A Battle and our first "Hello"
`Tunay ngang mapaglaro ang tadhana, hindi lamang sa'kin ngunit pati na rin sa iba dahil hindi ko inakalang sa ganitong paraan kita makikilala.`
Back to year 2013, one of my sister's friend taught me how to play this old mmorpg game which caught my interest from the 1st time I tried it. I became addicted into it that I used to play it almost everyday, during my spare time and vacation. I met a lot of interesting people and I still know them until now, we built a guild and hang out some other time when they are not busy with their own life.
One day, I was playing at Arena, a typical day to level up and upgrade my gears. While battling, a message pop up and it came from my opponent, he said *"Hello"* and I don't want to be called "masungit" so I replied. I said *"Hi"*, a little interaction that grown into friendship. He is consistent, he doesn't want to end the battle so he could ask me about my details. I gave him my Facebook, because why not?
On that same day, nakareceive ako nang message from him saying, "*Ako to si (ign), yung nakalaro mo kanina".*
*"Alam ko",* sabi ko naman dahil ibinigay naman niya ang name niya noong naglalaro kami para siguradong iaccept ko talaga ang friend request niya.
*"Pwede ba akong manligaw?",* sabi niya but I said *"No".* I told him that we can be friends instead, so that we could maintain that friendship that we built for that short while.
Days, weeks, and months went by at patuloy pa rin ang pag uusap naming dalawa, we played together and shared each others story when suddenly he asked me how to court a girl when technically, I don't have any idea. I said *"just be yourself and show her that you're sincere".*
Days passed at lagi na niyang kinukwento sa akin yung about sa girl na ito at kung kung ano ano pa. As that thing goes on, I on the other hand became aloof and made sure to just communicate as much as he needed a company or someone to talk to. He then told me that this girl finally accepted him and they are now together, I congratulated him and mind my own life afterwards.
After that incident, madalang ko nalang siyang kausapin, unlike before na araw araw kaming magkausap at magkalaro. I became distant and he have his own life to care about. Not until he message me one day telling me that they broke up, that thing is a messed. I tell you, it is. Kuwinento niya ang mga nangyari sakanila and I comforted him as his friend and asked him to play with me to divert his attention from that heartache.
Years passed and we are still in touch, hindi pa rin siya natatapos sa mga banat niyang "Pwede ba kitang ligawan?". Matagal naman nang panahon at ilang beses ko na rin siyang nireject pero heto pa rin siya, sinusuyo ako. I started to open my heart to him, not just as his friend, but someone who will stay by his side someday. Marami nang problema ang dumaan sa'min at pareho namin 'yong kinaya sa tulong ng isa't isa.
Then one day, while I was with my classmate because we were busy finishing the project that that was given to us, I receive a call from my mother because she went to our province to take good care of my grandma who is admitted at the hospital that time. I can't forget how she started the conversation while crying, "Wala na si nanang, wala na si lola mo" then the silent and sorrow seep into me. I went outside and entered an empty classroom where I cried nonstop, thinking that why do I always missed those important moment. I lost both my grandma without me knowing it nor even seeing them alive before God said it's time.
I don't have anyone beside me and all I can do is cry. I am miles away from her -- from them. Then after a while, my sister went back to fetch us. We travelled back to our province and there he is, pumunta siya sa burol ng lola namin and pinakilala ko siya sa mother side ko. Bigla tinanong ako ni mama kung manliligaw ko ba raw siya, bigla naman sumagot ang lolo ko na asawa ng kapatid ni nanang sabi niya, *"* *bakit naman hindi? Wala naman masama kung may manligaw riyan sa anak mo, maganda naman siya at nasa edad na. Hindi mo na dapat pang problemahin mga ganyang bagay, alam naman na siguro niya ang tama at mali. Kaya na niya ang sarili niya."* Sabay kindat niya sa'kin, natawa naman ako dahil sa ang cool niyang lolo at napaka open minded niya sa mga bagay na alam naman nating mostly sa mga matatanda ay old fashion. Wala naman nang nasabi si mama at tinignan na lamang niya ako, hindi ko naman siya masisisi dahil bata pa ang tingin niya sa akin at nag aalala siya.
But I am thankful for him dahil nandiyan siya kapag kailangan ko nang karamay. I can't cry because I want to stay strong for them. It was the last night, they played a video presentation showing my nanang's happy moments. He patted my back and told me, "*iyak ka lang, okay lang 'yan"* then at that moment I can't hold it anymore and my tears fell down. He accompanied me all night eventhough I didn't ask for it.
...
Who is Harry?
Hello there again, I have posted below the link of the story if you are interested to read it, feel free to click and visit it to understand clearly what does this story all about. Thank you.
https://read.cash/@icary/the-mysterious-new-student-the-finale-1b65b9ee
**Harry's POV**
During primary school, I was always on top of my game. You will see my name posted on school's bulletin. The school teachers are proud and amazed by my knowledge and abilities, while the other kids are jealous of me.
One time, I was running happily and proudly iniisip na ipapakita ko kila mom and dad ang mga certificates and medals ko since hindi sila nakapunta sa awarding ko because of their work.
When I entered the house, I went straight to my dad who's currently eating.
"Dad, look what I got!" happily jumping and proud with my achievements. He looked at me for a second and went back to eating. Mom was busy dolling herself, it looks like they are going somewhere.
"Mom, look at my achievements!" with hopes fuming in my eyes, expecting to be complimented.
She looked at me and said, "Good, do you need money?" that left me completely confused. Do I look like I am begging for material things?
From that day forward, I never tried to please any of them. Passing is just one of my mission, nothing more nothing less. I am tired with them constantly shoving their arranged marriage at my face, like I was a mistake at the very start. Then one day, they've called me just to let me know about them getting a divorce. They both find a new home, a new family, different people that could make them happy and contented with this world. And me? I am left behind.
That scenario is nagging me all around, I am furious seeing them happy while they made me cry. I am just a child for goodness sake. Is it that hard to show me love even if you never felt affection to your other half?
At school, I constantly witnessed parents being proud to their children. Hindi naman matalino mga anak nila pero kung ipagmalaki nila akala mo'y top notcher na. My blood is boiling with what I am seeing, I want to hurt them and let my batchmate feel how I feel but I can't possibly touch those people. Since they love their children so much I might as well redirect it to them.
Nagsimula ako sa simpleng pambubully at pananakot, but it wasn't enough I need to feel more, I need to be more surreal to keep the entertainment going.
I started approaching Anna, she is our top 10, of course it was easy to be close to her she likes me. She slowly taking up my bait due to the sweetness I've shown her the past few weeks, her parents are strict and won't let her go just anywhere that is why she decided to hide our relationship.
"Anna, do you want to go my house? If yes, meet me at the back of our school after class. I'll wait for you." I said while smiling, I saw her blushed and nod her head as a gesture of approval.
That was the start of her misery or must say, their misery. From top 10 to top 1, at slow paced they are disappearing one by one. What a sweet agony, their cries are melody to my ears. Their continuous begging that makes me crave for more tears, I can't help but laugh to see their parents faces fell from bliss to anguish.
But then my perfect disguise were slowly been found because of the evidences that are pointing at me. However, my parents concealed the truth by bribing the witnesses, principal and even the police and investigator that were assigned to look into the crime. At some point they are useful, you know why? Because they don't want to have any scandals that may endanger their company's image. How thoughtful.
They have decided to transfer me at a different University which is favorable for me. I've easily escaped the things I have done and now I am ready for a new crime.
"Mister, would you please introduce yourself since I expect, many of your classmate wants to know you," sabi ng gurong pumasok sa room. I stood up and walked in front of the class.
"My name is Harry, Harry Constello, nice to meet you all."
**-The end-**
Hello readers, its been a while since my last article. Hindi ako makapili nang ipopost kong story kaya naman tinapos ko nalang itong nakadraft. Anyway stay safe everyone.
Memories of Yesterday
Kung papansinin mo ang nakaraan at ngayon, makikita mo ang pagbabago. Dati sobrang saya na natin basta makapaglaro lamang tayo sa labas kasama ang mga kaibigan, masayang nagtatakbuhan hindi alintana ang sikat ng araw kahit pa tagaktak na tayo nang pawis sige pa rin tayo sa hiyawan, ngunit ngayon ang mga bata'y hindi mo na mapaglaro sa labas dahil sa sinasakop na tayo nang teknolohiya. Daing natin noon ay pambili nang laruan gaya nang teks, jolen, o tig pisong barbie na gawa sa papel. Samantalang ngayon, gadget na ang gusto nang mga kabataan.
Naalala ko pa noong nasa unang baitang pa lamang ako nang elementarya, walang ibang nag aalaga sa aming magkakapatid kundi ang lola lamang namin sapagkat nangibang bansa si mama at si papa naman ay alas-dose na nang gabi kapag umuuwi sa bahay galing sa pagtratrabaho.
Lagi kaming abalang magkakapatid sa paglalaro kung hindi naman ay nanunuod kami nang mga paborito naming palabas sa T.V noon. Hinihintay namin si papa makauwi nang bahay bago kami matulog kaya habang nagpapalipas kami nang oras ay naglalaro kami, nanunuod o nagkwekwentuhan nang mga kababalaghan.
Isang araw, abala ako sa panonuod ko sa paborito kong palabas sa T.V sa GMA. Hindi ko inatupag ang kalokohan ng mga kapatid ko at pinsan kaya hinayaan ko na lamang sila. Tutok na tutok ako sa aking panonood nang biglang tinawag ng pinsan ko ang kuya ko na nakaupo hindi kalayuan sa akin. Tinignan ko lamang ang mga ito at katapos ay ibinaling ko nang muli ang atensyon ko sa T.V.
Muling nagbalik ang pinsan kong babae at ako naman ang tinawag ngunit 'di ko siya tinugon at sinabing,
*"Ayoko, nanunuod ako rito"* iritang sagot ko kaya naman tinawag na lamang niya ang nakababata ko pang kapatid na nakaupo sa tabi ko. Sinulyapan ko lamang sila at nanuod nang muli. Feeling ko tuloy ay nasa survival of the Philippines kami o PBB dahil isa isa kaming tinatawag.
Nang nasa kalagitnaan ako nang aking panonuod ay bumalik muli ang pinsan kong babae at pinaswitan ako.
*"Bakit?"* usal ko sa kanya.
*"Halika rito"* balik niyang sabi sa akin. Sigurado naman akong hindi ako tatantanan ng mga ito kaya lumapit na ako, bigla nila akong hinila at dinala sa salas nang bahay. Napakadilim doon at wala akong makita masyado kaya naman inilibot ko ang mata ko nang biglang may naaninagan akong nakaupong babae na nakaputi at nakatayong tao sa isang sofa at ang ulo nito ay may nakatababal na tela. Nagsisisigaw ako sa loob nang salas habang nakahawak sa mga upuan na malapit rito at hinihila ko ang sarili ko para makalabas doon ngunit hinila rin ako nang pinsan ko at kapatid kong babae.
Hindi ko alam kung paano ako kakawala sa mga ito. Todo ang hila nila sa akin habang ako ay todong nakahawak sa mga kamay nang upuan para 'di ako matangay ng mga ito. Walang sawa akong umiyak habang sumisigaw sa tana ng buhay ko ngayon lang ako nakakita nang ganoong bagay. Sabi ko nga sainyo hindi active ang sixth sense ko.
Nagpatuloy kami sa ganoong posisyon nang biglang tumayo ang babaeng nakaupo at bumaba ang taong nakatayo sa taas nang sofa, sabay nilang tiningala ang mga ulo nila at tinanggal ang mga nakaharang sa mukha nila. Mas lalo akong natakot sa mga ginawa nito pero natanggal din ito agad nang makita ko ang mukha ng nakakatanda kong kapatid na babae at lalaki. Wala na naman silang magawa sa mga sarili nila, nagtawanan ang mga ito habang ako ay napako naman sa kinatatayuan ko.
Nang makabalik ako sa ulirat ay nilapitan ko na ang mga ito na patuloy pa rin na nagtatawanan, syaka nagsimulang magkwento ang pinsan ko. Aniya nito ay naglalakad siya sa salas para lumabas nang mga maagip ang mata niya na babaeng nakaupo sa gilid nang sofa, unti-unti niyang pinihit ang ulo niya at biglang nanuot ang takot sa kalamnan niya
*"Sino ka?"* usal niya nang may buong tapang. Nang biglang magsalita ang babaeng nakaupo at unti-unting hinawi ang napakahaba niyang buhok.
*"Teph, ako to"* sabi nang babaeng nakaupo. Kahit na madilim ay naaninagan nang pinsan ko kung sino ito, natawa ito sa modus na naman nitong naisip.
*"Punta ka roon tapos papuntahin mo sila rito takutin natin sila"* sambit nang ate ko at sumunod naman ang pinsan ko. Pumunta siya sa amin at tinawag ang kuya ko dali dali namang siyang tumayo at pumunta roon.
Dagdag nang mga ito sobra raw ang halakhak nila ng makita rin iyon ni kuya, hindi raw siya makagalaw sa kinatatayuan niya at nagsisisigaw daig pa raw niya ang babae sa ginawa niya na siyang kinahalakhak nila. Nang matauhan ito ay sinali nila ito sa kalokohan nila, kumuha siya ng mahabang puting tela at maliit na tela syaka ibinalabal sa ulo niya upang magmukha siyang walang ulo.
Ang mga susunod na nangyari ay ang mga naikwento ko sa una, walang batid ang pagtatawanan namin dahil sa kabaklaan na ipinakita ni kuya mas malala pa pala siya sa akin.
Hindi pa riyan natatapos ang mga kwentong kababalaghan na may katatawanan na ginawa namin noong mga bata kami dahil kapag may pagkakataon na busy ang lola namin sa panonuod ay lagi kaming naglalaro kapag sumasapit na ang gabi. Isa ito sa paraan namin para makalimutan namin ang bagot at antok habang hinihintay ang pag uwi ni papa sa trabaho.
Ang tagal na nang mag-upload ako nang article, kaya naman heto akong muli nagbabalik. Maraming salamat sa pagbabasa sana'y nasiyahan kayo.
By: icaryxghost
My Twin Girlfriends Part 1
*My girlfriend for 4 years suddenly told me that she have a twin sister. Why did she lied to me for that long?*
**PROLOGUE**
My name is James and the girl who's with me is my girlfriend Tintin. She'd been living with me for Four years. But recently, I had a bad feeling about our relationship, hindi naman dahil sa nafa-fall out of love ako sa kanya o nai-in love na ako sa female co-worker ko pero there's something that keeps puzzling me at 'di ko malaman kung ano iyon.
**BEGINNING OF THE STORY**
Tintin woke up early in morning and looked into the sleeping face of James. Bumangon na ito para magluto nang kanilang almusal at gumayak na rin dahil may trabaho pa ito. Before pa man makalabas nang kwarto si Tintin ay nagising na si James, he looked at her from behind and think,
*"This is the 4th year of our relationship. I must do it now"* Bumangon si James sa kanyang pagkakahiga at pinuntahan si Tintin sa Kusina.
Napalingon si Tintin kay James nang maramdaman nito sa presensya niya na papalapit sa kanya.
"Maaga ka yatang nagising ngayon" aniya nito nang may ngiti sa kanyang mukha
"Yeah" maikling tugon nito habang papalapit sa kusina.
"Our parents will be here to spend the weekend with us, Huwag mong kakalimutan" mahabang katahimikan ang nanaig sa dalawa bago muling magsalita si James.
"Tin?"
"Hmmm?" habang nakatingin sa kanyang nilulutong agahan.
"W-we... We Should Break up..." mahinang sabi nito habang nakayuko ito sa lababo
"Ano?!" bakas sa mukha ni Tintin ang pagkagulat sa mga binitawang salita ni James ngunit inulit pa rin ni James ang sinabi nya.
"Let's Break up"
Natigil si tintin sa kanyang ginagawa at tinignan nang maigi si James.
"What kind of joke is that? Ang aga mong magbiro, Special day ba ngayon?" binaling muli nito ang kanyang atensyon sa pagluluto pero makikita sa mga mukha nito ang pagpipigil sa mga luha niya sa pagpatak. Inangat ni James ang kanyang mukha at tinignan siya nang mataimtim.
"Seryoso ako" seryosong tugon nito.
Pinatay ni Tintin ang kanilang lutuan at tumalikod ito kay James.
"Oras na pala, there's an important event today kaya hindi ako pwedeng malate. Let's talk about this tonight" lumakad papalayo si Tintin at kinuha ang kanyang mga gamit. Naiwang nakatayo si James sa loob nang kanilang Apartment habang iniisip kung tama ba ang desisyong kanyang ginawa, pagkatapos ay nag ayos ito saglit at tuluyan nang umalis para magtrabaho.
Secret Admirer
*She is amazing, I am captivated by her beauty. Her smile is too genuine, I cannot afford to buy it.*
**Brian's POV**
Naglalakad ako papunta nang eskwela nang may makabanggaan akong babae na siyang dahilan nang pagkabagsak namin pareho, mukhang meron siyang tinatakbuhan dahil sa balisa niyang pagmumukha. Hinawakan ko ang kanyang kamay at ramdam ko ang kanyang panginginig nang biglang may sumulpot na lalaki at pilit siyang hinihila.
*"Kuya baka pwede naman natin 'tong pag usapan, huwag mo naman siyang hilain nang ganyan"* sambit ko habang mariin na hinahawakan ang kabila nitong kamay upang hindi siya tuluyang matangay.
*"Sino ka ba? Bakit ka nakikielam sa 'min?"* habang patuloy pa rin niyang hinihila ang babaeng ngayon ay hawak ko.
*"Ikaw ba sino ka, hindi mo ba nakikitang natatakot siya"*
*"Wala kang pakielam kung sino ako kaya bitawan mo siya"*
*"Miss kilala mo ba 'to?"*
Tumingin ito sa akin at iling lamang ang tinugon niya, bakas pa rin dito ang takot.
*"Kuya bitawan mo siya o tatawag ako nang pulis at sasabihin kong harasser ka"*
Noong una ay ayaw niyang bumitaw sa kamay ng babae pero nang magtagal ay binitawan niya rin ito at umalis.
*"Miss okay ka lang ba?"* inalalayan ko siyang tumayo ngunit hindi siya kumibo malamang ay takot pa rin ito kaya naman hinatid ko siya sa malapit na police station para roon siya magpaliwanag at hindi na siya sundan nang kung sino man ang lalaking iyon kanina.
Matapos ko siyang maihatid ay napatingin ako sa orasan.
*"Late na pala ako, sh*t"* kumaripas ako nang takbo dahil nakakatakot ang 1st subject teacher namin siguradong malilintikan na naman ako.
*"Mr. Guevarra, you're late!"* bungad nito sa 'kin karating ko sa room.
*"Stand outside!"* dagdag pa nito sa 'kin kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ay sumunod.
Habang nagmumuni ako sa labas nang room ay nakita ko ang babaeng kanina'y tinulungan ko, dito rin pala siya nag aaral dahil pumasok siya sa isa sa mga classroom.
Araw-araw ay madalas ko siyang nakikitang naglalakad mag isa at minsan naman ay meron siyang kasama, hindi ko namamalayang lagi ko na pala siyang inoobserbahan at feeling ko'y may gusto na rin ako sa kanya. Hindi pa ako nagpapakilala sa kanya at hindi pa niya ulit ako nakikita.
*"Brian!"* sigaw sa 'kin ng kaibigan ko.
*"Bakit?"*
*"Sino ba 'yong babaeng lagi mong tinitignan? Crush mo?"* pang aasar nito sa 'kin.
*"Sinong babae? Wala ah"* kaila ko rito na.
*"Anong wala tignan mo nga sobrang pula mo"* sabay dutdot nito sa pagmumukha ko.
*"Oo na. Tinitignan ko si Nicole"*
*"Nicole?"*
*"Oo, 'yong babaeng tinulungan ko dati"*
*"Dito rin pala siya nag aaral"*
*"Oo kaya 'wag kang maingay"* suway ko sa kanya dahil matabil ang dila nang lalaking ito.
Lagi kong pinagmamasdan si Nicole at inaalalayan kapag umuuwi siyang mag isa, hindi ko kasi lubos maisip kung sakaling mangyari na naman sa kanya iyon ulit.
Habang sinusundan ko siya ay nakita kong may mga lalaking nantritrip sa kanya.
*"Hoy!"* bulyaw ko sa mga ito na siyang dahilan nang paglingon nila sa 'kin.
*"Boy, umalis ka rito kung ayaw mong masakta-"* bago pa man niya matapos ang sinasabi niya ay inundayaw ko na ito nang suntok. Sunod naman ang pagkuha ko sa kamay ni Nicole.
*"Kapag sinabi kong takbo, takbo"* bulong ko kay Nicole na ngayon ay nagtatago sa likod ko.
*"Takbo!"* hinila ko ang kamay niya at sabay kaming tumakbo papalayo.
Nang makarating kami sa safe na lugar ay huminto na kami at binitawan ko agad ang kamay niya.
*"Di ba ikaw yung tumulong sa 'kin dati"* sambit nito habang hinahabol ang kanyang paghinga.
*"Salamat tinulungan mo 'ko ulit"* dagdag pa nito.
*"Wala 'yon, bakit ba lagi kang nasa peligro?"* sabay tingin ko sa kanya.
*"Hindi ko rin alam, nga pala anong pangalan mo?"*
*"Brian"*
*"Ah, Nicole nga pala"* sabay abot niya sa akin nang kamay niya habang nakangiti.
*"Sa susunod mag iingat ka na, ihahatid nalang kita malapit sainyo para makasigurado akong okay ka"* kinuha ko ang bag niya at nagpatuloy sa paglalakad wala na siyang nagawa kaya hinayaan na lamang niya akong ihatid siya.
Kinabukasan-
***News***
*"Mga katawan ng kalalakihan ang nakitang palutang lutang sa Pasig River-"*
Rinig ko sa isang balita na kumakalat sa labas nang campus. Nakita ko si Nicole na nakikinig dito kaya naman nilapitan ko siya.
*"Hindi ka na nila mapagtritripan"* tinignan niya ako kaya nginitian ko siya bago pa man ako tuluyang naglakad papasok sa campus.
Nagdaan ang mga araw at lagi ko pa rin inaalalayan si Nicole kada umuuwi ito, late na rin kasi kapag natatapos ang klase niya kaya naman hindi ako mapakali kung uuwi siyang mag isa. Isang gabi nakita kong may sumusunod sa kanya na isang lalaki at mukhang wala ito sa katinuan dahil sa alak, lumapit ito sa kanya at hinipuan siya sabay ang paghila sa kanya sa madilim na eskinita na siyang naging dahilan nang pagsigaw ni Nicole nang tulong tumakbo akong agad para iligtas ito. Nakakita ako nang bato at inihampas ko rito na siyang naging dahilan nang kanyang pagkatulog.
"Nicole okay ka lang ba?" pag aalala ko sa kanya.
Umiyak lamang ito habang nakahawak sa akin kaya naman pinatahan ko siya at hinatid na sa kanila.
Kinabukasan ay mayroon na nanamang balita na kumalat sa labas nang campus, hindi ko na ito binagyan nang pansin at nagpatuloy sa aking paglalakad nang bigla akong lapitan ni Nicole.
*"Brian"* pagbati nito sa akin.
*"Ikaw pala"*
*"Thank you pa ulit kahapon"*
*"Wala 'yon"* winasiwas ko ang aking kanang kamay. Napansin nito ang bandage na nakatali sa 'kin.
*"Napano 'to?"* sabay kuha niya sa kamay ko.
*"A-ah eto? Wala. Naipit kasi kanina kamay ko"* pagpapaliwag ko sa kanya
*"Ah ganoon ba? Pagaling ka"* sambit nito bago niya tuluyan bitawan ang kamay ko.
Nagpaalam na ito sa akin kaya naman nakahinga ako nang maluwag.
Isang araw ay lumapit sa akin ang kaibigan kong si Jack.
*"Brian, alam mo ba"*
*"Alam ang alin" pagtataka ko rito*
*"May boyfriend na pala si Nicole"*
*"Ano?"*
*"Oo, ikaw kasi napakatorpe mo ayan naunahan ka tuloy"* hindi ko na sinagot si Jack dahil nagulat din ako sa sinabi niya. Hindi ko na nilalapitan si Nicole dahil lagi nitong kasama ang nobyo niya at kapag uuwi naman siya ay tinitignan ko na lamang sila sa malayo.
Habang nasa school ako ay nakita ko si Nicole na naglalakad papalapit sa 'kin. Nang makarating siya sa harapan ko ay inilapat niya sa mukha ko ang kanyang kamay.
*"Anong ginawa ko?"* sinabi ko rito habang hawak ang aking pisngi.
*"Anong ginawa mo kay Ian"* sabi nito sa akin, si Ian nga pala ang nobyo niyang sinasabi ko.
*"Ian? Napano si Ian?"*
*"Si Ian ngayon nasa hospital at sinabi niya sa 'kin na ayaw na niya akong makita dahil natatakot daw siya para sa buhay niya"*
*"At ano naman ang kinalaman ko roon?"*
*"Alam kong may kinalaman ka sa mga kaguluhan na nangyari rito. Una sa mga lalaking nakita ang katawan sa ilog, sila 'yong mga lalaki noong gabing tinulungan mo ako. Pangalawa 'yong pinagsasaksak na lalaki, ikaw lang din ang tumulong sa 'kin noon kaya impossibleng wala kang kinalaman sa mga nangyari noon. Kaya umamin ka na ikaw ba ang may kagagawan noon kay Ian."* sambit nito habang nanginginig ang kanyang boses.
Nginitian ko si Nicole bago ko sinagot ang bintang niya.
*"Alam mo ba na niloloko ka ni Ian? Akala mo ikaw lang mahal niya pero hindi, kung hindi ko lang iniisip ang sasabihin mo baka ako talaga ang gumawa noon kay Ian. Nicole, aaminin ko gusto kita at ako ang secret admirer mo pero hindi mo 'ko stalker at lalong 'di ako mamamatay tao."*
Iniwan ko si Nicole na nakatayo sa kanyang pwesto hindi ko alam kung ano ang mas masakit, 'yong sampal ba niya sa 'kin o 'yong pagbintangan niya ko sa mga nangyayari rati.
**[END]**
***Sino sa tingin niyo ang gumagawa nang mga iyon?***
Maraming salamat sa inyong pagbabasa, pagpasensyahan niyo na dahil hindi ako marunong na lalaki ang may POV. Stay safe everyone.
By: icaryxghost
The Mysterious New Student: The Finale
Hello there. If you are a new reader, please check out the 1st and 2nd part of the story. Thank you!
**https://read.cash/@icary/the-mysterious-new-student-part-1-02a76973**
https://read.cash/@icary/the-mysterious-new-student-last-part-05adfd38
**Hermione's POV**
Nahihirapan pa rin magsink-in sa utak ko ang mga nangyari noong gabing 'yon. Did he just said he loved me. Ilang oras na rin akong nakatulala sa kisame ngunit hindi ko pa rin lubos na maintindihan ang lahat.
Hindi ko alam kung anong ginawa niya kung bakit niya ako napapapayag sa lahat nang gusto niya. Dahil ba sa nalaman niya ang una kong plano, dahil ba sa natatakot ako para sa buhay ko o dahil ba mahal ko na rin siya? Isa lang ang paraan na naiisip ko para matigil na lahat ng 'to bago pa mahuli ang lahat.
*"Harry, we need to talk,"* tipa ko sa aking phone at isinend ito sa kanya.
*"About what?"* mabilis namang reply nito sa kalagitnaan ng gabi.
*"Wait, tawag ako,"* pagkasend ko nito ay agad ko siyang tinawagan.
***Phone ringing***
*"Hello,"* malambing niyang boses ang bumungad sa akin sa kabilang linya, saglit kong nakalimutan ang dahilan nang aking pagtawag at natahimik ng ilang segundo.
*"Hello,"* ulit nito at doon ako nagising mula sa aking saglit na pagkatulala.
*"Uhm- About what you said last night,"* bungad ko,
*"What about last night,"* sagot naman nito.
*"Yung sinabi mong mahal mo ako,"* bigla akong nakaramdam nang hiya ng sabihin ko iyon.
*"Do you wanna know what my answer is?"* dagdag ko rito. Saglit itong natahimik bago muling magsalita.
*"A-ah, y-yes,"* halatang nauutal ito sa pagsagot sa tanong ko.
*"Pero may hihilingin muna sana ako bago mo malaman yung sagot ko,"*
*"A-ano 'yon?"* muling sagot nito mula sa kabilang linya.
*"Stop killling,"* maikling sambit ko at ilang segundong nanaig ang katahimikan sa magkabilang linya.
*"Hindi ko alam kung bakit mo ba talaga ito ginagawa, Kaya kung totoong mahal mo ako, gagawin mo ang gusto kong mangyari,"* naramdaman kong unti-unting tumulo ang luha sa mata ko at nakaramdam ako ng konsensya at kirot sa aking dibdib habang bumabalik ang alaala ng mga taong kanyang nabiktima.
*"Hindi yun ganun kadali,"* maikling sagot nito at rinig ko sa telepono ang mahinang pagnangis nito. Ilang segundong katahimikan ang dumaan bago ito muling nagsalita.
*"Ganito nalang, meet me at school tomorrow and we'll talk about it. For now, please stop crying, ayaw kong nagkakaganyan ka,"* pagkatapos niyang sabihin iyon ay binaba na niya ang telepono, sa sinabi niyang iyon ay unti-unting gumaan ang aking pakiramdam kahit na may mga natitira pang tanong sa aking isipan.
**Biyernes—**
Maaga akong pumasok at hindi na rin ako nag-almusal.
Isang oras bago ang klase ay nakarating na ako sa aming silid, ngunit maski anino niya'y wala pa rin akong nakikita. Hanggang sa magsimula nalang ang klase.
*"Miss mo na agad?"* bulong sa akin ni Giselle na kakaupo lang sa bakanteng upuan ni Harry.
*"Sino?"* maang-maangang tanong ko.
*"Sino ba yung lagi mong kasama na wala ngayon, hmm?"* sabay taas ng isang kilay nito sa akin.
*"Alam mo nakakatampo ka na ah, simula nung nakilala mo yang Harry na yan hindi ka na namin makasama, kayo na ba?"* sunod-sunod na daldal nito sa akin.
*"Hindi ko nga alam e,"* napayuko nalang ako nang sabihin ko iyon.
*"Parang ang dami niya kasing tinatago sa 'kin,"* malungkot na tugon ko sa kanya.
*"Sus, hayaan mo na muna, sabay ka nalang sa 'min mamayang break, libre ko,"* aya nito sa akin.
Pagkatapos ng klase ay agad ko itong tinawagan, nakapatay ang cellphone nito kaya naman naisipan kong dumiretso na sa kanila. Nang makarating ako sa kanila at dire-diretso lang ako dahil bukas naman ang kanilang gate at maging ang pinto nang kanilang bahay.
Tinawag ko ang kanyang pangalan ngunit walang sumasagot. Umakyat ako sa ikalawang palapag habang inililibot ang aking mga mata sa paligid at dumiretso sa kanyang silid.
Wala siya roon kaya naman muli kong nilibot ang paligid ngunit ni anino niya hindi ko makita, unti-unti na akong nagtaka sa mga pangyayari kaya naman naisipan kong bumalik sa kwarto nito kanina naghahanap nang kasagutan sa aking mga katanungan. Habang nililibot ko ang kanyang kwarto ay may napansin akong papel na nakasingit sa kanyang lampshade na katabi nang kama. Binuksan ko ito at doon ko lamang napagtanto na isa itong liham.
*"Hermione,*
*Kung mababasa mo man ito ay patawarin mo sana ako. Mahal na mahal kita at gagawin ko ang gusto mo. Lalayo muna ako at hindi ko siguradong makababalik pa. May isang bagay lang sana akong hihilingin sa'yo, ito lang ang paraan ko upang mapatunayan ko ring mahal mo ako. Gusto ko sanang ituloy mo ang nasimulan ko. Alam kong medyo nakakalito pero hindi maaaring maputol ang sinimulan ko, may mabigat na dahilan at hindi pa ito ang tamang oras na malaman mo ang lahat. At kapag natapos mo na ito ay nakasumpa na tayo'y muling magkakatagpo. Kaya sana ay huwag mo akong bibiguin."*
Mangiyak-ngiyak akong tinapos ang sulat na iyon, hindi ko alam pero ang sakit maiwan. Mahal ko siya, sobrang mahal ko siya pero hindi ko alam kung sapat na mahal ko siya para ipagpatuloy ko ang ginagawa niya.
Gulong-gulo pa rin ang aking isipan dahil hindi niya sinabi kung bakit niya ito ginagawa, hindi ko magawang kumilos sa aking kinaluluklukan sa dami nang gumugulo sa aking isipan. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagbigyan ang kanyang mga kahilingan dahil hindi sapat na mahal ko lamang siya para dagdagan pa ang aking mga kasalanan.
Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako nang konsensya ko dahil sa nagawa ko kay Jason ngunit hindi ako nagsisisi sa ginawa nito kay Brix. Hibang na rin ako sa tutuusin ngunit hindi niyo ako masisisi, lahat nang napatay ni Harry ay may malaking atraso sa akin ngunit nagbulag-bulagan ako sa lahat nang ito, siguro nga isa ito sa dahilan kung bakit napalapit ako kay Harry at kung bakit ko siya minahal.
Sa haba nang pakikipagtalo ko sa aking isipan ay buo na ang aking desisyon dapat ko nang gawin ang nararapat.
1 year later...
*"Missing students found dead inside an abandoned house in San Roque,"* basa ko sa headline ng isang dyaryo habang naglalakad ako sa gilid ng bangketa papuntang eskwelahan. Nang may mabangga akong isang lalaki...
*"Harry?"*
Kasabay nang pag-ngiti nito sa akin.
**[END]**
***"She loved Mysteries so much that she became one"***
Thank you sa lahat nang sumubaybay sa TMNS, sana'y hindi kayo nabigo nito. Stay safe everyone.
By: icaryxghost
Co-author: kellinsinner
I've read all the comment, seems like no one guess it for now. I'll give you guys a clue.
CLUE: Harry doesn't have a siblings, his parents are alive. He loves Hermione, that's right but that just happened now. I'm giving you guys more time to think, doubling the stake. Guess as many as you can, the first to get it right will receive 2$. Now, let's see how broad your imaginations.
The Mysterious New Student: Last Part
Hello there. If you are a new reader, please check out the first part of the story. Thank you.
https://read.cash/@icary/the-mysterious-new-student-part-1-02a76973
**Hermione's POV**
Isang malamig na tubig ang bumuhos sa 'kin na naging dahilan ng pagkaroon ko nang malay. Sinubukan kong idilat ang aking mga mata ngunit may kung anong nakaharang dito. Ramdam ko ang basang telang nakapiring sa akin. Sinubukan kong igalaw ang aking kamay at paa ngunit magkabigkis ito at ramdam kong nakatali ng lubid. Hindi rin ako makasigaw sapagkat may kung anong nakasapal sa aking bibig. May narinig akong mga yapak nang paa na papalapit sa 'kin.
*"You're finally awake*"
Pagkasabi niya nito'y tinanggal niya ang aking piring kitang-kita ko ang pag-ngiti nito na parang demonyo sabay lingon nito sa isang lalaking nakabitin ang dalawang kamay gamit ang kadena, puno ng pasa at sugat na animo'y pinahirapan nang husto. Aninag ko ang mukha ng lalaking ito kahit na hindi masyadong maliwanag sa silid kung nasaan kami naroroon. Hindi ako maaaring magkamali iyon ay si Jason ang kaklase kong Top 4.
Muli kong ibinaling ang mata ko kay Harry na ngayon ay nakatayo sa aking harapan, nanginginig ang buo kong katawan sa takot ngunit wala akong magawa sa mga oras na ito. Tumingin naman ito sa 'kin at bigla akong nginisihan.
*"You wish I didn't know your plans, hmm?"* inilapit nito ang kanyang mukha at dahandahang gumapang ang mga daliri nito sa aking pisngi na siyang nakapagpangilabot sa aking buong katawan.
*"Huwag kang mag-alala, unlike them I'll give you a choice, Ms. Top 10,"* bulong nito sabay ngisi at hinalikan ako sa noo. Gustuhin ko mang sumigaw ay wala akong lakas at hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Bumalik ang tingin nito kay Jason na ngayon ay nagising at nagsisisigaw sa sakit, nilapitan niya ito at sinikmuraan ng ilang ulit dahilan upang sumuka ito ng dugo.
Nangingilabot ang aking katawan at hindi na napagilan ang pagtulo ng luha sa aking mata. Muli itong lumapit sa akin at tinanggal ang nakalagay sa aking bibig. Agad ko itong dinuraan at nakaamba na siyang sampalin ako ngunit hindi niya ito ginawa bagkus ay pinunasan lang niya ang kaniyang pisngi at sinipsip ang daliri nito at dinilaan ang kanyang hawak na patalim.
*"Bakit mo ba ginagawa sa 'min 'to, ano bang gusto mo?"* pagmamakaawa kong tanong sa kanya habang nanginginig ang aking boses.
*"Sasabihin ko lang sa'yo kung bakit ko ito ginagawa kung tutulungan mo ako, kaya kung ako sa'yo..."* habang nagsasalita siya ay panay ang aking pumiglas kaya naman nairita ito sa 'kin.
*"Huwag ka nang magmatigas, wala rin namang mangyayari kung susuway ka pa,"* sambit nito.
*"I'll give you time to think,"* dagdag nito at tinapik ang pisngi ko at saka lumabas.
Sinamantala ko ang pagkakataong iyon at sinubukang alisin ang pagkakatali ng aking kamay mula sa likod ng upuan. Pinipilit kong abutin ang kutsilyong kanina'y hawak niya na nailapag sa sahig para mapunasan ang kaniyang mukha kanina mula sa aking pagkakadura na siyang naging dahilan nang pagkakatumba ng aking kinauupuan pakanan ngunit hindi ko ininda ang sakit at pilit na kinakapa ang patalim. Naabot ko ito at unti-unting kinalas ang pagkakatali ng aking kamay.
*"Trying to escape?"* nagulat ako nang nakita ko siya sa pinto. I see anger and sadness in his eyes. May dahilan kung bakit niya ginagawa 'to. I just need to stay alive if I want to know.
Itinayo niya ang aking kinauupuan at inalis ang patalim na aking inaabot. Naglakad-lakad siya ng mabagal sa silid habang ang kaniyang dalawang kamay ay nasa likod. Hinarap niya muli si Jason na namumutla na sa dami nang dugong nawala rito.
*"Sige, payag na ako,"* sambit ko sa kanya at siya'y napangiti.
*"Good girl, I want you to prove it darling,"* sabi nito na may malambot na tugon. Lumapit siyang muli sa akin at inalis ang lubid na nakabigkis sa aking kamay at sabay na inabot sa akin ang kutsilyo na kinuha niya mula sa akin kanina at saka itinuro si Jason.
*"I want you to kill him,*" dagdag nito at dahan-dahan kong inabot ang inilahad niyang patalim. Aamba na sana akong saksakin siya ngunit may inilabas itong baril. Itinutok niya ito sa akin.
*"What are you trying to do darling? Want me to try this out to you?"*
Nagulantang ako sa kanyang hawak kaya naman hindi ko na sinubukan pang gawin ang aking balak. Habang nakatutok ang baril sa akin ay inutusan niya akong muli.
*"Walk towards him,"* utos nito habang nakatutok sa akin ang baril. Napapikit ako habang dahan-dahang nilapitan si Jason.
*"Now, stab him in his left chest,"* dagdag nito nang makalapit na ako kay Jason.
Tinignan ko ang nakakaawang tingin sa mata ni Jason, nakikita ko rito ang takot at paghihirap na kanyang pinagdaanan, lumingon naman ako kay Harry at nakita ko ang galit naman sa mata ni Harry nang biglang magring ang phone ko kaya't mabilis itong hinablot ni Harry.
*"Please don't make me do this,"* pagmamakaawa ko nang inilapit niya sa akin ang baril at phone.
*"Don't you ever make a mistake,"* pagbabanta nito at sinagot ang tawag.
***Sa kabilang linya***
*"Anak, nasaan ka na ba? Nakailang tawag na kami sa'yo pero'di mo sinasagot. Nag-aalala na kami, umuwi ka na. Wala ka bang pasok? Saan ka natulog?"* tuloy-tuloy nitong sabi at halata ko sa boses ng nasa kabilang linya ang pag-aalala. Pilit kong ikinalma ang aking sarili at saka nagsalita.
*"Ma, sorry hindi ako nakapagpaalam, nandito ako sa bahay ng kaklase ko, may ginawa lang kaming project,"* pinipigilan kong humikbi upang hindi niya mahalata ang nangangatal kong boses. Gusto kong humingi ng tulong ngunit sa sobrang takot ko ay hindi ko nagawa.
Muli pa sana akong magsasalita ngunit binaba na nito ang tawag.
*"Enough, now do what I told you and you may go home, may tatapusin pa ako,"* mando nito at muling itinutok sa 'kin ang baril. Wala na akong magawa kung hindi sumunod sa pinag uutos nito.
*"I-I'm sorry Jason, I'm sorry,"* napasandal nalang ang ulo ko sa kanyang dibdib at siya'y aking niyakap.
*"I'm really sorry, patawarin mo 'ko,"* napasigaw nalang ako bago ko tuluyang ibaon ang patalim sa kanyang dibdib.
Nakita at narinig ko ang sakit na naramdaman ni Jason, ang buo kong katawan ay hindi na makagalaw sa aking nakikita. Wala na si Jason, namatay siya sa aking mga kamay. Hindi ko na alam ang mga susunod na nangyari, natulala na lamang ako at hindi ko namalayan na hinatid pala ako ni Harry sa bahay namin.
Hindi ko inakalang makakauwi pa ako nang buhay, nakatulala lang ako ng mapansin ako ni mama.
*"O anak, bakit ang lungkot mo yata? May nangyari ba?"* nakatulala pa rin ako nang iwasiwas niya ang kaniyang palad sa harap ng aking mukha.
*"Wala naman ma, okay lang ako,"* tanging tugon ko rito at nagpaalam na pupunta na sa kwarto. Pagkapasok ko ay agad akong tumingin sa salamin, kitang-kita ko ang aking repleksyon na mukhang balisang-balisa ang hitsura at binabalot ng konsensya ang buo kong pagkatao dahil sa aking nagawa dahil yun nalang ang tanging paraan para manatili akong humihinga.
Kinuha ko ang aking telepono at sinubukang maglibang habang nakahiga ng pabalangbang sa aking magulong higaan. Naghahanap ng taong pwede kong matawagan kasabay nito ang pag-iisip na kung gaano siya katiwalang hindi ako magsusumbong sa kahit na sinuman. Just how he sense my fear is driving me insane. I can't explain but fear is conquering me para hindi magawa ang dapat kong gawin.
Natapos ang araw na iyon at puno pa rin ako nang takot, hindi ko magawang pumasok sa eskuwelahan dahil kinukusig pa rin ako nang aking konsensya sa nagawa ko Jason. Gabi gabi kong nakikita ang mga pangyayari nang mga araw na iyon kaya naman mas naging determinado akong malaman kung bakit niya ito ginagawa sa amin.
Sa pagod ko sa kaiisip at kawalan nang gana para kumain at matulog nitong mga nagdaang araw ay naisipan ko munang umidlip nang biglang may tumawag sa 'kin. Tanging numero lamang ang nakalagay sa screen kaya nag-aalangan akong sagutin ito ngunit curiosity ko pa din ang nanaig.
*"Hello? Sino po sila,"* magalang kong bungad sa 'di ko pa nakikilalang kausap mula sa kabilang linya.
*"You're making me wait, bakit ang tagal mong sagutin?"* tanong nito na may napakamanly na boses, natunugan ko agad ito at alam kong si Harry ang nasa kabilang linya.
*"Paano mo nakuha number ko?"* tanong ko sa pagtataka kung paano.
*"Remember when I held your phone? I just quickly saved your number,"* sagot nito at rinig ko ang mahinang pagngisi nito sa telepono.
*"Anong kailangan mo? Bakit ka napatawag?"* tanong ko at hinapit ang kumot upang kumutan ang aking katawan.
*"I need you here, we have a business to settle and sasabihin ko na din sa'yo yung dahilan kung bakit ko nga ba ginagawa 'to, diba yun naman yung gusto mong malaman, bilisan mo and I have a surprise for you,"* mahabang paliwanag nito, dala na rin siguro nang aking takot at kuryosidad kaya dali-dali akong nagbihis at nagpaalam sa aking mga magulang at agad din naman akong pinayagan.
Sa wakas ay malalaman ko na din ang dahilan. Agad akong nagtungo sa kanilang bahay at tanaw ko na ang kaniyang presensya habang ako'y papalapit.
Binigyan niya ako ng ngiti at niyakap, hindi ko alam kung bakit parang walang angal ang katawan ko rito at tila nagugustuhan pa ang nangyayari. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa loob. Nagpaubaya naman ang katawan kong sumunod. Nang nasa pinto na kami ay naglabas siya ng puting panyo at piniringan ako.
*"Anong pakulo na naman 'to Harry?"* tanong ko habang nakapiring at inaalalayan niya papasok ng bahay.
*"You'll see,"* maikling sagot nito at patuloy kami sa paglalakad nang tumigil ito at dahan-dahang tinanggal ang aking piring.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at nagulat sa aking nakita. Isang napakaromantic na ambiance, candle light dinner na malapit sa pool na punong-puno ng rose petals. Natulala nalang ako sa pagkamangha nang bigla itong magsalita.
*"You like it?"* tanong nito habang siya'y nasa likod ko at hawak ako sa balikat.
*"No,"* sagot ko at kita ko sa mata nito ang pagsimangot. Natatawa naman ako sa hitsurang nakikita ko rito. I felt bad for all his victims but I know he doesn't really want that to happen. I gotta help him.
*"Because I love it,"* sagot ko rito at ngumiti, ngiti rin naman ang isinukli nito pabalik at hinawakan niya ang aking kamay at inalalayan upang makaupo.
*"Uhm, Can I ask a favor?"* sabi nito with a husky voice that I honestly starting to love to hear.
*"Sige, ano 'yon?"* tanging sagot ko dito habang hinihintay ang kaniyang sagot.
*"Pwede huwag muna natin pag-usapan about what's happening? Yung tayo lang muna sana,"* nabingi yata ako sa sinabi niya.
*"Tayo?"* tanong ko.
*"Kala ko ba sasabihin mo sa 'kin kung bakit mo ginagawa 'to? Hindi tama 'to Harry!"* dagdag ko nang maalala ko ang pilit niyang ipinagawa sa 'kin.
*"Sasabihin ko naman eh, pero please not just this night,"* pagmamakaawa nito na siya namang nagpakalma agad sa 'kin.
*"Eh bakit mo pa sinabi na sasabihin mo, hindi mo din naman pala tutuparin?"* kumilos ako na kunwari'y nagtatampo at lumihis ng tingin dito habang inaabangan ang magiging reaksyon nito na makikita ko sa peripheral vision.
Kalmado lang itong ngumiti at tumitig sa akin,
*"Para mapapayag kitang pumunta dito, hindi ko kasi alam kung paano kita yayayain magdinner eh,"* sambit nito at nararamdaman kong namumula ang pisngi ko.
Nang makarinig ako bigla nang kalabog sa loob ng bahay nito. Agad akong tumayo at ambang pupuntahan kung saan nagmula ang ingay sa loob ngunit agad ako nitong pinigilan.
*"Stay here, I'll go check,"* sambit nito kaya bumalik ako sa aking pagkakaupo. Tinatanaw siya ng aking tingin habang nagmamadaling pumasok ng kanilang bahay.
Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng putok ng baril kaya naman ay dali-dali akong tumungo rito. Agad bumungad ang duguang katawan ni Shane sa sahig at ang nanlilisik na mata ni Harry. Kita ko rin ang isang lalaki na nanginginig sa sulok ng kwartong iyon, kitang-kita ko ang mga pasa nito sa buong katawan. Gulat na gulat naman ito nang makita ako,
*"H-Hermione?! K-Kasama ka dito?"* pagkasabi niya nito'y humagulhol na ito ng iyak. Nagulat din ako nang makita ko kung sino ang lalaking nasa sulok nang kwarto.
*"I-I'm sorry Brix, but I have to keep my family safe,"* yun nalang ang nasabi ko sapagkat ang tanging alam ko lang ay natatakot ako para sa sarili ko at lalong-lalo na para sa aking pamilya.
*"W-what are you doing here, I said stay downstairs,"* mahinahong sabi ni Harry sa'kin. Bigla naman nagflashback sa akin lahat nang mga kalokohang ginawa sa akin ni Brix.
*"No! I'm not done yet with this guy,"* sagot ko dito, nilapitan ko si Brix at inilapat nang malakas ang aking kanang palad sa pisngi niya nang maalala ang nakaraan sa pagitan naming dalawa sabay ang isang buntong hininga.
*"Naaalala mo na ba Brix? How you betrayed me?"* pagkasabi ko nito'y kasabay naman ang pakawala ng isang halakhak. Tinapik-tapik ko ang pisngi nito bago ako umalis.
Nilapitan ko si Harry at hinalikan ito. He kissed me back like he meant it. Pagkabitaw ng labi ko ay binulungan ko siya nang nakangiti.
*"Ikaw na ang bahala sa kanya,"* at napangisi nalang ako nang binaril nito si Brix.
Maya maya pa ay bumaba na ito at tinapos na namin ang dinner. Tumawag na rin ako kila mama na dito na ako matutulog at pumayag naman ito.
Maghahatinggabi na at nakaubos na rin kami ng isang bote ng wine. At dahil hindi ako sanay uminom ay mabilis akong nalasing ngunit nasa tamang katinuan pa ako.
*"I'm surprised what you did to Brix, how about that?"* sambit nito habang binubuksan muli ang isang bote nang wine at sinalinan ang baso naming pareho.
Napasinok ako kaya muli akong uminom bago magsalita,
*"Brix? He's my fuckin' ex-boyfriend, he dumped me for that b*tch you killed earlier,"* lumapit ako sa kanya and I sat on his lap.
*"Kaya you know what?, I'm starting to like you,"* hinaplos ko ang kanyang pisngi at kita ko ang pamumula nito sa pagtatagpo ng aming mga mata, I slowly lean my lips closer to his and we started kissing. It was getting intense at ramdam ko ang init na namamagitan sa aming dalawa nang bigla niya akong kinarga paakyat ng kwarto niya without breaking our kiss.
Nang makarating na kami sa kwarto niya ay inihiga niya agad ang aking katawan at itinuloy ang pagromansa sa akin. Habang nasa kalagitnaan kami ng mga senaryong iyon ay hindi ko naiwasang itanong kung ilan pa and what's his purpose for killing these people.
Although I have my reasons kung bakit napapayag niya akong sumama sa kanya dahil na rin sa miserable past ko kasama ang mga victims niya except Jason na sa mismong mga kamay ko pa namatay.
*"So, how many victims left? And tell me, what's your damn rea—"* bago ko pa man matapos itinuloy niya ang paghalik sa 'kin na siya namang sinabayan ko.
*"Originally four left, but now it's three,"* sagot nito while stripping down me down.
*"Ha? Paano?"* tanong ko naman at tinignan niya ako mula sa 'king tiyan habang patuloy ang paggapang ng kanyang mga labi pababa sa aking katawan na siyang nagpapaliyad ng kusa sa akin at tila gumigising ng aking kaluluwa.
Saglit siyang napahinto at inangat ang kanyang ulo upang titigan ako sa mata, *"Because I love you, Hermione."*
This is where the story ends, now let me try your imagination and critical thinking. What do you think is the real reason of Harry for killing this people?
Comment down your opinion, ang makasagot nang tama o ang may pinakamalapit na tamang sagot ay may chance na manalo nang $1. Iaannounce ko ang mananalo bago ko simulan ang kasunod na story.
Thank you everyone for reading, Stay Safe!
The Mysterious New Student Part 1
*Gaano ka kasigurado sa mga taong nakikilala at nakakasalamuha mo? Madali ka bang makampante o kung hindi naman ay mabilis kang magduda? Paano ka nakakasigurado sa kanila?*
**Hermione's POV**
Araw nang klase at busy ang lahat sa kaniya-kaniya nilang mga gawain, may nagdadaldalan, nagseselfie sa gilid, at naglalampungan na akala mo'y wala nang bukas. Natigil ang lahat nang may biglang pumasok na estudyante sa classroom namin, hindi kasi familiar ang mukha niya sa aming lahat.
*"Uy, may bagong transferee!"* rinig kong bulong ng isa sa aking mga kaklase habang nakatingin sa bagong pasok na estudyante.
*"Ang gwapo shems,"* banat naman nung isa. Habang ako'y tahimik lang na pinagmamasdan ang bagong estudyante. Lumingon-lingon siya at naghahanap ng mauupuan hanggang sa makita niyang bakante pa ang upuan na katabi ko lamang. Tinungo niya ang direksyon kung saan ako naroon at walang atubiling umupo.
Ang mga kaklase kong babae sa harapan ay nagsisilingon at tinititigan ang aming bagong lipat na kaklase. Pinagmamasdan ito mula ulo hanggang paa na tila ay gusto na itong iuwi sa kanila. Hindi ko naman sila masisisi kung ganoon sapagkat nasa panlabas na katangian nito ang hinahanap halos ng karamihan. Matangkad, maputi, may matipunong pangangatawan, matangos ang ilong at higit sa lahat gwapo.
Maya maya pa ay dumating na ang aming guro.
*"Okay, class. Many of you here is already familiar with me. But we have a new transferee"* pambungad ng aming guro sa aming lahat.
*"Mister, would you please introduce yourself since I expect, many of your classmate wants to know you,"* he slowly stood up and walked in front of the class.
*"My name is Harry, Harry Constello, nice to meet you all,"* he coldly introduce himself and went back to his seat.
***after class***
Not a single word he uttered after his introduction earlier. Maybe he's just shy. Tumunog na ang bell kaya naman inayos ko na ang aking mga gamit at dumiretso na ako sa bahay pagkatapos.
An unregistered number texted me.
*"From: 0921********
*Help."*
Pagkabasa ko nito ay agad ko itong nireplyan ngunit hindi na ito nagtext pabalik kaya naman sinubukan ko itong tawagan.
***phone ringing***
Sinagot nito ang tawag ngunit hindi ito nagsasalita.
*"Hello?"* I uttered.
*"Who's this?"* dagdag ko ngunit wala pa ring sumasagot sa kabilang linya at tanging estrangherong ingay lang ang maririnig kaya naisipan ko na itong ibaba.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok at napansing wala pa ang isa naming kaklase na nakapagtataka sapagkat lagi naman itong maagang pumapasok at ni minsan ay hindi ko pa ito nakitang lumiban ng klase kaya naman ito ang 1st honor namin noong nakaraang taon. Wala rin ang bagong lipat naming kaklase.
Ilang minuto nalang ay magsisimula na ang klase ngunit hindi pa rin ito dumarating. Kaya naisipan kong tanungin ang top 2 namin na best friend din nito.
*"Nakita mo ba si Sheen?"* tanong ko dito at iling lamang ang itinugon nito sa akin.
Kinabukasan pumunta ang mga magulang ni Sheen sa eskwelahan dahil nawawala raw ang anak nila. Agad na nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko tungkol sa kanilang narinig. Karamihan ay nagaalala at ang iba naman ay hinuhulaan kung saan maaaring napunta si Sheen.
*"Hala, baka kinidnap"* bulong ng top 5 student namin na si Brix.
*"Uy, 'wag kang magbiro ng ganyan,"* pigil naman sa kanya ni Jasmine.
*"Baka nakipagtanan na kay Julius,"* sabat naman ni Peter na dating ex ni Sheen.
*"Class, stop talking. Go back to your seats,"* agad na nagsipulasan ang aming mga kaklase ng marinig ang utos ng aming guro.
Tinignan ko ang kaklase kong si Harry at tahimik lang ito na parang walang pakialam sa nangyayari. Tinignan niya ako pabalik, nakakatakot itong tumingin kaya naman ay agad akong nag-iwas ng tingin dito.
Ilang araw pa ang makalipas ay ang top 2 naman namin na si Ana ang nawawala at ng araw na iyon ay hindi rin pumasok si Harry at hindi pa rin natatagpuan si Sheen.
Nang sumunod na mawala ang top 3 namin ay unti unti ko nang nakukuha na hindi lang basta nawawala ang mga kaklase ko kundi may kumukuha sa kanila at pinupuntirya ang may mga matataas na marka. Kaya naman binalaan ko na ang top 4 namin na si Jason.
*"Jason, hindi ka ba nababahala?"* tanong ko sa kaniya ng may pag-aalala.
*"Saan?"* nagtatakang tanong nito pabalik.
*"Sa mga nawawalang kaklase natin, hindi mo ba napapansin, puro topnotcher natin nung nakaraan yung sunod-sunod na nawawala? Una si Sheen, tapos sumunod si Ana tap—"*
Napatigil ako sa aking sinasabi nang bigla siyang magsalita.
*"Nababaliw ka na ba? Baka nagkataon lang. Nag-aalala din naman ako pero I don't think na iisa lang yung dahilan kung bakit sila nawawala,"* hindi pa rin mawala sa 'kin ang pag-aalala. Kung tama nga ang hinala ko ay siguradong isa ako sa mabibiktima. Ako lang naman ang top 10 nung nakaraan.
Malakas din ang kutob kong malapit lang sa amin ang gumagawa nito at si Harry lamang ang naiisip ko dahil nagsimula ang mga ito nang pumasok siya sa eskuwelahang ito. Kailangan kong gumawa ng paraan. Kailangan kong mapalapit kay Harry. Kinabukasan ay sinimulan ko agad ang plano.
*"Good Morning Harry!"* bungad ko rito pagkarating na pagkarating ko pa lang ng makita kong nandoon na siya sa kaniyang pwesto habang nakasaksak sa tainga niya ang isang earphone. Tinignan niya ako ng masama at kahit kinakabahan ako ay lakas loob kong humarap sa mesa niya at tinitigan siya. Iwinasiwas lang nito ang kaniyang kanang kamay na parang tinataboy ako.
*"I don't have time for you,"* malamig lang nitong tugon at bakas ang iritable nitong pagmumukha. Kinuha nito ang kaniyang libro sa bag at sinimulan ang pagbabasa.
*"Uy, mahilig ka pala sa thriller,"* sambit ko nang mapansin ang binabasa niyang libro. *The Girl On The Train* by Paula Hawkins ang pamagat nito. Napansin ko ang biglang pagkuyom ng kanyang kamao kaya naman umupo na ako nang maayos sa aking pwesto at sakto naman ang pagdating ng aming guro.
Pagkatapos ng tatlong subject ay niyaya na ako nila Giselle at Veronica para kumain.
*"Uy Hermione, tara sa canteen,"* yaya ni Giselle.
*"Hindi naman mawawala si Harry diyan, tara na,"* dagdag ni Veronica. Nagkangitian ang dalawa sa sinabi ni Veronica.
*"Sige na una na kayo, susunod nalang ako,"* pagkasabi ko nito'y sinenyasan ko na silang umalis.
*"Bye Harry!"* pahabol pa ni Giselle kaya naman pinandilatan ko ito ng mata kaya tumakbo na ang dalawa habang tumatawa. Kaming dalawa nalang ang naiwan sa loob ng room. Inilabas ko ang baon kong dalawang chocolate bar at iniabot ang isa sa kanya. Tinanggal niya ulit ang pagkakasalpak ng earphones sa kaniyang tainga at tumingin ito ng malalim sa akin.
*"Thanks,"* malamig lang nitong tugon at binuksan ang chocolate bar na iniabot ko sa kanya at ipinagpatuloy ang pagbabasa.
*"Alam mo, ang emo mo, ano ba yang pinakikinggan mo,"* sabay hablot ko sa isang earphone niya at inilagay ito sa aking tainga. Oh my , paborito ko 'to, sa isip-isip ko ng mapakinggan ang kanta ng Panic! At the Disco na Emperor's New Clothes.
Napatingin ito sa akin ngunit wala na itong nagawa ng diinan ko ang pagkakahawak sa earphone na inagaw ko kani-kanina lang at ipinagpatuloy nito ang pagbabasa.
*"Uy, hindi ka ba tal—"*
*"Ano ba talagang kailangan mo?"* pinutol nito ang aking sasabihin at napatitig ito sa akin.
*"Gusto ko lang naman makipagfriends,"* ang gwapo naman pala talaga nitong bago namin kaklase kaso lang emo. Halos lahat itinataboy niya kaya natatakot na ang mga kaklase kong kausapin ito.
*"Fine,"* yun na yun? Wala man lang miski pagbati? Hindi mo man lang ako kakausapin? Naiinis na ako sa'yo ah, kung hindi ka lang gwapo ay este kung wala lang akong gustong malaman sa'yo, nasapok na kita. Sa isip-isip ko at hindi napansing tapos na pala ang recess.
*"Meryenda tayo mamayang uwian ah, treat ko. Hep hep hep, bawal tumanggi,"* sabay duro ko sa kaniya at napangisi nalang ito sa aking sinabi. Tumayo ako sa aking kinauupuan at ambang papatungo na sa canteen para sundan si Giselle at Veronica.
*"Ano nang status niyong dalawa?"* bungad sa 'kin ni Veronica na kakarating pa lamang kasama si Giselle.
*"Akala ko ba susunod ka?"* tanong naman ni Giselle na nakapameywang sa 'kin. Sakto namang dumating na ang aming guro sa susunod na subject kaya naiwasan ko ang nakakaintimitidang tanong ng dalawa.
Tumunog na ang bell hudyat na uwian na, agad nagsilabasan ang mga kaklase ko at hindi ko na napansin si Harry na nawala na pala sa tabi ko.
Bwisit! Natakasan ako ng mokong na yun ah. Dali-dali akong lumabas ng may mabangga akong isang lalaki.
*"Looking for me?"* ibang iba ang aura nito kaysa kanina. Nakakapagtaka dahil parang ibang tao ang kaharap ko sa mga oras na iyon. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papalabas ng campus. Nagsisitinginan naman ang mga kaklase ko at ibang nakakakilala sa 'min na aming makakasalubong.
*"Uy, sila na ba?"* bulong ng isang babae na laging sumisilip sa room namin mula sa kabilang section.
*"Swerte naman ni ate girl,*" dagdag naman ng katabi nito at napayuko na lang ako sa hiya habang binabagtas namin ang daan palabas ng gate. Nang makalayo-layo na kami ay bigla itong nagsalita.
*"Hindi ako tatanggi sa alok mo, but...*" napatulala lang ako dito at naninibago pa rin sa kanyang mga ikinikilos.
*"Ako magti-treat sa'yo,"* patuloy nito at hindi na ako nakapagsalita at agad nitong tinungo ang kanyang motor at pinaandar ang makina.
*"What are you waiting for? Sakay."* sambit nito na may malumanay at malambing na boses na hindi mo matatanggihan kung ano mang ipag-utos nito. Hindi ko na namalayan na malayo-layo na rin kami mula sa eskwelahan.
*"S-saan mo ako dadalhin?"* tanong ko dito ngunit hindi ito nagsasalita.
*"Hoy! Saan mo ako dadalhin!"* nagsimula na akong mag-panic dahil bigla nitong binilisan ang pagmamaneho.
*"Relax ka lang, iti-treat nga kita diba,"* sigaw nito dahil hindi kami masyadong magkarinigan dahil sa ingay ng mga sasakyan. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa tapat ng isang malaking bahay.
*"We're here,"* sabi nito pagkalingon sa akin at pinababa na ako ng motor. Ipinarada na niya ito at agad lumapit sa akin.
*"Come, walang ibang tao dito kundi ako lang,"* sambit nito at hinila nanaman niya ang kamay ko. Pero sa pagkakataong ito ay malambot lamang ang pagkakahawak niya.
Ang katawan ko'y tila aliping kusang sumusunod sa kanya. Hawak niya ang aking kamay patungo sa kusina at muling napatingin sa kaniyang mga mata nang siya muli'y magsalita.
*"I'd prefer home-made food, kaya ipagluluto nalang kita,"* ang sweet naman pala nitong lalaki na 'to. Muntik ko nang makalimutan na may kailangan akong alamin. Unti-unting nawawala yung paghihinala ko sa kanya.
*"Nasaan nga pala ang parents mo?*" tanong ko dito habang naghahanda siya ng kanyang lulutuin.
*"Dad is in U.S. with his new family and Mom is in France, also with her new family,"* biglang namuo ang lungkot sa mga mata nito pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon.
*"I-I'm s-sorry,"* tanging nasambit ko sa kanya.
*"It's okay, I can get to visit my mom pa naman tuwing holidays with her new family. Niyayaya nga nila akong doon nalang tumira but I chose to stay here to finish my studies,"* kwento nito at napabilib nalang ako sa kanya dahil nakakaya niyang ipagpatuloy 'yong buhay niya with lack of support from his parents.
I watch him cook our meal. Sa amoy pa lang ay nabubusog na ko. I can't wait to taste him, ay este yung luto niya. Putcha naman Hermione, anong pumapasok sa utak mo. Maya-maya pa ay tapos na siyang magluto at pinaupo niya na niya ako nang hilahin niya ang upuan. He served me like a princess, gwapo na gentleman pa. Ang swerte siguro ng magiging girlfriend nito, sa isip-isip ko.
*"Ang sarap mo naman...magluto,"* sambit ko dito.
*"My mom used to cook for me that meal when I was little,"* pagkatapos niyang sabihin ito ay tumayo siya at kumuha ng isang wine sa cabinet.
*"Sorry, I don't drink,"* pinangunahan ko na ito dahil bawal pa ako uminom.
*"Just have a taste, hindi naman nakakalasing yan,"* isinalin na niya ito at iniabot sa akin ang wine glass. We chitchat a little and have some talks. After kong kumain ay niligpit ko ang aming pinagkainan at nilinis ang mga ito, pagkatapos ay nag ayos na ako nang aking gamit dahil oras na rin nang matapos kami.
*"Uy, uwi na ako ah, salamat pala sa meal,"*
Magpapaalam na sana ako para umuwi nang mapagtanto kong hindi ko pala alam kung saan kami dumaan. Bigla naman itong sumulpot sa aking likuran,
*"Wait!"* sambit nito at hinawakan ang aking kamay, bigla niyang hinapit ang bewang ko ng kaniyang kaliwang kamay at sinalo naman ng kanang kamay niya ang likod ko at bigla niya akong hinalikan. Bigla akong nanghina na parang hinihigop ang aking lakas kasabay ng aking pagkahilo at pagkawala bigla ng aking malay.
Sa tingin niyo ano ang susunod na mangyayari? Abangan sa next part nang story, sanay subaybayan niyo itong muli. Stay safe everyone.
Ready na ba kayo sa new story na ilalabas ko? Ako kasi excited na, thank you for all the support. Sana hanggang dulo ay samahan niyo ako. Stay safe everyone❤️
Precious: Last Part
Hello there, please check out the first part of this story before continuing. Hope you like this, Thank you!
https://read.cash/@icary/precious-d2962ab7
**Sophie's POV**
End of the year, matagal tagal bago ko makita si Ash ulit kaya naman lagi ko siyang kinukulit sa chat at text para hindi niya makalimutan ang name na Sophie.
*"Hello Ash"*
*"Oh hey Sophie"*
*"Anong ginagawa mo?"*
*"Nothing, why?"*
*"Wala gusto lang kitang guluhin"*
*"Kailan mo ba ako hindi ginulo?"*
*"Uhmm- let me think. None"*
*"Yeah, right"*
*"Nakukulitan ka ba sa akin Ash?"*
*"Why titigil ka ba kapag sinabi kong oo?"*
*"Maybe yes, maybe not"*
*"Why yes?"*
*"I love you as much as I respect you, kung nakukulitan ka na talaga sa akin lalayuan kita if that's what you want"*
*"Why not?"*
*"Sabi kasi ng magulang ko kapag mahal ko dapat ipaglaban ko kahit hanggang sa mapagod ako"*
*"Then could you do me a favor?"*
*"What favor?"*
*"Pwede bang tigilan mo na ang pangungulit sa akin*"
May kirot sa puso ko nang mabasa ko ang mga salitang iyon sakaniya, hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o nagsusungit na naman ulit dahil part na nang personality niya na sungitan ako.
*"And why? Sobra ka na bang nakukulitan sa akin? Kung gusto mo babawasan ko ang pangungulit ko"*
*"No, that's not the point"*
*"Then what?"*
Medyo naluluha na ako dahil parang iba na ang gusto niyang sabihin.
*"Queenie and I are about to be engaged and soon be married"*
*"Ha? Bakit si Queenie?"*
*"Do you remember yung time na sinabihan ako ni Queenie about sa dinner night?"*
*"Yeah"*
*"Dinner night ng family namin 'yon para pag usapan ang engagement party namin ni Queenie. I am telling you this para tumigil ka na at 'di kita masaktan"*
Natameme ako sa mga nabasa ko hindi ko alam kung paano ko ididigest ang mga sinabi niya, ano na Sophie? talo ka na talaga sa labanang Ash.
*"Ganoon ba? Congratulations for the both of you, antok na pala ako. Good night Ash, thank you for telling me this habang maaga pa"*
*"Sophie, I'm sorry"*
*"No, you don't have to. Sorry kung ipinilit ko 'yong sarili ko sa'yo, hindi ko alam na dapat na pala talaga akong tumigil. Thank you Ash"*
Binaba ko na ang phone ko habang ang mga luha ko'y unti unti na palang pumapatak sa mga mata ko. I can't, this is my first heart break. Binaon ko ang mukha ko sa unan at nagpatuloy na umiyak.
School day na ulit pero wala akong balak na makita si Ash, hindi ako galit sakaniya or kay Queenie pero medyo may tama pa rin kasi sa akin yung sakit. Nakita ko si Ash naglalakad papunta sa classroom niya kaya naman ako umiwas ako at medyo lumihis nang landas nakita siguro iyon ni Ash kaya medyo nag iba ang timplada nang pagmumukha niya.
Break time na namin at nagtataka ang mga classmate ko dahil nasanay na sila na kada break time ay agad akong tumatakbo sa kabilang classroom para makita si Ash pero ngayon nakaupo lamang ako sa desk ko habang nagbabasa nang libro.
*"Uhm Sophie, are you okay?"*
*"Huh? Oh yeah, I'm fine. Why?"*
*"Wala lang para kasing wala ka sa sarili mo"*
*"Ah 'yon ba, wala 'yon medyo napuyat lang ako"*
*"Sige, una na kami magbreak sa'yo ah"*
*"Sure, enjoy"*
Nakita ko si Ash kasama si Queenie na dumaan sa room namin pero hindi ko sila binigyan masyado nang pansin alam ko na tinignan ako ni Ash dahil bago ko tanggalin ang mata ko ay tumingin siya bigla.
*"I pray for your happiness"* nasabi ko na lamang sa isip ko.
Nagdaan ang mga araw at unti unti na akong nakakamove on sa mga nangyari at napansin ko rin na hindi na pumapasok si Ash sa school dahil 'di ko na nakikitang dumaan si Queenie sa classroom namin. Hinayaan ko nalang dahil nasa isip ko ay baka inaayos nila ang marriage nilang dalawa dahil matagal tagal na rin naman nang sabihin niya sa akin ang about sa engagement nila.
Bakasyon na ulit at nakatengga lang ako sa bahay, habang nags-scroll ako sa phone ko ay may nagnotif sa akin message pala ni Queenie. Hindi ko na sana papansinin nang biglang nagnotif ulit 'to kaya binasa ko na.
*"Hi Sophie, I know that you don't like me but I have to tell you something, can we meet?"*
*"I hope you notice this, this is about Ash"*
*"What do you want? Nagparaya na ako, sa'yo na si Ash. Hindi ba ikakasal na kayo?"*
*"Alam ko 'yong mga sinabi sa'yo ni Ash mas madaling magexplain kung magkikita tayo. Choose the place"*
*"Sige, sa coffee shop malapit sa school"*
*"Thank you, pupunta na ako"*
Matapos sabihin iyon ni Queenie ay naggayak na ako, ano naman kaya ang sasabihin niya sa akin. Gusto ko nang manahimik at kalimutan silang dalawa pero gusto ko rin malaman ang sasabihin sa akin ni Queenie dahil nag aalala rin pa rin ako kay Ash. Nang makarating ako roon ay nakita ko na nakaupo na sa isang sulok si Queenie, ang pwesto niya ay malayo sa mga tao para siguro ay makapag usap kami.
*"Anong gusto mong sabihin? Huwag ka na magpaligoy ligoy"*
*"Okay, here read this letter. Letter 'yan ni Ash na iniwan para sa'yo gusto niyang ikaw lang ang makabasa niyan kaya ibinigay ko sa'yo"*
*"Ano ba 'to bakit kailangan pang idaan sa letter pwede naman na siya nalang magsabi"*
*"Just read it, tingin ko mas kailangan mo nang privacy kapag binasa mo 'yan kaya hindi ko na kukunin pa ang time mo"*
Umalis nang agad si Queenie katapos niyang ibigay sa akin ang letter na may sulat kamay ni Ash, kinabahan akong agad sa kung anong laman nito kaya naman ay dali dali akong umuwi para basahin ito.
https://youtu.be/1vgyNoVeor8
***(Don't forget to click the Youtube Playlist above before continuing with this part of the story, thank you)***
*"Hi Sophie,*
*You might be wondering bakit may letter akong isinulat para sa'yo. Sa oras na nabasa mo ito sigurado wala na ako rito sa mundo. Yes Sophie, my time is already short. Pinagbigyan lang ako ng doctor and family ko na pumasok dahil pinagpilitan ko, kasi gusto pa kitang makita sa mga nalalabing oras ko. First of all, I want to say sorry dahil nasaktan kita. Wala na akong maisip na reason para lumayo ka sa akin dahil kahit anong pagtataboy ang gawin ko sa'yo ay bumabalik ka pa rin. Sorry I lied, Queenie is actually my cousin. Hindi totoong ikakasal kami, pinilit ko lang si Queenie na magpanggap dahil gusto kong lumayo ka na sa akin. Ang selfish ko right? But you didn't know Sophie, I also love you. Nagawa na rin kitang mahalin, gusto ko sanang itry na magkaroon nang tayo pero bago ko pa man magawa iyon ay inunahan na ako nang sakit ko. I have lupus, nagtrigger ito ulit after nang foundation day that was the day na handa na akong mahalin ka rin Sophie pero hindi ko nagawa at ayaw ko nang subukan pa dahil alam kong mas masasaktan lang kita kapag nasira ko ang mga pangarap mo na gustong buuin kasama ako. Life is unfair, kung kailan nahanap ko na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay syaka naman ako babawian nang buhay.*
*Ang sakit makita kang malungkot, gusto kitang lapitan, gusto kong magsorry, gusto kitang yakapin man lang pero hindi ko magawa. I've decided to let you go, I have decided to let go of my fantasy that I could live longer, that I could be with you longer. Mas nasasaktan ako para sa atin kaysa sa sakit na nararamdaman ko, itong sakit ko may chance na magamot pero yung puso ko parang malabo.*
*I wish for your happiness and sana mahanap mo 'yong lalaking hindi ka iiwan, mamahalin ka nang buo at kayang ibalik 'yong pag ibig na ibibigay mo.*
*I love you Sophie, good bye.*
*By,*
*Ash"*
Patuloy ang pagbagsak nang luha ko katapos kong mabasa ang sulat na ito, ang daya naman. Pwede mo naman sabihin nalang sa akin 'yong dahilan, sana napakita ko pa sa'yo kung gaano kita kamahal. It's too late for me, for us. Chinat ko agad si Queenie katapos kong kumalma.
*"Hey, I'm sorry sa lahat nang sinabi ko rati. Klaro ko sa akin lahat ngayon"*
*"No, that's fine. Kasalanan din naman namin, pinaniwala ka naming dalawa"*
*"Pwede ko bang malaman ano nang kalagayan ni Ash ngayon?"*
"He didn't make it Sophie, nakaburol siya ngayon dito sa Memorial service. If gusto mong pumunta, welcome ka rito kilala ka nang parents and kapatid ni Ash. He always talks about you, walang araw na hindi ka niya bukambibig kami nang napapagod makinig sakaniya lagi niyang sinasabi kung gaano ka kakulit, kung gaano ka niya kamahal. Chat me if pupunta ka para masabi ko"
*"Pupunta ako, text me the location"*
*"Okay, I'll wait for you here"*
*"Thank you Queenie"*
Kung sino pa 'yong feeling kong kaaway rati, siya pa 'yong nag uupdate sa akin ngayon. Hindi ko alam paano ako haharap sa kabaong mo ngayon ang bilis nang pangyayari sa akin. Nakarating na ako sa location at sinalubong ako ni Queenie, pinakilala niya ako sa relatives niyo pati na sa family mo. Nalungkot ako nang makita ko ang puting kabaong na nasa dulo nang aisle, hindi ganito ang nasa isip ko kung paano kitang makikita na nasa dulo nang lalakaran ko, hindi ganito na nag iiyakan ang mga tao.
Hindi ko magawang lumapit sa kabaong na nasa harap ko, pinagdarasal ko pa rin na hindi ikaw ang nasa loob nito. Sana bigla kang lumabas kung saan at nakaluhod sa akin para yayain ako nang kasal pero sobrang labong mangyari noon, pinapaasa ko ang sarili ko na muli kitang makikita.
*"I love you Ash, I'll love you for a lifetime."*
**“There are no goodbyes for us. Wherever you are, you will always be in my heart.” – Mahatma Gandhi**
Salamat sa muling pagbabasa nang munti kong istorya, nawa'y naantig ko ang inyong mga puso kahit papaano. Hindi pa huli ang lahat para sa'yo, marami pang oras sa mundo kaya hangga't gumagana pa ang orasan mo, sabihin mo nang mahal mo sila. Good night everyone. Stay safe!
By: icaryxghost
Precious
*Paano at kailan mo ba masasabing mahalaga ang isang bagay sa'yo? Sa unang pagkakataon na makuha mo ito o kapag nawala na ito sa mga kamay mo?*
**Sophie's POV**
Magsisimula na ulit ang aking college life sa wakas, makikita ko nang muli si Ash my crush. Grabe kahit sa malayo napakagwapo mo pa rin talaga, kung wala lang sanang higad na laging nakasabit sa'yo. The higad I'm talking about is Queenie, wala kasing araw o panahon na hindi siya nakasabit sa mga kamay ni Ash akala mo'y nakahanap nang jungle o puno kung makasakbay.
Iyong classroom namin magkatabi lang kaya naman kada break time ay dumidiretso ako lagi sa kabilang classroom para puntahan si Ash my inspiration. Hanggang ngayon kasi hindi niya pa rin napapansin ang beauty ni Sophie, sabi ko nga rati sakaniya tignan niya lang ako kahit isang beses mapapasaakin na siya kaso dinedma niya ang aking charming.
Nang idismiss kami ng aming prof ay dali dali akong pumunta sa kabila.
*"Ash"*
Tinignan niya ako pero inalisan din niya ako nang tingin.
*"Ang sungit naman, okay lang gwapo ka pa rin"*
*"What do you want?"*
*"You"*
*"Kung wala ka nang sasabihin na matino bumalik ka na sa classroom mo"*
*"Seryoso ako no?"*
*"How so?"*
*"Wanna try?"*
*"Oh just get out of my sight"*
Napakasungit, pasalamat ka gwapo ka kung hindi pinagpalit na kita. Umalis ako nang classroom nila pero bumalik din ako.
*"Ash"*
*"What is it now?"*
*"Bakit ba ang sungit mo? Dinalhan lang naman kita nang maiinom"*
*"Sinusubukan ko kasing magreview rito para sa quiz mamaya, can't you see?"*
*"No, ikaw lang kasi nakikita nang mga mata ko"*
*"Oh come on"*
Bigla naman sumulpot itong si Queenie.
*"Is this girl bothering you again Ash?"*
*"Is this girl bothering you again, ikaw nga nandito ka na naman di ka naman hinahanap"* pang gagaya ko kay Queenie.
*"At sino naman nagsabi sa'yong hindi ako hinahanap ni Ash?"*
*"At sino naman nagsabi sa'yong hinahanap ka niya?"*
*"Both of you shut up, I don't need any of you two here. So, get out"*
*"See dinamay mo pa ako sa'yo"*
*"Anong dinamay ikaw tong sumulpot nalang dito"*
Pareho kaming walang magawa kaya umalis kaming dalawa sa classroom ni Ash. Akala naman nitong higad na 'to uurungan ko siya. Hindi ko pa rin tinigil ang pangungulit ko kay Ash kaya naman hindi maiwasan na pansinin talaga ako. Baka naman iniisip niyo puro karengkeng lang ang ginagawa ko, kahit na nagpapapansin ako kay Ash ay dean's lister din ako. Isa rin ako sa mga nakikipaglaban para sa school, nabigla kayo 'di ba? Witty to si Sophie.
Foundation Day, isa sa mga varsity player si Ash. Bukod kasi sa katalinuhan at kagwapuhan nito ay matangkad din siya at magaling sa sport. Huwag kayong mainlove sakaniya dahil wala kayong pag asa, ako lang. Syempre naman pumunta ako sa court kung saan gaganapin ang Basketball Tournament, may dala akong panyo, tubig at extrang damit. Supportive girlfriend ako, inaadvance ko na para kapag totoo na konti nalang yung kilig.
Kada nakakascore siya ay nakikisigaw ako at tuwing nakabreak sila ay lumalapit ako para abutan nang tubig at panyo. Hindi naman siya nagrereklamo sa akin bagkus ay nagte-thank you pa siya.
*"Ano ka ba wala 'yan, nagiging supportive girlfriend lang ako"*
*"To who?"*
*"You, of course. May iba pa bang Ash dito?"*
*"I don't get you, anyway thank you for this"*
Ang bango pa rin niya kahit pawisin, 'wag niyo akong sabihan nang kung ano ano. Sadyang naaappreciate ko lang ang mga bagay bagay lalo na kapag siya. Natapos ang araw na ito at ang team nila Ash ang nanalo nang Championship, syempre naman nandiyan si Ash ko eh.
Lumipas ang mga araw at ganoon pa rin ang kaganapan sa aming, ako ang nangungulit at siya naman nakukulitan sa akin.
*"Ash"*
*"Ano?"*
*"Anong ginagawa mo?"*
*"Reading"*
*"Ano naman binabasa mo?"*
*"Story"*
*"Maganda? Mas maganda sa akin?"*
Humarap siya sa akin at tinignan ako baba hanggang taas.
*"Yes, that's for sure"*
Sinimangutan ko siya nang sabihin niya 'yon sa akin nageexpect pa naman akong sabihin niyang Oo.
*"Hey don't pout, mas lalo kang pumapangit"*
*"Aba nga naman, porket gwapo ka?"*
*"Oh yeah? Thank you"*
Tumawa naman siya bigla at nawala na ang galit ko sakaniya, 'di ko talaga kayang magalit marupok akong nilalang.
*"Hey Ash"*
*"Oh hey Queenie, why?"*
*"Just wanna remind you about the dinner tonight?"*
*"Sure, I'll be there"*
*"Nandiyan ka pala Sophie, hindi kasi kita nakita"*
*"Oh Queenie nandiyan ka pala, akala ko kasi poste ka"*
Bawi ko naman kay Queenie, akala niya ay maiinis niya ako nang ganoon lang. Umalis na lamang si Queenie dahil sa inis na naramdaman niya sa akin.
*"Ano nga palang meron?"*
*"Why? Are you my girlfriend that's why I need to tell you everything?"*
*"Yeah, Soon"*
*"Funny, don't you have anything to do?"*
*"I have"*
*"And what is that? Do it now"*
*"Already doing it, samahan ka"*
*"Oh gosh, I really don't get you"*
*"Huwag mo nalang akong pansinin magbasa ka na diyan"*
Lumipas ang mga oras na ganoon lamang kaming dalawa, may changes naman saming dalawa dahil ngayon ay pinapansin na ako ni Ash kahit papaano.
Every end of the year ay nagkakaroon nang event ang University namin kaya naman kaniya kaniyang paghahanda ang mga tao. Mayroong mga naghanda nang ipeperform nila at meron naman mga nagpractice para sumali sa competition na magaganap din sa araw na iyon. At dahil wala akong talent kung hindi mahalin si Ash ay doon na lamang ako bumawi, kaya naman naghanda ako nang maisusuot ko at nagplano kung ano ang magiging awra ko sa araw na iyon.
Dumating ang araw na hinihintay ko kaya naman bongga akong nag ayos nang itsura ko, hindi ko na pinakagarbo ang isusuot ko dahil sigurado namang maganda ako. Itaas ang sariling bangko. Pagkarating ko sa venue ay hinanap ko agad si Ash, nakita ko siyang nakatayo sa gilid at nakakapit na naman sakaniya si Queenie. Dahil palaban ang ate niyo ay nilapitan ko sila.
*"Hello Ash"*
*"Oh hi, you look good today. Dapat ganiyan ka nalang araw araw"*
*"Grabe ka naman, mas maganda ako kapag simple"*
*"Whatever you say"*
Tinawanan naman niya ako nang sabihin niya ang mga salitang iyan at ito naman si Queenie todo kung makakapit akala mo naman nanakawin, although nanakawin ko talaga pero hindi naman sakaniya si Ash kaya ang ginawa ko ay hinila ko rin ang kamay ni Ash. Tinignan ako ni Queenie pero inirapan ko lang siya.
*"Okay, enough ladies. Let go of my arms"*
Inalis ko naman agad ang kamay ko dahil ayokong magalit si Ash at itong si Queenie naman ay ganoon din ang ginawa. Sakto naman na nagsalita na ang MC para simulan ang event kaya pumunta na kami sa mga designated places namin at buti nalang sa kabilang table lamang si Ash.
Natapos nang magperform ang lahat at kinakalkula na ang mga scores nila kaya naman sinimulan na ang dinner bago ang main event. Nang matapos ang dinner ay diretso na agad sa main event at ito ay ang free dance. Nakaupo lamang ako at nag aantay na ayain ni Ash pero ibang mga lalaki ang lumalapit sa akin at ganoon din naman sakaniya medyo nahurt lang ako nang ang unang dance niya ay si Queenie, pabibo masyado mamaya ka lang.
https://youtu.be/j2pKXSfTTT4
***(Click the Youtube Playlist above before continuing, thank you.)***
Nang matapos sila ay niyaya kong sumayaw si Ash, ang gwapo 'di ba?
*"Ash, can we dance?"*
*"At ikaw talaga ang nagyaya"*
*"Syempre hindi mo naman ako yayayain, gwapo mo eh"*
*"How sure are you?"*
*"Ano ka ba, yayayain mo ba ako?"*
*"No"*
*"Ang KJ, let's dance"*
*"Sige na nga"*
Hinila ko siya sa gitna at doon kami nagsayaw dalawa, kinikilig ako na hindi maintindihan. Hawak kasi niya ang kamay at bewang ko habang ako naman at nakahawak sa balikat niya, ang tangkad naman kasi na tao buti nalang talaga at naghigh heels ako. May silbi naman pala sila.
*"Ash"*
*"Yeah?"*
*"Nakukulitan ka ba sa akin?"*
*"Yeah before"*
*"Ngayon?"*
*"Nakukulitan pa rin pero medyo nabawasan"*
*"Yes"*
*"Anong yes?"*
*"Yes, may improvement"*
*"You're weird"*
Nagtawanan na lamang kaming dalawa at ang gabing iyon ayaw ko nang matapos pa. Ang tagal din naming nagsasayaw ni Ash kung hindi lang sumingit itong si Queenie, hindi ko pa rin talaga maintindihan kung gaano karaming ampalaya ba ang kinain nito at laging nakikihalo sa moment naming dalawa. Niyaya niya si Ash na sumayaw at pumayag naman ito kaya ako pumayag na rin akong makipagsayaw sa mga nagyayaya sa akin.
Natapos ang gabing iyon at masaya pa rin ako kahit na inagaw sa akin ni Queenie ang moment kong sumaya dahil kahit papaano ay naging close kami ni Ash.
Bibitinin ko muna kayo sa part na ito, maraming salamat sa pagbabasa hanggang sa dulo. Stay safe everyone.
New story upcoming, sana subaybayan niyo pa rin. Salamat sa lahat.
Her TOTGA: Is this it?
Hello there, before reading this part might as well check the 1st, 2nd and 3rd part of the story listed below. Enjoy reading.
**https://read.cash/@icary/her-totga-part-i-04a73ed0**
**https://read.cash/@icary/her-totga-part-2-c275cde0**
https://read.cash/@icary/her-totga-part-3-a8c2c08e
https://youtu.be/kCzFkjSaylA
***(Click the Youtube Playlist above before continuing, thank you.)***
**Aya's POV**
Isang taon na mula nung umalis ako para magtrabaho sa probinsya, isang taon na rin na puro chat lang ang komunikasyon nating dalawa. Ngayon lang ako ulit uuwi nang lugar natin sa kadahilanan pang may kumalat na text tungkol sa akin. May gumamit nang number ko at itinext lahat nang kamag anak at kakilala ko pero hindi ka isa sa mga nakatanggap nito may nagmagandang loob lang na magsabi sayo.
*"Magandang araw po, ako po si Corporal Cruz. Kakilala niyo po ba si Aya Santos? Nakita po namin ang katawan niya malapit dito sa tulay ng Balanga, Bataan. Tadtad po ito nang mga saksak at nakita namin na hawak niya ang kaniyang cellphone bago ito namatay na siyang ginamit namin para macontact kayo. Naitext na po namin lahat nang pangalan na nasa contact list niya at kung maaari ay maipagbigay alam niyo ito sa ibang malalapit pa sakaniya."*
Wala akong kaalam alam na mayroon na palang kumakalat na balita tungkol sa akin habang ako'y nasa loob lamang ng bahay nang mga gabing iyon. Pag gising ko nang umaga ay puno nang mensahe at tawag sa akin ni Kiel at nang mga kamag anak ko kaya naman napagpasyahan ni Tita na pauwiin na ako sa probinsya para lamang maayos ang gulong idinulot nang text na iyon.
December na nang makauwi ako ulit sa probinsya at sakto naman ay may fiesta noong umuwi ako. Napagpasyahan namin ng kapatid ko na mamasyal sa Plaza dahil matagal tagal na rin nang hindi ako makapunta roon, nakita ko si Kiel na nakaupo sa isa sa mga bench doon kasama ang mga kaibigan niya. Nilapitan ko naman siya sa kinaroonan niya.
*"Pangit, kumusta?"*
*"Okay na 'yan simula nung malaman niya na buhay ka talaga"* ang kaibigan niya ang unang sumagot para sakaniya.
*"Kung alam at nakita mo lang kung gaano siyang umiyak nung pinabasa ko sakaniya yung text na nareceive ko"* dugtong pa ng kaibigan niya.
May kirot sa puso ko nung marinig ko iyon sa kaibigan niya, hindi ko alam kung gaanong sakit ang pinagdaanan ni Kiel nung mga araw na akala niya'y wala na ako sa mundong ito. Naawa ako sa pagmumukha niya nang mga oras na iyon, nagpatuloy kami sa kwentuhan namin at inexplain ko sa kanila ang mga pangyayari. Matapos noon ay naisipan kaming ilibre ni Kiel nang bibingka kaya naman napahaba pa ang oras naming magkasama.
*"Aya, babalik ka pa ba sa Bataan?"*
*"Hindi ko pa alam"*
Pagkatapos naming kainin ang bibingkang libre ni Kiel ay nagyaya na akong umuwi.
*"Uuwi ka na nga? Dito ka muna, usap pa tayo"*
*"Uuwi na talaga kami oras na"*
Walang ano ano ay kinuha niya ang cellphone ko at syaka siya kumaripas nang takbo kaya naman wala akong nagawa kung hindi ay habulin siya.
*"Mamaya ka nalang kasi umuwi"*
Naghahabulan pa rin kaming dalawa habang sinasabi niya ang mga iyon. Nang maabutan ko siya ay nakuha ko ang cellphone ko sakaniya pero pilit niya pa rin itong kinukuha sa akin para mapigilan ako sa pag uwi. Hindi ko namalayan ang posisyong meron kami ngayon, ang mga kasama ko kinikilig na lamang habang nakatingin sa amin habang kami ay nagtatalo pa rin sa cellphone na hawak ko. Nakayakap na pala siya sa likuran ko nang mga oras na iyon. Nang tuluyan kaming mapagod ay sinabi kong uuwi na talaga ako dahil napagod na rin ako sa biyahe kanina kaya naman hindi na siya nagpilit at hinatid na lamang kami sa bahay.
Simula nang umuwi ako sa probinsya ay lagi na kaming nagkikita sa Plaza para na rin manuod nang mga event doon. Isang araw nagtanong siyang muli sa akin.
*"Babalik ka pa ba talaga sa Bataan?"*
*"Hindi ko pa rin alam"*
*"Huwag ka nalang umalis"*
Hindi na ako kumibo sakaniya nang sabihin niya iyon pero ramdam ko 'yong lungkot niya nang mga oras na iyon.
*"Suot mo pa rin pala 'yang binigay sa'yo na singsing ni Jam"*
*"Oo hindi na kasi ako sanay na wala akong suot na singsing"*
*"Akin na lang 'yan"*
*"Ayoko nga"*
Tinanggal niya ang singsing na suot ko at isuot sa akin ang singsing na kanina ay suot niya.
*"Ayan palit nalang tayo nang singsing para fair"*
Hindi na ako nagreklamo pa at hinayaan na lamang ito sakaniya para wala nang diskusyon na maganap. Hindi rin nagtagal ay umalis ulit ako nang probinsya pero this time wala na kaming contact dalawa.
Buwan ng Marso bago dumating ang kaarawan ko, nagkaroon kami nang malaking problema. Napagbintangan si kuya sa kasalanang hindi naman niya ginawa, hindi namin siya magawang dalawin dahil hindi pwedeng pumasok ang minor sa loob nang kulungan. May isang lalaki na nanligaw sa akin doon kaya naman simula noon ay pinapayagan na naming makita si kuya pero 3 months lamang ang itinagal naming dalawa.
August nang makilala ko ang lalaking ngayon ay kinakasama ko na, isang taon na rin nang mawalan kami nang komunikasyon ni Kiel. LDR kaming dalawa ni Adrian nagtratrabaho siya sa laguna habang ako naman ay nasa manila.
Buwan nang December umuwi ulit ako nang probinsya, nagkita kami ni Kiel at nagkayayaang mag inuman. Kasama ko ang kapatid ko nang mag inuman kami at gaya pa rin nang dati sinasalo ni Kiel ang mga tagay sa akin kapag alam niyang hindi ko na kaya.
*"Kumusta ka?"*
*"Okay lang naman, balita ko may girlfriend ka na ah?"*
*"Ikaw nga diyan nakatatlong boyfriend ka na"*
Nagtaka ako dahil alam niya iyon samantalang wala na kaming komunikasyon.
*"Sinong nagsabi sa'yo?"*
*"Basta alam ko lang kung anong nangyayari sa'yo"*
Muli siyang tumagay nang matapos niyang sabihin iyon sa akin. Sumobra na siya sa alak at hindi na niya kinaya kaya naman nagsimula na siya magduwal pero hindi magkamayaw ang pagyakap niya sa akin.
*"Ihatid na natin siya"*
Ihahatid na sana namin siya nang mapansin ko ang panginginig niya at dahil naniniwala kami sa mga pamahiing matanda ay isinakay namin siya sa tricycle at dinala sa tatay namin dahil marunong itong manggamot o kung tawagin nila ay "albularyo".
Nang matapos siyang tignan ni tatay ay nakatulog na si Kiel, tinabihan ko siya sa higaan kasama naman ang kapatid ko at ang asawa niya. Hindi ko magawang matulog kaya naman inalagaan ko si Kiel habang nagpapahinga siya, nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at idinikit ito sa pisngi niya.
*"Sayang"* binanggit niya ito habang patuloy na pumapatak ang luha nito.
Patuloy niyang binibigkas ang salitang iyon habang hinahalikan ang kamay ko na hawak niya, tumayo siya bigla at hinalikan ang noo ko katapos ay bumalik na siya sa pagtulog hindi niya pa rin binitawan ang mga kamay ko. Naupo lamang ako sa gilid niya at paminsan minsan ay nahihiga.
Kinabukasan ay maaga siyang umuwi, hindi na siya nagpatid sa kung sino mang tao ang nasa bahay. Ilang minuto katapos umuwi ni Kiel ay dumating sa bahay namin si Adrian, walang lumabas na salita sa pamilya ko tungkol kay Kiel dahil alam naman nila na close talaga kami ni Kiel.
Lumipas ang mga araw at kailangan ko na ulit bumalik sa manila hindi na kami muling nag usap ni Kiel hanggang sa makaalis ako dahil lagi ko nang kasama si Adrian. Madalas ko siyang nakikita kapag nadadaan kami sa tapat nang bahay nila pero hindi na niya ako pinapansin, kahit ngitian man lang ay wala akong natatanggap.
Lumipas ang mga panahon at nagkaroon nang labuan sa amin ni Adrian nalaman ko kasi na may iba siyang nililigawan na babae sa laguna kung saan siya nagtratrabaho, napansin ko lamang ito nang madalas na kaming hindi makapag usap dahil lagi niya sa aking sinasabi na sandali lang. Napagpasyahan kong umuwi nang probinsya dahil sa galit na nararamdaman ko sakaniya pero pinilit niya ko na ihatid hanggang probinsya, hinayaan ko na lamang siya dahil lumuwas pa siya ng laguna hanggang manila para lang maihatid ako.
Nakasakay na kaming dalawa sa bus at naisipan niya na siya ang magbayad, kaopen ni Adrian nang wallet niya ay ang pagbungad ng picture nang ibang babae. Hindi ako kumibo sa buong biyahe namin, hinatid niya ako hanggang sa bahay namin at syaka na siya umuwi sa kanila. Kinabukasan din ay bumalik na si Adrian sa laguna. Nalaman ni Kiel na bumalik na ako nang probinsya kaya nagchat siya sa akin.
*"Aya magkita tayo"*
Pagdating nang hapon ay nagkita kami ni Kiel kasama ang kapatid ko. Niyaya ko siyang mag inom dahil sa sakit na nararamdaman ko sa panglolokong ginagawa sa akin ng boyfriend ko. Nakita ni Kiel ang pagiging matamlay ko at mas kinagulat pa niya ang pag aaya ko nang inuman, hindi niya ako kinulit para malaman kung bakit bagkus ay kinausap niya ang kapatid ko. Hindi ko sila naririnig dahil nauuna ako sa kanila.
Pagkarating sa bahay ni ate ay inayos ko na ang pag iinuman namin pero walang salita na lumalabas sa akin. Nang mag umpisa na kami ay nakatingin lamang sila sa akin dahil ang dami nang tagay na nilalagay ko sa baso ko, noong una ay hinayaan lang nila ako pero nang magtagal ay kinuha na sa akin ni Kiel ang baso ko.
*"Ano bang problema mo Aya?"*
Hindi ko kinibo ang tanong niya pero inagaw ko ulit ang baso sakaniya kaya naman sinenyasan siyang muli nang kapatid ko para pigilan ako.
*"Ano ba kasing problema? hindi ka naaman ganiyan dati"*
*"Wala lang, gusto ko lang uminom"*
Hindi siya tumigil sa pagtatanong, inulit ulit niya kung ano ang problema. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na pumatak.
*"Wala nga kasi"*
Naramdaman ko na ang tama nang alak at feeling ko ay nasusuka na ako, hindi ko na rin mapigilan ang pagpatak nang mga luha ko kaya dali dali akong lumabas nang bahay.
Habang nasa labas ako ay tinawagan nila ate si Adrian at tinanong kung ano ang problema sinabi naman nito na wala rin siyang alam sa nangyayari. Tumawag sa akin si Adrian pero pinatay ko ang cellphone ko para hindi na ulit niya ako matawagan habang si Kiel naman ay nasa tabi ko at pinapatahan ako.
*"Ano ba kasi ang nangyari?"*
Hindi ko na napigilan pa kaya kwinento ko lahat sakaniya pero matapos noon ay sinermonan pa niya ako.
*"Oh edi maghanap ka na rin ng iba. Ayaw kitang nakikita na ganiyan"*
*"Ayaw mo akong nakikita na ganito? Bakit? Hindi mo naman ako gusto. Hahanap ako ng iba? Pare-pareho lang naman ang mga lalaki"*
*"Hindi naman lahat"*
*"Wala naman akong ibang mahahanap"*
*"Ako"*
Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
*"Ewan ko sa'yo, sasabihin mong ikaw pero hanggang ngayon gusto mo pa rin si Ellaine"*
*"Hindi ko na nga siya gusto"*
Galit na siya pero nangingibabaw pa rin sakaniya ang pag aalala sa akin. Hinatid niya ako sa bahay at bago pa man ako pumasok sa bahay ay tinanong ko siya.
*"Sabi mo hindi mo 'ko gusto? Bakit ganoon mo nalang ako alagaan kanina, pa-fall ka rin"*
*"Hindi kita aalagaan kung hindi"*
Pabulong niyang sinabi sa akin iyan kaya nagkunwari akong walang narinig.
*"Ano?"*
*"Wala, ganiyan ka naman. Kapag ako ang nagsasabi nagbibingi bingihan ka*"
Bago siya umalis ay may sinabi pa siya sa akin.
*"Bukas pumunta ka nang Plaza, may sasabihin ako at magbabago ang lahat"*
*"Ano 'yon?"*
*"Basta, bukas"*
Kinabukasan ay nagkita kami sa Plaza, nagpanggap ako na wala akong naaalala dahil nahihiya na ako.
*"May naaalala ka kagabi?"*
*"Wala bakit? May nasabi ba ako?"*
*"Wala"*
*"Ano bang sasabihin mo? Kayo na ulit ni Ellaine?"*
*"Puro ka nalang Ellaine, hindi nga"*
*"Eh ano nga kasi? Bilisan mo gabi na, aalis pa 'ko bukas"*
*"Bakit? Ano gagawin mo?"*
*"Kukuha ako nang mga papeles ko magtratrabaho ako sa factory"*
*"Saan?"*
*"Sa laguna kung saan pinsan ko"*
*"Eh diba nasa laguna rin si Adrian"*
*"Oo pero malayo"*
*"Kayo pa?"*
*"Hindi ko alam"*
Hiniram niya ang wallet ko at nilagay niya ang picture niya. Akala ko ganoon lang ang gagawin niya pero kinuha niya ang ID ko.
*"Huwag kang pumunta nang laguna"*
*"Akin na 'yang ID ko, kailangan ko 'yan"*
Ayaw niya pa rin itong ibigay sa akin kaya hinayaan ko na.
"Bahala ka nga diyan"
"Kunin mo nalang 'to bukas sa'kin, bukas ko sasabihin yung gusto kong sabihin sa'yo. Maraming magbabago kapag sinabi ko 'yon"
"Hindi pwede, baka kapag nakuha ko na lahat nang papeles aalis na kami para pumuntang laguna"
"Ayaw mo papigil?"
"Kailangan eh"
"Okay, kumain nalang muna tayo"
Hindi rin nagtagal lumuwas ako papuntang laguna para magtrabaho, hindi ko na napakinggan ang gusto niyang sabihin tungkol sa magpapabago sa relasyon namin.
May komunikasyon pa rin kami ni Kiel magmula nung umalis ako sa probinsya, madalas ay sakaniya ako naglalabas nang sama nang loob kapag may problema kami ni Adrian. Napamahal na rin ako kay Adrian kaya hindi ko magawang iwan siya, kung sana kami nalang ang unang nagkakilala ni Kiel baka-- hayaan na nga.
Sa tuwing nagkakaproblema kami ni Adrian ay kinakausap ako ni Kiel at lagi niyang binabanggit sa akin na,
*"Sana pala rati sinabi ko na"*
https://youtu.be/J4FfTXvxHW0
**Kiel's POV (cut)**
Nung panahong nabasa ko 'yong text about sa'yo hindi ko alam kung paano ko haharapin 'yong bukas na iniisip hindi ko na muli pang masisilayan 'yang mukha mo, 'yang mga tawa, 'yang pag aalaga mo kahit na ang turing mo lang sa akin ay kaibigan mo. Sobrang sakit para akong binabasag paulit ulit pero buti nalang nalaman kong ayos ka lang.
Alam mo ba Aya, noong araw na tinanong nila tayo kung gusto ba natin ang isa't isa balak ko sanang umamin na pero inunahan mo kong magsalita. Akala ko may pag asa na tayong dalawa pero lagi mong sinasabi na gusto ko pa rin si Ellaine.
Nabalitaan kong lahat tungkol sa'yo hindi mo alam kung gaano akong nag alala para sa'yo, nalaman ko rin palang may Adrian na sa buhay mo. Dapat ako 'yon diba? Iyong hahawak sa kamay mo kapag naglalakad, iyong mag aantay sa'yo sa altar. Nalaman ko nga rin pala na uuwi ka galing manila pero hindi ko mawari 'yong pagmumukha mo noong makarating ka.
Syaka ko lang nalaman na mayroon palang problema sainyong dalawa. Akala ko may pag asa na ako ulit, sorry pero umaasa talaga ako para sa ating dalawa. Sabi ko may sasabihin ako sa'yo pero hindi ko alam na aalis ka na naman pala, hindi ba talaga pwedeng dito ka nalang Aya? Dito sa tabi ko, dito tayong dalawa. Kung mas una lang talaga kitang nakilala, kung pareho lang sana tayo nang edad, sana hanggang sana nalang ba talaga?
***"What if I never forget you? What if, all my life, when I meet someone new, I can never fall for them because they aren't you?"***
*"At kung masaya ka sa piling niya*
*Hindi ko na 'pipilit pa*
*Ang tanging hiling ko lang sa kaniya*
*Huwag kang paluhain at alagaan ka niya"*
Dito na nagtatapos ang kwento ni Aya at Kiel, maraming salamat sa walang sawa niyong pagsuporta. Nawa'y hindi niyo ako iwan sa iba ko pang mga kwento, enjoy everyone. Stay safe!
By: icaryxghost
Her TOTGA Part 3
Hello, before reading this part might as well check the 1st and 2nd part of the story listed below. Enjoy reading.
**https://read.cash/@icary/her-totga-part-i-04a73ed0**
https://read.cash/@icary/her-totga-part-2-c275cde0
https://youtu.be/NKCZ7O-8z-Y
***(Click the Youtube Playlist above before continuing, thank you.)***
**Aya's POV**
Pagkatapos nang mga kaguluhan na naganap sainyong dalawa ni Karl ay naging maayos na ang lahat, mas pinili pa rin kita sa lahat. Nagdaan ang mga araw at malapit nang sumapit ang iyong kaarawan, malapit ka na ring tumanda. Nang dumating ang birthday mo ay nag aya ka nang inuman, kagaya nang dati doon tayo ulit sa bahay ni ate uminom kasi doon lang naman ako pwede.
Bago tayo dumiretso sa bahay ni ate ay nagstop over tayo para bumili nang mga iinumin at kakainin, syempre kayo pa rin ang namili. Habang naglalakad tayo'y nakaakbay ka sa akin, sa sobrang kampante ko 'di ko na mapapansin ang ibang bagay hindi na pala ate ang tawag mo sa akin.
*"Aya, may gusto ka ba kay Kiel?"*
Nagulat ako sa pabiglang tanong ni Olive, hindi ako ready. Tinignan ko si Kiel sa mata niya, *"meron na nga yata"* sabi ko sa isip ko. Hindi ako nagdalawang isip na sumagot sa tanong sa akin ni Olive.
*"Pangit, ipangako mo sa akin na kahit sabihin ko 'to walang magbabago sa atin."*
Nagtataka akong tinignan ni Kiel habang ang kamay niya'y nakaakbay pa rin sa akin.
*"Oo naman."*
Sinagot ko agad si Olive katapos kong marinig ang feedback ni Kiel.
*"Oo parang meron na nga, pero crush lang"* Sunod ang pagtawa ko nang mabitawan ko ang mga salitang iyon.
*"Pero wala, just friend lang kami nito"* Dugtong ko pa sa sinabi ko sabay akbay sayo.
Wala akong nakitang reaction sa mga pagmumukha nila maliban kay Kiel, ramdam naman na kasi nila kahit 'di ko na sabihin pa. Sunod naman na tinanong ni Olive si Kiel.
*"Ikaw ba Kiel, may gusto ka ba kay Aya?"*
Bago pa man mabuksan ni Kiel ang bibig niya ay inunahan ko na ito.
*"Ano ba kayo? Wala 'yan, may iba kaya yang gusto"* Sabay tawa at naglakad palayo.
Habang nasa harapan nila ako ay nag uusap si Olive at Kiel.
*"Hindi ako naniniwalang friends lang kayo, para kasing hindi eh"* Hindi naman umiimik si Kiel sa mga sinasabi ni Olive.
*"Baliw, ate nga lang kasi ako niyan"* Sumabat na naman ako sa usapan nila.
Nagsimula na ulit kaming maglakad at naging tahimik ang lahat. Pagkarating namin sa bahay ni ate ay sinalubong nila kami, nagtaka rin sila sa pagmumukha ni Kiel na akala mo'y pasan ang mundo.
*"Aya, friends lang ba kayo ni Kiel?"* tanong ni ate na may pagtataka sa mga mata.
*"Crush ko si Kiel pero friends lang talaga kami."*
Hindi na sila muling nagtanong sa akin at sinimulan nang ayusin ang mga gagamitin para sa inuman. Sanay na sanay uminom ang mga kasama ko dahil lahat nang ginagawa nila ay bago para sa akin. Sumali ang lahat sa inuman at para maging interesting pa ito ay napagpasyahan nilang maglaro nang Spin the bottle. Unang ikot nang bote ay tumutok ito sa akin, *"grabe naman talagang kamalasan".*
*"Truth or Dare?"*
*"Dare"*
*"Ibigay mo sa akin 'yang singsing na ibinigay sa'yo ni Jam o 'di naman ay itapon mo"* sabi sa akin ni Kiel.
*"Kilala mo 'ko Kiel, iniingatan ko lahat nang binibigay sa akin."*
*"Okay sige, alisin mo nalang muna tapos mamaya mo na isuot ulit."*
Sinunod ko ang ikalawang sinabi ni Kiel sa akin, inalis ko ang singsing at binitawan sa lamesa. Pinaikot nilang muli ang bote at sa kasamaang palad sa akin na naman ito tumapat.
*"Truth or Dare?"*
*"Dare"*
*"Ikiss mo si Kiel kahit sa pisngi lang."*
*"Ayoko nga may magagalit sa akin kapag ginawa ko 'yan."*
Nagtaka naman si Kiel kung sino ang binabanggit ko.
*"Sinong magagalit?"*
*"Sino pa ba, yung kasama mo lagi kapag umuuwi."*
*"Hindi nga kasi."*
Hindi na ako umimik pa, hinalikan ko na lamang ang kamay ko at idinikit ito sa pisngi ni Kiel. Nang magtagal ang inuman ay hindi na magkamayaw ang paghawak ni Kiel sa mga kamay ko, hinayaan ko na lamang siya dahil lagi naman niya iyong ginagawa. Ilang beses na tumapat sa akin ang bote at sa kada dare ko ay pinapahalik nila sa akin si Kiel kaya naman nang tumapat itong muli sa akin ay nag truth na ako.
*"Paano kung sabihin ni Kiel na gusto ka rin niya, papayag ka ba na maging kayo? Sa mga nakikita nang mga mata ko ay 'di ako naniniwalang friends lang talaga eh, kapag magkasama kayo konti nalang langgamin kayo."*
*"Wala ah, friends lang talaga kami. Oo aminado ako crush ko siya pero hanggang doon lang, ang bata pa kaya nito."*
Nang tumapat kay Kiel ang bote ay ganoon din ang itinanong nila sakaniya pero bago pa man nila sabihin ay pinagbawalan nila akong sumagot.
*"Paano kung magkaedad kayo ni Aya, magugustuhan mo ba siya?"*
*"Oo"*
*"Paano naman kung una kayong nagkakilala ni Aya kaysa ni Ellaine?"*
*"Iyon nga eh, hindi si Aya ang una kong nakilala"*
*"Naku, nililigawan mo nga 'yong lagi mong kasama"* sabat ko sa kanila.
*"Hindi nga sabi kasi, wala nga 'yon. Ang kulit naman"*
Galit na ang tono nang boses niya, katapos niyang sabihin ang mga 'yon ay isinubsob niya ang pagmumukha niya sa lamesa habang nakalagay ang mga kamay ko sa mukha niya. 'Di nagtagal ay may naramdaman akong mga luha na pumapatak sa kamay ko, natahimik ang lahat nang oras na iyon. Ilang minuto pa ang lumipas ay sinenyasan na ako ni Olive.
*"Lagot ka Aya pinaiyak mo si Kiel"*
Natahimik muli ang lahat kaya naman nagsimula kong niyugyog itong si Kiel.
*"Hoy Kiel, napapaano ka? Lasing ka na ba? Uwi na tayo?"*
Hindi ako kinibo ni Kiel kahit na ilang beses ko na siyang niyuyugyog. Mababaw ang pasensya ko kaya naman medyo naiirita na ako.
*"Hoy ano ba? Lasing ka yata, 'wag na natin ubusin 'to baka 'di ka pa makauwi niyan"*
Pilit ko pa rin siyang niyuyugyog pero hindi talaga siya nagpapatinag.
*"Bahala ka nga diyan"*
Inalis ko naman ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero pilit niya pa rin itong kinukuha. Nang matapos na siyang magdrama ay humarap siya sa akin muli.
*"Pangit mo kasi"*
*"Matagal ko nang alam 'yon kaya nga 'di mo ko magugustuhan"*
Pinilit kong magpatawa pero mas mukhang nagalit siya sa sinabi ko.
*"Ewan ko sa'yo"*
Umalis siya sa kinauupuan niya syaka siya lumabas nang bahay, sumunod naman sakaniya ang bayaw at doon sila sa labas nag usap. Pagkabalik nila sa loob ay ayos na ang pagmumukha ni Kiel pero nanahimik na lamang ako dahil hindi ko expect ang mga nangyari.
Nang matapos ang inuman ay inaya ko na silang umuwi, katahimikan ang bumalot sa aming dalawa pero kahit na ganoon ay hindi pa rin niya binibitawan ang mga kamay ko. Nang makarating kami sa madilim na part nang daan ay tinakpan niyang muli ang mata ko at siya ang nagsilbing guide ko.
Kinabukasan ay 'di na ako pinansin ni Kiel at si Karl naman ay patuloy pa rin ang paghahatid sa akin. Umabot na nang tatlong araw pero hindi pa rin ako kinakausap ni Kiel kaya naman bago matapos ang linggong iyon ay ako na ang lumapit sakaniya.
Uwian nang makita ko siyang naglalakad kaya naman tinawag ko siya pero hindi ako pinansin kaya ang ginawa ko'y hinabol ko siya at nang makalapit ako ay tinusok ko ang pisngi niya ngunit ayaw pa rin niya akong pansinin.
*"Ayaw mo ba talaga akong kausapin?"*
Hindi siya kumibo sa tanong ko, kanina ko pa sinusubukan suyuin pero wala akong nakukuhang respond mula sakaniya sa sobrang babaw nang pasensya ko ay nainis na ako sakaniya.
*"Bahala ka nga diyan"*
Katapos kong sabihin iyon ay naglakad na ako nang mabilis. Nang mapansin ni Kiel na naiinis na ako ay siya naman ang humabol sa akin, kinurot niya ang pisngi ko.
*"Pangit mo talaga"*
*"Ulit-ulit alam ko na nga diba?"*
Bumalik sa ayos ang lahat simula nang araw na iyon. Malapit na ang graduation at end of school year kaya naman hindi na masyadong busy ang iilan, pero kaming mga graduating student ay busy na pinturahan ang mga upuan na iiwanan namin. Isang araw nakita ko siyang naglalaro nang habulan kasama ang mga classmate niya habang ako nasa labas nang classroom nagpipintura. Lumipas ang ilang oras ay kinalibit ako ng kaklase ko.
*"Tinatawag ka ng boyfriend mo"*
Dali dali naman akong nagpunta sa usual tambayan namin dahil kilala ko naman sino ang tinutukso nila sa akin. Nang makarating ako sa tambayan ay nakita ko siyang nakaupo roon habang tinatakpan ang kaniyang ilong.
*"Bakit mo 'ko pinatawag, may ginagawa pa kami sa loob"*
*"May panyo ka bang extra diyan?"*
*"Bakit saan mo gagamitin?"*
Tinanggal niya ang kamay niya sa ilong niya at nakita ko ang dami nang dugo na lumalabas dito, binigay ko naman agad ang panyo ko sakaniya at kinuha ang panyong kanina'y gamit niya at binanlawan ito upang may magamit siya sa oras na napunong muli ang panyo ko.
*"Anong nangyari sa'yo?"*
Akala ko nakipag away na siya kaya ang daming dugo.
*"Ganito talaga kapag mainit at pagod ako"*
Sinigurado ko munang okay siya bago ako bumalik sa loob, nandoon lamang siya sa tambayan naghihintay sa akin hanggang uwian para sabay na kaming umuwi.
March 30, araw na nang graduation at iyon din ang kaarawan ko, hindi ako nagpunta sa graduation day at sinagot ko na rin si Karl. Sabi kasi nang mga barkada ko bakasyon naman na at baka iyon na ang paraan para mawala ang nararamdaman ko para kay Kiel.
Nagtampo si Kiel nang malaman niya lahat iyon at dahil doon hindi na niya ako kinausap. 3 weeks lang ang tinagal namin ni Karl at katapos noon ay umalis ako para pumunta nang probinsya dahil may trabaho na naghihintay sa akin doon.
Nang malaman ni Kiel na wala na kami ni Karl ay sinimulan na niya akong kausapin ulit, nagbalik muli ang pagkakaibigan na mayroon kaming dalawa.
Abangan niyo sanang muli ang Part 4 nang AyaKiel.
Muli ko ulit kayong bibitinin dito, maraming salamat sa walang sawang suporta at pagbabasa.
Her TOTGA Part 2
Hello again, before reading this part might as well check the 1st part of the story listed below. Enjoy reading.
https://read.cash/@icary/her-totga-part-i-04a73ed0
**Aya's POV**
Sa sobrang busy namin para sa paghahanda sa JS Prom hindi ko na kinulit pa si Kiel na kausapin ako dahil sa tingin ko'y nagtatantrums lang naman siya dahil 'di niya nakuha sa'kin ang singsing ni Jam na hinihingi niya. Malaki naman na siya at kaya na niya ang sarili niya, kakausapin niya rin ako kapag gustuhin niya.
Sa buong classroom namin ay iilan lang ang mga lalaki at 'yong iba 'di ko alam kung lalaki ba talaga, mas malambot pang kumilos sa'kin. Kaya naman no choice kaming mga girls na walang partner kung hindi kumuha nang partner sa ibang section or kung wala talaga ay sa ibang year level.
Pumunta akong agad sa room nila Jam dahil marami-rami na rin akong kaclose na lalaki roon since kaklase rin naman nila ang pinsan ko. Si Jam sana ang tatanungin ko para maging escort ko sa JS Prom dahil siya ang unang pumasok sa utak ko kaso hindi 'yon pwede sa relihiyon niya kaya naman nagtanong na lamang ako sa ibang kaklase nilang lalaki, pumayag naman agad 'yong nakausap ko.
Habang nasa room ako nila Jam ay nakita ako ni Kiel doon sa loob nakikipag usap dahil hindi naman kami nagpapansinan ay hinayaan ko nalang siya. Habang naglalakad ako pauwi ay mayroon biglang nagtakip nang mga mata ko.
*"Pangit?"* Iyan ang unang lumabas sa bibig ko dahil alam ko naman na si Kiel lang ang gumagawa noon sa akin at siya lamang ang pwedeng gumawa noon sakin, oh 'di ba may favoritism.
Tinanggal naman agad ni Kiel ang pagkakatakip nang mga mata ko at sumabay na sa akin sa paglalakad.
*"Aya, ano nga palang ginagawa mo sa loob nang room nila Jam kanina?"*
*"Naghahanap ako nang partner ko para sa JS Prom."*
*"At si Jam ang partner mo?"*
*"Baliw, hindi. Bawal 'yon sa kanila."*
*"Ako ba ayaw mo makapartner?"*
*"Sorry pero may nahanap na akong partner at syaka isa pa, hindi ka pa pwede 1st year ka palang."*
*"Eh sino naman partner mo?"*
*"Iyong classmate nila Jam."*
Hindi na muling umimik si Kiel pero parang gumaan ang mood niya noong malaman niya na hindi si Jam ang makakapartner ko sa JS Prom. Matapos ang mga araw na iyon ay nagsimula na rin kaming magpractice para sa JS, habang si Kiel naman lagi ring tagasubaybay sa mga practice namin. May cheerleader ako at guardia civil, si Kiel 'yon. Walang araw na hindi siya nanunuod sa kada practice namin madalas pa ay hinihintay niya akong matapos para sabay kaming umuwi.
*"Aya!"* Sigaw niya sa akin.
*"Oh Kiel, nandito ka pa pala. Akala ko umuwi ka na kanina?"*
*"Hindi ah, nandoon lang ako sa sulok busy ka kasi sa pagpa-practice kaya nilibang ko na muna ang sarili ko. Sabay na tayo umuwi."*
*"Bakit mo 'ko hinihintay? Ang tagal kaya nang practice namin."*
*"Eh kasi po 'di ba takot ka sa dilim dahil nga bukas 'yang third eye mo. Ayoko naman na umuwi kang nanginginig sa takot, ang dilim kaya sa daan."*
*"Thank you ah? Wala talaga akong kasabay kung hindi mo 'ko hinintay."*
*"Wala 'yon, hawak ka lang sa'kin kapag natatakot ka sa dilim."*
Iyong pagod ko sa pagpra-practice syempre hindi pa rin naman nawala pero gumaan yung pakiramdam ko kasi kasama kita. Ito nanaman 'yong tibok nang puso ko ayaw na naman matahan, *"Hoy puso umayos ka"* sabi ko sa sarili ko.
Araw na nang JS Prom at nakita kita sa sulok nanunuod, nakaporma ka rin at parang isa ka rin sa mga sasayaw. Ang gwapo mo sa porma mo, syempre biro lang. Nakapuwesto ka kung saan pwede manood ang mga ibang estudyante na hindi kasali sa JS Prom. *"Siguro hinihintay nito si Ellaine kaya pumorma rin siya"* sakto naman na nandoon din si Ellaine ngunit may kalayuan sila nang puwesto dahil magkaiba sila nang section.
Nag-umpisa na mag perform ang iba't ibang section nang bigla kitang hanapin sa kaninang kinauupuan mo pero bigo ako dahil wala ka na doon kaya naman inakala ko na umuwi ka na lamang dahil wala ka naman talagang gagawin dito ngunit laking gulat ko nang may biglang pumisil sa pisngi ko na siyang dahilan nang paglingon ko at sakto naman na nandoon ang mukha mo kaya nagtama nang bahagya ang mga labi natin (Syempre biro ko lang 'yang last part nag eexpect kayo eh Ayie or ako lang pala, eto na 'yong totoo). Nang paglingon ko sa likuran ko ay siyang bungad mo, kanina ka pa pala nakaupo sa likuran ko nang hindi ko namamalayan.
*"Pang ilan kayong sasayaw?"*
*"Katapos niyan 'yong kasunod namin."*
*"Ah ganoon ba, hindi ka ba nauuhaw or nagugutom? Gusto mo kumain?"*
*"Hindi, okay lang ako. May pagkain naman mamaya kasi nagbayad kami para roon."*
*"Sige."*
Nagsimula na siyang manood sa nagpeperform nang magsalita ako.
*"Isasayaw mo si Ellaine katapos no? Pormang porma ka eh."*
*"Hindi."*
*"Hindi nga?"*
*"Hindi nga kasi, ang kulit naman."*
Bigla kang nagwalk out sa biruan natin, attitude si kuya niyo. Habang nagsasayaw kami ay nasa gilid si Kiel nanunuod lang hanggang sa matapos kami ay ang haba nang mukha niya at hindi mo mawari.
After nang mga performance ay inalapag na ang mga meals para sa JS Prom sakto naman na umuwi na agad ang partner ko nang matapos ang sayawan, tinawag kita para umupo sa tabi ko dahil wala naman nang taong uupo roon at sabay abot ko sa kaniya nang pagkain. Ikaw naman itong si pabibo binuksan ang coke in can na nasa harap mo sabay na inabot sa akin at syaka mo kinuha ang coke na noon ay hawak hawak ko.
Bago ang main event kung saan pwede mong yayain magsayaw ang kahit na sino ay tinawag ang lahat nang mga kasaling students at pinaghiwalay ang lalaki at babae. Ang mga lalaki ay may hawak na bulaklak habang ang mga babae naman ay may hawak na kandila after noon ay magpapalitan ang mga ito nang hawak. Bumalik ako sa kinauupuan ko na may dala dalang bulaklak.
*"Akin nalang 'yang bulaklak mo."*
*"Ano ka babae?"*
*"Ang dami mo naman sinasabi, sa'kin nalang kasi 'yan."*
*"Ayoko nga, hindi pwede."*
Tumayo ka sa kinauupuan mo at nagwalk out na naman, paniguradong nagtampo na naman 'to. Nang magsisimula na ang main event ay lumapit muli si Kiel sa'kin, *"walk out, walk out pa kasing nalalaman"* sabi ko sa isip ko.
*"Pangit, sayaw tayo?"*
Nagdalawang isip ako dahil nakita ko si Ellaine na nandoon at dala na rin nang kahihiyan ko.
*"Ayoko."*
*"Dali na sasayaw lang naman tayo eh."*
*"Andiyan naman si Ellie, mamaya ano pang isipin niya."*
*"Eh ano naman ngayon kung anong isipin niya?"* Iyong tono nang boses mo medyo nag-iba, parang may inis na hindi ko maexplain.
*"Ayaw ko, nahihiya ako sumayaw."*
Iyan lamang ang naging tugon ko sa'yo habang tinitignan pa rin si Ellaine, nasa isip ko kasi na gusto mo pa rin si Ellaine pero ayaw mo lang aminin sa sarili mo. Ayoko naman umasa at masaktan sa'yo lalo na't mas bata ka sa akin nang ilang taon. Pagsabi ko noon ay umalis ka agad at lumabas na agad nang gate, mukhang nagalit ka na nang tuluyan.
Kinabukasan ay lagi mo na akong iniiwasan kada nagkakasalubong tayo nang landas ay lumilihis ka or kahit magkita lang tayo sa mata ay iniiwasan mo 'ko. Medyo nalungkot ako sa naging asal mo dahil hindi ako sanay na ganoon ka sa'kin. Kaya naman nang mag uwian na ako na mismo ang lumapit sa'yo, sakto naman na nakita kitang naglalakad pauwi kaya lumapit ako sa'yo at kinurot ko ang pisngi mo.
*"Pangit. Galit ka ba sa'kin?"*
*"Hindi"* Malamig mong tugon sa'kin.
*"Bakit hindi mo ako pinapansin?"*
*"Wala lang"*
*"Kumusta naman kayo ni Ellaine? 'Di ka na ba nanligaw sakaniya?"*
*"Kanino?"*
*"Kay Ellaine, wala na silang dalawa nang boyfriend niya rati eh."*
*"Ano naman ngayon sakin kung wala na sila nang boyfriend niya, iba naman na gusto ko."*
Nung sinabi mo iyon ay pumasok agad sa isip ko 'yong classmate mo na kasama mo minsang umuwi, kaya naman hinayaan ko na at hindi ko na pinagpatuloy pa na magtanong.
Habang naglalakad kami pauwi ay nakasalubong namin ang pinsan ko kasama ang boyfriend niya at kaibigan nito na nagpahiram sa akin nang cellphone para makatawag noong Prom.
*"Aya!"*
*"Oh bakit?"*
Lumapit naman silang tatlo agad sa aming dalawa katapos nila akong tawagin.
*"Aya si Karl nga pala, naaalala mo pa ba siya? Siya 'yong nagpahiram sa'yo nang phone rati sa Prom."*
*"Oo naaalala ko pa, thank you nga pala noon Karl."*
*"Nagtatanong kasi si Karl kung pwede ba raw siya manligaw sa'yo."*
Napatingin naman ako agad kay Kiel na ngayon ay nakayuko at parang may sinisipang hangin sa may paa niya.
*"Olive alam mo naman na ayoko munang magkaroon nang boyfriend habang nag aaral ako 'di ba?"*
Tinignan kong muli si Kiel na ngayon ay tumigil na sa pagsipa nang kung ano man.
*"Sige na, try mo lang naman eh. Ikaw nalang 'tong walang jowa sa atin oh, malapit naman na ang bakasyon syaka malapit ka na mag graduate."*
Pilit sa akin ni Olive para lamang payagan ko ang kaibigan niya na manligaw nang bigla naman sumabat itong si Kiel sa usapan namin.
*"Ako rin naman wala pang girlfriend ah?"*
*"Magkaiba kayo, ikaw bata ka pa."*
*"Ah basta ayoko muna."* Diin ko naman kay Olive na siyang nagpipilit sa akin.
Uwian kinabukan ay nakita akong muli nang kaibigan ni Olive na si Karl at sumabay ito sa akin sa paglalakad. Walang imikan sa aming dalawa, dahil una nagkakahiyaan at pangalawa hindi naman kami close dalawa at sakto naman hindi ko mahagilap si Kiel nang panahon na iyon kung kailan kailangan na kailangan ko siya.
Naging madalas ang paghahatid sa akin ni Karl kada uwian kahit na pinipilit ko siyang huwag na akong ihatid ay pilit pa rin niya itong ginagawa, paminsan naman ay tatlo kami nila Karl at Kiel na naglalakad hanggang bahay.
Makalipas ang isang linggo na ganoon ang sistema ay nagsimula naman akong iwasan ni Kiel ulit sa hindi malaman na dahilan. Hinayaan ko lamang siya na ganoon dahil nakasanayan ko na rin naman na lagi siyang nagtatantrums. Kinabukasan naman ay nilapitan ako ni Kiel para kausapin.
*"Kayo na ba ni Karl?"*
*"Ha? Hindi, bakit?"*
*"Eh bakit niya ako binantaan na layuan na raw kita?"*
*"Kailan?"*
*"Noong huling beses na magkakasama tayong tatlo."*
*"Kaya ka biglang lumayo sa'kin at hindi ako kinausap?"*
*"Oo, akala ko kasi kayong dalawa na."*
Matapos ang usapan namin na iyon ay kinompronta ko si Karl.
*"Karl, ano 'yong nalaman ko na pinagbantaan mo si Kiel?"*
*"Ha? Wala 'yon, nag usap lang kami."*
*"Alam mo ba mas gusto ko pa makasama si Kiel kaysa sayo at mas una kaming magkakilala kaya 'wag mo siyang tinatakot."*
*"Sorry aya, hindi na mauulit."*
Matapos kitang ipagtanggol kay Karl ay bumalik na tayo ulit sa rati. Pinapansin mo na ulit ako at sinasabayan mo na akong umuwi, medyo mainit pa rin ang dugo ko kay Karl dahil sa ginawa niya sayo.
Abangan sa next part kung magsisimula na ba ang ibigin ni Aya at Kiel o mapupunta si Aya kay Karl. Hanggang dito na muna ako, bibitinin ko muna kayo dahil napapasarap nanaman ang kwento ko.
Maraming salamat sa patuloy na pagsubaybay at walang sawang pagbabasa, stay safe everyone!
Her TOTGA Part I
*Kung kailan talaga 'di mo inaasahan syaka siya darating, pero minsan kahit parang siya na talaga ang tinakda ay pinipili pa rin natin lumihis kay tadhana.*
https://youtu.be/-14Lfb-ZmQc
***(Click the Youtube Playlist above before continuing, thank you.)***
**Aya's POV**
Nagsimula na ang klase at ngayon ay 4th year na 'ko, *"last year ko na pala sa high school"* sabi ko sa sarili ko. Unang beses din kitang nakita sa school na 'yon at mukhang magsisimula ka palang sa chapter nang high school life, 1st year ka palang kasi. Hindi kita binigyan masyado nang pansin dahil di naman ako yung tipo na nakikipagclose agad kung kani-kanino.
Mayroon akong kaibigan na 1st year din kagaya mo, siya si Ellaine. Maganda, matangkad at may katalinuhan, noong una nakikita lang kita malapit sa section niya 2 room lang naman ang pagitan niyo. Lagi kang dumadaan doon kapag sinusundo ko siya para ayain umuwi, mukhang nauuna kayong lumabas kaysa sa ibang section. Lumipas ang ilang araw nalaman ko na close pala kayong dalawa ni Ellaine kaya pala lagi kang dumadaan sa harapan nang room nila siguro nahihiya ka nalang ayain siya dahil nakikita mo kong kasama ko siya.
Isang araw nakita mo kong nakaupo sa court ng school, hinihintay ko kasing matapos ang klase nila Ellaine noon. Bigla kang lumapit sa'kin at tumabi sa inuupuan ko at nagulat ako noong kinausap mo ako.
*"Hi, Ezekiel nga pala. Tawagin mo nalang akong Kiel."* Inabot mo sa'kin ang kamay mo para makipag-hand shake.
*"Uhm- hello, Aya nga pala."* Nautal pa 'ko dahil nabigla ako sa pagsulpot mo.
*"Ikaw 'yong laging kasama ni Ellaine, 'di ba?"*
*"Oo, ako nga. Bakit mo natanong?"*
*"Close ba kayong dalawa?"*
*"Bakit? May crush ka ba sakaniya?"* Pabiro kong tanong pero 'di ko inaasahan na sagutin mo.
*"Actually, Oo. Crush ko si Ellaine pero hindi niya alam."* Hindi ka makatingin sa mata ko, nahihiya ka siguro.
Bigla ko namang nakita si Ellaine na papalapit na sa'ting dalawa kaya naman hindi na kita tinanong o inasar pa.
*"Kayong dalawa, anong ginagawa niyo diyan? Kakakilala niyo lang may secret na kayo agad."*
*"Sira, nagpakilala lang siya sa'kin kasi lagi niya tayong nakikitang magkasama."*
*"Ah ganoon ba 'yon. Hi Kiel sabay ka na samin umuwi?"*
*"Sige."*
Umalis na kaming agad sa court at walang imikan na naganap, tuloy naman kami sa kwentuhan ni Ellaine at si Kiel naman ay nananahimik lang sa tabi. Hindi kalaunay naging close rin kami ni Kiel dahil lagi siyang sumasabay samin kapag umuuwi o 'di kaya minsan ay sumasabay siya sa akin kapag ako lang mag isa ang nakikita niyang naglalakad.
*"Hoy pangit!"*
*"Oh ano 'nget?"*
*"Uwi ka na te? Bakit mag isa ka lang, si Ellaine?"*
*"Ayon may practice raw silang magkakaklase, kaya nauna na ako."*
*"Sabay na tayo."*
*"Ano pa nga bang ginagawa natin?"* Sabay irap ko sa'yo.
*"Ate?"*
*"Hmmm?"*
*"Tulungan mo naman ako kay Ellaine oh?"*
*"Ha? Bakit kasi 'di mo sabihin sakaniya, magkakilala naman na kayo noong una palang."*
*"Baka kasi wala akong pag asa kapag ako lang. Close kayo eh, baka dahil sa'yo mapansin niya ako."*
*"Anong alam ko sa ganiyan, NBSB kaya ako."*
*"Wala ka namang ibang gagawin, iaabot mo lang sakaniya 'yong letter na gagawin ko tapos lagi mo kaming samahan, ganoon lang. Please?"*
*"Oo na nga lang, basta ganoon lang gagawin ko ah?"*
*"Yes ate, promise."*
Lumipas ang mga araw ganoon ang naging sistema sa'ming tatlo, si Kiel mag aabot nang letter sa'kin at ako naman ibibigay ko kay Ellain, ginawa nila akong mensahera nila. Kailangan ko nang baygon madaming lamok.
Habang tumatagal ay hindi na nagbibigay nang letter si Kiel at tumigil na rin siya sa pagsuyo kay Ellaine sa kadahilanang nagkaroon ng Boyfriend itong si Ellaine habang nanliligaw si Kiel. Simula noon mas madalas na kaming magkasamang dalawa at kada break time ay lagi siyang dumidiretso sa room ko para hintayin ako, mas nauuna kasi silang dinidismiss kaysa sa amin. Wala naman akong masyadong ginagawa sa room kung hindi magsulat nang slam book at ilagay doon yung name ng crush ko noong panahon na iyon.
Minsan kapag napupunta si Kiel sa room ko ay nakikita niya akong nakikipaghabulan kay Jam. Si Jam ay 2nd year high school kaedad ko lang pero nalate lang mag aral kaysa sa akin. Kapag kasi napupunta sa room ko si Jam ay lagi niyang tinatakbo ang payong ko kaya lagi ko rin siyang hinahabol, wala naman malisya sa'kin dahil gusto ko lang makuha ang payong ko.
*"Ate Aya."*
*"Oh bakit?"*
*"Sino 'yong lagi mong kahabulan kapag pinupuntahan kita sa room mo?"*
*"Ah, si Jam. Kaklase ng pinsan ko."*
*"1st year ba pinsan mo?"*
*"Hindi 2nd year na."*
*"Eh 'di ba 1st year lang si Jam?"*
*"Hindi ah."* Sagot ko sakaniya, nagtataka ako kung bakit nasabi niyang 1st year pa lamang si Jam 'yon pala ay may kakambal ito na 1st year palang.
Sa sobrang busy ko minsan kay Jam dahil sa kalokohang ginagawa niya ay hindi ko na napapansin si Kiel kapag pumupunta ito para ayain ako, kaya napapadalas na mag isa lamang siya kapag break time na.
*"Hoy pangit!"* Tumakbo ako palapit kay Kiel sabay na kinurot ang mga pisngi nito, nakasanayan kasi namin 'yon kapag nagtatawagan kami.
*"Bakit hindi ka na namamansin?"* Tanong ko sakaniya.
*"Anong ako ang hindi namamansin? Kada napupunta ako sa room mo lagi lang kitang nakikitang nakikipag habulan kay Jam."*
*"Anong lagi? Hindi naman kita nakikitang pumupunta. Syaka talagang hahabulin ko siya tangay niya yung payong ko. At kapag nakikita naman kita kasama mo kaklase mo kaya 'di na kita nilalapitan."*
Mahabang diskusyon ang naganap sa aming dalawa pero sa huli'y nagkaayos din naman kaming dalawa. Ang relasyon naming dalawa ay magkaibigan lang talaga pero kung tignan kami ng iba'y para kaming magnobyo at nobya. Sino ba namang hindi mag aakala, laging nakaakbay sa balikat ko ang kamay niya at kung hindi naman ay hawak niya ang kamay ko. Kahit tanggalin ko ito sa pagkakahawak ay pilit niya pa rin itong kukuhanin pagkatapos ay maglalakad na siya nang mabilis.
Inabot na nang February ang samahan naming dalawa at malapit na rin ang Valentines Day kaya naman busy sa kaniya-kaniyang mga pakulo at disenyo sa loob nang classroom ang lahat. Kaming mga 4th year ang nakatoka sa mga booth para sa February 14, naisip namin gawing yung pakulong huhuli kami nang ikukulong at kailangan may isang tao na mag piyansa sa kanila. Ang mga 2nd year naman ay gumawa nang design sa sabon, habang ang mga 1st year ay nagdesign lang nang puso sa mga room.
Habang nag aayos kami ay lumapit sa akin ang pinsan kong babae na 2nd year.
*"Ate Aya"*
*"Oh bakit?"*
*"Pinapatawag ka nang teacher namin sa classroom."*
*"Ako? Bakit daw? Anong nagawa ko?"*
*"Basta sumama ka nalang."*
Wala na 'kong nagawa dahil pinaghihila niya ako hanggang sa classroom nila.
*"Hello po ma'am, bakit mo po ako ipinatawag?"*
*"Aya, halika tignan mo 'to."*
Hawak ni ma'am ang isa sa mga sabon na ginawa ng estudyante pero hindi ko alam ano ang nakalagay doon, laking gulat ko nang makita ko ang pangalan ko na nakaukit sa sabon.
*"Gawa 'yan ni Jam."* Sabi sa akin ni ma'am na siyang nag instruct sa kanila na gawin ang activity na 'yon.
Naghiyawan ang lahat nang estudyanteng nasa loob nang room na iyon, bigla namang dumaan si Kiel pero dinedma lamang niya ako kaya hinayaan ko nalang.
Dumating ang February 14 at wala naman masyadong ginagawa kaya gumala na lamang kaming magkakasama. Nang sumapit ang hapon ay nagkayayaan na mag inuman nalang. Hindi ako umiinom pero hindi naman kami pinagbabawalan, basta doon kami sa bahay ng ate ko iinom. Kasama ko ang kapatid ko at boyfriend niya nang saktong napadaan kami sa harap ng bahay ni Kiel, doon din kasi ang daan papunta sa bahay ni ate kaya nang makita niya kami ay sumama siya sa amin.
Bago kami dumiretso kila ate ay bumili kami nang iinumin namin, si Kiel at Olive ang namili at nagbitbit nang mga ito. Laking gulat ko dahil sanay na sanay itong si Kiel na mag inom kahit na 1st year pa lamang siya samantalang ako 4th year na pero first time ko pa lamang makakatikim nang alak.
Nagsimula nang umikot ang baso at ako na ang kasunod, paglapag sa'kin ay ininom kong agad ang laman nito. Ganoon pala ang pakiramdam, mainit sa bibig dahil sa hindi ako marunong ay iniluwa ko agad ito. Tinawanan lamang ako ng mga kasama ko dahil alam nila na first time ko 'yon. Ito namang si Kiel nagtataka sa'kin, *"Hello 'di ako lasinggero gaya mo"* Sabi ko sa isip ko.
*"Hindi ka ba umiinom ate aya?"*
*"Hindi."*
*"Ganito..."*
Itinuro niya sa akin kung paano ang tamang pag inom nang alak, 'di ako nainform na meron din palang tutorial para roon. Nang tumagal ang inuman hindi ko na kinukuha ang mga tagay sa'kin kaya itong si Kiel sinasalo lahat nang tagay ko. Nang maubos na namin lahat nang inumin ay napagpasyahan namin na mamahinga muna dahil nahihilo na rin ako dala nang hindi ako sanay uminom pero sila parang wala lang, *"titibay nang bituka niyo"* nasabi ko sa isip ko.
Medyo madilim na sa labas nang mapagpasyahan naming umuwi na, 'di naman ako nakatira kay ate pumunta lang kami roon. Ang dadaanan namin ay sementeryo kaya pinilit ko silang umikot kaso ayaw nila dahil sobrang layo kung iikot kami, natatakot kasi akong dumaan sa sementeryo dahil bukas ang third eye ko at alam nilang lahat iyon.
*"Huwag kang mag alala kasama mo naman ako hahawakan nalang kita para hindi ka matakot."*
*"Pa'no 'yon eh nakakakita nga ako?"*
*"Madali lang..."*
Tinakpan niya ang mga mata ko gamit ang isang kamay niya habang nakaakbay naman sa'kin ang isa pa niyang kamay, sa sobrang takot ko ay hinawakan ko ang kamay niyang nakaakbay sa'kin at patuloy niya akong inalalayan habang nasa may madilim na parte pa kami nang daan.
*"Kapit ka lang sa'kin ah? Aalalayan kita hanggang makarating tayo sa may ilaw."*
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon, dala ba nang pagkahilo at takot ko kaya sobrang bilis nang tibok ng puso ko o dahil si Kiel ang may hawak sa mga kamay ko. Hindi ko na masyadong inisip ang nagaganap sa damdamin ko dahil natatakot pa rin ako sa dinadaanan namin ngayon.
*"Malayo pa ba tayo?"*
Para kasi akong pagong ngayon maglakad bukod sa hindi ko nakikita ang daan ay nangangapa ang mga paa ko sa daanan. Hindi ko alam na nakalagpas na pala kami sa daan na iyon dahil kadiliman pa rin ang nakikita ko, ito namang si Kiel hindi sinasabi sa'kin na nasa maliwanag na kami at patuloy pa rin ang paghawak sa kamay ko at pagtakip niya sa mga mata ko.
*"Nakalagpas na tayo"* Sabi nang kapatid ko.
Sabay tanggal naman ni Kiel sa mga kamay niya nang sabihin iyon ni Des. Matapos ang mga kaganapan na iyon ay may nagbago kay Kiel, naging mas makulit na siya at laging nagpapapansin. *"Ano kayang masamang espirito ang sumapi rito?"* nasabi ko nalang sa sarili ko.
Isang araw lumapit sa akin si Jam.
*"Aya, akin na kamay mo."*
*"Kamay ko? Bakit?"*
*"Basta akin na."*
Sabay abot ko naman nang kamay ko sakaniya, nagulat ako dahil bigla niya akong sinuotan nang singsing.
*"Ano to?"*
*"Ano pa ba? Eh 'di singsing, ginawa ko 'yan."*
Nung mga panahong 'yon uso pa kasi ang singsing na gawa sa sampong piso at iyon ang ginawang singsing sa akin ni Jam.
*"Thank you Jam."*
Hindi ko namalayan na nakita pala ni Kiel lahat ng iyon kaya naman nung uwian ay walang sawa ang pangungulit niya sakin.
*"Patingin nga 'yong bigay sa'yo ni Jam."*
*"Ito?"* Sabay abot ko sa kamay ko na suot ang singsing na mula kay Jam.
*"Akin nalang 'yan."*
*"Hindi pwede."*
*"Dali na, akin nalang."*
*"Hindi nga pwede, bigay 'to sa'kin ni Jam eh. Pinahahalagahan ko mga nireregalo sa'kin."*
Bigla na lamang siyang nagalit at hindi na 'ko tuluyang pinansin, buong araw na ganoon ang ginawa niya. Para siyang bata na nagtatantrums.
Ang mga susunod na kabanata ay about sa JS Prom na magaganap sa school, abangan.
Maraming salamat sa pagbabasa hanggang dito, sana'y subaybayan niyo pa rin ang kasunod nang kwento na ito. Stay Safe everyone.
Will this be a happy ending: The continuation
Binitin ko lang talaga kayo sa una at kung hindi mo pa nababasa ito ay basahin mo muna alam kong mahaba pero sana hindi ka magsawa. Salamat sa patuloy niyong pagsuporta.
**https://read.cash/@icary/my-young-love-part-i-09949020**
**https://read.cash/@icary/my-young-love-part-ii-the-ending-3ab494e6**
https://read.cash/@icary/will-this-be-a-happy-ending-4e9a00a9
After mong mabasa ang mga iyan ay welcome ka nang bumalik sa part na ito.
*Hindi naman lahat ng happy ending nagsisimula agad sa masaya. Likewise, hindi lahat nang masaya pang habang buhay na. Binulag kasi tayo ni disney na laging may "true love" at "happily ever after", minsan 'di na si prince charming ang hahanap sa'yo, sisipain ka nalang ni tadhana sa taong nakalaan talaga sa'yo.*
**Ronniel's POV**
Katapos mo kong ligawan ay sinagot na kita, oh 'di ba ang gwapo ko ako talaga ang naligawan mo. Syempre hindi naman ako nagpatalo, ikaw ang nagtanong ako ang nagtuloy. Niligawan kita ulit araw araw, ngayon hindi na galing sa baon ko kundi sa bulsa ko. Ang sosyal ko nang pakinggan 'di ba?
Everyday ay hatid sundo kita sinasabi mo lagi sakin na kahit 'wag na, kaso makulit ako ayokong matagal kang nawawala sa paningin ko feeling ko kasi anytime babawiin ka ni tadhana sakin pero hindi naman ako papayag syempre. Weekly may dala akong flowers and chocolate sa'yo, para nababawasan yung stress mo. Niyaya rin kitang magtravel or road trip kapag day off para kahit papaano'y marelax ang utak mo.
Unexpectedly nagkaroon ako ng business trip abroad, kailangan kong mawala for atleast 2 weeks nalungkot ako kasi 'di kita maaalagaan.
*"Cha, gusto mo bang sumama sa akin next week for my business trip?"*
*"Aalis ka? For how long?"*
*"Approximately 2 weeks long, medyo marami kasing need asikasuhin. What is your decision?"*
*"Oh, sorry I can't. Kahit gustuhin ko sana pero hectic din ang sched namin this days. Punuan ang mga appointment, hope you understand."*
*"Of course I do, I love a workaholic woman afterall."* Kissed your forehead gently.
*"Let's have a date trip kauwi ko, is that fine with you?"*
*"Hmm- okay, I'll file my leave prior to our trip. Thank you love."*
She hugged me sweetly, kung pwede lang kitang kidnappin at isama baka ginawa ko na but I understand that you have your priorities.
We both bid good bye and went on our separate ways. I packed my luggages and waited for my airline ticket from Zen. Nasa airport na ko and I called Charmaine.
*"Cha, nandito na ako sa airport mag iingat ka ha? I'll call when I arrive there."*
*"Yeah sure, have a safe flight Ron."*
You're always my energy pill. Nang makarating ako sa U.S ay kabilaan ang mga appointment ko, walang katapusan ang mga business meetings ko at si Cha naman ay kabilaan din ang mga pasyente kaya naman nabusy kaming dalawa at hindi na masyadong nakapagcommunicate.
I went back to the Philippines at dumiretso agad ako sa hospital na pinagtratrabahuhan ni Charmaine, gusto ko kasi siyang surpresahin. May dala akong bulaklak at madaming pagkain, mahilig kasi siyang kumain. I saw her standing so I hugged her from the back na naging dahilan naman nang pagkagulat niya.
*"Surprise I brought you flowers and foods."*
*"Grabe, kailan ka pa nakabalik? Bakit hindi mo sinabi sakin para sana nasundo kita."*
*"No need for that alam ko naman pagod ka kaya halika rito at maupo ka. Kainin mo 'yang mga dala ko tawagin mo yung secretary mo at co-workers mo baka gusto rin nila."*
*"Oh sige wait."*
Nakita ko sa calendar mo ang picture nang isang tourist destination sa Batangas.
*"Cha"*
*"Yes?"*
*"Do you remember yung usapan natin na magtritrip tayo kabalik ko?"*
*"Yeah, of course. Nagbigay na ko nang leave para doon, why?"*
*"Let's go to Batangas tomorrow."*
*"As in bukas na agad? Wala man lang intro intro?"*
*"Wala na, need pa ba yun? Consider that as our time for relaxation."*
*"Oo na, kailan ba ko nanalo sayo."*
*"Lagi ka naman panalo sa puso ko."*
*"Cornyyyy"*
*"I still have my luggages with me, can I stay at your house tonight? I missed you for the whole 2 weeks. Please?"*
*"Matatanggihan ko ba ang mukhang 'yan? I'll pack my things na then we're ready to go."*
*"Okay love."*
Nakarating na tayo bahay mo and nag ayos naman ako para matulog, napagod kasi ako sa flight and sa dami nang mga ginawa.
*"Cha, mauna na akong matulog sa'yo. Is that okay?"*
*"Sure, don't forget na magbihis muna bago matulog. Mabigat ka 'di kita kayang itulak okay?"*
*"Yes ma'am."*
Kagising ko nang umaga ay siyang pagbungad ng maamo mong mukha, grabe ang laki nang eyebags mo kaya hindi na kita ginising pero bago pa man ako bumaba nang higaan ay narinig na kitang humiyab.
*"Good morning Cha."*
*"Good morning."*
*"What do you want for breakfast?"*
*"Magluluto ka?"*
*"Oo, tingin mo sa'kin hindi marunong? Gordon Ramsey siguro 'to."*
*"Aga aga lakas mo magtaas nang bangko."*
*"Oo na bumangon ka na diyan at maghilamos, sumunod ka sa kusina katapos."*
Hinalikan kita nang bahagya sa labi para tuluyan kang magising. Katapos nating kumain ay nagprepare na tayo para naman sa trip nating dalawa.
Karating natin sa resort sa Batangas ay kinausap ko agad ang front desk para magbook nang room at place sa resto.
*"Love, pwede na tayong pumunta sa room nakapagpabook na ko."*
*"Oh sige, 'di ka ba papasok muna?"*
*"No, titignan ko lang saglit yung place. You can take a rest first mamaya pa naman ang dinner."*
*"Oh okay, mag rest lang ako ah?"*
*"Okay love, rest well."*
Nagtingin tingin ako sa buong lugar at may mga napili akong mga spot, pumunta na ako sa loob at nakita kong nag aayos na si Cha para sa dinner mamaya.
"Are you ready to go out na?"
*"Yes, how about you?"*
*"Just give me a minute mag wash lang ako."*
*"Sure, I'll wait here."*
Natapos na akong mag ayos at niyaya ko na si Cha na pumunta sa labas para makita namin ang paglubog nang araw.
Papalubog na ang araw sa may dalampasigan, kaya naman manghang-mangha itong si Cha sa ganda nito. While she was mesmerize I am getting ready with my plans.
https://youtu.be/fjchrT-L9QU
***(Please click the Youtube Playlist above before continuing, thank you.)***
*"Cha"*
Lumingon naman sa akin si Cha at nagulat sa nakita niya, ang lalaking dati lang ay inaasar siya ngayon ay nakaluhod na sa harap niya. Nasa likod nito ang kaniyang mga magulang, kapatid, kaibigan at mga staff nang resort.
*"Cha, all my life ikaw lang yung pinangarap at pinagdasal kong makasama ko sa hirap at ginhawa hanggang sa tumanda. I did everything I can do to be better for you, to be better for us. Buong akala ko talaga katapusan na nating dalawa nung iniwan mo ko, inihanda lang pala ako nang Panginoon para maging better sayo. I am thankful for your family dahil naglabas sila nang isang Cha na mamahalin ko habang buhay, isang Cha na tinanggap ako nang buong buo. Cha from this day forward inaalay ko sa'yo ang buhay ko, nangangako ako sa harap ng mga taong nandirito pasasayahin kitang buong buhay mo. Now, I am kneeling infront of you to ask for your hand in marriage, Charmaine Cruz Will you marry me?"*
*"Yes Ronniel, Yes!"*
Wala nang mas sasaya pa sa'kin ngayong araw na ito, ang babaeng dati ko lang pinapangarap ngayon ay malapit ko nang matawag na asawa.
*"Pa'no mo naplano lahat 'to? Akala ko ba nagbusiness trip ka last 2 weeks?"*
*"Yeah, that's true. Maaga kasing natapos lahat nang nasa schedule ko kaya pumunta akong Canada para makausap family mo, kinausap ko si Shiela para malaman ang whereabouts nila at para humingi na rin nang tulong na maarrange lahat nang ito. Tita at tito, hindi po kayo magsisising binigyan ako nang permisyo niyo na makasal ko si Charmaine. Hindi niyo po alam kung gaano ako kagalak nung malaman kong tanggap niyo ang relasyon naming dalawa. I swear with all my heart, hindi ko po sasaktan ang unica ija niyo."*
*"May tiwala kami sayo iho, naprepare ka na ni God nang maayos."*
*"Cha, wala nang bawian. Touch move. "*
*"Walang wala na, hindi ka na pwedeng maagaw ng ibang babae sa'kin."*
We are the happiest that time, ayoko na ngang matapos ang oras kung sa tutuusin pero gusto ko na rin bumalis ang araw para tuluyan na kitang matawag na asawa.
**The Wedding Day**
Ito na ang pinakahihintay nang lahat at kasama na ako roon, ang makita ang babaeng pinakamamahal kong naglalakad sa harap nang altar na ako ang ending part. God eto na po iyong babaeng ipinagdasal ko sa'yo, maraming salamat po sa pagtupad nang mga dalangin ko.
Ikaw ang pinakamaganda sa lahat while wearing your white wedding gown, papalapit ka sakin at hindi ko mapigilan ang bawat luhang pumapatak sa mata ko. Finally nandito na rin tayo, malapit na kitang matawag na misis ko. Malapit nang mukha mo laging bubungad sa aking araw araw, ang siyang bubuo sa aking bawat dasal.
*Ronniel, do you take Charmaine to be your wife?*
*Do you promise to love, honor, cherish, and protect her, forsaking all others, and holding only unto her forevermore?*
*"I do."*
*Charmaine, do you take Ronniel to be your husband?*
*Do you promise to love, honor, cherish, and protect him, forsaking all others, and holding only unto him forevermore?*
*"I do."*
[Exchanging of rings and vows]
And now by the power vested in me, it is my honor and delight to declare you married. Go forth and live each day to the fullest. You may seal this declaration with a kiss.
[Kiss]
I am so pleased to present the newlyweds, Mr & Mrs. Reyes.
Natapos na nga ang lahat Charmaine pero sa puntong 'to natapos ang chapter sa buhay natin bilang magkasintahan dahil maipagsisigawan ko na ngayon na misis na kita sa wakas.
*Hindi talaga natin masasabi ang buhay, grabe kung maglaro si tadhana. Sabi nila kung para kayo, para kayo talaga sa isa't isa, pero naniniwala rin ako na kahit para kayo kung walang kumilos sainyo mapag iiwan kayo nang panahon.*
Maraming salamat sa pagtangkilik sa ibigang ChaNiel, nawa'y naantig ko ang puso niyo kahit na marami na kayong nabasang love story. Ikaw na nagbabasa 'wag kang panghinaan nang loob dahil kahit nalagpasan mo na si itinadhana gagawa pa rin nang way si God para magkatagpo kayo. Have a good day every one.
By: Icaryxghost (Special thanks to mamsh @EvilWillow ❤️)
Will this be a happy ending?
Hello guys, icary here nagbabalik muli para maghatid nang kwento para sainyo. Bago ka magpatuloy rito ay marapat muna na basahin mo muna ang mga ito.
https://read.cash/@icary/my-young-love-part-i-09949020
https://read.cash/@icary/my-young-love-part-ii-the-ending-3ab494e6
Kung tapos ka na magbasa nang mga link na nasa itaas, you're now welcome to read this one. Samahan niyo ulit ako hanggang sa dulo, Salamat~
**Ronniel's POV**
*Buong akala ko'y si Cha na talaga ang babaeng makakasama ko habang buhay, ang babaeng hiningi ko kay God na ilalakad ko sa altar. Ang babaeng kasama ko sa pagtupad ng aking mga mithiin at ang bubuo sa pamilyang naguhit ko na sa aking isipin.*
3 years Cha bago ko makamtam ang matamis mong Oo, hindi ko binilang iyon para masabi kong matagal bagkus binilang ko iyon para malaman ko sa sarili ko kung gaano kita kamahal. Sa tatlong taon na iyon ay ginawa ko ang lahat at sa buong taon na pagsasama natin ay wala tayong sinayang. Naalala ko na naman, isang buong taon nga lang pala kitang nahagkan dahil siguro sabi ni bathala hindi pa ito ang panahon para riyan. Pero kahit na ganoon nagpapasalamat pa rin ako sa lahat kahit hindi mo ko naipaglaban hanggang sa kawalan, hindi kita sinisisi o kahit ang ama mo man. Sadyang mapagbiro si tadhana at si kupido'y mukhang nagbabaril-barilan.
Malapit nang matapos ang 4th Year pero lagi pa rin kitang sinusulyapan, masakit pa rin kasi yung sugat parang kahapon lang. Ang ganda mo pa rin talaga sana lagi ka nalang masaya, mas okay na iyan kaysa makita kitang lumuluha.
Araw nang graduation ikaw pa rin ang hanap ng mga mata ko. Nakita kita sa sulok kasama mo ang parents at kuya mo ang saya niyo pero may napansin akong lalaki sa gilid mo hindi siya pamilyar sakin, siya ba ang dahilan kung bakit ayaw tayong magtagal nang daddy mo? Baka nga, sino ba naman kasi ako compare sayo? Maganda na, mayaman at matalino pa pero kahit ganoon masaya ako para sa'yo, para sainyo.
Oras na para maglakad sa stage pangalan mo ang pinakaunang natawag, Congrats kasi naabot mo yung pangarap mong maging Valedictorian. Sobrang saya ko para sa'yo walang katapusan ang pagpalakpak ko habang ang mga kaibigan ko nakatingin lang sa ginagawa ko. Natapos ang lahat at tuluyan na tayong naghiwalay nang landas. Tinapos ko ang pag aaral ko sa college, hindi ko na ulit naisipang humanap pa ng babaeng susunod sa'yo kasi ikaw pa rin talaga ang laman nitong puso ko.
Lumipas ang panahon nang hindi ko namamalayan, siguro ngayon ay nakalimutan mo na ako nang tuluyan. Masaya na rin naman ako sa buhay ko ngayon dahil nakamit ko na ang mga pangarap ko, natulungan ko na sila mama, may sarili na akong lupa, bahay at kotse, ikaw nalang talaga ang kulang.
Habang nakaupo ako sa salas ay nag ring ang aking cellphone, nakita ko ang pangalan ni donny isa sa mga barkada ko noong high school.
*"Ano kayang meron?"* Sabi ko sa isip ko.
Sinagot ko ang tawag para malaman kung ano ang meron.
*"Pre, si donny 'to."*
*"Oh pre, anong meron at napatawag ka?"*
*"Meron kasi tayong reunion this upcoming friday, lahat nang batchmate natin ng high school pupunta kaya dapat pumunta ka. Para naman makapagbonding na tayo ang tagal din bago ka umuwi since nagpunta ka nang states."*
*"Oh sige pre balitaan mo nalang ako saan ang venue at time para maayos ko ang schedule ko. Thank you sa pag inform."*
Binaba ko na ang cellphone at bumalik na sa ginagawa ko kanina. Biglang nagsink in sa'kin ang mga sinabi ng kaibigan ko.
*"Reunion naming high school batchmates."*
Bigla akong kinabahan dahil may chance na makita ko si Charmaine, sana okay lang siya. Umaasa pa rin akong makita siya, kahit sa ganoong paraan man lang ay malaman kong okay siya. Inayos ko agad ang schedule ko for this friday, sinigurado kong walang sisira nang araw na ito.
Friday at 5PM ay natapos na lahat nang appointment ko kaya naman nag ayos na ako agad at tinawagan ko ang kaibigan kong si Donny.
*"Hello pre, nandiyan na ba lahat?"*
*"Meron pa namang mga wala, mamayang konti pa naman magstart ang event."*
*"Okay pre, thank you. Kitakits nalang mamaya."*
Kinuha ko na ang mga gamit ko at umalis na agad, habang nilalakbay ko ang kahabaan nang Edsa ay hindi mawala ang kaba at saya ko. Nakarating ako roon at medyo marami nang tao. Sinalubong ako ng mga barkada ko at tinuro kung saan ang puwesto namin, dating gawi puno nang kwentuhan. Habang nag uusap kami ay hindi mapakali ang mga mata ko at para bang may hinahanap ang mga ito.
*"Pre, hinahanap mo ba si Charmaine? Maya-maya lang nandito na 'yon, doctor na kasi siya kaya siguro hectic ang sched niya."*
*"Talaga ba? Wala na kasi akong balita sakaniya since mag-graduate tayo nang 4th Year, mukhang blinock niya ko sa lahat ng social media accounts niya."*
Sabay tapik naman sa'kin nang kaibigan ko at may itinuro, hindi ko masyadong maaninag dahil sa lightings sa loob kaya pinakatignan ko ito at nakita ko ang mukhang hinahanap-hanap ng mga mata ko. Nakablue dress ito na hanggang tuhod ang haba, kasama niya si Shiela na siya namang nakapansin sa akin at nginitian ako. Inalis ko ang tingin ko sakaniya dahil hanggang ngayon ay nakaka-awkward pa rin ang sitwasyon sa'min.
Katapos nang event ay nagbalak nang magsiuwian ang lahat nagpaalam na sa akin ang aking mga kaibigan ko habang ako pinagmamasdan ko pa rin si Charmaine na ngayon ay papaalis na rin, gusto kong malaman na okay siyang makakauwi. Naghiwalay na nang landas si Charmaine at Shiela dahil sa pagkakarinig ko ay may susundo naman daw sakaniya. Aalis na sana ako nang marinig kong namromroblema si Charmaine dahil nasiraan daw ng sasakyan ang sundo niya.
*"Uhm- Charmaine, sorry I accidentally overheard your conversation. Gusto mo bang sumabay na sa akin? Gabi na rin kasi syaka mag isa ka nalang dito baka mapano ka pa. Yun eh kung okay lang sayo?"*
Tinignan ako ni Charmaine at medyo napaisip. Tatanggi sana siya pero inunahan ko siya.
*"Please? Kahit ihatid lang kita sa place na comfortable ka. Hindi kasi ako mapapakali kung iiwan kitang naghihintay. Hindi rin kasi safe kung dito ka maghihintay baka mapagtripan ka pa nang mga dumadaan."*
*"Okay lang ba? Nakakahiya baka kasi may gagawin ka pa."*
*"No, I insist."*
*"Okay, then. Thank you and sorry for the inconvenience Ronniel."*
Gusto kitang yakapin kaso pinipigilan ko ang sarili ko. Nakakamiss marinig yung pangalan ko mula sa mga labi mo. Tama na ba ang panahon para sa atin Charmaine or may babae pa ba akong hihintayin?
I opened the door for you, ang awkward nang silence sa ating dalawa. Buong biyahe tayong tahimik hindi alam kung sino ang mags-start nang topic.
*"Long time no see Cha."*
*"Yeah, long time."*
*"Anyway, balita ko doctor ka na. Congratulations pala although late na."*
*"Yeah, tagal nga eh pero worth it naman."*
For me Charmaine, you are also worth the wait. Kung pwede ko lang 'to sabihin sa'yo ngayon kaso dinadaga ako at 'di 'ko sure kung pwede pa.
*"Ikaw pala anong work mo ngayon?"*
*"Ako? I'm a businessman now, hindi naman ganoon kalaki ang company ko pero at least nabili ko na lahat nang kailangan ko."*
Ikaw nalang talaga yung kulang, ano ba 'yan Ronniel. Be a man. Bakit 'di ko ba masabi 'to sakaniya ngayong nasa tabi ko na siya, ilang beses na tayong nagpractice sa salamin 'di ba?
*"Buti naman pala. Congratulations din. Ang tagal na nung last tayong nag usap, 13 years tama ba?"*
*"Hindi ko na nabilang ang tagal na kasi noon."*
*"Yeah right, haha."*
Bumalik ulit sa katahimikan ang lahat, 'di na namin namalayan na nakarating na pala kami sa destinasyon niya.
*"Dito na pala ako, thank you again Ronniel."*
*"No problem, anytime Charmaine. Stay safe."*
*"You too."*
Dinaga ka na naman hindi mo tuloy nasabing namiss mo siya. But still, I'm happy for you, Cha.
Sa sobrang taranta ko dahil nakasama ko si Cha ay nakalimutan kong hingin ang number niya or social media account man lang niya. What a waste of opportunity Ronniel. Hinayaan ko nalang dahil hindi ko naman na maibabalik ang oras na iyon ay mahalaga ay maayos siyang nakauwi.
Lumipas ang mga buwan at wala na akong narinig na balita about kay Cha, siguro nga'y tama na ang paghihintay ko sakaniya. Nagscroll ako sa twitter account ko at nakita ko ang pangalan ni Cha na lumabas sa Who to follow list ko, walang pagdadalawang isip ko itong pinindot at bumungad naman sa akin ang napakaamo niyang mukha at nakakalaglag pusong mga ngiti. Grabe ang lakas pa rin nang tama ko sayo hanggang ngayon. Icliclick ko na sana ang follow nang mabasa ko ang word na *"Finally!"*
Iniscroll down ko ito agad nang may halong kaba, sabay ang pagkagulantang ko at ang pagbagsak ng aking mga luha. Nabasag na naman ang munti kong pag asa, mukhang hanggang dito nalang tayong dalawa. Pinusuan ko ang tweet mo at finollow pa kita kahit na sa loob ko'y sobrang bigat na talaga. Siguro ito ang way ko para pakawalan ka na at tanggaping hindi ka sa akin sasaya.
Nagdaan ang mga araw at natanggap ko na, binuksan ko nang muli ang puso ko sa iba. Pumayag na ako sa mga blind date na inaarrange nila sa'kin, panahon naman na ako ang sumaya.
Nakaupo na ako ngayon sa restaurant kung saan ang meet up, habang ang mga mata kong nakadungaw sa malayo ay may babaeng lumapit sakin at umupo sa harap ko.
*"Sorry, I'm late."*
*"Oh no, it's ok--"* Hindi ko na natuloy pa ang mga sasabihin ko dahil nagulat ako na si Charmaine ang nasa harap ko.
*"Charmaine? Why are you here?"*
*"Ronniel? Ikaw ba ang kablind date na sinasabi ni Zen? What a small world, how did you know each other?"*
*"Well, basically Zen is Danny's wife and also my secretary. Aren't you engaged already?"*
*"Me? No. Saan mo naman nabalitaan 'yan?"*
*"Nakita ko kasi yung post mo sa twitter. Am I wrong?"*
*"Yeah, totally. That engagement ring belongs to Shiela, I said "Finally" kasi matagal na 'yon pinagplanuhan ni kuya, you can still remember my kuya Zeus 'di ba? On the college days kasi nagkamabutihan silang dalawa, to make the long story short nagkatuluyan sila."*
*"Wow, I'm happy for the both of them."*
Pero mas masaya akong malaman na baka may pag-asa pa tayong dalawa.
*"Anyway, since kilala naman na natin ang isa't isa let's order some food na baka kasi nagugutom ka na. Nangangain ka pa naman kapag nagugutom ka."*
*"Grabe ka, hindi kaya."*
*"Joke lang, be my guest."*
Nakakamiss 'yong ganito, aasarin kita tapos ikaw mapipikon ka naman. Ang cute mo talaga kapag nagtampo na, hindi ko maiwasang balikan ang mga ala-ala. Buong araw tayong nag usap tungkol sa buhay natin at hinayaan mo 'kong ihatid ka ulit.
*"Cha, thank you nga pala ngayong araw. Sana kahit papaano napasaya kita."*
*"Ano ka ba? Nag enjoy ako sobra, here's my number para if ever na magkaroon ulit nang third chance na magka usap tayo."*
Inabot ko ang kamay mo habang hawak ang calling card, *"I wish I could hold this hand everyday"* sabi ko sa sarili ko.
*"Pa'no ba yan, dito ka na?"*
*"Yeah, thanks for today. Good night."*
*"Good night."*
Umuwi akong hanggang tenga ang ngiti ko, pwede na kong matulog nang mahimbing ngayong araw na ito. Pero bago iyon ay dinial ko muna ang number na ibinigay sa'kin ni Cha ngunit laking gulat ko nang sagutin niya ito.
*"Hello? Sino to?"*
*"Uhh-- Cha, si Ronniel 'to. Ididial lang sana kita, nagulo ba kita?"*
*"Ah hindi, nagreready lang ako para matulog. Buti nga napatawag ka."*
*"Baka inaantok ka na sabihin mo lang ha? I know na busy ka bukas and pagod ka na rin sa blind date natin kanina."*
*"Ayos lang naman pero medyo inaantok na rin ako, good night na ron."*
*"Good night din Cha."*
Totoo naman ito 'di ba? nakakausap ko nang ulit si Cha. Kung sino man ang nandiyan pakisampal naman ako, sabihin mo sakin na tama totoo nga ito.
Lumipas ang mga araw at buwan patuloy na muli ang aming komunikasyon, may mga oras na nagpapasundo siya sa akin or nagroroad trip kaming dalawa. Nawala na yung awkwardness sa aming dalawa. Napagdesisyunan naming magtravel nang kami lang dalawa, walang malisya, mahal ko si Cha pero ginagalang ko ang mga desisyon niya.
https://youtu.be/FU7t2umSI8Q
***(Please click the Youtube Playlist above, thank you.)***
*"Ron, Bakit hanggang ngayon wala ka pa rin ipinapalit sa akin?"*
Nabigla ako sa tanong si Cha habang nakaupo kami sa harap nang beach.
*"Kasi wala naman akong mahanap na isa pang Cha."*
Tumingin siya sakin na may pagtataka.
*"Naalala mo sinabi ko sa'yo dati na kahit anong mangyari, kahit lumayo ka pa sakin, hindi pa rin kita kakalimutan. Ikaw pa rin ang babaeng mamahalin ko at ihaharap ko sa altar. Ikaw Cha, bakit hindi kayo nagkatuluyan nung lalaking nakita kong kasama mo noong graduation natin nang high school?"*
*"Sino? Si kuya Mark? Pinsan ko 'yon. Umuwi siya para makita akong umakyat nang stage."*
*"Pinsan mo 'yon? All this time akala ko siya ang dahilan bakit ayaw sa'tin ng parents mo."*
*"About that, napagdesisyunan nilang paghiwalayin tayo dahil dadalhin nila ako sa Canada after the graduation at ayaw nilang maging dahilan yung relationship natin para hindi ako pumayag na sumama sa kanila."*
Hindi ko madigest lahat nang information na nagmumula sa'yo pero pinapilit ko pa ring humabol sa mga sinasabi mo.
*"It was hard for me as well nung nakipaghiwalay ako sayo. But I never regret having that decision, tignan mo nasan tayong dalawa ngayon. It's the best decision for the both of us, I never dream na magkakausap tayo nang ganito ulit."*
*"All this time akala ko ako lang 'yong nahihirapan, I never thought na ikaw pala ang nagdadala nang lahat. Sorry for not recognizing your pain, Cha. Sana mapatawad mo 'ko."*
I hugged you so tight, ayaw na kita muling pakawalan, you hugged me back this time hindi na para magpaalam. Humarap ka sa'kin at hinawakan ang mukha ko.
*"Ronniel, all this time pinagdarasal ko pa rin sakaniya na sana kapag tama na ang panahon para sa ating dalawa'y pagtagpuin tayo ng tadhana. Hindi niya ko binago, hindi niya tayo binigo."*
I am crying non-stop kaunti na lamang ay iluwa ko ang mga mata ko, sabi ko una akong kikilos para bumalik tayo sa rati pero parang nabaliktad ang sitwasyon.
*"Cha, pwede na ba? Pwede na ba ulit tayong dalawa? Tama na ba ang panahon para sa atin?"*
*"Tinatanong pa ba 'yan? Nandito na nga ako sa harapan mo oh, ngayon hindi ko na hahayaan may humadlang sa atin. Ipaglalaban na kita sa mundo."*
*"Hindi ako nagkamaling hintayin ka, you are worth the wait talaga."*
Hinalikan kita sa noo at nagpasalamat sa Panginoon, *"God, thank you for preparing me all this time."*
Napahaba na po ang dapat short story ko lang, itutuloy ko ito sa susunod na kabanata baka kasi tulugan niyo na ko sa haba nito. Salamat po sa lahat!
My Young Love Part II: The ending
**Ronniel's POV**
Pinuntahan kita sa rest room, narinig kitang umiiyak sa loob nang isa sa mga cubicle. Sobra yung iyak mo nasasaktan ako habang naririnig ko ang bawat hikbi mo.
*"Charmaine, nandiyan ka ba? Labas ka usap tayo."*
*"Bumalik ka na doon kay Shiela."*
*"Halika na lumabas ka na diyan, mag usap na tayo paparating na rin kuya mo niyan, oras na."*
Lumabas ka nang cubicle mugto ang mga mata mo tapos hulas na make up mo, hindi ko alam kung maaawa ako o tatawa sa itsura mo. Medyo masarap kasi sa pakiramdam, marunong palang magselos ang prinsesa ko.
*"Bakit ka umiiyak?"*
*"Paanong hindi? Nakita ko kayo ni Shiela habang nagsasayaw tapos naghahalikan."*
Naku, galit si commander. Kung ano ano nalang ang nakikita. Kinuha ang panyo ko para sana punasan at ayusin ang nahulas niyang make up ngunit bago ko pa iyon magawa ay tinabig na niya ang aking mga kamay.
*"Hindi kami naghahalikan ni Shiela, may sinasabi lamang siya sa akin."*
*"At ano naman iyon?"* Nang may pagtataray.
*"Sinabi niya sa akin na matagal mo na raw akong crush noong una palang na maging magkaklase tayo."*
*"Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin 'yan."*
*"Sa tingin mo ba magsisinungaling sa akin ang bff mo, para na kayong magkapatid kung tutuusin. Bakit ikaw nag walk out ka bigla syaka umalis nung makita mo kami? Nagseselos ka no?"* Sabi ko sakaniya nang may halong pang aasar.
*"Hindi no, 'wag ka ngang feeling diyan. Nawalan lang ako nang gana sumayaw syaka naiihi na 'ko kaya pumunta ako sa CR."* Habang naka-pout
*"Hindi eh, nagseselos ka talaga. Aminin mo na kasi."*
Hinawakan ko ang mga kamay niya at mukha para maramdaman niyang totoo ang mga sinasabi ko.
*"Charmaine, I love you. Mahal na mahal kita hindi ako mapapagod sabihin 'yan. Nung panahong binubully kita may feelings na ako sa'yo noon. Akala ko ayos na yung ganoong set up, yung binubully kita at pinapansin mo ko pero hindi pala. Habang tumatagal lumalalim yung pagtingin ko sa'yo namimiss na kita kapag 'di kita nakikita, ginaganahan na 'ko laging pumasok sa eskuwela. I can't keep it anymore, pagod na akong itago 'yong nararamdaman ko para sa'yo. Mahal kita Charmaine."*
Inilapit niya ang labi niya sa mga tenga ko sabay bumulong.
*"I love you too Ronniel."*
*"Ano 'yon Cha? Hindi ko narinig ang hina kasi."* Nang may halong kilig at tuwa.
*"Sabi ko, I love you too!"*
Hindi ko maitago ang kasiyahang nararamdaman ko, ngiti ko'y umaabot na sa tenga ko.
*"Hindi nga? Talaga? Talagang talaga? Sigurado ka ba?"*
*"Oo nga, mahal na kita noon pa man. Ewan ko nga ba bakit ikaw pa 'yong nagustuhan ko samantalang ang bully mo."*
Hindi ako nakapagpigil niyakap ko siya nang mahigpit, para bang wala nang bukas sa kagalakang nararamdaman ko.
*"Salamat Charmaine, I love you. Asahan mo ikaw lang ang mamahalin ko mahal na mahal kita."*
*"I love you more Ronniel pero paano ang pamilya ko?"*
*"Huwag kang mag alala magpapakilala ako sa kanila na boyfriend mo, 'di ako papayag na itago ang relasyon na meron tayo. Gusto kitang ipagsigawan sa mundo."*
Niyakap ko siyang muli at naging maayos ang lahat. Natapos ang JS Prom at kami nalang ang magkasama, para akong nasa panaginip at ayaw ko nang magising pa. Hawak ko ang mga kamay niya at ayaw ko nang bitawan pa, hinalikan ko ang mga ito nang paulit ulit nagbabaka-sakaling hindi ito isang kathang isip lamang. Sa huling pagkakataon ay hinagkan ko siyang muli, hinawakan ko ang kaniyang maamong mukha at hinalikan ang matamis niyang mga labi. I gave her my first kiss, ayoko na nang ibang babae pa sa buhay ko. Siya lamang ang gusto kong makasama hanggang pagtanda ko.
Nagdaan ang mga araw at ayos pa rin ang lahat, susunduin ko siya papunta eskwela at katapos ay ihahatid sa bahay nila. Hindi pa rin mawawala ang mga tampuhan pero normal lang 'yon sa isang samahan, araw araw ko pa rin siyang nililigawan at sinasabihang mahal ko siya.
Sabado, araw na nang CAT namin katapos nang mga drills ay nilapitan ako ni Cha, gusto raw akong makilala at makausap ng parents niya. Ako naman kinabahan nang todo, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kapag nandoon na ako pero hindi ko bibiguin ang pangakong binitawan ko para sa babaeng pinakamamahal ko. Buong tapang akong pumunta sa bahay nila, nasa harapan pa lamang ako nang gate nila'y pinagpapawisan na ako nang malamig. Parang gusto kong sabihin na, *"Lupa lamunin mo nalang ako."*
Bago ako pumasok ay bumungad sa akin ang napakalaki nilang aso, galit na galit ang mukha nito sa akin habang ang mga magulang naman niya ay nasa pintuan nang bahay nila nag aabang sa akin.
*"Magandang hapon po tito at tita, mano po."*
Nakangiti naman silang dalawa sa akin, gumaan ang pakiramdam ko at medyo nawala ang tensyon ko. Buong puso nila akong inanyayahan sa loob nang bahay nila.
*"Kumain ka muna sumabay ka na sa amin."*
Hindi ako tumanggi dahil masamang tumanggi sa grasya at baka akalain nila ay magaspang ang ugali ko. Hinainan nila ako nang masasarap na mga putahe. Habang kumakain ay kinausap ako nang Daddy ni Charmaine.
*"Ikaw pala ang kinukwento ni Charmaine na boyfriend niya."*
*"Opo, ako nga po."*
*"Alam mo ba na pinagbawalan muna namin si Charmaine na magboyfriend at pag aaral muna ang atupagin niya."*
*"Opo, alam ko po iyon tito."*
*"Bakit tinuloy mo pa rin ang panliligaw sakaniya kung alam mo naman pala?"*
*"Sir, mahal ko po ang anak niyo. Makasisigurado po kayo na hindi magiging hadlang ang relasyon naming dalawa sa pag aaral niya."*
*"Sige, papayag ako sa relasyon niyo pero may kondisyon."*
*"Ano pong kondisyon?"*
*"Magiging kayo lang hanggang sa makagraduate kayo nang high school, hanggang doon lang. "*
Hindi ako makaimik sa sinabi nang daddy ni Charmaine, para bang nagblangko ang isipan ko at hindi ko na alam ang susunod na sasabihin. Tinignan ko si Charmaine na ngayon ay gulat na gulat at hindi rin makapaniwala sa mga sinabi nang kaniyang ama. Nagsalitang muli ang daddy niya.
*"Ano? Payag ka ba sa kondisyon ko?"*
*"Hindi po ako makapapayag, bakit naman po ganoon 'yong kondisyon?"*
Hindi na muli pang nagsalita ang daddy ni Charmaine mukhang buo na ang desisyon at wala nang saysay pa kahit kumontra kaming dalawa pa. Natapos ang gabi na iyon at umuwi na ako. Gusto kong umiyak, gusto kong ilabas yung nararamdaman ko pero paano? Hanggang doon nalang ba talaga kaming dalawa?
https://youtu.be/_oZy1lf4S9k
***(Click the Youtube playlist above before continuing, thank you.)***
Wala na kaming pareho magawa kaya naman sinulit na naming ang mga panahong magkasama kami. Lahat nang mga masasayang bagay ay ginawa na namin, kada minuto, oras at araw ay magkasama kami. Wala kaming sinasayang na panahon, habang may oras pa sinasabi ko na sakaniyang mahal na mahal ko siya. Alam kong nasasaktan din siya kahit hindi niya ipakita, ramdam ko at ramdam niya na malapit na namin makita ang wakas sa aming dalawa.
Natapos kami nang 3rd Year lumalapit at nauubos ang mga panahong meron kaming dalawa. Gusto ko nang huminto ang oras, bakit ganito mo pa ko tinamaan kupido? Bakit hinayaan mo kong masaktan nang ganito tadhana? Hindi nga ba kami para sa isa't isa?
Pagtungtong namin nang 4th Year ay mas lalo kong pinaramdam sakaniyang mahal ko siya, hinahagkan ko siya na para bang ngayon na ang wakas para sa aming dalawa. Sinasabihan ko siya nang mga masasayang mga bagay at lagi ko siyang hinahalikan.
*"Charmain, Mahal na mahal kita kahit na anong mangyari. Kahit pa na lumayo ka na nang tuluyan sa akin, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko."*
Hinawakan niya ang kamay ko at tinanggal ito sa pagkakayakap.
*"Ronniel, itigil na natin 'to. Lalo lang tayong nasasaktan at patuloy pa tayong masasaktan kapag ipinagpatuloy pa natin 'tong relasyon na meron tayo."*
*"Hindi ba mahal mo naman ako Charmaine? Mahal kita.*" Hindi ko na mapigilan ang mga luha kong tumulo, Oh God sabihin mo naman sa aking panaginip lang 'to.
*"Mahal kita Ronniel pero tadhana na ang nagsasabing hindi talaga tayo para sa isa't isa. Someday, makahahanap ka rin nang babaeng mas better sa akin na mas mamahalin mo at mamahalin ka rin niya nang higit pa sa pagmamahal na binibigay mo."*
*"Cha, 'wag mo naman sabihin sa akin 'yan. Nakikipaghiwalay ka na ba?"*
*"Oo, hanggang dito nalang tayong dalawa. Salamat sa pagmamahal, hinding hindi kita makakalimutan."*
Hinalikan niya ako sa huling pagkakataon, iniwan niya na akong tuluyan. Naiwan akong nakatulala na lamang, hindi ko na kaya 'yong bigat na aking nararamdaman. Unti-unting bumagsak ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Kung nandiyan ka man kupido bawiin mo na ang palasong itinurok mo sa akin. Masyado na kasing masakit, ginawa ko ang lahat pero hindi nga talaga siguro kami para sa isa't isa.
Nakita ko siyang umiiyak habang papalayo sa akin, para akong nagkadementia hindi ko na alam saan ako pupunta. Wala na iyong babaeng dahilan nang sigla kong pumasok sa eskuwela, wala na ang babaeng ihahatid ko sa bahay nila. Natapos na ang pag ibig na sabi ko hanggang sa dulo, wala na si Charmaine na kasama ko dapat sa pagtanda ko.
Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana, may tao talagang darating at aalis din para magsilbing aral sa'yo. Way ito ni God para ihanda ka sa taong itinadhana niya talaga para sa'yo.
*Dito magwawakas ang kwentong pag iibigan ni Ronniel at Charmaine ang dalawang tao na pinagtagpo nang panahon pero hindi itinadhana ng Panginoon.*
Marami pong salamat po sa pagsubaybay sa kwentong ito, nawa'y nagalak ko ang inyong mga puso. Ganoon talaga mga mamsh, may darating at aalis talaga sa buhay natin. Fasten your seat belt at ihanda ang puso natin. Magandang gabi sa lahat.
My Young Love Part I
Sabi nila sa hinaba haba nang prusisyon sa simbahan din ang tuloy, ngunit ang pag iibigan kaya namin ay doon din magwakas o paglaroon kami ng tadhana at dalhin kami sa magkaibang landas? Ito ang storya nila Ronniel at Charmaine, dalawang pusong nag iibigan pero sinubok nang tadhana't pagkakataon.
**Ronniel's POV**
First year high school palang kami nang maging magkaklase kami ni Charmaine, una ko palang siyang nakita ay crush ko na siya. Ewan ko ba naman sa dinami-dami nang babaeng kaklase ko ay sakaniya pa 'ko tinamaan, sino ba namang hindi? Bukod sa maganda na ay matalino pa, magaling sa Math at 2nd Honor pa lagi sa klase.
Hindi ko alam paano ako magpapapansin sakaniya, sakto pa na puro kolokoy ang mga kaibigan ko at pagtritripan lang ako kapag nalaman na may gusto ako. Hindi ko ipagkakatiwala sa kanila ang future ng love life ko, baka maudlot pa ang pagkakataon na ibinigay sakin ni tadhana. Wala na akong ibang maisip na paraan para mapansin ako ni Charmaine at hindi mapansin ng mga kaibigan ko na may gusto ako kay Charmaine.
Dahil uso naman ang pang aasar, doon nalang muna ako magsisimula. Kada araw ay tinatali ko ang straps ng bag ni Charmaine sa upuan, kung hindi naman ay nilalagyan ko nang bato sa loob nito. Tama kayo naging bully ako sa mata ni Charmaine at loko-loko sa mata ng mga kaibigan ko, win-win situation naman para sa akin dahil epektib ang pagpapapansin ko, naaasar nga lang sa akin si Charmaine kaya lagi niya kong iniirapan kapag nakikita niya 'ko pero ngumingiti pa rin naman siya, *"Ang ganda mo talaga kapag ngumingiti ka."* sabi ko sa isip ko
Dumating ang Mahal na Araw, mahabang panahon na walang pasok. Namimiss ko na ang mukha at ngiti mo, ang pang iinis ko sa'yo sa araw-araw kung pwede nga lang walang bakasyon baka mas ginusto ko pang pumasok basta nakikita ka.
*"Ano kayang magandang gawin para makausap ko si Charmaine?"*
Sa tagal kong pag iisip napagdesisyunan ko na hingin ang number ni Charmaine sa mga nakakakilala sakaniya, syempre 'di ko maaasahan ang mga kaibigan ko doon baka ano pa maisip nila kaya naman nagbaka sakali ako na meron number ang kaklase kong babae at sa kabutihang palad naman ay meron siya.
*"Buti nalang, thank you Jane."*
Sa sobrang focus ko pala kay Charmaine ay di ko napansin na may gusto rin sa akin si Jane, inis na inis siya habang ako tuwang tuwa dahil nakuha ko ang number ng crush ko. Pagpasensyahan mo ako Jane ngunit hindi tayo ang itinadhana.
Hindi na ako nagdalawang isip pa sa gagawin ko, tinext kong agad si Charmaine.
*"Hi Charmaine, ako nga pala 'to si Ronniel yung naglalagay nang bato lagi sa bag mo."*
*"Ah yung mayabang na may mahabang buhok, tama ba?"*
*"Aminado akong mahaba ang buhok ko pero hindi ako mayabang."*
*"Wala akong panahon na makipagtext sa'yo, kaya 'wag ka nang magtext sakin."*
Nakaramdam ako nang kirot sa dibdib ko habang binabasa ko ang mga katagang iyon. Gusto ko lang naman makausap ko siya dahil miss ko na siya, hindi man kaya masakit, totoo hindi. Biro lang masakit talaga.
Bumalik na ang klase pero may nagbago sa amin, ayoko na siya ulit bully-hin kaya siguro ayaw niya kong makausap dahil sa mga pinaggagagawa ko. Ngayon gusto ko nalang siyang makitang ngumiti, napakaganda niya kasi kapag nakangiti para akong minamagnet kapag nakikita ko siyang ganoon.
Wala na akong maisip, inamin ko sa mga barkada ko na gusto ko talaga si Charmaine at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para mapansin niya ko.
*"Mga pre, anong gagawin ko? 'Di na ko pinapansin ni Charmaine."*
*"Ganito pre, mag iwan ka nang letter sa desk niya syaka ka gumawa nang bulaklak na gawa sa papel tapos lagyan mo nang pabango pero bago iyan mag FLAMES muna tayo."*
FLAMES ang pinakausong fortune telling dati para malaman kung kayo ba talaga ang itinadhana, maraming naniniwala rito at syempre isa ako doon, sayang baka tumama sa M (Married). Ang mga kaibigan kong kolokoy ang nagFlames ng mga pangalan namin at ako nag aantay lang nang resulta. Bumalik sila sa akin na hindi mawari ang mukha.
*"Pre, F lumabas mukhang wala kang pag-asa."*
Nalungkot ako sa resulta, Friends kasi ang ibig sabihin nang F. Hanggang dito nalang ba talaga kami ni Charmaine? At dahil napagdesisyunan kong hindi maniwala sa flames, ipinush ko pa rin. Tadhana sumang ayon ka sakin ako na ang gagawa manuod ka nalang.
Ipinagpatuloy ko ang advice sakin ng aking mga kaibigan, gumawa ako nang letter at bulaklak at inilagay sa desk niya pagkatapos ay tatakbo sa may canteen nang may halos kilig at tuwa, excited ako sa kung anong magiging reaksyon niya. Ngunit, wala siyang reaksyon sa mga ginawa ko para akong naging invisible sa mga mata niya, mukhang tinalo ko pa si John Cena mag WWW na rin kaya ako.
Habang papadaan siya sa canteen ay hinaragan ko siya pero hindi man lang niya ako inirapan, laging ganun ang pangyayari. Nagmukha akong naghahabol sakaniya, totoo naman pero masakit kasi kahit tignan man lang niya ko ay hindi niya magawa. Ang sakit isipin na iniiwasan ka nang taong gusto mo, wala na nga ata akong pag asa rito mukhang tama ang FLAMES. Titigil na ba ako? Parang mas okay pa yung mga panahong binubully ko siya, at least doon pinapansin niya ko kahit na naiinis siya sa akin hindi gaya nito na para akong hangin sa paningin niya.
Napansin nang mga tropa ko na sobrang lungkot ko, kaya naisipan nila akong tulungan.
"Pre, nasa library si Charmaine tara puntahan natin."
"Huwag na nahihiya ako."
"Tara na."
Sabay-sabay nila akong hinila papunta sa library dahil nahihiya akong humarap kay Charmaine nang mga panahong iyon. Nang nakarating na kami sa library ay pinagalitan kami ng librarian namin na si Ma'am Dipa, ang ingay kasi namin nung pumasok daig pa naman ang nagrarally. Nakita kong nakaupo roon si Charmaine, lumapit ako sakaniya nang akmang kakausapin ko na siya ay tumayo siya at naglakad palabas kasama ang bff niya na si Shiela. Hinarangan naman ng mga tropa ko ang daan palabas para hindi sila makaalis, eto na ang chance ko. Hinawakan ko ang kamay ni Charmaine,
*"Usap naman tayo oh, please?"*
*"Wala akong panahon para makipag usap sayo."* Sabay hila sa kamay niya na hawak ko nang oras na iyon.
*"Kapag ba naipasa ko ang Math, kakausapin mo na ako kahit saglit lang?"* Nang may halong dalangin na sana pumayag siya. Hindi nga pala ako kagalingan sa Math dahil hate ko ang subject na ito at lagi ko itong tinatakbuhan, kaya malaking challenge ito para sa akin.
*"Sige, kakausapin kita kapag pumasa ka sa math."* Sabi niya sa akin bago siya tuluyang umalis sa loob nang library.
Ginanahan akong mag aral nang maayos, dahil sa kagustuhan kong makausap siya ay ginawa ko ang lahat para lamang pumasa ako sa Math kahit saktong pasado ay ayos na. Nagpaturo ako sa mga magagaling sa math, ginawa ko ang lahat. Pati ang nanay ko ay nagugulat sa akin dahil alam niyang hindi ko gusto ang Math. Anong gayuma ang ginawa mo sa akin Charmaine at mahal na ata talaga kita.
Kuhanan na nang grades, ngayon lang ako kinabahan nang ganito. Dati-rati naman ay wala akong pakielam sa kung anong grado ang makuha ko pero ngayon nagbago ang lahat, kinakabahan na ko habang naeexcite sa resultang makikita ko.
Pagtingin ko sa grado ko ay magkahalong tuwa at iyak ang naramdaman ko, hindi lang ako pasado napaangat ko pa nang bahagya ang grades ko. Sa sobrang saya ko ay kumakanta ako habang tumatakbo sinasambit ang mga katagang *"Pasado ako".* Dali-dali akong nagpunta kay Charmaine para maipakita ang grado ko.
*"Charmaine, pasado ako sa Math. Kakausapin mo na ba ako?"*
*"Sige na nga, para matapos na."*
Katapos nang klase ay sinabayan ko siyang maglakad pauwi para na rin masimulan namin ang pag uusap namin. Ilang minuto na ang lumilipas pero wala pa ring mga boses ang lumalabas sa aming mga labi, nahihiya akong magsimula pero kailangan kong magsalita kaya naman gumawa ako nang topic para sa aming dalawa.
*"Kumusta naman pala yung grades mo? Syempre mataas yan, ikaw pa ba?"*
*"Hala, hindi naman. Tama lang."*
*"Sus ikaw pa ba? Nga pala Charmaine, sorry nga pala sa mga nagawa ko sa'yo dati. Galit ka ba sa akin?"*
*"Hindi naman."*
*"O naiinis ka ba sa akin?"*
*"Hindi rin."*
*"Eh ano? Para kaya akong hangin sa'yo kapag dinadaanan mo, masakit kaya."*
*"Bakit naman masakit?"*
*"Kasi noong una okay naman tayong dalawa, kahit binubully kita at inaasar pinapansin mo pa rin ako at nginingitian. Pero ngayon nagbago lahat, hindi mo na ko tinitignan man lang."*
*"Hindi ko rin alam."*
*"Sorry kung niloloko kita dati at nilalagyan ko nang bato yang bag mo or hinihila yung buhok mo sabay inaamoy."*
Ngumiti siya bigla, namiss ko iyon. Natawa siya sa huli kong mga sinabi kaya naman nawala ang tensyon saming dalawa kaya nagpatuloy kami sa kwentuhan namin.
*"Ilan nga pala kayong magkakapatid?"*
*"Lima."*
*"Hala, ang dami niyo pala."*
*"Oo, panganay namin lalaki."*
Napalunok ako sa narinig ko, mukhang babawian ako nang buhay rito. Iniba ko agad ang topic namin bago pa 'ko tuluyang manginig sa takot.
*"Uhm- Charmaine, alam mo ba matagal na talaga kitang gusto, nung una palang na nakita kita, gusto na kita. Kung okay lang sana sayo, Pwede ba akong manligaw?"*
*"Makakapag antay ka ba hanggang sa makagraduate tayo nang 4th year? Gusto kasi ng magulang ko na makatapos muna ako bago ako mag boyfriend. Sorry Ronniel ah?"*
*"Kaya kong mag antay Charmaine, hihintayin kita."*
Alam kong sinabi ko sakaniya na maghihintay ako pero patuloy pa rin akong nanligaw sa buong taon na magkaklase kami, binilhan ko siya nang bear, chocolate, at kung ano ano pa para lamang mapasaya siya.
Isang araw pumasok ako sa eskuwelahan may dalang gitara at syempre 'di mawawala ang mga tropa kong todo suporta sakin, sinimulan ko nang mag strum at nakaready na akong kumanta.
*"Uso pa ba ang harana?,*
*Marahil ikaw ay nagtataka,*
*Sino ba 'tong mukhang gago?,*
*Nagkandarapa sa pagkanta,*
*At nasisintunado sa kaba...*
*Puno ang langit ng bituin,*
*At kay lamig pa ng hangin,*
*Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw,*
*At sa awitin kong ito,*
*Sana'y maibigan mo,*
*Ibubuhos ko ang buong puso ko,*
*Sa isang munting harana para sayo"*
Ako'y patuloy na kumakanta habang ang lahat ay naghihiyawan sa kilig sa aming dalawa, nung mga panahon na iyon naisip ko na sana huminto ang oras at tumagal kami sa ganitong masaya lang ang lahat. Hindi rin naman mawawala ang kasweetan sa amin kapag kaming dalawa lang, holding hands na sana ay wala nang katapusan. Napansin ko na hindi na sila madalas magsama ng bff niya na si Shiela kaya napatanong ako.
*"Bakit di ko na kayong nakikitang dalawa ni Shiela? Samantalang dati lagi kayong magkadikit."*
*"Nagalit sa akin si Shiela, gusto ka kasi niya pero ako yung nililigawan mo."*
Naguilty ako bigla hindi ko naman alam na may ganoon palang ganap, kahit na ganoon ay tuloy pa rin ang panliligaw ko sakaniya. Lagi ko siyang hinahatid sa harap nang bahay nila hanggang doon lang muna, natatakot kasi ako sa kuya niya brusko at matangkad pa 5'5'' ako pero 5'8'' siya. May isang beses na nakita niya akong hinatid si Charmaine sa may gate nila, kumaripas naman ako nang takbo sa sobrang takot ko.
Third Year na kami at nagkaroon nang JS Prom sa school namin, syempre ang una kong gustong isayaw si Charmaine pero nagalit ako dahil iba ang naging escort niya. Nasa sulok ako nakikita ko siyang sumasayaw kasama ang ibang lalaki, inis na inis ako pero wala akong magawa habang itong mga kumag kong kaibigan ay patuloy ang pang aasar sa akin.
*"Pre, paano ba yan iba ang kasayaw ni Charmaine. Mukhang mababasted ka na."*
Hinayaan ko silang katyawan ako pero hindi ko tatanggalin ang mata ko sa kamay ng lalaking may hawak sa minamahal ko. Patuloy pa rin sila at mukhang hindi magpapatinag.
*"Tignan mo si Charmaine, enjoy na enjoy sa pagsasayaw sa iba."*
Demonyo talaga 'tong mga kaibigan ko ang lakas kung mang alaska, nakikita na ngang nanggagalaiti ang tao ay dumagdag pa sila. Dala nang selos ko ay hindi rin ako nagpatinag sa kanila, hinanap ko ang bff niyang si Shiela para yayain sumayaw sa harap.
*"Hi Shiela, pwede ba kitang mayayang sumayaw?"*
Inabot naman ni Shiela agad ang kamay niya sa akin at nagsimula na kaming sumayaw.
*"Hindi kaya magalit si Charmaine sakin? Tignan mo ang sama ng tingin niya sa atin."* Bulong niya sa akin.
*"Hindi 'yan, may kasayaw naman siya."* Sumbat ko.
*"Ronniel, masaya ako para sa inyong dalawa ni Charmaine."*
*"Bakit naman?"*
*"Alam mo bang matagal ka na ring gusto ni Charmaine kaso hindi niya magawang umamin kasi alam niyang may gusto ako sa'yo kaya umiiwas nalang siya."*
*"Talaga ba? Si Charmaine magkakagusto sa akin eh panay ang pambubully ko sakaniya."*
*"Oo naman bakit hindi."*
Naguilty ako sa mga narinig ko, alam ko namang may gusto sa akin si Shiela pero ginamit ko pa rin siya para pagselosin si Charmaine. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nagsorry ako sakaniya.
*"Shiela sorry ah kung nasaktan man kita."*
*"Its okay tapos naman na iyon."*
Tumigil na kaming dalawa sa pagsasayaw at hinanap agad nang mga mata ko si Charmaine pero hindi ko siya mahagilap, ang kaninang kasayaw niya ay nakaupo na ngayon sa silya niya at si Charmaine naman wala sa pwesto niya. Kaya naman hinanap ko si Charmaine at may nakapagsabi sa akin na pumunta ito sa rest room kaya agad ko siyang pinuntahan.
Ipagpapatuloy ko ang kaganapan dito sa susunod na mga kabanata, stay tuned. Comment down below kung gusto niyong malaman ang mga susunod na pangyayari, aantayin ko ang inyong mga kumento. Maraming salamat sa pagbabasa hanggang sa dulo, nawa'y 'wag kayong magsawang samahan ako hanggang sa wakas. Enjoy.
Awakening
**Ito ang story tungkol sa kung paano nagsimula magbukas ang third eye ng bunso kong kapatid.**
Nasa elementarya pa lamang siya nang magsimula ito. Mayroon kasi kaming duyan noon na nakatali sa loob nang bahay, kasya rito ang 3 katao kaya naman doon napagdesisyunan nang aking nakakabatang kapatid, pinsan at isa nilang kasama na maglaro. Sobrang lakas nang paghampas nang duyan at ang kanilang mga hiyawan rinig na rinig ito sa labas kung saan kami nakatambay at nagkwekwentuhan nang iba pang tao sa bahay. Inis na inis si kuya na dumadaan sa kanila dahil sa taglay nilang kaingayan kaya naman nasambit nito ang mga salitang bumago sa buhay nila.
*"Ang ingay niyo, tumigil kayo sa paglalaro. Mamaya may magpapakita na sa inyo para makipaglaro."* Sabi ni kuya sa kanila nang may halong inis.
Nagpatuloy pa rin sila sa paglalaro at hindi pinansin ang mga katagang sinabi ni kuya. Mas lalo pa silang nag ingay sa loob kaya hinayaan na lamang namin sila at walang ano ano ay bigla nalang silang kumakaripas nang takbo sa labas nang bahay habang patuloy na nag iiyakan.
*"Napano kayo? Bakit kayo tumatakbo?"* Sambit ko.
*"May nakita kami babae sa loob nang bintana nakadungaw samin, sira yung kalahati niyang mukha galit na galit samin yung mata niya tapos bigla kaming may nakita dalawang bata, isang babae at isang lalaki kasama nila yung nanay nila may kargang baby. Palapit sila samin sinasabi nila gusto nilang makipaglaro."* Habang umiiyak at takot na takot.
*"Ayan sabi ko na kasi sainyo 'wag kayong maingay, nagagambala niyo sila. Oh ano? gusto niyo pang mag ingay?"* Sabi naman ni kuya.
*"Huwag muna kayong pumasok, tumahimik kasi kayo. Ang ingay ingay niyo rinig na rinig kayo hanggang sa labas."*
Dahil sa sobrang takot nila ay hindi muna sila pumasok sa loob nang bahay at hinintay nila kaming magsipasok. Pagsapit naman nang gabi ay busy ang lahat na nanunuod nang mga paborito nilang pelikula sa TV, panahon pa iyon ng Dyesebel, darna, zaido at iba pang palabas. Lumabas ang kapatid ko at pumunta sa kabilang bahay, wala pang ilang minuto ay bumalik siya sa loob nang bahay na umiiyak hindi ko siya mapatahan kaya tinanong ko siya kung ano ang nangyari.
"Napano ka nanaman?"
*"Ate pumunta ako kila lola, nakita ko si bapang lotlong nasa may labas may kinukuha sa loob nang ref. Nakatalikod siya tinatawag ko siya pero 'di siya sumasagot, nakita ko siyang pumunta sa side nang bahay kaya hinayaan ko na tapos pumasok na ko sa loob nang bahay nila lola pero nakita ko siyang nakaupo doon sa loob nanunuod nang TV. Sa sobrang taka ko tinanong ko siya sabi ko "Bap lumabas ka ba kanina?" sagot niya hindi raw, kanina pa raw siya nakaupo doon."* Habang nanginginig ang boses.
Ayokong maniwala sakaniya dahil wala naman akong nakita kaya naman niyaya ko siyang bumalik doon para tanungin ulit.
*"Halika balik tayo doon, tanungin mo ulit baka kung ano na nakita mo."*
Bakas sa mukha niya ang takot dahil nagsisimula pa lamang gumana ang kaniyang third eye. Todo naman ang hawak niya sa kamay ko habang umiiyak. Bumalik kami doon at muling tinanong.
*"Bap lumabas ka ba kanina para kumuha nang kung ano sa ref?"*
*"Hindi, kanina pa ko nakaupo rito nanunuod ako."*
Bigla naman nagsalita ang pinsan kong babae at sinabing,
*"Hindi naman siya lumabas dito magmula kanina, nanunuod lang kami rito. Ano ba ang nangyari?"*
Kaya naman nagsimulang magpaliwanag ang kapatid ko tungkol sa kung ano ang nakita niya kanina bago siya pumasok doon.
*"Papunta kasi ako rito tapos nakita ko si bapang lotlong nakatayo sa ref may kinukuha siya sa loob, tinatawag ko naman siya pero ayaw niyang magsalita o lumingon tapos bigla siyang umalis pumunta sa gilid. Pagpasok ko rito sa loob nakita ko siyang nakaupo kaya nagtanong ako kung lumabas ba siya. Kung 'di siya yun ano nakita ko?"*
*"Nakita mo yung dopple ganger ni bapang lotlong."* Sabi nang pinsan kong babae.
Takot na takot na ang kapatid ko sa kung ano pa ang susunod niyang makita dahil halos nang kung ano sa bahay ay nagpakita na sakaniya. Gaya ni kuya ay malakas din ang kakayahan ng bunso kong kapatid. Magmula noon 'di na siya lumalabas nang bahay pagsumasapit ang gabi kung wala siyang kasama at madalas siyang magpasama sa CR dahil sa madilim ang daan sa labas at doon din nakapwesto ang pamilyang una niyang nakita.
Marami pang kwentong kababalaghan ang bunso kong kapatid at active pa rin ang kaniyang third eye sa tutuusin nung ginagawa ko ang article ko na "Possessed" ay kasama ko siya sa loob nang kwarto at nakikibasa siya sa ginagawa ko, nasabi niya lang sa akin kinagabihan na habang nagsusulat daw ako ay may nakadungaw samin at nanunuod. Saktong sinabi niya yun ay balak kong maligo magaling ka kapatid!
Marami pong salamat sa pagbabasa.
Already posted 2 articles, thank you for all the readers. Mag iisip na po akong bagong isusulat ❤🤗
Possessed Part II: The demon in her
**Lumipas ang mga taon ilan pang mga kaguluhan ang naganap sa bahay na iyon. Hindi pa rin matigil ang mga kaluluwang naninirahan doon, sila'y mababait ngunit kapag ginambala'y nananakit. Naikwento ko na unang pangyayari na gumuhit sa aming isipan at 'di kalaunay ito ay lalo pang nadagdagan.**
May birthday na nagaganap nang araw na iyon, nagkakasiyahan ang lahat, kabilaang ingay, kantahan at inuman ang iyong masusulyapan. Mayroon pa kaming bakuran nang mga panahong iyon, doon idinala ang ibang mga bisita sapagkat puno na ang mga tao sa loob, mayroon namang ilaw na nagsisilbing liwanag sa oras na sumapit ang gabi, nandoon din nakapwesto ang dati naming kusina kaya naman mas madaling magdala nang makakain sa mga bibisita.
Nasa bakuran kami kasama ko ang aking buong pamilya, pare-pareho silang nagsasaya at nag iinuman habang kami ay nakikinig lamang at kumakain nang mga handa. Nilapitan ko si mama at papa na nasa gilid nagkwekwentuhan sumunod naman sila ate na nakisali rin sa kulitan, naupo kami sa katawan ng puno na bumagsak kasama sila mama, ate, kuya at bunso kong kapatid nang biglang batuhin ni mama si papa nang baso dahil kasalukuyan na silang nagtatalo at nakainom na rin si mama. Nabigla kami sa pangyayari kaya naman ay dinamayan namin si mama dahil sa umiiyak na ito, habang si kuya naman ay hindi mapakali sa nakikita niyang paniki na paligid ligid sa amin.
*"Ate, tignan mo yung paniki kanina pa siya paikot ikot dito, mukhang 'di to ordinaryong paniki lang. Bantayan niyo si mama, hindi ko tatanggalan nang tingin 'to."* Sabi ni kuya habang nakatingin sa paniking kasalukuyang umaaligid.
Wala akong magawa kaya tinawag ko si papa,
*"Pa, si mama umiiyak dito. Tulungan mo kami."*
*"Ayos lang yan titigil din siya, nakainom lang."* Sambit niya sa akin.
Patuloy pa rin sa pag iyak si mama at si kuya naman ay patuloy pa rin sa pagmamasid nang bigla ang kanina'y iyak napalitan ng nakakatakot na tawa. Hindi na mapakali si kuya nawala rin sa paningin niya ang kaninang paniki na paligid ligid lang at si mama naman ay nagsimulang magwala at tumawa nang tumawa. Hindi na tama ang nangyayari may mali na. Nagsigawan na ang lahat at nagkagulo na, hinawakan nila si mama dahil kumakawala na ito at nagwawala ngunit hindi nila siya kaya hinahagis lamang sila.
Wala akong magawa kundi tumawag nang tutulong sa amin dahil sa taranta ko'y pati ang lasing ay natawag ko na rin, wala na 'kong pakielam kailangan 'kong matulungan si mama hinila ko na ang lahat nang lalaki na nasa loob nang bahay pero pinagalitan ako at sinabing ang mga nasa tamang katinuan lamang ang tawagin dahil baka mas lumaki ang problema kung isasama pati ang mga lasing na. Ang kaninang kasiyahan ay napalitan ng takot, hindi na bago sa amin ang mga ganitong pangyayari ngunit si mama ang kasunod na biktima kaya nababahala na ko.
Mabilisang nagsipunta ang mga kalalakihan na nasa matino pang kaisipan, nawala ang lasing nila dahil sa mga pangyayari. Sama-sama nilang hinawakan si mama para ipasok sa loob nang bahay pero sobrang lakas niya kaya halos mahigit sa sampong katao ang kailangan humawak sakaniya para lamang maipasok siya. Kami ng bunso kong kapatid kasama ang mga batang nasa bahay ay ipinapasok muna sa loob nang bahay ni lola, doon kami pinatulog at pinaghintay para matapos ang mga kaganapan.
Nasa loob kami nang bahay pero rinig na rinig namin ang nakakatakot na tawa ni mama na umaalingasaw mula sa kabilang bahay, ang lakas ng elementong pumasok sakaniya. Kada oras ay lumalabas ako sa terrace para makasagap nang mga impormasyon, kasalukuyan pa rin nilang pinapalabas ang kung ano mang nasa loob ni mama. Sumisilip ako sa bahay kung nasaan si mama kapag sinasabi nila na bumalik na si mama sa ulirat at patuloy itong nagkwekwento, siguro'y napagod na ang elementong sumanib sakaniya. Narinig ko ang kwento ni mama habang siya ay nakadapa sa sahig, ito ang mga sinabi niya.
*"May nakita akong payat na lalaking maitim sa likod ni papa niyo kanina papalapit sakin kaya sa sobrang takot ko ibinato ko yung baso na hawak ko sakaniya. Sa pagkakaalam ko nakaupo tayo sa puno tapos biglang dumilim yung paligid ko, nakita ko sila sa likod sobrang dami nila nakatira sila sa mga puno nang mangga. Nandoon lahat sila, niyayaya nila akong sumama sakanila, doon na raw ako manirahan kasama sila. Gusto raw ako ng pinakamalakas sakanila kaya niya ko dinala doon, gusto niya kong maging asawa."*
Hindi ko na tinapos pa ang mga ikinukwento niya bumalik ako agad sa bahay ni lola dahil may nagsasabi sa utak ko na hindi pa tapos ang nangyayari. Hindi nga ako nagkamali, kabalik ko sa bahay ni lola ay siya namang pagsisimula ni mama ulit magwala. Sa pangalawang beses ay mas lalo siyang lumakas kaya mas kinailangan nila nang mga tutulong sa kanila. Nandoon lamang ako sa terrace nag aantay nang biglang lumabas ang pinsan kong lalaki at sinabing,
*"Car, pumunta ka doon sa loob. Tinatawag ka ni mama mo, baka ikaw na yung makakapagpatanggal nung sumanib sakaniya."*
Imbis na matuwa at mas lalo akong pinasukan nang takot sa loob ko kaya sinabi kong sakaniya na,
*"Ayoko, hindi naman si mama yung tumatawag sakin. Bakit naman ako tatawagin ni mama kung may sanib siya."* Sabay pasok ko sa loob nang bahay dahil sa takot na namuo sa akin, tawagin niyo na akong duwag o walang pakielam pero hindi ako hahayaan ni mama na mapahamak, mas lalo pang tawagin ang ngalan ko kung nandoon naman ang dalawa kong nakakatandang kapatid.
Pagpasok ko sa loob ay sinabi ko kay lola ang sinabi ng pinsan ko, natuwa naman siya sa ginawa ko at sinabing,
*"Tama na hindi ka pumunta doon dahil hindi naman si mama mo yun. Mas mahina ka kaya ikaw ang hinahanap niya, baka balak niyang sayo lumipat dahil mas madali kang makuha."*
Hindi ulit ako nagkamali sa desisyon ko, may bagay talagang pumipigil sakin para pumunta doon at tugunan ang hinihiling ni mama na makita ako. Ilang oras pa at hindi pa rin sila tapos paalisin kung ano man ang nasa loob ni mama. Dinalaw naman ako nang antok kaya naman napagdesisyunan naming matulog na, binantayan kami nang nakatatanda naming pinsan.
Kinabukasan kagising ko ay dali-dali akong nagpunta sa bahay dahil alam ko naman na tapos na ang lahat at gusto ko ring malaman kung ayos lang si mama, pagpasok ko ay tulog na ang lahat. Si papa ay yakap si mama sa pagtulog habang sila ate naman ay nasa lapag natutulog dulot na rin siguro nang pagod sa buong gabi na pag-alalay kay mama. Tumabi ako kila ate at natulog ulit, pagmulat nang mata ko ay siya namang pagsalubong nang mukha ni mama sakin. Tinitignan niya ko habang natutulog, nasa harap nang mukha ko ang mukha niya. Medyo natakot ako pero naglakas loob pa rin akong kausapin si mama.
*"Ma, okay ka lang? Anong nangyari kagabi?"*
*"Oo naman, hindi ko alam anong meron kagabi."* Habang nakaupo sa harap nang salamin at nagpupulbos, mugto ang mata niya at bakas sa mukha niya na alam niya kung ano ang mga nangyari pero pinili na lamang niyang kalimutan ang mga ito.
Hindi ko na inopen pa ang pangyayari o nagtanong man sakaniya dahil hindi ito magandang karanasan sa tutuusin at ayoko nang dumagdag pa. Pinagmamasdan ko si mama at nasabi sa isip ko na, thank you po at okay na.
Matapos ang mga pangyayari ay napagkwentuhan nila ate, ang mga saksi sa kaganapan kung ano ang mga naganap nang gabing iyon. Nasabi nila na demonyo ang sumanib kay mama at gusto niyang mapangasawa si mama. Naattract ito sa mahaba at itim na itim na buhok ni mama, nahuhumaling kasi sila sa ganitong mga bagay. Hindi pa rin naman siya umaalis sa bahay na iyon at umaaligid pa rin siya, kumukuha nang tiyempo.
Marami pong salamat sa pagbabasa, nawa'y natuwa kayo sa kwento ko.
Possessed
We we're at the young age when this incident happened. Ang harap ng bahay namin ay napapaligiran nang halaman dahil mahilig magtanim ang grandparents ko. May isang halamang bulaklakin doon na laging pinupuntahan ng mga hummingbirds, lagi mo silang nakikitang nagliliparan sa paligid na yun. Noong una ayos lang dahil wala naman nangyayari at maganda naman kasi yung halaman not until nagkaroon nang ganitong incident.
May isang matanda na dumating sa bahay at napansin ang mga hummingbirds na paligid sa halaman na nakatanim doon kaya naman sinabihan niya si lola na tanggalin ang halaman na iyon dahil may dala itong malas. At dumating nga ang kinatatakutan namin.
Isang hapon habang kami ay naglalaro kasama ko ang pinsan kong babae, maliit niyang kapatid at ang bunso kong kapatid, bigla nalang kaming nakarinig nang ingay na sumisigaw at nagwawala. Nakita namin na tumatakbo papunta samin si mama hindi magkaugaga sa kung ano ang dapat niyang gawin habang ang boses ng babae ay patuloy naming naririnig sumisigaw ito nang
*"Huwag niyo na silang itago alam ko kung nasaan sila."* Sabay ang pag-alingasaw nang malalakas na tawang nagmumula sa loob nang kwarto kung saan nagkukumpulan ang lahat ng tao sa bahay.
Dinala kami ni mama sa loob nang isang bahay, dalawang kwarto ang layo sa kinaroroonan ng sumisigaw. Doon sama-sama kaming mga bata at pinagbawalan na lumabas kahit na anong mangyari, binigyan niya kami nang mga laruan na pwede naming paglibangan. Ngunit sa sobrang takot naming lahat dahil sa kawalang ideya sa mga nangyayari ay nagkumpol kami sa gilid nang kama habang takot na nakikinig sa mga hiyaw at tawa na naririnig namin sa kabila.
Lumipas ang ilang oras ay patuloy pa rin ang ingay at kaguluhan na nangyayari, hindi kami mapakali, hindi namin maisipang gumalaw. Ilang sandali pa ay nakita ulit namin si mama na tumatakbo sa amin, hindi maipinta ang kaniyang mukha, takot at pag aalala ang aking nakikita at nababasa. Inayos niya kaming lahat at hinila sinabihang huwag bitawan ang kamay nang isa't isa.
*"Tumayo kayo diyan lalabas tayo, doon kayo sa may labas maghintay. Alam niyang nandito kayo, pupuntahan niya kayo kapag 'di kayo lumabas nang bahay."*
Sobrang takot naming lahat sa sinabi niya hindi namin alam kung bakit kami ang puntirya niya at ano bang kasalanan nagawa namin sakaniya. Rinig na rinig namin ang pagkalas niya sa mga taong may hawak sakaniya habang malakas na tumatawa at sinasabing,
*"Alam ko nasaan kayo, 'wag na kayong magtago mahahanap ko kayo!"*
Mabilis kaming umalis sa loob nang bahay kasama si mama na todo ingat sa aming apat habang iniisip saan kami iiwan nang walang nangyayari sa amin. Nang makahanap na kami nang pwesto na pagtatambayan namin ay umalis si mama at bumili sa tindihan, dumating siyang may dala-dalang isang balot ng chichirya at maiinom at sinabihan niya kaming huwag pumunta kung saan saan, magstay lang kami sa lugar na iyon at babalikan niya kaming agad.
Naiwan kami sa labas na walang kasiguraduhan kung kailan ito matatapos. Pare-pareho kaming nakaupo doon habang kinakain ang chichirya na ibinigay ni mama, pinagkukwentuhan kung ano bang pangyayari sa loob at inaalagaan ang mga nakababata pa naming kapatid. Bago magdilim ay binalikan kami ni mama sinasabi ang magandang balita na ayos ang lahat sa loob at maaari na kaming bumalik doon ngunit 'di pa rin mawawala ang takot na nakapinta sa aming mga mukha. Kahit na kami'y nasa batang kaisipan ay alam namin ang mga kababalaghan na nagaganap sa bahay na iyon dahil pinalaki kami ni papa sa mga kwentong katatakutan niya.
Kalaunay nalaman namin ang hinihinging kapalit nito-- dugo. Kaya naman ay nag-alay sila nang dugo ng manok at ipinatulo sa labas nang bahay kung nasaan ang nabanggit kong halaman. Ilang araw matapos yun ay ipinatanggal nang tuluyan ni lola ang halaman na iyon dahil naniwala na siya sa sinabi ng matanda na may dalang malas ang halaman na iyon. Ngunit hindi pala dugo ng manok ang kaniyang nais, naging klaro ang lahat sa amin. Ilang buwan matapos ang insidente ay nagkasakit ang aming lolo, umiihi ito nang dugo, napakaraming dugo. Wala na itong lunas, masyado na itong malala kaya naman ilang buwan lamang ang lumipas ay binawian ng buhay ang aming lolo.
Hindi pa rin maitatago ang takot na idinulot sa amin nang pangyayari na iyon at nadagdagan pa ang mga ito nang mga susunod pang mga taon.
Marami pong salamat sa pagbabasa, sana natuwa kayo sa sinulat ko.
2 weeks of dreaming
Hello there again read.cash users, the story that I am about to share to all of you is about my grandma. This happened way back 2015.
Bigla kaming nakatanggap nang tawag mula sa bahay at sinasabing umuwi kami sa bahay matanda dahil nais ng aming lola na makita lahat ng kanyang mga apo at anak kaya dali-dali kaming naggayak at nagbiyahe papunta sa bahay na may agam-agam sa damdamin at kaisipan.
Alam naman namin na may katandaan na ang aming lola at may mga iniinda na rin itong mga karamdaman ngunit hindi iyon dahilan para masabing siya ay mamamaalam. Nakarating kami sa bahay at nandoon nakapulong na ang aming mga pinsan tinatanong kung ano ang meron. Pinalapit niya kaming lahat at nagsimula siyang magsabi nang kung ano ano na animo'y walang katapusan ang nais niyang sabihin, gumaan naman ang aming loob dahil mabuti naman at ayos lamang siya.
Nagdaan ang ilang araw pero may maling nangyayari na kinabahala naming lahat simula noon ay hindi maaaring walang matirang nagbabantay sakanya kaya nagsasalitan kami kapag kami ay umuuwi galing sa eskuwelahan.
Nagsimula ang mga pangyayari nang madalas niya kaming pagsabihang tanggalin ang mga damo at bulaklak na tumutubo-- tumutubo sa loob ng bahay, sa gilid ng kaniyang higaan.
*"Bakit hindi niyo bunutin 'tong mga damo at bulaklak, napakadami. Hindi ako makatulog dahil sakanila." Sabi niya*.
Ngunit paano namin bubunutin o tatanggalin ang mga bagay na kami mismo'y hindi namin makita, wala kaming magawa kaya naman tinanong namin,
*"Nasan ba lola yung mga damo at bulaklak?"*
Isa-isa niyang itinuro kung nasaan ang mga ito nang hindi na nagtatanong kung bakit hindi namin nakikita kung ano ang nakikita niya.
Buong akala namin ay damo at bulaklak lamang ang kaniyang nakikita, ngunit kinagugulat namin ang mga araw na nagdadaan dahil kada araw ay mayroon siyang bagong mga pasa. Napatanong na kami kung ano ang meron kung bakit may mga pasa siya,
"*Lola, saan mo nakukuha tong mga pasa mo? Bakit andami?*"
"*Iniiwasan ko kasi yung mga butas andami nila baka mahulog ako kaya 'di ko namamalayan natatama ako sa pader at gamit.*"
Ikinagulat naming lahat iyon kaya lagi na siyang may bantay kada oras, pero isang araw nagulat kaming lahat dahil nagsisisigaw na ang bunso kong kapatid katapos niyang pumasok para icheck ang aming lola, agaran naman kaming nagsipunta para malaman kung ano ang nangyayari.
"*Buti nalang pumasok ako rito kundi baka tumama na yung ulo ni lola sa semento.*" Sabi nang bunso kong kapatid.
"*Bakit ano bang nangyari dito bakit ang laki ng pasa ni lola sa noo?*"
"*Nakita ko siyang nakatayo sa kama niya patalon na at mukhang iniiwasan nanamang niya yung nakikita niyang mga butas baka mahulog daw siya kaya tumakbo ako at buti nasalo ko siya bago pa siya tuluyan bumagsak.*"
Sobra na kaming nababahala, ilang beses namin sinasabi sakanya na hindi totoo ang mga nakikita niya at wala talagang mga butas pero halos isang linggo na ngunit makikita mo pa rin siyang umiiwas sa mga aniya'y butas kahit na ipakita na ng aming pinsan na wala talagang butas sa pamamagitan nang pagtayo at talon sa puwestong kaniyang tinuturo ay wala pa rin itong epekto. Kaya lagi na naming sinasabi kung may tatamaan na siyang bagay o pader.
Isa pang bagay na lagi niyang kinukwento nung mga araw na iyon ay ang mga nakikita niyang sundalo na dumadalaw at nagdadala sakaniya nang pagkain. Hindi ko pa pala nasasabi sainyo, dating maisan at tapunan nang patay ang kinatitirikan ng aming bahay noong panahon ng mga kastila. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit ganoon nalang kadami ang mga kababalaghan na nangyayari sa bahay na iyon.
Isang araw sinabi niya samin na mayroon tatlong sundalong kastila ang dumalaw sakaniya habang siya ay natutulog, may dala ang mga ito na pagkain at nakipagkwentuhan pa ang mga ito sakaniya. Wala kaming maisumbat dahil sa una wala kaming ideya sa mga nangyayari at pangalawa'y siya lamang ang nakakakita nang mga ito. Kaya nakikinig lamang kami sa bawat kwento niya at sinasabi sakaniyang huwag kainin ang kung anong bagay na ibigay ng mga ito.
2 linggo naming naranasan ang mga bagay na ito at sa dalawang linggong iyon ay lagi niya kaming ipinapatawag.
Isang araw nagising siya at sinabi sa amin na napakatagal daw niyang natulog at nagtataka kung bakit napakarami naming nagbabantay sakaniya na siya namang ikinataka namin kaya nagsimula kaming nagkwento tungkol sa lahat nang nangyari sa loob ng 2 linggo.
Bakas sa mukha niya ang pagkalito at hindi paniniwala na may ganoon palang nangyayari ngunit sa buong akala niya ay matagal lamang ang kaniyang pagkakatulog.
"*Akala ko natutulog lang ako nang napakahaba, akala ko panaginip lang yung mga bulaklak, damo at kung ano ano.*"
Wala na kaming alam sabihin pero buti na lamang ay hindi na ulit mangyayari ang mga iyon. Pero ilang buwan lamang katapos nang mga pangyayari ay namaalam nang tuluyan ang aming lola. Hindi niya naabutan ang birthday na ilang buwan na niyang pinag iipunan at pinaghahandaan, syaka lang namin naintindihan na kung bakit nangyari ang lahat nang iyon. Nang dahil sa dalawang linggong iyon at nakapagbonding kami kahit na maraming problema ang dumating.
Sa lahat nang nagbabasa nito, habang may oras pa sabihin na nating mahal natin sila dahil hindi natin kailanman malalaman kung kailan sila babawiin ng maykapal. Maraming maraming salamat sa pagbabasa ng aking storya, sana'y nagustuhan niyo ito.
Hello guys, nagkakagulo sila sa noise kaya iisip muna ako anong ipopost ko rito. Happy Valentines Day to all of you💗
Sabay...
Nautusan ang kuya ko ni mama na bumili dahil siya lamang ang marunong magmaneho ng tricycle saming lahat at sakto naman na nandoon ang pinsan kong babae at kaibigan niya kaya sumama sila sakanya para joy ride raw sabi nila.
Mababaw pa ang gabi nang tunguhin nila ang masukal na daan na animo'y hunted na kung iyong titignan-- walang katao-tao o sasakyan man na dumadaan, halos wala kang makita kundi puno lamang.
Mayroon daw naramdaman si kuya habang tinutungo nila ang daan na yun, malamig na hangin na tumatama kasabay pa ang mga mata't anino na tumatakbo na sumasagi sa paningin niya kaya naman ay binigyan niya ng babala ang kaibigan ng pinsan ko na nakaupo sa loob ng sidecar ng tricycle;
Kuya ko: Keng, 'wag kang lilingon mamaya sa side mo kapag pabalik na tayo rito may sasabay satin. Syaka 'wag kayong masyadong maingay.
Matapos nilang mabili at makuha ang kailangan nila ay dali-dali na silang bumalik sa daan para makauwi na dahil 10PM na nung matapos sila sa pamimili.
Habang sinusuyod nila ang mahabang daan ay may kakaibang nangyari sa kanilang paglalakbay na nagdulot ng takot at taranta sa kanilang lahat. Dahil sa kaingayan ng pinsan ko at kaibigan niya ay 'di nila napansin na may nangyayari na pala kaya nagsalita ang kuya ko para pigilan sila sa ginagawa nila;
Kuya ko: Teph, manahimik muna kayo pansinin niyo tong mangyayari kalagpas natin sa posteng yun (sabay naman bumagal ang takbo ng tricycle at pagpatay sindi ng headlight)
Teph (Pinsan): Boy, wag ka naman manakot ng ganyan ang dilim dito oh, walang dumadaan na sasakyan.
Kuya ko: Hindi ko nga kayo tinatakot, teka bibitawan ko ang manubela tignan niyo ang mangyayari.
Kabitaw ng kuya ko sa manubela ay siya namang paghinto ng tricycle at walang tigil na nagpatay sindi ang headlight. Nagsigawan ang pinsan ko at ang kaibigan niya dahil 'di nila alam ang gagawin nila sakto naman na walang dumadaan na sasakyan para makapagbigay ng liwanag sa kanila kundi ang sinag lamang ng buwan.
Dali-dali naman lumingon ang kuya ko sa side ng sidecar dahil nga sa babalang sinabi niya kanina ngunit wala siyang nakita na ipinagtaka niya kaya lumingon lingon siya sa paligid. Paglingon niya sa likod ng pinsan ko'y siya naman pagbungad ng isang babae na nakaputi at nakatingin sa kaniya na animo'y may sinasabi sa mga mata niya, namumula ang mata nito at nanlilisik kaya natakot ang kuya ko.
Kuya ko: Teph, 'wag kang lilingon sa likuran mo. Ganiyan lamang kayo.
Umandar nang muli ang tricycle, bumalik na ito sa ayos. Kaya naman agad silang umalis sa daan na 'iyon.
Kuya ko: Sabi ko naman sainyo 'wag kayong maingay dahil may sasabay satin. Sumabay siya sa puwesto kung saan may dalawang mag asawang naaksidente at namatay. Sa susunod makinig na kayo.
Nang makauwi sila sa bahay ay ikwinento nila agad ang karanasang sinapit nila pare-pareho. Natakot na silang sumama ulit kapag gabi na kaya naman madalas ay mag isa nang naglalakbay ang kuya ko.
Maraming salamat sa pagbabasa. Ikaw anong kwentong daan mo?

Mamaya or sa friday nalang po ako magpupublish ng new stories medyo busy pa sa mga araw na ito. Iisipin ko muna po yung nakakatakot na story na nangyari samin. Thank you po.
Panaginip...
Gaano ka ba kadalas managinip? Hindi kasama ang pagde-daydream mo sa umaga. Naexperience mo na bang mahulog sa panaginip mo ng walang katapusan at magigising ka na lamang bigla dahil sa pagkakahulog mo? O 'di naman ay managinip ng mga ahas na may iba't ibang pag uugali may mga kahulugan ang mga ito at hindi natin alam kailan magaganap ang mga iminumungkahi ng mga ito.
Nabanggit ko sa latest post ko ang kakayahan na mayroon ang bawat miyembro ng aking pamilya at isa doon ang nakababata kong kapatid. Madami siyang kwento na tungkol sa mga panaginip na karamihan ay bangungot, ngunit nitong mga nagdaang araw ay may nagbago sa mga panaginip niya na hindi niya mawari kung ano ang dahilan.
Una niyang nabanggit ang panaginip niya tungkol sa yumao naming mga lola, nasambit niya na masaya at buhay na buhay sila sa panaginip niyang 'iyon ngunit may isang kabaong silang pinaglalamayan at binabantayan ang buong akala niya ay nagpaparamdam lamang ang mga ito dahil malapit na ang kanilang mga kaarawan ngunit nagulantang ako sa kasunod niyang ikwinento.
Kasunod niyang ikwinento ang panaginip niya isang araw matapos ang pagpapakita ng aming mga lola tungkol sa pagkatanggal ng isa sa kaniyang mga ngipin na siyang ikinagulat at ikinabahala ko kaya dali-dali kong nabanggit ang mga katagang,"masakit ba nung natanggal yung ngipin?" na kaniya naman ikinataka kaya niya natanong kung bakit gusto ko itong malaman. In-explain niya ang buong pangyayari, "Yung panaginip ko kasi masakit daw ngipin ko tapos trinatry ko siya hawakan kaso sobrang sakit kaya tinigilan ko tapos after noon kusa siyang natanggal" alam kong may mali at may kutob akong may mangyayari kaya natanong niya ko ulit kung bakit? Ang tugon ko ay, "Kapag kasi masakit yung pagkakatanggal ng ngipin malapit sayo yung mamamatay at kung hindi naman malayong kamag-anak" Mas lalo akong kinabahan dahil hindi niya alam ang ibig sabihin nang mga panaginip at hindi niya naikagat 'ito katapos niyang magising.
Nagulat siya sa sinabi ko at naintindihan kung bakit nagpakita ang mga yumao naming mga lola, ngunit sino? Natulog kami ng gabi rin na iyon at sinawalang bahala na lamang ito at ipinagdasal na sana mali ang aming nasa isip, ngunit hindi.
Feb. 03, 2021 Wednesday at 4:30am tumawag si mama para ibalita samin na namatay na ang malapit naming tito na siyang ikinagulat naming lahat pero huli na para agapan pa, kinuha na siya. Kasama na siya ng kaniyang ama't ina, wala kaming ibang nasambit kundi "sabi ko na nga ba". Sana'y naagapan pa, kaya pala palagi na siyang nag iingay at nakikipagkwentuhan sa tuwing kami ay bibisita dahil malapit na pala. Nawa'y masaya ka na sa piling nila, pangako maililipat ka namin sa sipang ng iyong ina gaya ng huli mong habilin at hiling sa amin.
Kung mayroon kang kwento na gaya neto, feel free na isalaysay ito sa comment section. Buong puso ko itong babasahin, hangga't may panahon pa magpasalamat na tayo sa kanila at ipakita natin na mahal natin sila. Ang mga panaginip nga ba'y nagdadala ng mga mensahe o nagkataon lamang ang mga pangyayari.