Yesterday's ganap! 👣 Umaga pa lang busy na ako kakaayos ng mga files ng aming dating butihing boss para sa ginagawa niyang reports. Bandang alas - dos na kami ng hapon natapos at nakaalis, sinama niya ako para ako ang magdala ng mga files *tatlong lalagyan yun, kinaya naman ng powers ko*. Mga alas singko y medya na kami natapos kaya naman nakakapagod pero worth it naman. ☺️ Sa bilis kong maglakad, di ko napansin ang kapatid ko na nakaupo sa may waiting shed kaya tinawag niya ako. Hinihintay niya daw isa pa naming kapatid dahil mayroon silang praktis sa simbahan, choir kase sila. So sinamahan ko muna dahil ayaw ko naman iwanan mag-isa kaya ayon hintay kami dalawa. Inabot pa ng kalahating oras ang paghihintay dahil sabayan pa ng trapik. Kaya nakauwi ako lampas ng alas siete ng gabi. 😬 Skl. 😂
2 comments
Ang productive ng araw nyo kahapon po worth it ang maghapon :)
Kasipag naman kaingay. 😊