Questions For Honor Students (1)

35 129
Avatar for kingofreview
3 years ago
Topics: Tagalog

Sa totoo lang, wala pa akong nailalathala sa kasalukuyan not until na nakita ko 'to sa Facebook. Medyo enjoying kasi 'yung ganitong fast talk, at sana ay mag-enjoy kayo habang sinasabi ko sa inyo ang mga humble thoughts ko. Supposedly, hindi naman ako katalinuhan katulad ninyo pero nakakakaya ko naman. Medyo pessimistic lang ako sa buhay kaya medyo nag-fa-fail. Alam niyo naman 'yung ugali ko. Anyway, let's get started. Hahabaan ko 'to with matching explanation pa para hindi maging boring basahin.

Link: https://www.facebook.com/100052936211563/posts/144887840619089/?app=fbl

1) Highest Top?

Mayabang na ba ako kung sasabihin ko sa inyo na naging Top 1 ako in a straight run nung Grade 7 at Grade 10. In terms of Top 1 noong Grade 10, napatunayan ko talaga na wala talagang forever. At least, hindi naman na ako na-pressure, hindi ba?

2) Lowest Top?

Noong grade eight ako, ako yung pang-apat sa pinakahuli. It seems like I was pressured and parang walang pumapansin sa akin kaya hindi ko sila nakayang kalabanin. Medyo nakaka-stress ang maging kabilang sa star section dahil sa mga expectations ng mga teachers mo sa iyo. Buti na lang, at hindi lang ako ang nakaranas noon. So far, naka-survive ako sa pagiging lonely ko sa section na yon, at sana'y hindi ko na siya maulit.

3) Highest average of all time?

Kung hindi ako nagkakamali, 97 lang ang pinakamataas ko. Modular class kami when I achieved that, at na-attain ko siya sapagkat hindi madamot 'yung teacher namin sa grade. I got this during first semester of being a Grade 11 student, at hindi pa rin talaga ako makapaniwala habang sinusulat ko 'to. Wala lang, share ko lang. Apparently, Grade 12 na ako sa pasukan, at sana ay matataas grades ko.

4) Pambato ka sa school niyo?

Noong grade seven ako, lagi kong gustong sumali sa ganyan. However, nung tumanda na ako na dumating sa puntong naging kaklase ko na ang pinakamagaling sa buong klase, hindi ko na siya sinubukan pa since alam kong hindi ko talaga sila kaya harapin. At least, we can say that I don't have a problem na dapat pang akuin.

5) May kakompetensiya ka ba?

For me, inevitable itong nangyayari. Minsan, ito yung dahilan kaya medyo na-de-develop yung character ko like feeling boss, nagmamagaling, pala-kuwento, atbp. Kung kaya't maaari, hindi ko siya masyadong iniisip. Nung Grade 10 kasi, hindi ko talaga in-e-expect na magiging Top 1 ako noon. Then after na nag-second grading, top ten na lang ako. Medyo masakit, pero tanggap ko na kasi matagal na siya haha.bFortunately, inisip ko na lang na okay ang naging pakikitungo ng kaklase ko kasi pakiramdam ko after that incident, wala ng nakatingin sa akin na CCTV.

Medyo okay na yon sa akin since ang president ang naging Top 1 namin. He presumably deserved it. However, medyo nagkaroon lang sila ng conflict ng friends niya sa kadahilanang competitive siya masyado. Naalala ko na pati konting pagkakamali lang ng score ng kaibigan niya, ginawa niya na kaagad na big deal kaya muntikan na silang magkawatak-watak.

'Yung isa naman, nayayabangan ako pero cheater naman. Buti na lang talaga nung third grading, nataasan ko siya at bumaba siya sa pagiging top 1 (tie kasi sila) pero trial card lang rin pala yon. Masyadong sipsip, at marami talagang may ayaw sa kaniya. Through that, naisip ko na maswerte pa rin ako. 'Yung kaibigan ko, mukhang ang sama ng tingin niya sa akin kasi top 2 lang siya tapos top 1 ako nung nakaraang quarter. Buti na lang at hindi uso 'yung lamangan ngayong pandemic.

6) Anong oras ka nag-re-review?

Ang habit ko kasing time sa pag-re-review ay tuwing bago mag-exam. Probably, nagsusulat kaagad ako ng notes sa bahay na kailangan kong kabisaduhin, then babasahin ko kaagad ng matindi sa school. Procrastination is life talaga noon pa man. Effective 'to lalo na't magaling sa kabisaduhan katabi ko. Cramming is life talaga, at modular na kami kaya hindi ko pa siya nararansan. Nakaka-miss talaga ito sa totoo lang kasi rinig na rinig mo talaga frustration niya habang kinakabisado niya 'yung ginawa kong notes. Sana talaga bumalik na sa dati ang lahat...

7) Contessero/contessera?

As I said previously, noong grade seven lang ako. Then afterwards, I lost my appetite. Hindi ko na siya trip kasi wala akong trust sa sarili ko. It pertains to academic contests huh...

8) Great fear as honor student?

For me, the most disastrous occurrence in my academic life is 'yung mag-fail ka every second quarter. Kapag ganon talagang period, laging bumababa ang grades ko, at iniisip ko talaga noon kung saan ako nagkamali or mali lang talaga ang dating sa akin nung numero na yon. That's the reason why the number two for me is supposedly unlucky.


15
$ 7.46
$ 6.90 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Angel_183
$ 0.05 from @Jane
+ 11
Sponsors of kingofreview
empty
empty
empty
Avatar for kingofreview
3 years ago
Topics: Tagalog

Comments

Habang binabasa ko to, napapasagot din ako hahaha parang maganda din magsagot nito hahaha

$ 0.03
3 years ago

Tag niyo ako ate kung sasagutan niyo na po hehe

$ 0.00
3 years ago

Congrats! Tuluy-tuloy lang hehe ienjoy natin para di maburnout :)

$ 0.01
3 years ago

Thank you po rito hehe

$ 0.00
3 years ago

Naks naman. Naol consistent na Top 1. Hihi! Pero happy pa din ako kahit 'di ako ang nakaka-top 1 kasi closest friend ko naman 'yun eh. No competition ba. Saka sa totoo lang? 'Di ko din naman ini-aim ;yung top top na 'yan. Ewan ko ba sa utak ko. Pero promise, di talaga kasi okay lang naman kila Mama na 'di ako kasali sa mga top students. Walang pressure ba. Ang hirap lang talagang pigilan na maggrind. XD

$ 0.05
3 years ago

Ikaw ba naman ate na maging highest honor hehe.

$ 0.00
3 years ago

Ay sanaol, highest honor. Haha! Di ko kaya 'yan eh.

$ 0.00
3 years ago

Congrats be. Pagatuloy mo lang yan. 🤗

$ 0.01
3 years ago

salamat po ate hehe

$ 0.00
3 years ago

niceee consistent honor student, pagpatuloy mo lang yan till college :> Pero always remember, don't pressure yourself too much, health is wealth !

$ 0.03
3 years ago

Di po siya consistent. Nung 10 at 11 lang hehe

$ 0.00
3 years ago

No doubt top natcher ka pala child hehe, yan sana oll nagka top whahaha. Never in my life nakapunta ako sa top 5, kasi laro nasa isip ko noon, wag gagayahin hahaha pagpatuloy mo yan, dapat clean credentials mo hehe..

$ 0.03
3 years ago

Kaya nga po kaya medyo nakaktakot magcollege hehe

$ 0.00
3 years ago

Nice honor student! Parehas tayo pinakamataas na ave. ko din is 97 that was during my grade 12. Ang galing straight top1 grade 7 to grade 10? Ako nga nag excel lang nung senior high hehez and yung kakumpetensya laging andyan yan minsan nga nakakairita na pag yung klasmeyt mo na ayaw magpatalo sayo e magtatanong agad ilan nakuha mong score ganto ganyan haha but now that i am in college i realized that having a competitors is not good, teamwork is the key. Di na kase pataasan ng grade wala ng top top

$ 0.05
3 years ago

Grade 7 at 10 lang. Magkahiwalay sila hehe.

Ngayong grade 11 naman po ako, wala naman na akong pake sa top top na yan. Kasi di naman siya reliable eh

$ 0.00
3 years ago

Ayy nice, ang galing naman . Ang tataas Ng grades mo. Sobrang hirap talaga na maging honor student dahil so much expectations at pressure. at I also want to try this questions.

$ 0.04
3 years ago

Thank you sa pagtry in advance. Grade 10 at 11 ko pa lang siya naranasan hehehe

$ 0.00
3 years ago

I also want to answer those questions but I remember I don't have anything to answer because I am the person who doesn't have a role in school. Lol Just a normal kid :)

$ 0.03
3 years ago

Okay lang po yan. Anong grade niyo na ho?

$ 0.00
3 years ago

Mahirap maging honor student sa totoo lang. Ako, kahit ayaw kong ipressure yung sarili ko dati, still hindi mapigilan especially kapag alam kung maraming madidisappoint kapag nalaglag ako sa honor roll. But, I became happy naman especially nung naging habit ko nalang na mag-aral ng mabuti, though yung matinding kalaban ko talaga is yung pagiging mahiyain ko dati. Hahaha

$ 0.05
3 years ago

Same ate sa mahiyain. Pero nag-top one ako ate na napakatahimik haha. Gulat sila eh kaso di po consistent

$ 0.00
3 years ago

Wow, ang galing naman niyan. Okay lang sa di consistent, at least you're doing your best.

$ 0.00
3 years ago

Sipag talaga eh. ☺️ Kakaproud naman yung consistent top one mula grade 7-10. Gusto ko rin maging top 1 pero consistent top 3 lang talaga ako eh simula nung 1st year to fourth year high school

$ 0.03
3 years ago

Nung grade 7 lang at top 10 ate. Parang crypto nga ang grades ko ehehhehehe

$ 0.00
3 years ago

Ako nag top1 na din. Pero nung kinder lang 🤣. Dun lang talaga ako nag top 1 haha. Tas nung nasa elementary na puro wala or minsan nasa top 8-10 lang🤣. Di ko nga alam bat ako nasasali sa top. Siguro sa katahimikan lang kaya nasa top ako 😂

$ 0.03
3 years ago

Baka may merits sa most behave. Ganyan rin ako eh hehehehhe

$ 0.00
3 years ago

Sana all honor student.. Pro dati gusto ko dn sumabak sa contest..pro habang nakikita ko classmates ko na pambatom.hirap pla..kya much better manood nlmg 🤣

$ 0.03
3 years ago

Ako rin ate. Pero narealize ko na pinapahirapan ko lang po sarili ko hehe

$ 0.00
3 years ago

Ang galing naman ,ang lalaki ng grades👏

$ 0.01
3 years ago

Noon lang po yan. Not consistent

$ 0.00
3 years ago

Haha aliw. Sinasagutan ko din yun mga tanong sa isip ko.. nga lang di naman ako na totop honor student hahaha.. pero fun this brought back school memories. Medyo kaloka nga kung may trend ka ng bumababa grade sa second quarter

$ 0.04
3 years ago

Nakakainis talaga yon ate hehe. Laging downward trend every 2nd hehe

$ 0.00
3 years ago

Bakit kaya. Haha pero at least nababawi mo ..

$ 0.00
3 years ago

Ang galing galing naman ni bunso! Bigyan ng cellphone yan!

$ 0.02
3 years ago

Kakaorder ko lang po ate

$ 0.00
3 years ago