read.cash Log in
@unknownymous19 more from that month

BUKIRIN Kaninang pag-uwi ko ay biglaan akong sinama ng kapatid ko sa relatives namin. Nakita ko ulit sina lolo, lola, ante, ankol at pinsan sa side ng family ni mama. Bihira lang kase magkita-kita at matagal na yung huling reunion nang kinasal ang pinsan namin. Masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Malaki na ang pinagbago ng lugar ngunit di magbabago ang samahan ng pamilya. Matagal na rin kase nung huli namin punta sa kanila kase bahay at work lang ako, di umaalis ng bahay dahil walang pera. πŸ˜… Minsan, masarap din sa pakiramdam na nakakapagliwaliw ka rin. Di rin masama na bigyan ang sariling mamasyal kahit papaano. Magandang gabi sa lahat! Nakakain na ba ang lahat? PS. Nakuuuuu po mas matangkad pa sa akin mga pinsan ko. Maliliit pa sila nung huli kong kita aba'y nagsitaas lahat. Di nabiyayaan ng tangkad, tulog siguro ako noon. πŸ˜‚

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.