REPLY Malaki na talaga ang pinagkaiba noon at ngayon pagdating sa communications. Kase dati kailangan mo pa mahingi o malaman ang cellphone number ng taong gusto mong makausap. Lakasan lang ng loob para iapproach pero mahiyain ako sa ganyang bagay. Mabuti na lamang nauso ang Slam Book noon kayat lahat ng kaklase mo napasulat mo eh madali mo na lang malaman kung mayroon na bang cellphone o wala. Minsan kase walang nilalagay. Pero wala pa akong phone noon kaya nakatago lang yung notebook na yun. Kaya nauso ang group message at text clans. Kausuhan dati. 🤣 Ngayon mas advance na, di na nagloload sa sim card kaya kahit di mo na alam ang phone number eh may access naman sa internet at mahahanap sa facebook at messenger. Kaya ngayon na madali na lang ang access, di na ako agad² sumasagot ng tawag kung di nakaregister sa contacts ko lalo na laganap ang scammers. Hehe. Pero kung ganyan naman sa larawan, ano sa tingin ninyo? Reply na ba agad? 🤣 Magandang gabi sa lahat! 😊
11 comments
kavoug namn ung nasa photo. easy 4k agad oh . HAHHHAH pero ayun nga sobrang modern na kasi natin ngayon. pero ako mas maganda na magawa pa rin ung mgsa traditional. like letters, mas na-appreciate ko un kesa sa chat e
Tama ka jan. Old but gold. 😊 Pero pwede naman both kase di natin matitigil ang pagbabago
omism, mate. basta sa mga umuusbong ngayon huwag lang masyadong mahumaling kasi sabi nga ang sobra ay masama
Agree naman ako jan. SLR. 😅
Mahina yan dapat 50k agad 🤣
Ay pwede². 😂
Kada reply ba iyang 4k? Haha...anyway, speaking of group messaging...naalala ko yung kalokohan ko dati, nagtetext ako sa crush ko ng greetings like good morning, good afternoon etc...tapos sa ibaba ng text ko may nakalagay na -gm- para di halata hahah
Di naman mahalata kasi nauso naman yan. Hehe. Gandang morning m
Reply agad agad mas mabilis pa sa palawan pawnshop hahaha
Ang galante lang ha kaya reply kaagad yan wala ng patumpak tumpak hahaha
ay oo nman. in just a sec. reply agad. pang bigas at ulam din yan hahhaha