Nalungkot si mister at isa sa mga unang alaga nyang fish e namaalam na. One week ago ng mapansin nyang mukhang may sakit ang alaga nya. Masigla naman pero namamaga 'yung gills nya. Nagresearch sya at nagtanong-tanong sa mga kakilala nya na may alaga din pero wala naman makapagbigay ng sure solution. Nagself research na lang sya at gumawa ng hospital tank at in-isolate nya ang may sakit. Bumili din sya ng gamot at talagang monitored nya but sadly unti-unti na nga syang humina at nawala na din kagabi. Inutos na nya sakin ngayong umaga na alisin na bago pa makita ng mga bata. Nalimutan ko naman gawin kaagad. Pipicturan ko pa sana 'yung hospital tank nya at palutang lutang pa ang fish doon kaya lang naawa naman ako idisplay pa sya dito. 😔
2 comments
Aww, malulungkot ang mga bata niyan sis😥 Haay ang sakit din talaga kapag iniiwan tayo ng mga alaga natin. Si pare mo, nung nakaraan namatayan ng kalapati, dinagit ng uwak kasi buto na lang nung nakita niya, eh may singsing yun na may number kaya alam niyang kanya. Ayun di maka get over din sis. Pati mga anak ko.
Aw grabe pala! Nangangain pala ng kalapati ang uwak. Kakaawa naman. Kaya gusto nga ni pare mo na linisin ko na ng maaga habang tulog mga bata. Malulungkot nga naman kasi mga bata.