read.cash Log in
@ruby0622

Oatmeal for Breakfast! Ito muna ang breakfast for today oatmeal diet muna si inday :) Kagigising lang, nag alarm ako ng alas kwatro dahil gusto kong gumising ng maaga pero super antok pa kaya balik tulog lang. Sobrang lamig ni weather kaya sarap matulog, paggising ko ang akala ko alas singko pa lang yun pala 7:30am na ang dilim kasi ng panahon. Nag umpisa ng humangin at mahina na rin ang tubig paggising ko kaya nag ipon na baka mawalan, yun pa naman mahirap mawalan ng tubig. Mabuti nalang itong si mister work from home pinayagan ng boss niya, dapat sa workplace siya kagabi magduty. Naintindihan naman ng boss niya dahil malakas na ang ulan kagabi pa lang signal no. 2 na dito sa amin. Mabuti nalang talaga mabantayan din ni mister itong kusina naming tumutulo. Ang hirap pa kasi sa wall ang tulo ng tubig kaya nagtape ako ng plastic para doon dumaloy ang tubig tapos nakasahod ang batya. Pero thankful kasi ganito lang, walang wala sa pinagdaanan ng mga nawalan ng tahanan dahil naanod sa baha o yung iba baha ang buong bahay nila. Kaya let's pray sa mga kababayan natin na apektado ng bagyong paeng lalo na sa mga bahain na lugar. Prayer is the powerful weapon sa panahon ngayon. Blessed morning noise.app family! Keep safe tayong lahat. God Bless and Protect us all!

25 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.