read.cash Log in
@ruby0622

Kumusta ang lahat sa inyong lugar hope safe kayong lahat. Grabe ang lakas ng hangin at ulan ngayon dito sa amin talagang ramdam mo bagyo kung kailan gabi na saka mas lumakas pa. Mabuti hindi bahain dito sa lugar namin pero dito sa loob ng bahay namin sa kusina kung hindi mo bantayan babaha talaga ang daming tulo dumadaan sa wall kaya hirap magsahod. Kailangan bantayan mga nakasahod na batya at sabayan ng mop palagi ang sahig para hindi stock at dadami ang tubig. Ito pala yung nasa probinsya kami nagbakasyon nakaraang december na binagyo din lugar namin. Ang bahay namin yung sa likod ng kalabaw kulay blue ang bubong at sa tito ko naman ang kulay pula na bubong. Ganyan bahay namin sa probinsya nasa gitna ng palayan at katabi diyan ilog sa likod ng nipa hut. Malayo din ang mga kapitbahay kaya ang tahimik lalo na kung gabi :) Tuwang-tuwa lang diyan mga chikiting kakalaro habang naghihintay kami ng tricycle papunta kaming dagat ng oras na yan kaya nakapangswimming attire na sila pero bago makarating ng dagat nagtampisaw na mga makukulit diyan haha. Naranasan namin pala maligo dito nung pagkatapos ng bagyo walang linya ng tubig mabuti hindi kami nangati lalo na mga anak ko haha. Nung bumagyo pala sa lugar namin, ilog na ang paligid ng bahay dahil sa baha wala ka ng makikita na daan dito. Mabuti hindi pumasok sa bahay namin ang baha. Hoping and praying umalis na si paeng ang dami na niyang napinsala. Nakakalungkot ang nakikita mo sa social media dulot ng bagyo :( Mag iingat po tayong lahat at patuloy na manalangin. God is our Protector and comforter!

44 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.