Naniniwala na talaga ako na mabilis matuto ang mga bunso. Lagi kasi silang extra! At mas madalas pa nga na lagi sila ang nangunguna. Hehe! Kapag tinawag ko na 'yung dalawa sa "study time", "reading time" at "writing time" ay madalas pang mauna sa table ang bunso ko na ito. 😁 At kahit pa nga madalas e nakakadisturb sya ng module time ng 2 e wala naman akong choice kundi isali sya. Nagpareading ako kaya ayan kasali ulit sya. At nakakatuwa na yung lesson 1 sa Marungko Reading approach e kuha na nya agad-agad! Nababasa na nya ang mga pantig pero ang problem lang e nagrereklamo sya na pare-pareho ang pantig. Diba ganun naman bawat lesson nakafocus sa words kung ano ang pantig na tinuturo. Ayun ang sagot sa akin, "ma, again?", "sa, again?" Sabay tawa! Kulet nya! Kanino kaya nagmana? 😉🤔
6 comments
True sis, hehe relate muchie tayo diyan
Ganun pala yun sis ano?.. Mas madali silang matuto kasi exposed na sa ganun saka natuturuan na din ng ate at kuya. Andami na tuloy alam.
Cutie naman at may pa salamin pa parang reading glass ah haha. Ang bibilis na nila matuto ngayon sis parang advance na ang mga knowledge ng bagets ngayon.
galing nya ate at bibo pa..im sure pg laki nyan hakot award
Sana nga neng hindi magbago. Super bibo sya ngayon sana naman paglaki e hindi mahiyain.
nd ba nya gusto mag artista