagkain . Iwan ko pagdating sa pagkain ang takaw ko. Sigurado maparami naman nito ng kain.