read.cash Log in
@unknownymous19 more from that month

MATUANG AKI (Tagalog Version) Ni: @unknownymous | LGVC Unang beses kang iniluwal ni ina sa kanyang sinapupunan Simbolo ng wagas na pagmamahalan Akala'y masusunod lahat ng luho't kagustuhan At mga kapatid laging mauutusan. Maraming taon ang nagdaan, edad ay nadagdagan Unti-unting nahinog ang murang isipan Kung ikukumpara sa dati mahirap ang kinalalagyan Ito minsan ay di lubos na maunawaan. Panganay...ikaw'y kanilang masasandalan Kahit na sa sarili'y may pinagdadaanan Lakas ng loob ang paghuhugutan Tapang ang sandatang ipanlalaban. Panganay...ikaw'y man ay pinaghihinaan minsan Malulugmok at sarili'y pagdududahan Ngunit laging isipin at pakatatandaan Hindi ka nag-iisa sa laban. Magandang gabi sa lahat! Nakakain na ba? 😁 PS. Ito pala ang ginawa kong tula na ni request ni @MommyMadamdamin na tagalog version naman. Magkaibang wika man ang ginamit pero pareho ang nilalaman. NO pic muna sa ngayon. 😁 #OriginalContent #IdaanKoNaLangsaTula

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.