read.cash Log in

@ElyzzBerttErynn

Joined 6 February 2021 · 3288 posts

120 KT

0 KT · 50¢ received · 0 KT given

Posts

E@ElyzzBerttErynn

Two pieces medium sized na talong at 4 medium sized egg - tortang talong! Kapag ako nagluluto ng tortang talong ay hindi ko na sinasali yung tangkay gaya ng nakasanayan. Kailangan kasing mafake mga bata na itlog lang yan kaya kailangang namashed ng maigi. Nagluto na lang din ako ng beef noodles para naman may sabaw. ☺️ Kayo po ba ay kumain na? Kung hindi pa e tara sabayan nyo na po kami. 😉💚

E@ElyzzBerttErynn

Yung pork adobo ko na 1/4 pork lang e marami pa ang natira pero mostly patatas na lang. Hehe. Ayos lang at kahit sabaw lang e solved na din pang ulam. Nagdagdag na lang ako ng pritong talong, ready na ang agahan! Kumain na po ba kayo? Kagigising lang ng mga chikiting ko. Tamang tama naman at nakaready na at nakahain na sa hapag. Tara na pong kumain at magkape. Gandang umaga sa lahat! 💚

E@ElyzzBerttErynn

Dinner time! Pork adobo for our dinner. 🍽️ 1/4 pork meat lang yan at para dumami lagyan ng maraming patatas! Tipid na din kasi toyong sabaw pa lang e solved na. 😉 Gusto ko sana sinigang or nilaga para masabaw kaya lang di na okay mga tindang gulay kanina. Dapat sa umaga talaga nakakabili. Pero okay na din at all time fave naman ang adobo. Taob ang kaldero ng kanin. Hehe. Tara pong kumain. 💚

E@ElyzzBerttErynn

Retrieval and distribution ngayon ng modules ng mga bata. Hinatid ako ni mister kaya mabilis lang din kami. Sabi nya daan kami pet shop bago umuwi kasi paubos na pagkain ng alaga nya. Wala syang nabiling pagkain pero nakabili ulit ng 5 bagong fish! Hehe. Sinuportahan ko naman sya at 'yung isa nga dun e nag-iisang "red tail shark" fish sa store. Hindi nga binibenta ng may-ari pero dahil suki kami at ginalingan namin ni mister ang pangungulit e pumayag at binenta na din sa amin! Ang nakakatawa pa wala din panukli si kuya sa pet store kaya kinailangan namin bumili ng kung ano para mabaryahan. Inaya ko si mister sa bilihan ng milk tea. Haha! Kaya ayan naisahan ko din sya. Yey! 😉😅

E@ElyzzBerttErynn

Tada! Eto na 'yung inorder ko na lcd writing board ng mga bata. Gagamitin nila sana as "show me" board sa spelling activity nila sa school. Excited pa naman na sila but sad to say di sila matutuloy. Parehas kasi silang may ubo at sipon. At kapag may sakit mga bata negative sila iface to face at di allowed sa school. Pero okay lang magagamit parin naman kung gusto nila magscribble. Tipid na sa papel! Saka next time na mag-math kami e okay na okay sya sulatan ng solution/math computations. 💚

E@ElyzzBerttErynn

Sinukuan na ako ng spin mop ko. 😅 Eto bagong bago at mukhang okay naman. Nabili ko lang sa sale sa halagang 170Php. Di ko alam kung nakatipid ako. Hehe. Mukhang durable naman! Sana magtagal ang aming pagsasama! Kailangang maexercise ng braso at maglampaso ng husto. Ilang araw din kasing di nakapagmop e. 💚

E@ElyzzBerttErynn

First time kong madisappoint sa courier service ng Lazada. Kaming mag asawa mas prefer talaga namin ang Lazada compare sa Shopee kasi mas mabilis talaga yung delivery service nila. Medyo mainipin kasi ako, ayaw ko ng naghihintay ng matagal. Minsan mas okay pa sa akin magpay ng extra kaysa matagalan. Gusto ko talaga mabilis ang service. Kahapon 3 parcel ko ang for delivery. Nauna yung relo ni mister at nareceived ko ng morning. Meron pang 2 which is super importante pa naman yun kasi gagamitin ng mga bata for spelling nila sa school. Super late na bakit kako wala pa. Pagcheck ko sa app "Delivery Attempt Unsuccessful" na. Andito lang naman kami sa bahay! Nareceived ko nga yung unang parcel e. Saka phone number naman ni mister ang nakalagay ko dun since wala ngang signal sa bahay. Para if ever magcontact sila marereceived din namin. Ang aga tuloy ng rant ko. Kailangan kasi ng mga bata 'yun. Ngayon lang nagganyan sakin ang LexPh. Giving them another chance, sana ngayong araw maideliver nila. 😔

E@ElyzzBerttErynn

Sa wakas dumating na din ang parcel ko! Regalo ko 'to kay mister para sa birthday nya nung 16. Aba e super late naman dumating. Hehe. Pero okay lang kasi dalawa naman ang relo na niregalo ko, 'yung isa naman dumating ng super aga at eto naman e super late. 😅 Yung isang relo na regalo ko e immitation lang, "Class A" na Gshock One Piece. Di naman maselan si mister ko sa brand at OP naman kay super like na like nya. Limited edition lang talaga yun kaya out of stock na ang original. At kahit pa nga available sya e "can't afford" naman tayo sa 250$. Last na regalo ko pa sa kanya e mi band 3 pa tapos ngayon na lang ulit nasundan. Salamat sa noise at ipon ko pa sa income ko dito ang naipambili ko. Tiyak kikiligin na naman si mister pagkauwi nya. Ibalot ko pa ba? Huwag na lang, okay na siguro yan. Haha. 😂

E@ElyzzBerttErynn

Halos kaaalis pa lang ni mister. Double shift sya ngayon, from store opening to closing ang duty nya. Kagabi kahit pagod galing work e pinauna nya akong matulog at sya ang unang bantay kay Bertt. Around 3am naman ako nagising at ako naman ang pumalit sa kanya. 38.3°C ang temperature ni Bertt ng madaling araw at ngayong umaga e bumaba na sa low grade 37.7°C. Sana tuloy tuloy na syang mag-okay. 🙏 Ready na ang almusal pero tulog pa mga bata. Tinapang galunggong at leftover pork adobo ang nakahain. Mamaya pa ako kakain at waiting pa sa mga bata. Magkakape na lang muna at kailangan kong dumaan sa payment center kasi due date na pala ng tubig namin. Kahapon ko lang naalala tapos di naman ako makalabas gawa ng may sakit nga si Bertt. Agahan ko na lang para wala pang gaanong pila. Magandang umaga po! 💚

E@ElyzzBerttErynn

Eto talaga 'yung pinakamahirap na part ng pagiging nanay! Wala lang yung tambak na gawain namin sa araw-araw at kinakaya naman kahit anong hirap. Multi-tasking ba kamo?! Easy peasy na lang din yan at nakasanayan na sa bawat araw. Pero kapag may sakit ang anak e ibang level ang hirap! Pagod na ang katawang lupa mo e masakit pa ang puso mo. Nakatapos naman ako sa mga importanteng task ko sa ngayon. Pero pending na ang iba para makafocus na kay Bertt. Ang taas ng lagnat nya kaya alaga ko sa sponge bath. Naubusan na din ako ng cool fever kaya maya't maya din lagay ng basang wash cloth sa noo nya. Sana naman umigi na sya kaagad. 🙏

E@ElyzzBerttErynn

Nakauwi na ang mga pamangkin ko, nasundo na kanina ng kapatid at hipag ko. Nalungkot naman ang mga bebes ko at mamimiss nila ang may ibang nakakalaro. Last night nag-advised si teacher na kasama ang 2 anak ko sa spelling. Lima sila sa klase na napili, sila daw 'yung mga advanced students. Nakakaproud bilang nanay kapag ganito. Ako 'yung unang naexcite e! At dahil sinabi ni teacher na kailangan ng "show me" board e napaorder na din ako agad kagabi. Haha! Syempre hindi naman pwede na 'yung dalawa lang ang meron kaya dapat tatlo talaga para walang agawan. Medyo masakit din sa bulsa kasi wala namab sa budget pero dahil maganda naman paggagamitan kaya pushed na natin yan! 💚 Gandang gabi po! 😉

E@ElyzzBerttErynn

Ang cute ng mga bebe bunnies! Pumipink! Unahan ko na po, no political meaning yan! Dalawa ang aking girls at alam na ang fave color ng mga bebes. Haha! Minsan magkabati sila pero minsan magkaaway naman. Para silang aso at pusa! Enjoy na enjoy sa paglalaro at sige sa tawanan pero mamaya may iiyak na at kanya kanya ng sumbungan. Nakakatuwa naman at enjoy ang mga makukulit na bata! Minsan lang magkita at magkasama-sama ang magpipinsan kaya dapat ienjoy at sulitin. Buti na lang talaga at di na mahigpit ngayon at pwede ng makalabas at maibiyahe ang mga bata. Pwedeng pwede ng bawiin ang mga panahong nakulong ng matagal sa bahay. Pero syempre kailangan parin ang pag-iingat. 😉

E@ElyzzBerttErynn

Kaunting salo-salo para icelebrate ang birthday ni mister! Nagluto lang ako ng creamy tuna carbonara at nagpadeliver ng isang bucket ng chicken joy. Syempre may cake para kumpleto. Meron ding salad yung ginawa namin kagabi saka bumili na din ng ice cream para mas matuwa ang mga batang ayaw tumigil sa pagswimming. 💚

E@ElyzzBerttErynn

Bteakfast is ready! Tamang prito prito at maaga nagising mga alaga ko. Himala ng mga himala na kahit late na sila natulog e maaga parin sila nagising lahat. Sobrang happy ng mga anak ko na nandito mga pinsan nila. Nagpapakitang gilas din biglang sumipag. Walang kahirap hirap utusang ayusin ang bed nila pagkagising at ligpitin mga kinalat nilang laruan. Excited na din sila sa swimming kaya sana naman bago magtanghali e makapuno kami. In fairness mas malakas naman ang water ngayon compare nung last time na nag-igib pa ako ng tubig. Medyo kinabahan na nga ako baka magbanat na naman ako ng buto at taba ko. 😂 Tara pong kumain! Kailangan ng maraming lakas para mag alaha ng "5" anak. 💚

E@ElyzzBerttErynn

Natapos na ang maghapong paggawa at sa wakas e makakapagpahinga naman. Super aga ko na naging abala at bumisita ang kapatid ko at hipag kasama ng dalawa nilang nagpopogiang anak. Hehe. Kaya 5 na ngayon ang junakis ko Gusto ng mga bata magbakasyon sa akin kaya hinatid ng mag-asawa at next week na susunduin. Kaya tuwang tuwa din mga anak ko na may kalaro sila. Namiss naman nila ang isa't isa. Mas lalong naging maingay ang dati ng maingay naming tahanan! Birthday ni mister ko bukas at ngayon pa lang e abala na sya at gumagawa ng fruit salad "tinipid version. Mga supply pa naming natira noong new year celebration. Haha! Abala din ako bilang "taste tester". 😅 Namiss ko kayo dito. Ilang araw din pala akong di nakabisita. Magandang gabi sa lahat! 💚

E@ElyzzBerttErynn

Nakaluto na ng ulam pero waiting pa main-in ang sinaing. Halos kauwi ko lang din kasi galing samba. Di na ako naihatid ni mister pauwi at diretso work na sya. Dumaan din muna ako sa tindahan at naghanap ng clay para sa another performance task ng mga bata. 8am nirerequire na sabay2 makapagsagot mga bata then iaupdate sa group page 'yung accomplishment. Pero malilate kami makapagstart ngayong umaga at di pa kumain ang aking mga alaga. Okay lang kasi kahit paano lagi naman kami nakakapagsubmit on time. Kumain na po ba kayo? Ako gutom na at 4am kami gumising kanina tapos tamang kape lang ang nainom. Naubusan na pala ako ng tinapay. Tomguts na tuloy. 😅

E@ElyzzBerttErynn

Sobrang nabusy ako sa maghapon kasi kailangan na pala agad makatapos sa module and activity worksheets ang mga bata. Holiday na nga pala at by Wednesday na agad ang retrieval and distribution. Super limited lang ang time kaya kailangan makarami na agad. Kamusta po kayo? Nakapagdinner na ba? Corned beef sana na may patatas ang lulutuin ko saka tortang giniling kaya lang nagpadrawing pa ako ng performance task sa mga bata. Nalate na ako makapagsimula sa pagluto kaya inadobo ko na lang ang pork giniling. Masarap naman sya. Hehe. Tara po kain tayo. 💚

E@ElyzzBerttErynn

Naisahan ako ng aking mag-aama! Ang sabi sisilip lang daw sa petshop aba pagkauwi may tatlong supot na ng isda. Silip lang pala yun. Nagbike lang sila akala ko tamang iikot lang sila. Haha! In fairness nakakatuwa naman at ang kukulay nila. Stress reliever sya ni mister! Pagkagaling work at pagkauwi ng bahay ang unang tanong e kung pinakain na ba ang mga alaga nya. Next time ang isasagot ko e "kinain ko na". Lol! Naging tambayan nya yang aquarium nya. Dyan nya feel tumulala habang nagkakape. Kaya dapat talaga suportahan na lang ang hilig nila. Gandang gabi po. 😉

E@ElyzzBerttErynn

Sunday is Family day! At dahil nakapagpromise sa mga bata na swimming day nila ngayon e maaga sinet up ni mister ang inflatable pool. Pero ang nakakainis na part is ng maglalagay na kami ng water e biglang nawalan ng supply. Ewan ba dito sa place namin walang pasabi basta na lang nawawalan ng tubig. At ng magkaroon naman e super duper sa hina. Naawa naman ako sa mga kids at super excited pa naman nila. After samba nila akala nila may tubig na pero waley pa! Kaya ang ginawa ko nagpuno na lang ako sa mga gripo at paunti unting nag igib. Iisa lang kasi ang hose namin kaya no choice. Para lang makaswimming mga kulilits ko e napasabak ang nanay sa pagbabanat ng braso. 😅 Worth it naman 'yung makitang super happy sila. Kalahating araw akong nag-igib kaya feeling ko ang laki na ng braso ko. Lol! 😂

E@ElyzzBerttErynn

Nagkamali ng schedule yung menu ko for today ahh. Dapat yata kahapon ko ito niluto. Hehe! Bakit nga ba ang monggo ay pang-Friday? Isip-isip! 🤔 The best parin naman sya kahit anong araw ano, lalo nga kapag may prito pang galunggong. Parang mas masarap pa kung may coke or sprite. Enebeyen nagki-crave na naman ako sa malamig na malamig na cola. Pigil pigil at makikigaya mga chikitings. Tiis na muna at hintayin ko na lang lumamig ng husto ang tubig. Hahay! 😅 Tara po kain (ulit). 😉

E@ElyzzBerttErynn

Hindi ako maaga nagising today, sinamantala ko din na closing shift si mister para makapag extend tulog kahit kaunti. Kaya ayan late na ako nakapagprepare ng breakfast. Pero okay parin naman dahil mas late parin gumising mga alaga ko. Hehe! Para sa breakfast namin tamang prito-prito para easy to prepare lang. Hotdogs and chicken nuggets, tapos may leftover pa akong adobo from last night. Solved na ulit ang agahan. Salamat po sa lahat ng blessings. 🙏 Gandang umaga po sa inyo. 💚 Breakfast po muna tayo para may lakas sa maghapong paggawa. Ako e maglalaba kaya kailangan ng maraming energy. 😉

E@ElyzzBerttErynn

Sobrang init kanina pero biglang buhos ng malakas na ulan. Di naman lumamig, mas lalo pa ngang uminit. Tanghalian na, tara po kain na! Sinigang na mackerel at pritong tilapia ang aming pananghalian. Kumain na po ba kayo? Kung hindi pa e join na po kayo. 😉 Sana naman di na ulit umulan at after lunch kailangan ko magpunta ng school para sa retrieval and distribution ng module. 💚

E@ElyzzBerttErynn

At dahil feel na feel na ang init ng summer e getting ready na din ang mga bulilits ko. Super excited na sila weekend dahil nakapagpromised ang Papa na magsuswimming. Sana lang pumayag ang bunso na ideflate ulit. We're just trying to see if kakasya ba sa labas kaya in-inflate muna. 😉 Nag-ala mermaid pose pa ang bunso ko! Swimming na swimming na sya ihh.. 💚 Gandang umaga po sa inyo. 😊

E@ElyzzBerttErynn

Solved ang morning sa pandesal at kape! Every Thursday at Sunday ang schedule namin ng bili ng pandesal at maaga nakakadaan sa bakery. After samba nakakaabot pa kami sa bilihan. Ito kasi ang tinapay na mabilis maubos sa umaga. Perfect match ito sa Dari Creme or kahit wala nga e oks na oks lang. Nakaluto na din ako ng pang breakfast ng mga bata. Tulog pa sila kaya mauna na kami ni mister. Tara po kumain ng almusal. 💚 Gandang umaga sa inyo. 🥰

E@ElyzzBerttErynn

Pinangat na galunggong sa suka! Lunch time ko 'to niluto pero pangdinner pa talaga namin. Pritong tilapia ang kinain ng mga bata nung tanghalian at ako naman leftover ng breakfast - hotdogs and eggs. Sayang kung hindi mauubos at kasama talaga 'yun sa job description ko e ang mag-ubos ng mga natitirang pagkain. Lol! Ang dami kong pinangat na gg kasi 'yung matitira naman dyan ay ipiprito ko naman bukas. Gustong gusto ko talaga 'yung pritong gg kapag galing sa pagka-pangat. Mas malasa at mas masarap kasi sya! Kayo ba natry nyo din ba 'yun? 💚

E@ElyzzBerttErynn

Sobrang tindi ng init kahapon pero kinagabihan biglang buhos naman ng malakas na ulan at hanggang ngayon wala syang tigil. Hindi ako nakakapanuod ng news baka may lpa kaya non-stop ang ulan. 🤔 Snack time na! Nagluto ang ng champorado at pinapalamig ko pa muna. Lalagyan na lang ng powdered milk e solved na! Maulan din ba sa inyo? Gandang hapon. 💚

E@ElyzzBerttErynn

Tuwang tuwa ang mga bebe syempre pati na din ako! Dito kami magkakasundong mag-iina. Hehe. Sulit na sulit ang 145Php sa 1.5L of Chocolate ice cream ng IceDream. Ang sarap nya promise! Very smooth ang texture at tamang tama lang ang tamis. Dahil gusto ko na extra chocolatey kaya naglalagay ako ng choco syrup kaya mas lalong level up sa sarap! Nakakadami na nga akong empty tub nito. Ang mura diba!? Solved ang mainit na hapon! Kitang kita naman na super enjoy ang bunso ko. 😆

E@ElyzzBerttErynn

Here's what I prepare last night - monggo guisado for our dinner at reheat naman for our breakfast ngayon. Nagdagdag na lang ako ng dried fish and beef noodles. Then yang pork giniling sisig is for hubby's packed food naman. May pasok kasi sya ngayon at namoved tomorrow ang off nya gawa ng 3 Day Sale. Wala kasi akong time magprepare sa morning kasi may samba kami ng madaling araw kaya lahat niluto ko na kagabi even the rice. Since nadiscover ko na once may kaunting vinegar ang rice e hindi sya madaling maspoil kaya confident naman ako na reheat ko na lang at good na yan! Kakasundo lang din sa mga kiddos at sila naman ang sasamba kaya eto may kaunting "me" time ako. Time maglinis at maglinis at maglinis. 😅 Gandang umaga sa lahat! Enjoy the Sunday FamDay! 💚

E@ElyzzBerttErynn

After maligo at makapagpatuyo ng buhok ay pinatulog ko na ang aking mga chikiting. Mas mapapasarap tulog nila at napreskuhan sabay sabayan pa ng 2 electric fan. Sobrang init naman kasi talaga ngayon. Kung dati hindi ako nagpapalamig ng water sa ref dahil hindi kami nagko-cold water e sa ngayon ang ref puno ng water bottles at panay-panay din ako ng refill. Mas napapadami ang inom ng mga kids kapag malamig ang tubig. Which is good naman talaga para iwas dehydration! Mainit na hapon sa lahat! 💚

E@ElyzzBerttErynn

Last thursday night ng magsend ulit si teacher ng top performing students for Week 7. Sobrang nakakahappy at nakakaproud na 'yung dalawa ko is very consistent sa performance nila. Bilang parent plus factor na lang yan at ang aim ko naman talaga is matuto talaga sila. Ayaw kong maging failure as a nanay/teacher nila ngayon. Natakot ako na matapos ang school year na 'to na hindi sila natuto kaya talagang tinutukan ko maigi. 🙏 Kahapon naman nagvisit ako sa school para sa retrieval and distribution ng module and activity sheets nila. Sobrang saya na marinig sa teacher nila na, "Ang gagaling po ng mga anak n'yo." Pumapalakpak ang tenga ko syempre! Sulit yung hirap at pagod ko! Nakakatuwa na naestablished ko na 'yung study habit nila. Hindi gaya ng una na pahirapan sila ayain magstudy. Sa ngayon alam na agad nila, pag tinawag ko "matic" na sila sa pwesto nila. Tamang kwento lang at happy ang ateng n'yo! Saktong pahinga lang at sumilip dito. Kakatapos ko lang kasi maglinis ng cr. 😅👌