read.cash Log in
@unknownymous19 more from that month

SCAMMER ALERT Nagmessage ang kapatid ko na may dumaan daw sa amin para humingi ng limos. Modus! Mabuti na lamang alerto at naalala niya ang post sa facebook dito sa aming barangay. Ayon sa nasabing post, naiparating na ito sa kinauukulan. Sana mabigyan ng agarang AKSYON. Kaya ang kabilin-bilinan ko sa mga kapatid ko pagnasa bahay, laging lock ang gate at pinto. Bago pagbuksan silipin muna sa bintana. Kase may instances kase na may lumalapit sa bahay namin nanghihingi ng tulong o limos. Kapag binigyan naman kahit kaunti, NAGDEDEMAND NA KULANG. Kinalampag pa ang gate namin ng ilang beses para lang pagbuksan sila. Bukod sa bahay namin, may nangyayare pa dito na dinawit pa ang pangalan ng barangay namin, may sumakay daw ng jeep at nagsasabing taga - dito sa amin, iyak ng iyak at nagdadrama, gumawa ng kwento na ganito, ganiyan. Dinaan sa awa, di ang tao na nakasakay sa jeep ay nagbigay ng tulong doon sa lalake. Nakuuuuu! Napag-alaman na ang nagpakilala ay DAYO daw. Kalaking tao, di magbanat ng buto. Hindi naman masama ang humingi ng tulong basta TOTOO, hindi yung manloloko ng tao. Nakuuu! 😤

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.