Partial laba Medyo may araw na nagpakita ngayon pero ang bilis din magbago aambon na naman siya. Tambak na ang labahin kaya unahin ko na yung mga kukusutin lang mga uniporme ng mga estudyante ko sama na rin ibang damit na hindi masyadong madumi mabawasan man lang labahin ko bukas. Ito ay partial pa lang, bukas na talaga ang totoong labahin haha agahan ko nalang bukas para makapagsampay ng maaga rin :) Ang daming linisin sa aming kusina kailangan magmop sa mga kasulok-sulukan ang hirap din daming gamit kailangan ilipat para maayos paglinis. Habang nakababad ang aking labahin, ako'y babad din muna dito at makipagchismisan i mean makipagkumustahan sa inyo haha. Kumusta kayong lahat okay na rin ba panahon diyan sa inyo?
20 comments
Sipag naman, dapat rest day ngayon
kala ko patapos na sis partial pa pala ya
Ang siapag mo nmn sis. Hinay hinay lang at bka naman mapano k nyan😍
Ok lang yan sis total weekend naman walang pasok mga bata..
Same tayo sis dito mainit kanina ngayon madilim na naman.
Hanggang ngayon nakababad parin sis haha umulan kasi kusutin ko na kapag tumigil ang ulan.
Oo sis para matapos na din sis.
Gandang gabi sis sensual na trapik ang reply hehe kanina ap natapos sis hehe
Ah hehe buti naman sis. 🥰
Uniform talaga ang importante sis.
Kaya nga sis Hindi ko Rin kasi kasali sa pagwashing ang mga uniform sis.
Sis tulungan na kita hehehe
Haha sige sis para mabilis matapos hehe
Di ako makapag laba nakakatamad ang panahon mahangin pa kase samen
Dito Rin Naman sis paulan ulan tapos aaraw saglit.
Nakatambak din damit namen sis... Ayaw ko maglaba kc madalas may konti amoy pag ganito weather
Mga uniporme Lang muna sis nilabhan ko spin nalang pagkatapos para kaunting hangin tuyo na.
push yn sis ako inuna ko linis bago laba hahahah ok lng yn nakapg babad ka nmn dto napa chika now lng nakadalaw😂
May ganun pala, May partial pa haha. Evening sis!
Dito sis may araw na pero kukulimlim din mayamaya at balik kunting araw naman ayos na rin para kahit papaano makaka tulo man lang ang sinampay ko hihihi