Sobrang init! Nakakapaso ang init ng araw sa labas kahit nakapayong e walang effect. Kakauwi ko lang galing sa school retrieval at distribution ng module. Medyo natagalan at napachika pa kasi si teacher saka nachecked na din nya ang writing notebooks ng mga bata. Tuwang-tuwa sya sa handwriting ni Bertt at maganda daw at parang sulat kamay ng babae. Ang laki na din kasi ng improvement nya! Dati hirap na hirap pa akong magpasulat e. Talagang tiyaga lang katapat ng lahat! 💪 Saka ang saya lang kasi bakasyon pala! Yey! Haha! From May 2 to 13 bakasyon ng mga bata. Ako 'yung tuwang-tuwa ano!? Bakasyon mga bata ibig sabihin bakasyon ko din! Haha! Wala muna kaming module ng 2weeks. Hay salamat! 😂 Note: The picture I uploaded was my ss from fb. Credits to the rightful owner. 😉
No comments yet