My Twinnie Princesses Pa-Throwback muna sa aking mga prinsesa :) sobrang busy buong araw kaya ngayon lang nakasilip. Hindi ako makapagconcentrate kanina sa pagreview sa mga chikiting ko dahil sa hindi magandang balita na aking natanggap masakit sa kalooban. Pinipilit kong wag isipin pero hindi mapigilan huhu. Sa oras na ganito ang ating mga anak ang nagbibigay saya sa tuwing tayo'y malungkot. Sa kanilang ngiti ikaw rin ay napapangiti. Napapaemote tuloy ako, pagpasensyahan nyo na minsan lang naman haha. Mahigit dalawang na pala nakalipas sa picture na'to ng mga dalaginding ko :) reunion ito ng pamilya ng aking biyenan na babae nag overnight sa isang resort sa Tagaytay. Hindi mawawala ang mga apo dapat present sila hehe. Sila pa lang kasi ang mga apo ng aking mga biyenan kaya spoiled din yan sila sa Lola nila :)
32 comments
Magagandang bata .
Salamat sis :) Magandang umaga
Masaya kasi tayo kapag makikita natin ang atingga anak na nakangiting at masaya sa mga bagay na kanilang punagdaanan
Totoo sila ang nagbibigay ngiti sa atin. Good morning!
Magagandang bata at malulusog sila
Salamat sis. Praise God!
Ang cute nila sis
Cuties naman
Kung ano man yan sis fighting lang, ang cutie naman ng mga anak mo sis muka talaga silang kambal.
Salamat sis, lagi nga silang napagkamalan na kambal sis lalo na kapag parehas sila ng damit hehe ganyan pag isang taon lang ang gap hehe. Happy morning sis!
Lagi pa naman silang matchi matchi
naalala ko ate ko hehehe gnyn kame lagi nun pareho ang damit kc para d magka inggitan hehhe
Haha totoo yan sis para hindi magkainggitan Kaya dapat parehas :) walang away na magaganap haha
sa dalwa ko nmn anak sis ganan ngaun kc c kulot lgi pinapaiyak kuya nya gusto nya anu nasa kuya nya aun din knya hahahha
Ang ganda sis kapag magkasunod na babae ang mga anak ano. Pareho-pareho ang mga damit. Ganyan kami noon ng kapatid ko, kaya napapagkamalan kaming kambal daw.
Isang taon tatlong buwan Lang gap sis Kaya parang kambal sila tingnan lalo na kapag parehas sila ng damit :) Good morning sis
Kaya pala sis.. cutecute nilang tingnan.
Gusto ko sanang terno sila palagi pero itong bunso magkaiba sila ng gusto ng pananamit sa ate niya. Ang ate girly talaga si bunso naman pa boyish ang gusto haha
Wow naman ang cuvute
Minsan masarap talaga nakapaligod sau bata sis. Nakaka good vibes at lakas tawa lang. Hehe
Totoo sis masayana magulo haha lalo na kapag mga makukulit hehe
napaka cute naman nila
Sis whatever bad news you receive just don't forget na di yun magtatagal and there are more blessings to come. Btw, there's really cute sa outfit nila:D
So cute... Parang twins lang talaga sila sis
Ang cucute naman ng mga suot nila. 🥰🥰
Cool, hello pretty girls.
cute naman. twinning tlaga cla heheh
Ang cute naman nila..
aww you are blessed sis Ang gaganda mana sa mommy syempre :)😊😊
Ang cute sa pa throwback ako siisy mag busy muna tapysin ko lang ang task ko dami kong gawain sa bahay ei
Napaka-pretty ng 2 iyan. So gorgeous pa!
super cute naman nila sissy