CHILLAX Sa wakas nasa bahay na kami .ilang oras kami bago nakarating sa amin. Galing Iloilo to Dumarao ,Capiz dalawang oras ang biahe.may kapatid ako ditong babae nakatira kailangan ko rin siya puntahan at kamustahin sila ng mga anak niya tatlo lang sila bahay nila kasi nasa biahe rin ang asawa niya. May bigas at saging pinadala si Nanay para sa kanya ,kaya need ko puntahan siya para idaan ang pinadala sa kanya,pagdating doon nagkape muna kami pero hindi mapigilan ang amin mga mata kusang pumipikit. Nag nap muna kami sandali siguro dahil na rin sa pagod namin sa biahe at kulang sa tulog. Ilang saglit paalis na sana kami, naghain ng pagkain ang kapatid ko kaya kumain muna kami bago humataw sa biahe. Dalawang oras nalang ang biahe namin galing Capiz to aklan.kaya pagdating namin dito sa amin medyo madilim na. Buti nalang nakaluto na agad ang mga bata kaya pagdating namin kain naman kami ulit... Hindi pwede hindi kami kakain kasi yan Ang masanayan namin kumain ng sabay sabay kaya kahit medyo ,busog pa cge lang kain lang. Pagkatapos ng kain ito relax muna kami mag asawa habang nanood ng tv.pagod sa biahe. Salamat sa dios nakarating ng safe sa bahay. #relax #goodnight @Emeline
No comments yet