Since gusto ko pang ipagpatuloy ang mga katanungan na na 'di ko sinasadyang makita sa aking Facebook Feed, napagdesisyunan ko na gumawa ng panibagong article. Twenty-five questions kasi siya kaya kailangan ko siyang paghiwa-hiwalayin. Tatlong part ito, for sure. Kung hindi mo pa nababasa ang unang kabanata nitong article, pindutin mo lamang ang link na nasa ibaba.
https://read.cash/@kingofreview/questions-for-honor-students-1-10878afd
9) Kinukumpara ka ng parents mo?
Luckily, hindi ko siya naranasan since they know my efforts, at ako lang ang pinakamagaling sa aming magkakapatid. Hindi ko sinasabi yon kasi nagmamarunong ako ah. In fact, alam nila lahat ng sufferings ko sa buhay since nagsusunog talaga ako ng kilay (pero balat, nasama), pero hindi talaga maiwasang may ma-di-disappoint kapag nakikita nila grades ko na parang crypto market.
With honors achievement is kinda enough for them, and lagi naman akong nag-i-improve in these common cases. Nung grade nine ako, ang laki talaga ng binaba ko na grade noong second grading (85 yata), but I attained the with honors spot nung third quarter. Ang saya ko kasi first time ko yon, at buti na lang ay naulit ulit siya nung fourth quarter.
10) Your inspiration?
Wala akong concrete na inspirasyon kung bakit ko 'to ginagawa, pero sa tingin ko ay 'yung mga negative sa buhay ko. Sila talaga ang mga dahilan kung ba't ko 'to ginagawa. I just want to prove to them that they're wrong, and 'yon ang ginagawa ko sa backstabber kong Tita at chismosa sa tabi-tabi.
11) Your ambition?
Academically speaking, gusto ko g-um-raduate na with honors ang title which I'll defonitrly work hard in the following days. Kung sa future terms, gusto ko lang na maging financially freedom which I'm currently working on by the help of HODLING my accumulated BCH. Gusto ko lang talagang maging mayaman, at makaangat sa buhay.
Sa tingin ko, kaya ko na siyang maabot as I'm consistently working in crypto world by blogging. Additionally, gusto ko rin makapagpundar ng sarili kong sakahan kahit maliit lang, at magpapatulong ako sa madiskarte kong tito. My fund for it will be one million, I guess. I need to attain it before my legal age will count. Iniisip ko pa lang siya, excited na ako.
12) Takot malamangan?
I think, medyo. But not to the point na dadayain mo 'yung score or you'll suddenly feel envious dahil lang nataasan ka niya. Sanay na ako sa ganitong environment, kaya hindi na siya bago kung magiging frustrated ako. May nakaaway ako noon through private message, at hindi namin maiwasang magka-personalan. Nakaka-toxic pala siya minsan kaya maganda rin na nasa baba ka kahit papano.
13) Nakatanggap ka na ng gift dahil may honor ka?
It's only a small amount, but I'm greatful since they appreciated my efforts. Sayang lang at nagkaroon ng pandemic kaya yung cash gift ko na 500 pesos, naging bato sa kadahilanang nawalan ng trabaho 'yung Papa ko due to natural restrictions. Wala naman na akong inaasahang gift sa ngayon kasi binigay naman na sa akin iyon ng platform na ito. Tatanawin ko na isang malaking utang na loob na mapabilang sa cheerful na community na ito.
14) Nakipagtalo ka na ba sa teacher mo dahil sa sagot?
So far, wala pa naman. Hindi ko na 'to i-e-explain kasi wala naman na dapat ipaliwanag rito.
15) Gifted or genius?
Pwede bang OR ang isagot ko rito? HAHA, joke. Anyway, hindi naman ako gifted or genius, sadyang takot lang akong bumagsak.
16) Best achievement mo?
Ang pinakamalaki talagang achievement na naabot ko sa buhay ay 'yung kaya kong makamit ang with honors na recognition habang kumakayod rito. Kahit stress na stress na akong mag-balance ng debit at credit kasi self-study lang, I can still earn at my rants on my posts during my cramming era. Nakakawala ng pagod 'yung marami kang in-analyze na transactions tapos ang daming mag-he-heart sa post mo. In short, the best that I have in my life as a honor student ay ang mapag-sabay ang platform na ito saka ang studies kahit mahirap.
Salamat sa pagbabasa. Actually, medyo okay gumawa ng mga ganitong articles kasi nakakapag-travel ka sa past.
BSBA student ka pala sir. Naku, nung kumuha ako ng business management course noon, sumasakit ulo ko sa accounting. Mahina pa naman ako sa Math eh😁