Walang pasok si mister ko ngayon. Nagfile sya ng 2 days leave para magkumpleto ng mga kailangang requirements para sa Pag-ibig Housing Loan. Verified TIN 1904 na lang naman ang kulang na aasikasuhin nya today. Halos patapos na din ang bahay, bakod at gate na ata ang ginagawa nila ngayon. Sobrang excited na kami. Salamat po 🖕🙏. Balik sa usaping breakfast. Kahapon pa ako nagkicrave sa itlog na maalat. Hindi ko lang sya ginawa kasi ako lang kakain. Syempre iba yung may kasabay ka at dahil parehas naming fave yan ni mister e yan ang pinirepare ko ngayong umaga. Ang fried eggs ay kay Elyzz tapos yang tuyo kay Bertt. Si Erynn cereal lang solved na! Ginugutom na ko sa itlog na pula. Ayaw pa nila magsigising. Hahay.. 😉
4 comments
Congrats sis! God bless your new home sis.:) nakaka excite ...
Oo sis.. ang laking blessing, kahit naging super hirap dahil naabutan ng pandemya e sa wakas mukhang totoo na talaga. Malapit na sya matapos. 🙏
Ang sasarap naman nyang ni prepare mong breakfast sis, nakakagan na may ganyan na tuwing gigising.
Kailangan yan sa morning neng para full.of energy. Hehe