read.cash Log in
@unknownymous19 more from that month

243 Nagising ng alanganing oras dahil tahol ng tahol sa labas si Tata, gusto ng pumasok. Kagabi kase ayaw pumasok kahit anong pilit namin, magduduty daw siya, ibig sabihin gusto niya matulog sa labas. Hinayaan na namin kaya lang yung mga kapatid niyang sina Nana at Em-Em di sanay na wala siya sa loob katabi matulog kaya ayun puyat rin hinihintay na pumasok si Tata. Pagkalakas ng loob, yun ang wala ako. Magandang umaga sa lahat ng makakabasa nito. ☺️ Balik ulit sa pagtulog. PS. Wala ng pasok ang mga bata ng anim na araw pero ako hanggang Hwebes pa. 😅Kasi simula ngayon hanggang Lunes ay selebrasyon ng Kapistahan ni Ina. PPS. Tanda ko pa noon pagganitong walang pasok, ihanda na ang isip at kamay sa pagsusulat ng sandamakmak na essay sa Sulating Pangwakas (Filipino) at Formal Theme Writing (English) yung may mukha pa ni Dr. Jose P. Rizal. Ngayon bihira o di na iyan ginagamit. Sino sainyo ang nagkapaltos sa kamay kakasulat niyan? 😂

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.