Supposedly, last part na 'to para kasi 25 questions lang ang nasa post. Personally, na-enjoy ko lang talaga 'tong sagutan, at sayang lang kasi kailangan ko 'tong hatiin sa tatlo para may pondo ako na article sa darating na pasukan. Without further ado, tara na't, simulan na natin!
Questions For Honor Student (1)
Questions For Honor Student (2)
17) Nagpapakopya ka o hindi?
Actually, depende sa sitwasyon at sa risk kung papakopyahin ko sila. If the topic is all about assignment, magpapakopya talaga ako except for literature terms like reflection paper, essay, short story, etc., kasi takot akong mapagalitan which nangyari last time nung grade 7 kami. Gladly, hindi ako naggpakopya non.
However, in terms of exam, never talaga akong nagpakopya at biglang bumalik sa alaala ko noong grade ten kami sa reporting na by pair sa El Filibusterismo namin na subject. Apparently, may cheating sheet kami noon kung saan nakahanda na kaagad 'yung mga tanong at sagot, saka na lang namin siya kakabisaduhin. Unfortunately, laging nakaupo sa lamesa namin 'yung teacher namin sa Filipino kaya mahirap dumiskarte kay classmate. Kahit na ganon 'yung naging sitwasyon, naka-survive pa rin kami sa no review session. Actually, nakaka-boring talaga mga reports nila sa totoo lang kasi wala ka talagang matutunan. Mas trip ko pa nga 'yung mga ganoong instances kaysa ikaw ang maging leading sa klase. Basta, nakaka-miss at hindi ko na siya nagagawa since modular.
18) Sikat sa klase?
To be honest, hindi. In fact, konti lang ang mga reactors ko sa aking social media accounts, pero not to brag na maugong ang name ko pagdating sa school. Supposedly, nababalitaan ko na lagi nila akong napag-u-usapan sa faculty pero wala naman akong pake. Hindi ko naman siya ginagawang big deal kasi gusto ko lang naman ng pribadong buhay, at mas lalong hindi ako uhaw sa atensyon.
19) Todo aral or chillax?
Kung i-a-apply natin sa normal set-up, balanced langtalaga. Nag-a-aral pa rin naman ako before the pandemic, pero in-o-obliga ako ng Mama ko na magtahi ng isang box na notebook. Meanwhile, sa set-up ko ngayon, uso ang cramming at procrastination kaya medyo nakakapagod. As usual, wala naman akong choice kasi ako lang ang nagtataguyod sa sarili ko eh.
20) Favorite contest na sinalihan mo?
Allegedly, wala. Honestly, wala, kasi hindi naging maganda ang outcome ko noon during my junior high school years. Kung by groupings ang labanan, wala pa rin kasi hindi naman naging contest ang cheerdance which I told in my past article.
21) Nag-co-collect ka ng medal/certificates?
Unfortunately, napaghalo-halo na lahat ng na-accumulate naming medals nang kapatid ko simula nung nag-private school ako kaya medyo malabo na siya ma-distinguish. Konti lang naman yon, pero ang dami ko naman na naiuuwing certificates. Nakalagay siya sa isang clearbook, to be honest. Supposedly, lagi kong pinapakita kay Mama lahat ng nakuha kong papel every quarter at mukhang madadagdagan siya for this upcoming sem. Sana nga lang haha.
22) Motivation kapag tinatamad kang mag-aral?
Bukas na yan! Then kinabukasan nung sinabi ko 'yon, I'm ended up cramming and procrastinating. That's the absolute thing that I should end for the upcoming days kasi hindi siya makakatulong sa mental health ko.
23) Position mo sa classroom niyo?
Tamang tunganga lang at paghihintay ng uwian. Bakit ba? Napapansin talaga sa akin yon ng mga former classmates ko na lutang at sabaw ako noon since matutulog ako ng 10 PM tapos gigising ako ng 5 AM. Nakakalutang kasi 'yung time na hati lang kayo ng kapatid mo sa itlog, tapos konting kaning lamig lang ang main dish para lang ma-suprass mo 'yung gutom na haharapin mo sa school. Minsan nakakainis lang kasi ayaw kong gastusin pera ko para may pan-load ako sa kapitbahay which I used to entertain myself. Sorry kung masyado lang akong madaldal.
24) Message to yourself?
This is embarrassing, pero kaya mong makamit lahat ng dreams mo kung hahaluan natin ng konting enjoyment ang lahat ng victories mo. Maiiyak ka sa dami ng schoolworks na pinapagawa sa inyo, pero isipin mo na lang na mawawalan ka ng pag-asang matuloy sa college kung 'di ka magpapasa.
25) Any tips para sa magka-honor rin?
Tatlo ang maia-advice ko sa inyo; try to find sources of help, try to give them a simple help as long as you can, and do all your best. It's okay to be good sometimes, but it's better if you would be the best version of yourself. Moreover, 'wag natin piliting abutin ang mga bagay na hindi natin kaya kasi masasaktan lang tayo sa huli.
Kumukopya at nangungopya ako.. HAHAHA..