read.cash Log in
@unknownymous19

@unknownymous19 in September 2022

@unknownymous19

Bukod kay JMC, huwag din daw siyang kalimutan. Ang nag-iisang Mr. Ariel Rivera. 😁 PampaGV lang po this morning! Makulimlim na pero sana di umulan. πŸ™πŸ»

@unknownymous19

Niluto ko ngayon ay tinapa na ginisa sa kamatis. Mahal ang presyo ng tinapa, 9 na piraso P78 ang bili ng kapatid ko. Mabuti na lang at may malapit na talipapa sa amin. Kanina kasing hapon, may dumaan daw na naglalako ng isda, kaso tinatawag ng kapatid ko kaso di huminto. Nakuuu ayaw ata mapagbilhan. Haha. Kain po tayo! 🍴 Magandang gabi po lahat! πŸ˜„

@unknownymous19

Yesterday's ganap! πŸ‘£ Umaga pa lang busy na ako kakaayos ng mga files ng aming dating butihing boss para sa ginagawa niyang reports. Bandang alas - dos na kami ng hapon natapos at nakaalis, sinama niya ako para ako ang magdala ng mga files *tatlong lalagyan yun, kinaya naman ng powers ko*. Mga alas singko y medya na kami natapos kaya naman nakakapagod pero worth it naman. ☺️ Sa bilis kong maglakad, di ko napansin ang kapatid ko na nakaupo sa may waiting shed kaya tinawag niya…

@unknownymous19

Pandagdag na Ulam. πŸ— Bago pa pala ako umuwi kagabi, nagchat si mama, bumili raw ako ng pandagdag ulam dahil bumili na siya ng "PINANGAT". Pagpasok ko pa, binati na agad ako ng tatlong makukulit na bubwit pero diretso agad sila sa dala - dala ko at naamoy ang ulam. Gutom na rin kase sila. πŸ˜‚ Natulog na rin ako mga 30 minutes pagkatapos kumain. Kaya ngayon na naman ako nakabisita dito. Skl part 2. πŸ˜…

@unknownymous19

LABA DAY Kala ko di na ako makapaglaba dahil paggising ko kaninang umaga sobrang lakas ng ulan. Mabuti na lang at di rin nagtagal ay tumila na rin. Kaya ayon nasampay ko na at tapos na ang unang batch - mga pang-alis na damit. Yung ikalawang batch ay pambahay, kaunti lang naman kaya isinalang ko na rin para bukas ay magsasampay na lang. Gusto ko kase isahang paglalaba lang para isang upuan lang ng pagpapagod. Alam ko rin na ang Sabado ay laba day ninyo rin. πŸ˜† Magandang hapon…

@unknownymous19

Maray na aga! β˜€οΈ Naisampay ko na rin halos lahat ng nilabhan ko kahapon. Mabuti naman at umaraw ngayon matutuyo ang mga ito. May natira pa sa lalagyan kase lahat na may lagay ang sampayan. Hintayin na lang matuyo iba para lahat ay matuyo. πŸ’ͺ Happy Sunday! πŸ€—

@unknownymous19

Super hang ang phone ko ngayon. Huwag muna ngayon, wala pa ako pamalit sa'yo. πŸ˜• Binili ko ang phone ko t'was 3 years ago gamit ang unang sahod ko sa work. And I'm happy. Ang dami na naming secrets nito. πŸ˜‚ Siesta time. ⌚

@unknownymous19

It was seven years ago when I am waiting in vain to take my examination for a certain test. Halo-halong damdamin ang namumutawi sa akin - nakakakaba, nakakaexcite na ewan. Para kang maiihi na hindi. πŸ˜‚ Bago ang itinakdang araw, pumunta na kami ng aking mga kaibigan sa isang hotel upang di na maging hassle kung babyahe pa sa araw na yun mismo. At nakakatuwa pa nun, nanuod pa kami ng Aldub* para lang mawala ang kaba. (* - Sino sainyo ang nahook noon sa ALDUB? Taas ng kamay.…

@unknownymous19

LQ (Low Quality) Ang ilan sainyo ay bumibili na ng pandekorasyon sa bahay tulad ng christmas lights at christmas tree. Pinapayuhan ang lahat na maging mapanuri sa mga bibilhin dahil ito ay maaaring low quality lamang at magdulot lang ng sakit... PINAASA ka lang na siya ang magbibigay tanglaw at liwanag ngunit maglalaho na lang na parang bula, minsan lulubog at lilitaw. Maging mapanuri, mapagmatyag at matang lawin. *Kuya Kim pasok* πŸ˜‚ GV lang bago matulog. Pero kidding aside…

@unknownymous19

Time check - 2:20 Grabe ang iniiiiiiiiiiiit ngayon. Dalawang electric fan na ang gamit pero ramdam pa rin ang init. Yung isa kase mahina ang buga, minsan walang lumalabas na hangin. At ang isa naman ay maliit ang elise kaya ayon kahit malapit na sayo, di pa rin ramdam. πŸ˜‚ Kalagitnaan na ng hapon. Siesta time yung nasa mga bahay jan. πŸ˜† Magandang hapon sa lahat.

@unknownymous19

LIGO TIME Ishare ko lang itong sinend na picture ng kapatid ko sa family gc namin. Kilala ninyo naman siguro si Em-Em, siya ang bida ngayon. Iyang kagat-kagat niya ay shampoo, naubos na kase yung shampoo talaga nila, di pa nakakabili. Share muna daw sa shampoo sa amin. πŸ˜… Mabango na naman sila pag-uwi ko mamaya. Pagkatapos maglaro nakuuu panigurado mabantot na naman. 🀣 Lablab yan mga bibi. πŸ₯° PS. Asahan niyo na po na sila lagi ang bida sa post dito. 😁

@unknownymous19

Cash - In Kanina pa kase ako nagpacash in sa gcash kase may babayaran ako, isend ko na lang daw sa gcash nunh kausap ko. Kaya lang hanggang ngayon wala pa rin sa account ko at wala pang confirmation text. Nagsend naman sa akin ng picture na transaction completed na raw. Ano kaya nangyare sa gcash? May issue ba sila ngayon? Dati - rati agad ko naman narereceive ngayon lang natagalan. πŸ€” Magandang hapon sa lahat! PS. Makulimlim na naman. 😴

@unknownymous19

After 2 hours, dumating na po siya. . . . . . Text confirmation from Gcash! Salamat po sa mga nagkoment. 😊 PS. Pwede na ulit magkape. Nerbyus is waving! πŸ˜‚ Ingat po sa nakauwi na, pauwi pa lang at papasok pa lang sa werk. 😁

@unknownymous19

APPRECIATION POST πŸ€— Two months na pala ang nakararaan ng magjoin ako sa platform na ito, 062922 dahil na rin kay cha @charlsss. Baka ito na ang sagot sa mga dalangin. πŸ˜‚ Sa mga taong nakilala ko at makikilala pa lamang, NICE TO MEET YOU ALL! My new found friends pero nasa top si cha. Walang top 2! πŸ˜† Sa mga nagbabasa (at magbabasa) , nagkokoment (magkokoment) ng mga post ko, kadramahan at kakornihan sa buhay. ISANG MALAKING THANK YOU! At higit sa lahat, sa likod ng NOISE…

@unknownymous19

Convo Source: FB Person 1: Bibigyan sana kita ng kitchen. Person 2: Wow! Amg yaman mo naman. Person 1: Di yung sinasabit lang sa bag. Person 2: πŸ€¦β€β™€οΈ *dinagdag ko lang po ito* GV lang bago matulog. Nakuuu marami na akong key chain di sa bag kundi sa pitaka. Pampabigat! Walang laman eh. πŸ˜‚

@unknownymous19

What's up NOISYYYYYYYY PIPZ?! πŸ“’ (Naririnig niyo ba ang sigaw na dati'y bulong? πŸŽΆπŸ™Š Dito sa noise, ang maiingay di NILILISTA dahil pinu❀️an! Be LOUD in a good way! Magandang umaga sa lahat! πŸ€— PS. Nalista ka ba noon dahil sa kaingayan sa klase o nadamay lang? 🀣 Source: Google

@unknownymous19

"The flower blooms, my morning shines and I..." 🎢 Ano kayang bulaklak ito? Mukhang daisy pero ang alam kung kulay ay amarilyo at puti. πŸ€” Nalampasan ko na siya pero binalikan ko kahit sobrang iniiit. Ang ganda kasi ng kulay.🀩 PS. IKAW? Oo, ikaw na nagbabasa nito? May binalikan ka na ba? πŸ˜† Padaan po ulit. πŸ˜‰

@unknownymous19

SIESTA TIME Nauna nang matulog ang pusang ito sa gitna ng sobrang init ng panahon. Saan kaya nilang matulog kahit anong pwesto. *Ang buga rin ng electric fan ay mainit rin kaya di mo ramdam ang hangin. πŸ₯΅* Di ba may mga childhood rules tayo sa bahay. 1. Matulog tuwing hapon o kaya maaga paggabi. 2. Huwag lalabas ng bahay. ... Siguro marami pa pero ngayon nasa hustong gulang na tayo, iyan ang mga bagay na ayaw natin gawin noon. Pero yan naman ang hinahanap-hanap natin ngayon…

@unknownymous19

TUBIG O KAPE Naku...naku...siguradong marami ang makakarelate dito sa meme na ito sa larawan. Pwede pa ngang dagdagan ng alak yan. 🀣 Tubig at kape sapat na. Kaya 50/50 ang mga yan sa katawan ko. Kayo ilang porsiyento ang lamang? πŸ˜‚ PampaGV lang bago matulog! 😁 PS. Walang pasok at traslacion na bukas pero manunuod lang ako sa tv.

@unknownymous19

SIGNAL BLOCKOUT Ngayong araw ay gaganapin muli ang TRASLACION Procession matapos ang dalawang taon dahil sa pandemic. Marami na naman ang makikilahok galing sa iba ibang lugar kung kaya para sa kaligtasan ng lahat mawawalan ng signal - di ka makakapag-call o text o data. Kaya mag-abiso na sa ating mga kababayan sa Bicol. Manunuod na lang ako mamaya sa tv para sa selebrasyon na ito at ingat po sa lahat na makikilahok na personal sa selebrasyon magaganap mamaya. VIVA LA…

@unknownymous19

MATUANG AKI Ni: @unknownymous | LGVC Ika an enot na namundag sa magturugang. Iyo an simbolo kan pagkamoot kan saimong mga magurang. Kan aki ogmahon pa ta nasusunod ang mga luho. Asin an mga tugang na nguhod iyo ang nasusugo-sugo. Pero habang ika nagkakaisip ta duminakula na. Nagiging dipisil palan kun ikukumpara ini sa dati. Kaipuhan maging makusog, mayo ibang pagpipilian ta ika an matua. Dawa ika may inaagihan na problemang pansadiri. Dapat hararom na maray ang pag-intindi…

@unknownymous19

"Kapag daw tahimik, may nangyayareng kababalaghan!" Ibibida ko na naman ulit si EM-EM. Sana'y di kayo magsawa. 😁 Kaninang umaga, tahimik ang magkakapatid na bibwit at ipinagtaka ito ng kapatid ko kaya naman hinanap niya ang tatlong bubwit. Si Tata, andun nakahiga sa pwesto niya, si Nana ginawang unan ang kapares ng tsinelas sa larawan. Ngunit ang bunso, nakuuuu,ayun sinira ang slipper ni mamita (mama ko). Kita ninyo sa larawan kung paano magpaawa kase napagalitan siya jan,…

@unknownymous19

RISE & SHINE Madlang Noise! 😁 Natimingan kong kunan ang buwan matapos ang pagsikat ng araw β˜€οΈ. Kagabi palang napakaliwanag na ng buwan πŸŒ•. Isang mapagpalang umaga para sa lahat! Ingat po sa patungo na sa school, sa work, may mga lakad kahit yung mga nasa bahay! Sabayan po natin ng patugtog ng radyo o playlist sa phone ng kunting indak kahit di marunong sumayaw. πŸ˜† πŸƒ

@unknownymous19

"Matalino akong tao pero ba't pagdating sa'yo? Ba't sayo ang tanga - tanga ko?" - George (The How's of Us) Libre pa ito ni kuya kaya nakatago pa ang ticket na yan magpahanggang ngayon. 😁 The How's of Us ay talaga namang pumatok sa takilya ng madla. Napakareyalistik at nilalarawan nito kung ano nga ba ang nangyayare sa isang relasyon lalo na kung magkasama na kayo sa iisang bubong. (Di ako masyadong relate kase CRUSH lang sapat na. 😬) Ang paborito kong scene ay yung pareho…

@unknownymous19

RASYON Naipamigay ko na po ang binigay ni Noise sa akin na fts. Hintay naman na mapuno at magrarasyon ulit ako. Salamat po lagi sa fts. 😁 Kain na po kayo ng tanghalian. πŸ˜‰

@unknownymous19

BUKIRIN Kaninang pag-uwi ko ay biglaan akong sinama ng kapatid ko sa relatives namin. Nakita ko ulit sina lolo, lola, ante, ankol at pinsan sa side ng family ni mama. Bihira lang kase magkita-kita at matagal na yung huling reunion nang kinasal ang pinsan namin. Masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Malaki na ang pinagbago ng lugar ngunit di magbabago ang samahan ng pamilya. Matagal na rin kase nung huli namin punta sa kanila kase bahay at work lang ako, di umaalis ng bahay…

@unknownymous19

ATSARA (Papaya) Yan kinain ko pag-uwi, embutido at ATSARA! Capslack dahil yan pinagtutuunan ko ng pansin sa post ko. Ito ay isang side dish na hindi mawawala sa hapagkainan natin. Kumbaga, pwede siya ipares sa lahat ng ulam. Sanaol may kapares! πŸ˜‚ Homemade yan, ginawa ng kakilala at kaibigan ng aking kapatid kaya naman nuot ang sarap sa lalamunan. Maraming ingredients ang ginamit tulad ng green papaya, paminta, carrots, vinegar (crab) kase manamis-namis, bell pepper, sili,…

@unknownymous19

243 Nagising ng alanganing oras dahil tahol ng tahol sa labas si Tata, gusto ng pumasok. Kagabi kase ayaw pumasok kahit anong pilit namin, magduduty daw siya, ibig sabihin gusto niya matulog sa labas. Hinayaan na namin kaya lang yung mga kapatid niyang sina Nana at Em-Em di sanay na wala siya sa loob katabi matulog kaya ayun puyat rin hinihintay na pumasok si Tata. Pagkalakas ng loob, yun ang wala ako. Magandang umaga sa lahat ng makakabasa nito. ☺️ Balik ulit sa pagtulog.…

@unknownymous19

PENAFRANCIA FIESTA 2022 Viva La Virgen!!! Kaygandang pagmasdan ang selebrasyon ngayon sa Plaza Quezon, ang Scout's Parade, DBC, and DXMC Competition. Kuha ko ang larawan sa Naga City Gov page. Bukod jan ay marami na naman ang mga nagtitinda ng kung anu-ano sa plaza. Madaming tao na naman yan ang magkukumpulan. Mapapanuod ang LIVE sa Naga City Government Page. Visit ninyo na lang kung manunuod kayo. Malapit na ang lunch. Nakapagluto na ba?

@unknownymous19

SMALL DIVISORIA Tuwing sasapit ang kapistahan ni Ina, bukod sa parada at procession may mga dayo rin na nagtitinda kanya-kanyang pwesto along the highway sa malapit sa Basilica Minore. Sa dami ng nagtitinda at bumibili kada stall nakuuu di madaanan ng tricycle. Kakakunti ngayon kumpara noon pero kahit papaano ay naranasan na naman ulit ang ganitong okasyon. Ang daming pagpipilian kaso walang pera. Hanggang tingin na lamang ba? πŸ˜… Magandang hapon sa lahat! πŸ˜€

@unknownymous19

MATUANG AKI (Tagalog Version) Ni: @unknownymous | LGVC Unang beses kang iniluwal ni ina sa kanyang sinapupunan Simbolo ng wagas na pagmamahalan Akala'y masusunod lahat ng luho't kagustuhan At mga kapatid laging mauutusan. Maraming taon ang nagdaan, edad ay nadagdagan Unti-unting nahinog ang murang isipan Kung ikukumpara sa dati mahirap ang kinalalagyan Ito minsan ay di lubos na maunawaan. Panganay...ikaw'y kanilang masasandalan Kahit na sa sarili'y may pinagdadaanan Lakas ng…

@unknownymous19

KUMBERJ!!! Paggising ko ng 5:00 ng umaga wala ka na. Hinintay kita baka sakaling bumalik ka ngunit naghintay ako sa wala.. Nagpaabiso ka pero di ko man lang nalaman. Ilang oras pa kitang hinintay pero gutom ang inabot ko. Bumalik ka saktong alas dose na. Naghihinanakit, AKO ... Magandang hapon sa lahat! 😁 PS. No internet connection kanina buong Bicol daw base sa advisory kaya ngayon lang ulit nakapag-update. Happy Thank You Day Madlang Noisepipz. πŸ”Š

@unknownymous19

1892 "Pangakong sayo'y binitawan Na kailanma'y di ka iiwan Asahan mong puso ko'y tapat Pagmamahal ko sayo'y higit pa sa sapat". - Juanito Alfonso, 1891 "Ang pag-iibigan natin ay muling mauulit sa huling pagkakataon...at ito ang kahilingan ko". - Carmela Isabella, 2016 Nagbabrowse ako dito sa noise nang nahagip ng mata ko ang no. of subscribers na yan. Sa numerong yan naalala ko ang binasa kong akda sa wattpad noon na pinamagatang "I Love You Since 1892" ni Binibining Mia.…

@unknownymous19

Finally natapos din after 2 hours ang pag-install sa desktop namin. Kinailangan ireset dahil ambagal na...loading lagi. Hati kami ni kuya neto pagbili kaya dapat ingatan. Malaking tulong talaga ang internet connection sa mga ganitong bagay kase sa pagsisearch at panunuod ng YT ay magaguide ka sa kung ano ang dapat gawin. Di naman ako techy, mahaba lang ang pasensiya ko na magsearch at manuod ng process tulad niyang ginawa ko ngayon, iba ibang tabs ang naka-open. Haha. Di…

@unknownymous19

MINI WAFFERS Naghanap ako ng pwedeng kainin, eto ang nahanap ko at di mawawala ang kape. Anong meryenda ninyo jan? πŸ˜… PS. Buong maghapon, iinit at uulan para bang nagkakarera sila. Bukas na kase ang Fluvial Procession kaya naman ang pag-ulan ay kailangan bukod sa madadagdagan ang tubig sa ilog, masaya ang mga tanim ni mama. Di muna ako magdidilig ngayon. πŸ˜† Maray na hapon sa gabos! πŸ˜‰

@unknownymous19

ECONOMY SABOTAGE Yan ang #hashtag sa pinanuod kong video kaninang umaga. Ang video ay patungkol sa ilang electric company na di ko na papangalanan kung saan tinatanong at kinukwestiyon yung engineer *nakalimutan ko kung anong specific* in charge as part of his job description kung bakit napakataas ng rate sa bill na ipinapasa sa consumers na kung saan HINDI NAMAN NAGCOCOMPUTE mula taong 2016 ng distribution at transmission rate na dapat sana'y mababa. Bilang isang consumers…

@unknownymous19

LITTLE CELEBRATION An achievement to be proud of for having 100 noise friends on my wall. 🎊 Meeting new kachikahan is a breathe of fresh air. Kaya maging MARITES tayo to spread good vibes, mapagkinggan ang mga hinanakit sa buhay lalo na kay crush. Haha. πŸ˜‚ Kudos Noise fam. πŸ₯° πŸ‘«πŸ‘«πŸ‘«πŸ‘«πŸ‘« Good eve/night!

@unknownymous19

AGAHAN Agahan namin kanina luto ni mama ay hotsilog plus tuyo. At syempre di mawawala ang kape. Kaya ako naman ang maglalaba. Hehe. Maulan kanina pero ngayon mainit na sabayan ng malamig na ihip ng hangin. Taglamig na talaga. Ramdam na natin talaga. Magandang umaga sa lahat! Ingat po sa may mga lakad at trabaho pa kahit weekend.

@unknownymous19

NO SERVICE After lunch, nawalan na ng signal. Lagi naman ganito kapag sumasapit ang kapistahan dito sa amin. Babalik ito kapag tapos na ang fluvial procession, pero mamayang gabi na siguro. Noon na wala pang internet o data connection at halos keypad pa ang gamit na phone , anong reaksiyon niyo kapag nawawalan ng signal o hindi nakareceive ng "One Message Received"? 🀣 Gumamit ako ng phone 1st year college, needed na para iupdate sina mama at papa. Strict ang parents ko eh.…

@unknownymous19

GENDER REVEAL Ngayon gaganapin ang gender reveal ng kapatid sa ibang ina *bff* ng kapatid ko. Mag-iisang dekada na rin silang magkaibigan kaya sanggang dikit, di mapaghiwalay, minsan napagkakamalang kambal. Siya lang ang nakakaalam kung boy o girl, di rin namin inalam para masurprise rin kami. Sobrang close sila ng kapatid ko pati na rin sa amin kaya sobrang excited kami kumbaga, "1st pamangkin" na rin namin kahit hindi kadugo. Naghihintay kami ng balita sa kapatid ko pero…

@unknownymous19

MATCHY - MATCHY Sa mga naghahanda at nagluluto tuwing pista ay alam na siguro nila ang iba-ibang putahe na inihahain para sa mga bisita. Ngunit para sa "makikikain" lang tulad ko ang alam ko lang kumain pero hindi alam ang pangalan ng putahe o pagkain. Yan larawan nakita ko lamang kung saan kailangan i-match yung pangalan mismo sa putahe na nasa kabilang hanay. Tinry ko naman pero waley talaga. Lahat orange ang sabaw kaya para sakin same lang kulay nilang lahat! Kayo alam…

@unknownymous19

IT'S A... Kasisend lang ng video ng kapatid ko na isa sa nag-organisa ng gender reveal ng kanyang kaibigan. Kinakabahan kami habang pinapanuod yung video. At tama mga ang hula ko. Ansaya-saya! 😁 Base sa larawan, anong gender ni baby? πŸ˜€

@unknownymous19

HEARTS " Earthworms has five hearts and that an octupos πŸ™ has two hearts ngayun...kapag may kilala kang tao na nagmamahal ng dalawa o higit pa tanungin mo siya kung anong klaseng hayop siya." - MDS PS. 3 hearts po ang hearts ng πŸ™ sinearch ko. heheπŸ˜… Magandang umaga sa lahat! πŸ˜„ It was a joke I saw on FB reels, hagalpak sa tawa si ako. 🀣

@unknownymous19

VOYADORES Taong 2016 pa ang larawan ito na kuha ng Naga City Government page. Nakakatuwa at nakakaproud ang bunso naming kapatid dahil nakaya niya ang parada sa gitna ng init at ulan. Grade 6 pa lang siya jan pero matangkad na sa ate. ❀️ Magandang hapon sa lahat! πŸ˜€

@unknownymous19

TANGLAD (Lemongrass) Ayon sa nabasa ko maraming benepisyo ang pag-inom ng pinakuluang tanglad. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Malilinis ang atay at kidney. (Iihi ka ng iihi) 2. Bababa ang blood sugar, cholesterol, blood pressure, uric acid, atbp. 3. Matatanggal ang allergy o anong kati sa katawan. 4. Maaalis ang kabag o bloating. 5. Ayaw rin ng ipis, lamok at ahas sa amoy ng tanglad. Ilan lamang ito sa mga benepisyong pwede makua. Ngunit para mas makasigurado ay magtanong sa…

@unknownymous19

LET'S PRAY FOR JAPAN & TAIWAN! "The strongest storm on Earth this 2022 as seen from space. 🌎😱" - Biliran Island Page Nakuuu napakalawak ng sakop ni Typhoon Nanmadol! Ang laki pa ng mata. Matitrigger daw nito ang mga disasters na dadaanan ng bagyo pero mukhang walang sasantuhin ang bagyong ito. Nakakatakot naman. Kaya let us pray po ang Japan maging ang karatig lugar. Maging sa Taiwan ay nagkaroon ng malakasang paglindol. Andoon kase nakababatang kapatid ng kaibigan ko, OFW…

@unknownymous19

PIZZA Pag-uwi ko nakasunod pala sakin kaptid ko, di niya na ako tinawag kase ang bilis ko raw maglakad. May bitbit siyang meryenda namin kaya solve ang tiyan. Magsasaing muna ako, wala pang maisip na ulam. 🀣 Magandang hapon sa lahat! PS. Ingat sa pauwi pa lang, nasa byahe o papasok pa lang sa work.

@unknownymous19

WATERCOLOR Kuha ko ang larawan ngayonΒ² lang, edited to watercolor shade. 😁 Inayos ko muna ang gamit ako para naman organize at madali kong makita ang mga nawawala. 🀣 Masakit na kati sa mata ang sobrang kalat at mga papel. May kailangan na ring bilhin na gamit paubos na at sira na pero wala pang budget. πŸ˜† Lunchtime na pala kaya kumakalam na ang sikmura. Eatwell po sa kumakain na. πŸ€—

@unknownymous19

KUNG PAANO HININTAY ANG DAPITHAPON "Nagising di naman ako...na hindi na kita mahal. Kaya lang ang masakit, DI TAYO NAGKASABAY!" - Tere Mukhang maganda ang pelikulang ito, mayroon kasing mga INDIE FILMS na magandang ang atake ng storya na di pumapatok sa madla. https://www.facebook.com/368189913583854/posts/pfbid02cnLUvfvqy4ueWuYAW75AxDFFs1TrxQB7Ek5mo4hsGDeBV9NiYKMJNavbbJxa3scFl/ ... Falling out of love will be always my biggest fear! Naggising na lang isang araw na isa…

@unknownymous19

TSISMOSANG SISIW Nag-alaga ng mga sisiw ang kapatid ko dahil kailangan sa project nila sa school, graduating na. Glory to God! Pinupuntahan ng kapatid ko doon sa bahay nina tito kase malawak ang space doon. Ngayon sinend ng kapatid ko kanina pagpunta kaninang umaga, may isang sisiw na certified tsismosa. Haha. Di naman naipit kase kasya pa naman daw. Sobrang likot ng mga sisiw at may lider na ata sila kase may iilan na sa liit nila eh marunong ng kumampay ng pakpak. Pano na…

@unknownymous19

DULA-DULAAN Simula elementarya hanggang kolehiyo ay di nawala ang pagtatanghal ng isang dula. Kuha po yan ng college pa ako, mahulaan ninyo kaya kung sino ako jan? πŸ€” Ako lang naman iyang may patong sa ulo. Para may idea kayo sa pagmumukha ko. Camera shy kase eh. Siguro naman hula niyo na ang role ko jan? Ako ay isang magandang puno. Hahaha. Di ba, ang gagawin lang ay nakatayo sa gilid, pasway-sway lang. πŸ˜† Nakuu, payat noon, payat pa rin ngayon. Time flies so fast! πŸ•› PS.…

@unknownymous19

"Lagi na lang umuulan, Parang walang katapusan" ... πŸŽΆπŸŽ™οΈ Yan tuloy napakanta ng di oras. Haha. Mag-isa na ako sa room kaya okay lang. Lipat office na kase yung kasama ko dito. Maulan na hapon dito sa amin. Bigla lang ang buhos at malakas. PS. Ingat sa mga pauwi na, uuwi pa lang at yung papasok pa lang sa trabaho. Ano kayang pagkain sa bahay? 30 minutes pa. πŸ˜‚

@unknownymous19

TURON Turon!! (3x) Turon kayo jan! 😁 Kain po tayo ng menindal. Andaming lang asukal. Kapares nito ang kape. β˜• PS. Kain muna bago magluto ng hapunan.

@unknownymous19

TAMBALAN "Una magdasal ka para mabuhay ka. Pangalawa, magtoothbrush ka para mabuhay naman ang iba. YOWN!" - Tambalan Yan palagi ang bubungad sayo kapag napakinggan mo sa radyo ang tambalang balahura ng Love Radio Manila. "Tambalanista" yan ang tawag sa sumusubaybay sa segment nila tuwing alas 8:00 - 8:30 AM at babalik ng 9:00 - 9:30 AM para sa Mahiwagang Burnay Story. Di ko na tanda kung kelan ako sumubaybay sa kanila pero tagal na rin. Bihira na lang ako makapakinig sa…

@unknownymous19

"Em-em ang kanyang pangalan. Ngunit tawag namin sa kanya'y bubwit. Dumating siya sa amin na pagkaliit-liit. Di matatawaran ang kanyang kulit." Kaya ating tularan si Em-Em. πŸ’• Bow! Happy 1st barkday my Em-Em. Two months old ka lang ng dinala ka sa amin. Kala ni mama di ka na lalaki kase ang liit mo, yun pala mas malaki ka pa sa mga ate mo. Ten months old ka ng naglalambing, nagpapasaway at nagpapacute lalo na kay mamita pag may nagawang kasalanan. Lagi naman kinakampihan ni…

@unknownymous19

SCAMMER ALERT Nagmessage ang kapatid ko na may dumaan daw sa amin para humingi ng limos. Modus! Mabuti na lamang alerto at naalala niya ang post sa facebook dito sa aming barangay. Ayon sa nasabing post, naiparating na ito sa kinauukulan. Sana mabigyan ng agarang AKSYON. Kaya ang kabilin-bilinan ko sa mga kapatid ko pagnasa bahay, laging lock ang gate at pinto. Bago pagbuksan silipin muna sa bintana. Kase may instances kase na may lumalapit sa bahay namin nanghihingi ng…

@unknownymous19

HAMOG Ikaw'y namumuo tuwing madaling araw. Bilogan ang hugis na napakalinaw. Nakadantay sa mga dahon at tangkay. Na animo'y nagpapaaraw. ... Magandang morning madlang noisepipz! Laba day si inday. Nakakain na rin ng almusal para may lakas sa buong maghapon. ☺️

@unknownymous19

FAGOD ANG FERSON Mayroon ata sainyo ang nakakahalata na ganyan ang uso ngayon sa mga convo, di ko alam sino nagpauso. πŸ˜‚ Fagoda ang ferson dahil sa lavahin. Sinabay ko na kase yung mga damit ni mother earth para naman feel niya ang kanyang off. 😁 Magandang hapon sa lahat! πŸ˜‰ PS. Ilan sa inyo ay nakapagsiesta na at mayron ng meryenda. Pahingi naman oh? πŸ™Š Wala munang piktyur. 🀣

@unknownymous19

PAPAYA Marami - rami naman pala ang bunga ng tanim na papaya sa likod bahay. Kusang tumubo lang yan at namunga. Maliliit lang talaga ang hugis at manamis namis. Dalawa silang tanim sa likod - isang lalake at isang babae. Ano ba pinagkaiba nila? πŸ€” Sino pa ang nakakaalala ng kanta at sayaw na PAPAYA SONG & DANCE ni Edu Manzano? Sino ang nakihataw at nakisabay pagpinapatugtog ito? Ating muling pakinggan at makiindak sa awitin. πŸ’ƒπŸ•Ί https://youtu.be/Pt6ClV-aptU Magandang hapon sa…

@unknownymous19

DM Yan ang feature ni Noise App kung saan pwede mo ng makausap ng personal ang mga naging kaibigan o kakilala mo rito sa noise cash. Kailangan lang na nakafollow kayo sa isa't isa para bongga. Konting explore pa sa kanya at pasasaan ba't magiging madali na lang. 😁 Kaya mga kaingay PM is the key sa mga gusto ninyong makausap ng kayo lang. Getting to know each other. πŸ˜† β˜•

@unknownymous19

EVERYBODY SING After one year, nagbabalik ang game show na lahat pwedeng manalo - ang SONGBAYANAN! Nakuuu, nakakakaba ang Jackpot round! 9 songs ang title na nahulaan at isa na lang para manalo sila ng tumataginting na ISANG MILYON! Mayroon silang 32 seconds na natitira at 2 seconds na lang di pa nahulaan ang kanta. Sa 2 seconds na natitira, sobrang tuwa namin dahil NANALO sila, hati - hati sila sa 1M. Ang last song ay MAHAL NA KITA by BGYO. TINRY din namin hulaan kaso mali…

@unknownymous19

Kaya pala iba ang ihip ng hangin dahil sa sama ng panahon *iniwan siguro* πŸ˜†, may bagyo na naman pero daplis lang sa lugar namin. Tandang - tanda ko pa noon pagsasapit ang ber months laging bumabagyo at palaging ang target ang Bicol kaya laging handa noon. Pokpok dito, pokpok doon, ayusin na ang dapat ayusin, itabi na ang mga importanteng dokumento at mga damit para di mabasa. Nag-iipon na ng mga de lata, battery sa flahslights at kandila. Nagpapasko kami noon walang koryente…

@unknownymous19

"Ang pinakamagandang bagay tungkol sa ulan ay laging humihinto...sa HULI!" - Eeyore Titila rin ang ulan. 🎢 Tama nga naman, kahit gaano kalakas ang ulan o unos sa atin ito ay daraan lang sa ating buhay. Need mo lang ng payong o kapote para sa proteksiyon. Kaya wag kalimutan kapag lalabas ng bahay o pupunta sa work. 😁 Maulan na morning madlang noisepipz! Ingats po sa maghapon. PS. Nagparamdam ulit si NDRRMC 😎

@unknownymous19

ST KARDING Nasa ST category na pala ang bagyong Karding at nanalasa ngayon sa Polilio Islands na ngayon ay napasailalim na sa Signal no. 5 base sa page na nasa larawan 21 minutes ago naipost. Nawa'y ipanalangin po natin ang ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo. Alam po namin ang takot at kaba bilang isa rin po kami sa laging dinadaanan NOON ng bagyo. Matapos manalasa, malaking kawalan ang mga nasirang pananim, bahay o mga tumbang mga puno. Ingat po ang lahat! πŸ™πŸ» PS.…

@unknownymous19

Malakas na naman ang buhos ng ulan sa amin. Ramdam mo talaga ang sama ng panahon dahil sa ihip ng hangin. πŸ™ Sa ngayon, alam ko makakarelate ang ilan mga magulang ngayon. Kapag ganitong may bagyo, ang unang tanong agad ng mga magulang at mga anak, may pasok kaya bukas? Kanina kase may mga magulang na nag-uusap, eto yung narinig ko sa pag-uusap kase anlakas ng boses. πŸ˜… P1: May pasok kaya bukas? P2: Wala pang announcement galing sa teacher. P1: Kami nga rin. Di pa nga ako…

@unknownymous19

WALANG PASOK Dahil sa pananalasa ng bagyong Karding, SUSPENDIDO na ang klase sa lahat ng antas at pati na sa government base na rin sa announcement galing sa nakatataas. Ito na nga ang hinihintay na announcement ng mga magulang. Manatili na lang sa bahay kung wala namang gagawin sa labas. At kung kailangan, dobleng ingat po. πŸ€— Keep safe everyone.

@unknownymous19

GANAP KAHAPON Sinamahan ko si mama pumunta ng centro at may bibilhin siya. Maaga kami umalis para di abutin ng tanghali pero halfway palang sa may kanto nakuuuu sobrang traffic. Andaming mga bus at sasakyan sa ibang lugar para makapagsimba sa Basilica Minore, 3 sundays daw iyan at mukhang sa October pa. Pilgrims ata tawag dun kaya 30 minutes ang hinintay namin para makalampas. Bilib rin ako sa tatag ng pananampalataya ng mga Pilipino sapagkat kahit maulan ay tumuloy pa rin…

@unknownymous19

PARCELS Dumating na ang mga parcel na inorder namin siya shopee, mga mask naman lang ito at isang sandal ng kapatid ko. Maramihan na ang bili namin dahil mahal bumili sa tindahan. Walang freebies si seller. πŸ˜… Magandang hapon! ☺️

@unknownymous19

Wake up and see how beautiful the light of dawn this morning. I hope you enjoy all through out the day! Good morning my friends. πŸ€— PS. Yung sanay post ko kagabi eh nakalimutan ko. πŸ˜†

@unknownymous19

18 & 1 Before the day ends, I would like to share why we're so busy in the past few days. It's a double celebration wherein my youngest sister turns 18 today and Em - em, our makulit na bubwit turns 1 a few days ago. We decide to make it into one simple celebration. *Tipid Tips* πŸ˜† I'm so tired but happy with the outcome of this occasion. I don't know if I'm able to go to work tomorrow. πŸ™ˆπŸ™‰πŸ™Š Good night fellas! PS. Wag po sana kayong manosebleed. 🀧

@unknownymous19

Kapag ganitong may okasyon, bukod sa nabusog ka sa amoy ng mga niluto ay asahan sa huli tambak ang hugasin. 🀣 Certified tagahugas! Per piraso po ng hugasin ang bayad sa akin para naman sulit ang paghuhugas. Di na ko kumuha ng piktyur kase masakit sa mata ang mga hugasin. πŸ˜†

@unknownymous19

VIDEOKE Bawat okasyon di mawawala ang videoke, isa sa mga aound system ng bawat bahay. Hehe. Di rin natin maitatanggi na hilig ng mga noypi ang kumanta at halos lahat eh nakikilala international level. Tulad ng pamangkin ni Cha na si Hardy, bata pa lang mahilig na sa kanta. Daig pa kaming mga tita niya. Hanggang pangbanyo lang ako. 😁 Magandang morning sa inyong lahat. 😁 PS. Bakit kaya ganun nakakalimutan lahat na alam na title ng kanta kapag nasa harap na ang videoke? πŸ€£πŸ˜‚πŸ˜…

@unknownymous19

ADVISORY NA NAMAN Nakuuu di talaga papaawat si Kasureks na matapos ang buwan na di magbrown out. Di naman binabawas sa bill ang brownout na schedule nila lalo pang tumataas ang bayaran sa koryente. 🀧 Sa Friday, sakto sa last day ng buwan 9 am - 6 pm mawawalan ng koryente ang aming barangay. Hayy. Sobra naman ang iniiiiiiiiiiiit niyan. Kala ko mafifeel ko na ang lamig ng simoy ng hangin, di pa pala daig pa ang summer. 😒 Lunch! 🍽️

@unknownymous19

REPLY Malaki na talaga ang pinagkaiba noon at ngayon pagdating sa communications. Kase dati kailangan mo pa mahingi o malaman ang cellphone number ng taong gusto mong makausap. Lakasan lang ng loob para iapproach pero mahiyain ako sa ganyang bagay. Mabuti na lamang nauso ang Slam Book noon kayat lahat ng kaklase mo napasulat mo eh madali mo na lang malaman kung mayroon na bang cellphone o wala. Minsan kase walang nilalagay. Pero wala pa akong phone noon kaya nakatago lang…

@unknownymous19

BACK TO WORK Tatlong araw akong di pumasok kaya naman medyo tambak ang mga gagawin pero keri naman. Minsan kailangan rin magrelax at hindi puro trabaho lang. Di ko sinabing lagi ng umabsent wala ka ng sasahurin pagnagkataon. πŸ˜… Happy lunchtime sainyo. 😁 PS. Anong niluto ninyong ulam??

@unknownymous19

SNACKS Cheese rings at chips ang snacks na dinala ko kase nagkicrave ako kumain ng chichirya at masakit ang balakang. Dati rati'y masakit ang puson ay sign. Isa na naman ang ibig sabihin nito, malapit na naman akong datnan. Limang araw na naman na pagtitiis. πŸ˜† Sa mga sissy ko dito sa noise, ano ang signs na dadatnan na kayo? Maulan na hapon. 😊 PS. May biyaya na naman akong natanggap...kisses. 🍫

@unknownymous19

HELLO OCTOBER! "And all at once, summer collapsed into FALL!" - Oscar Wilde One day, we were exhausted from the heat and sweat but now it's different because finally there is a cold breeze of air to start this month. ❄️ Hindi man tayo nakakaexperience ng four seasons pero mararamdaman na natin ang malamig na simoy ng hangin kase sa mga nakaraang araw sobrang init tapos bigla na lang uulan. Yung lamig ng hangin ng dadampi sa ating mga balat ang namimis ko, unti - unti na…