Spicy noodles Medyo malamig ang umaga ko ,gusto ko magkape pero ang tiyan ko nag alburuto. Walang natira na ulam kagabi simot lahat basta adobong baboy mga bata paborito nila yan. Konti lang ang kain ko gabi,kaya maaga ako ginutom.pag adobo baboy ang ulam ayaw ko ,pero kung baboy na may gulay ayos yan sa akin. Nag luto muna ako ng noodle na labuyo para magana ang kain ko at maubos lahat linagyan ko siya ng baguio petsay para may gulay. Malamig at medyo mahangin kaya tama tamang nainitan ang tiyan ko at pinawisan din ako dahil maanghang siya. Almusal ko na to .pero magluto parin ako ng almusal para sa mga bata ,mayamaya gising na rin sila ,may on-line class sila sigurado kakain ang mga iyan. Pagkatapos ng kain ko,dito muna ako sa hardin mag aliw aliw .,30min na pahinga bago bumanat sa trabaho. Magandang umaga mga kainggay..kape na kayo medyo malamig ang panahon at makulimlim. #labuyo #noodles #my photo
No comments yet