read.cash Log in
@unknownymous19 more from that month

LABA DAY Kala ko di na ako makapaglaba dahil paggising ko kaninang umaga sobrang lakas ng ulan. Mabuti na lang at di rin nagtagal ay tumila na rin. Kaya ayon nasampay ko na at tapos na ang unang batch - mga pang-alis na damit. Yung ikalawang batch ay pambahay, kaunti lang naman kaya isinalang ko na rin para bukas ay magsasampay na lang. Gusto ko kase isahang paglalaba lang para isang upuan lang ng pagpapagod. Alam ko rin na ang Sabado ay laba day ninyo rin. 😆 Magandang hapon sa lahat! PS. Habang naglalaba, naririnig ko ang banda na tumutugtog at nagpapraktis para sa darating na Kapistahan ni Inang Penafrancia sa aming lugar. Malapit lang kase ang elementary at secondary school. Lalakarin mo lang. 😀

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.