read.cash Log in
@unknownymous19 more from that month

ECONOMY SABOTAGE Yan ang #hashtag sa pinanuod kong video kaninang umaga. Ang video ay patungkol sa ilang electric company na di ko na papangalanan kung saan tinatanong at kinukwestiyon yung engineer *nakalimutan ko kung anong specific* in charge as part of his job description kung bakit napakataas ng rate sa bill na ipinapasa sa consumers na kung saan HINDI NAMAN NAGCOCOMPUTE mula taong 2016 ng distribution at transmission rate na dapat sana'y mababa. Bilang isang consumers ng isang electric at water company, sa ngayon mabigat talaga sa bulsa. Tulad ng nakaraang mga buwan, kada buwan ay nagdagdag sila kada rate from 12 - 17 kph. Kahit gaano kasinop na pagtitipid ay di pa rin sapat dahil pataas na pataas ang bayarin. Kumbaga, kumakayod ka para mabayaran lang ang monthly bills - koryente, tubig at internet. Di pa jan kasali ang pagkain at allowance. Paano na lang yung tulad naming minimum wage earner o yung sumaside line para lang may maipantustos sa pang-araw-araw. Wala pa nga ang sahod...ubos na sa pagkompyut. 🙄 PS. May nabasa ako na isang KOMENT, ang Pilipinas ay di naman talaga MAHIRAP kase kung mapapakinggan sa balita, BILYON o higit ang pinag-uusapan. Marami pang koment ang nandun na gustong sabihin ang mga punto de vista nila. 😑

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.