read.cash Log in
E@ElyzzBerttErynn

Three days ago nagrequest ako sa Pag-ibig Fund thru e-mail ng MSAV ni mister. Ang bilis ng response nila thru e-mail pati processing ng request. Nakakatuwa na maayos na pala ang sistema ngayon. Noong nagwowork kasi ako pahirapan mag-inquire or request via phone or email. Kaya no choice kundi pumila ng mahaba sa office nila. Naimproved nila ang sistema nila gawa na din siguro ng pandemic kaya reliable na online services nila. Nagkaproblem lang ako dahil 4mos lang ang nakuha ko which is dapat ay 24 months. 5 years na si mister sa work nya pero nagtransfer nga pala sya from head office, then 2 branches pa bago back to head office. Kaya ayun need ko pa magpamerge ng account nya. Kakarequest ko lang kagabi tapos naacknowledged na nila agad. Pero alam ko medyo mas matagal ang merging process e. Sana soon magawa naman nilang unified ang system nila para no need na for consolidation ng mga contributions. 🤔 Nasa finishing stage na ang hinuhulugan naming bahay. Salamat sa nasa taas na kahit nagpandemya at super hirap e nagawan parin ng paraan ang pangarap na bahay. Kaunting kembot na lang siguro! Aja! 🙏

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.