Kaya pala iba ang ihip ng hangin dahil sa sama ng panahon *iniwan siguro* 😆, may bagyo na naman pero daplis lang sa lugar namin. Tandang - tanda ko pa noon pagsasapit ang ber months laging bumabagyo at palaging ang target ang Bicol kaya laging handa noon. Pokpok dito, pokpok doon, ayusin na ang dapat ayusin, itabi na ang mga importanteng dokumento at mga damit para di mabasa. Nag-iipon na ng mga de lata, battery sa flahslights at kandila. Nagpapasko kami noon walang koryente at bumalik makalipas ng mahigit isang buwan. Pero ngayon, laging sa Northern part na ng Luzon dumadaan. Ingat po ang lahat dahil sa malakas na ulan, kulog at kidlat na mararanasan natin baka hanggang bukas. Good night! 😊
2 comments
Ingay kayo jan. Good night
Kayo rin jan. G'night.