read.cash Log in
E@ElyzzBerttErynn

Nagbago ang ihip ng hangin! Kung dati gustong gusto ng mga anak ko ang lumabas ng bahay, ngayon ay HINDI na. Kung dati hirap ako makalabas at lahat sila gusto sumama, ngayon ay HINDI na. Super pilit ko silang palabasin ngayong hapon para maexercise naman, makatakbo sa labas! Sabi ko hihintayin namin si Papa at maaga ang uwi ngayon. 10 years bago ko sila napilit! Nasobrahan yata ako ng pananakot sa kanila. Last time kasi nagtrend sa fb yung marami na namang missing na mga bata at ayun pinakita ko sa kanila mga missing posters. Ang purpose ko naman is para aware sila na mag-iingat sa strangers. Madalas kasi kapag isinasama ko sa labas e nauuna pa sa akin at tinatakbuhan ako. Di naman marunong kahit may sasakyan. Nasobrahan ata ako kaya kahit inaaya ko na lumabas ang sagot nila sa akin, "No Ma. I'll stay here at home." 🤦 Dahil napilit ko sila ngayong hapon e hinayaan ko talaga na maenjoy nila. Pagkauwi nga ni Papa nagsakayan pa sila sa bike at sabi ko e umikot muna sila. Happy yarn sila ohh! 😁

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.