Dumaan si suki na nagtitinda ng tinapa at daing. Mayroon syang tinapang galunggong, bangus saka tulingan. Bago sa akin ang tinapang tulingan. Isa sa mga favorite kong isda pero di ko pa natatry sya as tinapa. Madalas kasi galunggong saka bangus. Masarap din 'yung tamban kaya lang masyadong matinik e. Ang bangus naman kapag tinapa madalas boneless. 2 piraso lagpas naman isang dangkal ko ang laki, 140php yang isang balot. Medyo undecided pa ako kung lulutuin ko na sya for dinner o para bukas pa ng agahan. Mayroon pa kasi akong leftover ng tinola at may tocino pa. Pero feeling ko magugustuhan 'to ng mga chikitings ko e. Nakapagsaing na ako at nakasalang pa fries ng mga batang makukulit. Siguro iluto ko yung isa para magkaalaman if masarap nga. Hehe. 😉
3 comments
Hala, talaga sis pwede pala gawing tinapa ang tulingan. Madalas ang tulingan dito yan samin sis kaysa sa galunggong
Oo nga sis ngayon ko lang din nalaman na may ganyan pala. Nacurious ako sa lasa niluto ko na ang isa. Masarap nga sya pero mas bet ko parin ang sinaing na tulingan saka yung may gata. Hehe
Oo sis sa akin yung ginataan talaga din ang da best sis