read.cash Log in
@ruby0622

Class Suspended Nagmessage sa GC kanina bago mag ala una ang mga adviser ng anak ko na suspended daw ang pasok. Ang panganay ko pinapasundo ng adviser ng ala una hindi na pinatapos ang exam sabi ng panganay ko MAPEH nalang daw ang hindi nila na take na exam next week nalang daw. Ang bunso ko ala una medya na pinasundo ni titser dahil pinatapos ang exam. Kaya sinundo ko sila ng 1:15pm sa pagitan ng out nila hehe. Mabuti nalang pagsundo ko walang ulan ambon ambon lang himala nagyaya pa bunso ko na maglakad lang daw kami pauwi pabor naman sa akin yun nakatipid ako hehe. Hindi naman ganun kalayo ng school sa bahay keri lang lakarin madalas lang talaga tinatamad maglakad mga anak ko hehe. Naaawa rin naman ako kapag naglakad pagod na sa klase nila pero dahil sila naman nagyaya kanina pagbigyan pabor sa akin hindi nagamit ang budget ko na pamasahe hehe pambili nalang namin ng meryenda. Mabuti nalang nasuspended ang pasok pagkauwi namin mamaya kaunti malakas na ang ulan hanggang ngayon malakas parin. Dahil tapos na exam relax na mga chikiting nood nood nalang hehe

35 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.