Xiaomi mi band 4 - niregalo ko 'to kay mister 3 years ako. Regalo ko sa kanya pero pera parin naman nya ang pinangbili ko. Hehe. Syempre wala naman akong sariling pera noon pero dahil kay NC e nakaipon naman ng kaunti at naregaluhan ko sya nung birthday nya ng mi band 6. Nakakaproud kasi from my own pocket na, regalong tunay na! Hehe. At dahil may bago na sya e pinamana na nya sa akin etong luma. Nakakatuwa naman pala gamitin at saka may health monitoring. At ang gusto ko pa nakacount nya ang steps ko. Akalain mo sa loob lang ng bahay nakaka-1705 steps na ko ngayong araw. Kapag nasa kusina pa ako hinuhubad ko so nakakarami na din talaga ako kakaikot sa loob ng bahay. Sabi mas healthy na maka-8000 steps ka in a day. Itatry ko ngang imonitor kung nakakailan ako daily kahit sa loob lang naman ng bahay. 😊
No comments yet