Nagpapa-writing activity ako sa mga bata habang naglalaba. Kakatapos lang ni Bertt at si Elyzz na ang kasunod kaya kinuha ko na ang notebook nya and pencil. Di ko naman ugaling icheck 'yung likod ng notebook nila kasi mas tsini-check ko 'yung mga previous writings nila. Nakatapat kasi ako sa electric fan kasi super init at accidentally nagflip ang pages habang nagchecheck ako. At eto nga ang nagbulaga sa akin! Aigoo napuno na pala ng drawing ang back cover ng writing notebook nya. Kaya pala minsan napakatagal nya makatapos 'yun pala nagdo-drawing pa. 😂 Kinuha ko ulit ang notebook ni Bertt para icheck din at bumulaga din sa akin ay drawing! Hindi naman ganito karami at sure na sure naman ako na hindi si Bertt ang nagdrawing kundi si Elyzz din. 😅
5 comments
Mas nauubos pa minsan ang page sa anak ko sis sa mga bandang likuran pati sa papel dahil sa drawing hehe
Nagulat nga ako sis at may mga drawing na pala dyan sa likod. Meron naman sila mga papel pangdrawing e. Dyan pa talaga sa writing notebook nila. Aigoo. Hehe
Hahaha kaya pala matagal minsan sis nag drawing pa pala. Ang galing nya sis oh mag drawing
Kaya nga sis! Nagtataka ako bakit ang tagal tagal makatapos at di ko naman na binabantayan. Yun naman pala nauuna ang pagdrawing. 😂
hahaha cute ng drawing nya sis..my future siya