GANAP KAHAPON Sinamahan ko si mama pumunta ng centro at may bibilhin siya. Maaga kami umalis para di abutin ng tanghali pero halfway palang sa may kanto nakuuuu sobrang traffic. Andaming mga bus at sasakyan sa ibang lugar para makapagsimba sa Basilica Minore, 3 sundays daw iyan at mukhang sa October pa. Pilgrims ata tawag dun kaya 30 minutes ang hinintay namin para makalampas. Bilib rin ako sa tatag ng pananampalataya ng mga Pilipino sapagkat kahit maulan ay tumuloy pa rin sila para makapagsimba. Sa totoo lang, di na ako palasimba tulad ng iba lalo na sa paboritong simbahan ni papa, ang San Francisco Church. At dahil sa trapik medyo natagalan kami sabayan pa ng ulan. SKL. π Magandang umaga! Ingat pa rin po kahit maaraw na. Lalo na sa mga kababayan natin na dinaanan ng bagyo. Kumusta po? PS. Anong favorite niyong combi sa mga flavors pagnabili ng fries? Hehe. Ako, sour cream, BBQ at cheese. Pero want ko man itry sa sunod yung iba. π
6 comments
Barbeque ako sis masawap kasi sya ako rin hindi na ganoon malimit pumasok ng church buhat ng mag pandemic sa bahay rosary at sa youtube nalang basta hindi tayo nakakalimot magdasal at magpasalamat marami sigurong nanalangin kaya ginabayan nya ang lahat gandang morning:)
Opo, same po pala tayo ng fav. π Agree po ako jan.
Maaraw ma din dito sa amin ngayon.
Oo sis kaya sinampay ko na labahin ko. Haha
Grabe yung traffic kahapon papasok at palabas ng basilica. Dagsa talaga ang mga tao, hanggang DeL Rosario pa daw yan sis.. Tapos may daan pang sarado. Kaya ang nangyari samin kanina, paikot-ikot na lang ang sasakyan. Hehe..
Ganyan ang mga kristiyano friend, basta nanabalig at totoo sa diyos aytalgang kahit naulan andiyan sila