TAMBALAN "Una magdasal ka para mabuhay ka. Pangalawa, magtoothbrush ka para mabuhay naman ang iba. YOWN!" - Tambalan Yan palagi ang bubungad sayo kapag napakinggan mo sa radyo ang tambalang balahura ng Love Radio Manila. "Tambalanista" yan ang tawag sa sumusubaybay sa segment nila tuwing alas 8:00 - 8:30 AM at babalik ng 9:00 - 9:30 AM para sa Mahiwagang Burnay Story. Di ko na tanda kung kelan ako sumubaybay sa kanila pero tagal na rin. Bihira na lang ako makapakinig sa kanila dahil nasira ang radio namin sa bahay. Talaga naman mahahawa ka sa hagalpak na tawa parang nakalunok ng megaphone nina Nicoleliyala at CrisTsuper. Kahit mga balahura ay goodvibes lagi ang hatid sa madlang pipol tuwing umaga. At isa pa, lagi sinasabi, may tama ka, isang malaking tsek ng pink na ballpen. 😅 PS. Sino gusto magdonate ng radyo sa akin. 🤣 Magandang umaga sa lahat. 😄
3 comments
Mukang nakakaaliw pakinggan ang podcast nila hehe.
Oo sis. Nasanay lang siguro ako sa radyo. 😂
Mukhang masayang makinig sa tamabalan podcast nila sis. Matagal na akong hindi nakapakinig ng radyo dati maliliit pa mga anak ko ang hilig kong makinig gaya ng mor gamit ang selpon :)