Her TOTGA Part I

17 65
Avatar for icary
Written by
3 years ago
Topics: Love, Fiction

Kung kailan talaga 'di mo inaasahan syaka siya darating, pero minsan kahit parang siya na talaga ang tinakda ay pinipili pa rin natin lumihis kay tadhana.

(Click the Youtube Playlist above before continuing, thank you.)

Aya's POV

Nagsimula na ang klase at ngayon ay 4th year na 'ko, "last year ko na pala sa high school" sabi ko sa sarili ko. Unang beses din kitang nakita sa school na 'yon at mukhang magsisimula ka palang sa chapter nang high school life, 1st year ka palang kasi. Hindi kita binigyan masyado nang pansin dahil di naman ako yung tipo na nakikipagclose agad kung kani-kanino.

Mayroon akong kaibigan na 1st year din kagaya mo, siya si Ellaine. Maganda, matangkad at may katalinuhan, noong una nakikita lang kita malapit sa section niya 2 room lang naman ang pagitan niyo. Lagi kang dumadaan doon kapag sinusundo ko siya para ayain umuwi, mukhang nauuna kayong lumabas kaysa sa ibang section. Lumipas ang ilang araw nalaman ko na close pala kayong dalawa ni Ellaine kaya pala lagi kang dumadaan sa harapan nang room nila siguro nahihiya ka nalang ayain siya dahil nakikita mo kong kasama ko siya.

Isang araw nakita mo kong nakaupo sa court ng school, hinihintay ko kasing matapos ang klase nila Ellaine noon. Bigla kang lumapit sa'kin at tumabi sa inuupuan ko at nagulat ako noong kinausap mo ako.

"Hi, Ezekiel nga pala. Tawagin mo nalang akong Kiel." Inabot mo sa'kin ang kamay mo para makipag-hand shake.

"Uhm- hello, Aya nga pala." Nautal pa 'ko dahil nabigla ako sa pagsulpot mo.

"Ikaw 'yong laging kasama ni Ellaine, 'di ba?"

"Oo, ako nga. Bakit mo natanong?"

"Close ba kayong dalawa?"

"Bakit? May crush ka ba sakaniya?" Pabiro kong tanong pero 'di ko inaasahan na sagutin mo.

"Actually, Oo. Crush ko si Ellaine pero hindi niya alam." Hindi ka makatingin sa mata ko, nahihiya ka siguro.

Bigla ko namang nakita si Ellaine na papalapit na sa'ting dalawa kaya naman hindi na kita tinanong o inasar pa.

"Kayong dalawa, anong ginagawa niyo diyan? Kakakilala niyo lang may secret na kayo agad."

"Sira, nagpakilala lang siya sa'kin kasi lagi niya tayong nakikitang magkasama."

"Ah ganoon ba 'yon. Hi Kiel sabay ka na samin umuwi?"

"Sige."

Umalis na kaming agad sa court at walang imikan na naganap, tuloy naman kami sa kwentuhan ni Ellaine at si Kiel naman ay nananahimik lang sa tabi. Hindi kalaunay naging close rin kami ni Kiel dahil lagi siyang sumasabay samin kapag umuuwi o 'di kaya minsan ay sumasabay siya sa akin kapag ako lang mag isa ang nakikita niyang naglalakad.

"Hoy pangit!"

"Oh ano 'nget?"

"Uwi ka na te? Bakit mag isa ka lang, si Ellaine?"

"Ayon may practice raw silang magkakaklase, kaya nauna na ako."

"Sabay na tayo."

"Ano pa nga bang ginagawa natin?" Sabay irap ko sa'yo.

"Ate?"

"Hmmm?"

"Tulungan mo naman ako kay Ellaine oh?"

"Ha? Bakit kasi 'di mo sabihin sakaniya, magkakilala naman na kayo noong una palang."

"Baka kasi wala akong pag asa kapag ako lang. Close kayo eh, baka dahil sa'yo mapansin niya ako."

"Anong alam ko sa ganiyan, NBSB kaya ako."

"Wala ka namang ibang gagawin, iaabot mo lang sakaniya 'yong letter na gagawin ko tapos lagi mo kaming samahan, ganoon lang. Please?"

"Oo na nga lang, basta ganoon lang gagawin ko ah?"

"Yes ate, promise."

Lumipas ang mga araw ganoon ang naging sistema sa'ming tatlo, si Kiel mag aabot nang letter sa'kin at ako naman ibibigay ko kay Ellain, ginawa nila akong mensahera nila. Kailangan ko nang baygon madaming lamok.

Habang tumatagal ay hindi na nagbibigay nang letter si Kiel at tumigil na rin siya sa pagsuyo kay Ellaine sa kadahilanang nagkaroon ng Boyfriend itong si Ellaine habang nanliligaw si Kiel. Simula noon mas madalas na kaming magkasamang dalawa at kada break time ay lagi siyang dumidiretso sa room ko para hintayin ako, mas nauuna kasi silang dinidismiss kaysa sa amin. Wala naman akong masyadong ginagawa sa room kung hindi magsulat nang slam book at ilagay doon yung name ng crush ko noong panahon na iyon.

Minsan kapag napupunta si Kiel sa room ko ay nakikita niya akong nakikipaghabulan kay Jam. Si Jam ay 2nd year high school kaedad ko lang pero nalate lang mag aral kaysa sa akin. Kapag kasi napupunta sa room ko si Jam ay lagi niyang tinatakbo ang payong ko kaya lagi ko rin siyang hinahabol, wala naman malisya sa'kin dahil gusto ko lang makuha ang payong ko.

"Ate Aya."

"Oh bakit?"

"Sino 'yong lagi mong kahabulan kapag pinupuntahan kita sa room mo?"

"Ah, si Jam. Kaklase ng pinsan ko."

"1st year ba pinsan mo?"

"Hindi 2nd year na."

"Eh 'di ba 1st year lang si Jam?"

"Hindi ah." Sagot ko sakaniya, nagtataka ako kung bakit nasabi niyang 1st year pa lamang si Jam 'yon pala ay may kakambal ito na 1st year palang.

Sa sobrang busy ko minsan kay Jam dahil sa kalokohang ginagawa niya ay hindi ko na napapansin si Kiel kapag pumupunta ito para ayain ako, kaya napapadalas na mag isa lamang siya kapag break time na.

"Hoy pangit!" Tumakbo ako palapit kay Kiel sabay na kinurot ang mga pisngi nito, nakasanayan kasi namin 'yon kapag nagtatawagan kami.

"Bakit hindi ka na namamansin?" Tanong ko sakaniya.

"Anong ako ang hindi namamansin? Kada napupunta ako sa room mo lagi lang kitang nakikitang nakikipag habulan kay Jam."

"Anong lagi? Hindi naman kita nakikitang pumupunta. Syaka talagang hahabulin ko siya tangay niya yung payong ko. At kapag nakikita naman kita kasama mo kaklase mo kaya 'di na kita nilalapitan."

Mahabang diskusyon ang naganap sa aming dalawa pero sa huli'y nagkaayos din naman kaming dalawa. Ang relasyon naming dalawa ay magkaibigan lang talaga pero kung tignan kami ng iba'y para kaming magnobyo at nobya. Sino ba namang hindi mag aakala, laging nakaakbay sa balikat ko ang kamay niya at kung hindi naman ay hawak niya ang kamay ko. Kahit tanggalin ko ito sa pagkakahawak ay pilit niya pa rin itong kukuhanin pagkatapos ay maglalakad na siya nang mabilis.

Inabot na nang February ang samahan naming dalawa at malapit na rin ang Valentines Day kaya naman busy sa kaniya-kaniyang mga pakulo at disenyo sa loob nang classroom ang lahat. Kaming mga 4th year ang nakatoka sa mga booth para sa February 14, naisip namin gawing yung pakulong huhuli kami nang ikukulong at kailangan may isang tao na mag piyansa sa kanila. Ang mga 2nd year naman ay gumawa nang design sa sabon, habang ang mga 1st year ay nagdesign lang nang puso sa mga room.

Habang nag aayos kami ay lumapit sa akin ang pinsan kong babae na 2nd year.

"Ate Aya"

"Oh bakit?"

"Pinapatawag ka nang teacher namin sa classroom."

"Ako? Bakit daw? Anong nagawa ko?"

"Basta sumama ka nalang."

Wala na 'kong nagawa dahil pinaghihila niya ako hanggang sa classroom nila.

"Hello po ma'am, bakit mo po ako ipinatawag?"

"Aya, halika tignan mo 'to."

Hawak ni ma'am ang isa sa mga sabon na ginawa ng estudyante pero hindi ko alam ano ang nakalagay doon, laking gulat ko nang makita ko ang pangalan ko na nakaukit sa sabon.

"Gawa 'yan ni Jam." Sabi sa akin ni ma'am na siyang nag instruct sa kanila na gawin ang activity na 'yon.

Naghiyawan ang lahat nang estudyanteng nasa loob nang room na iyon, bigla namang dumaan si Kiel pero dinedma lamang niya ako kaya hinayaan ko nalang.

Dumating ang February 14 at wala naman masyadong ginagawa kaya gumala na lamang kaming magkakasama. Nang sumapit ang hapon ay nagkayayaan na mag inuman nalang. Hindi ako umiinom pero hindi naman kami pinagbabawalan, basta doon kami sa bahay ng ate ko iinom. Kasama ko ang kapatid ko at boyfriend niya nang saktong napadaan kami sa harap ng bahay ni Kiel, doon din kasi ang daan papunta sa bahay ni ate kaya nang makita niya kami ay sumama siya sa amin.

Bago kami dumiretso kila ate ay bumili kami nang iinumin namin, si Kiel at Olive ang namili at nagbitbit nang mga ito. Laking gulat ko dahil sanay na sanay itong si Kiel na mag inom kahit na 1st year pa lamang siya samantalang ako 4th year na pero first time ko pa lamang makakatikim nang alak.

Nagsimula nang umikot ang baso at ako na ang kasunod, paglapag sa'kin ay ininom kong agad ang laman nito. Ganoon pala ang pakiramdam, mainit sa bibig dahil sa hindi ako marunong ay iniluwa ko agad ito. Tinawanan lamang ako ng mga kasama ko dahil alam nila na first time ko 'yon. Ito namang si Kiel nagtataka sa'kin, "Hello 'di ako lasinggero gaya mo" Sabi ko sa isip ko.

"Hindi ka ba umiinom ate aya?"

"Hindi."

"Ganito..."

Itinuro niya sa akin kung paano ang tamang pag inom nang alak, 'di ako nainform na meron din palang tutorial para roon. Nang tumagal ang inuman hindi ko na kinukuha ang mga tagay sa'kin kaya itong si Kiel sinasalo lahat nang tagay ko. Nang maubos na namin lahat nang inumin ay napagpasyahan namin na mamahinga muna dahil nahihilo na rin ako dala nang hindi ako sanay uminom pero sila parang wala lang, "titibay nang bituka niyo" nasabi ko sa isip ko.

Medyo madilim na sa labas nang mapagpasyahan naming umuwi na, 'di naman ako nakatira kay ate pumunta lang kami roon. Ang dadaanan namin ay sementeryo kaya pinilit ko silang umikot kaso ayaw nila dahil sobrang layo kung iikot kami, natatakot kasi akong dumaan sa sementeryo dahil bukas ang third eye ko at alam nilang lahat iyon.

"Huwag kang mag alala kasama mo naman ako hahawakan nalang kita para hindi ka matakot."

"Pa'no 'yon eh nakakakita nga ako?"

"Madali lang..."

Tinakpan niya ang mga mata ko gamit ang isang kamay niya habang nakaakbay naman sa'kin ang isa pa niyang kamay, sa sobrang takot ko ay hinawakan ko ang kamay niyang nakaakbay sa'kin at patuloy niya akong inalalayan habang nasa may madilim na parte pa kami nang daan.

"Kapit ka lang sa'kin ah? Aalalayan kita hanggang makarating tayo sa may ilaw."

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon, dala ba nang pagkahilo at takot ko kaya sobrang bilis nang tibok ng puso ko o dahil si Kiel ang may hawak sa mga kamay ko. Hindi ko na masyadong inisip ang nagaganap sa damdamin ko dahil natatakot pa rin ako sa dinadaanan namin ngayon.

"Malayo pa ba tayo?"

Para kasi akong pagong ngayon maglakad bukod sa hindi ko nakikita ang daan ay nangangapa ang mga paa ko sa daanan. Hindi ko alam na nakalagpas na pala kami sa daan na iyon dahil kadiliman pa rin ang nakikita ko, ito namang si Kiel hindi sinasabi sa'kin na nasa maliwanag na kami at patuloy pa rin ang paghawak sa kamay ko at pagtakip niya sa mga mata ko.

"Nakalagpas na tayo" Sabi nang kapatid ko.

Sabay tanggal naman ni Kiel sa mga kamay niya nang sabihin iyon ni Des. Matapos ang mga kaganapan na iyon ay may nagbago kay Kiel, naging mas makulit na siya at laging nagpapapansin. "Ano kayang masamang espirito ang sumapi rito?" nasabi ko nalang sa sarili ko.

Isang araw lumapit sa akin si Jam.

"Aya, akin na kamay mo."

"Kamay ko? Bakit?"

"Basta akin na."

Sabay abot ko naman nang kamay ko sakaniya, nagulat ako dahil bigla niya akong sinuotan nang singsing.

"Ano to?"

"Ano pa ba? Eh 'di singsing, ginawa ko 'yan."

Nung mga panahong 'yon uso pa kasi ang singsing na gawa sa sampong piso at iyon ang ginawang singsing sa akin ni Jam.

"Thank you Jam."

Hindi ko namalayan na nakita pala ni Kiel lahat ng iyon kaya naman nung uwian ay walang sawa ang pangungulit niya sakin.

"Patingin nga 'yong bigay sa'yo ni Jam."

"Ito?" Sabay abot ko sa kamay ko na suot ang singsing na mula kay Jam.

"Akin nalang 'yan."

"Hindi pwede."

"Dali na, akin nalang."

"Hindi nga pwede, bigay 'to sa'kin ni Jam eh. Pinahahalagahan ko mga nireregalo sa'kin."

Bigla na lamang siyang nagalit at hindi na 'ko tuluyang pinansin, buong araw na ganoon ang ginawa niya. Para siyang bata na nagtatantrums.

Ang mga susunod na kabanata ay about sa JS Prom na magaganap sa school, abangan.

Maraming salamat sa pagbabasa hanggang dito, sana'y subaybayan niyo pa rin ang kasunod nang kwento na ito. Stay Safe everyone.

14
$ 6.45
$ 6.45 from @TheRandomRewarder
Sponsors of icary
empty
empty
empty
Avatar for icary
Written by
3 years ago
Topics: Love, Fiction

Comments

Hello po!! πŸ‘‹

$ 0.00
3 years ago

Hi po

$ 0.00
3 years ago

Ang ganda mo talaga AYA! HABA NG HAIR! HAHAHAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Ohhhhh diba hahahahaahah inggit ako sa haba nang hair niyaaaaaaaaaaaaa

$ 0.00
3 years ago

Bakit ang unfair😒 HAHAHAHAHA

$ 0.00
3 years ago

wahahahhahaah hingi ka hair

$ 0.00
3 years ago

Mamshh kakilig 😍 kaso bitin πŸ™„

$ 0.00
3 years ago

May part 2 na mamshhhhhh

$ 0.00
3 years ago

Rapas ng tyan ni Kiel ha HAHAHA sanalahat strong

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga, grabe sunog bituka hahahaha

$ 0.00
3 years ago

πŸ˜‚ ang bad diba

$ 0.00
3 years ago

HAHAHAHA true. Tagay mamsh

$ 0.00
3 years ago

Sunggabbbb, ay iba pala yon hahahhahaha

$ 0.00
3 years ago

Bat ganun πŸ˜‚ nabitin ako πŸ˜‚

$ 0.00
3 years ago

Bitin talaga hahahahhahaha, bitinin kita ulit hahahaha

$ 0.00
3 years ago

It's the lettering for me.

$ 0.00
3 years ago

Ahahahaha di naman ako ang nagsulatπŸ˜‚

$ 0.00
3 years ago