read.cash Log in
E@ElyzzBerttErynn

Sobrang opposite ng personality namin ni mister pero pagdating naman sa mga likes and dislikes namin sa mga bagay-bagay e napakarami naming pagkakapareho. Isa sa pinagkapareho namin e 'yung love namin for anime lalo na ng 'One Piece'. Bago nga pala ako naging KDrama fan e Anime fan na muna ako! Hehe. Dalaga pa lang ako talagang updated ako mapa-manga kaya lang ng mag-asawa at magkaanak ng sunod2 e hindi na talaga ako nakakanuod. Naa-update na lang ako sa pagkukwento ni mister or kapag nakikinuod ako sa kanya. In-short napending ako, pending ako sa Dressrosa Arc. Ang tagal akong kinoconvince ni mister na manuod na ulit pero ewan ko ba di ko mafeel na manuod at bigyan sya ng time. Two weeks ago ata ng maconvinced ako ni mister at nagstart manuod ulit. 5 or 6yrs na ata ng magstop ako. Diba ang tagal? Dinownload nya lahat ng pending ko hanggang sa pinakalatest episode. Okay na sana at nakakapagmarathon ako, unti-unti na akong nakakahabol at nasa Wano Arc na ako. Kaya lang di ako makarami ngayon kasi nabubwisit ako kay Orochi. At dahil alam ko na din na trator si Kanjuro dahil sa kwento ni mister e inis na inis akong lalo. Haha! Kanina pa ako dito sa episode na 'to pero di ko matapos tapos! Hanggang sa napamessage na lang ako kay mister na sabayan nya ulit ako manuod dahil baka ma g "Skip Skip No Mi" ako! Gigil much ako sa mukha ni Orochi at Kanjuro. :))

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.