Will this be a happy ending?

11 53
Avatar for icary
Written by
3 years ago

Hello guys, icary here nagbabalik muli para maghatid nang kwento para sainyo. Bago ka magpatuloy rito ay marapat muna na basahin mo muna ang mga ito.

https://read.cash/@icary/my-young-love-part-i-09949020

https://read.cash/@icary/my-young-love-part-ii-the-ending-3ab494e6

Kung tapos ka na magbasa nang mga link na nasa itaas, you're now welcome to read this one. Samahan niyo ulit ako hanggang sa dulo, Salamat~

Ronniel's POV

Buong akala ko'y si Cha na talaga ang babaeng makakasama ko habang buhay, ang babaeng hiningi ko kay God na ilalakad ko sa altar. Ang babaeng kasama ko sa pagtupad ng aking mga mithiin at ang bubuo sa pamilyang naguhit ko na sa aking isipin.

3 years Cha bago ko makamtam ang matamis mong Oo, hindi ko binilang iyon para masabi kong matagal bagkus binilang ko iyon para malaman ko sa sarili ko kung gaano kita kamahal. Sa tatlong taon na iyon ay ginawa ko ang lahat at sa buong taon na pagsasama natin ay wala tayong sinayang. Naalala ko na naman, isang buong taon nga lang pala kitang nahagkan dahil siguro sabi ni bathala hindi pa ito ang panahon para riyan. Pero kahit na ganoon nagpapasalamat pa rin ako sa lahat kahit hindi mo ko naipaglaban hanggang sa kawalan, hindi kita sinisisi o kahit ang ama mo man. Sadyang mapagbiro si tadhana at si kupido'y mukhang nagbabaril-barilan.

Malapit nang matapos ang 4th Year pero lagi pa rin kitang sinusulyapan, masakit pa rin kasi yung sugat parang kahapon lang. Ang ganda mo pa rin talaga sana lagi ka nalang masaya, mas okay na iyan kaysa makita kitang lumuluha.

Araw nang graduation ikaw pa rin ang hanap ng mga mata ko. Nakita kita sa sulok kasama mo ang parents at kuya mo ang saya niyo pero may napansin akong lalaki sa gilid mo hindi siya pamilyar sakin, siya ba ang dahilan kung bakit ayaw tayong magtagal nang daddy mo? Baka nga, sino ba naman kasi ako compare sayo? Maganda na, mayaman at matalino pa pero kahit ganoon masaya ako para sa'yo, para sainyo.

Oras na para maglakad sa stage pangalan mo ang pinakaunang natawag, Congrats kasi naabot mo yung pangarap mong maging Valedictorian. Sobrang saya ko para sa'yo walang katapusan ang pagpalakpak ko habang ang mga kaibigan ko nakatingin lang sa ginagawa ko. Natapos ang lahat at tuluyan na tayong naghiwalay nang landas. Tinapos ko ang pag aaral ko sa college, hindi ko na ulit naisipang humanap pa ng babaeng susunod sa'yo kasi ikaw pa rin talaga ang laman nitong puso ko.

Lumipas ang panahon nang hindi ko namamalayan, siguro ngayon ay nakalimutan mo na ako nang tuluyan. Masaya na rin naman ako sa buhay ko ngayon dahil nakamit ko na ang mga pangarap ko, natulungan ko na sila mama, may sarili na akong lupa, bahay at kotse, ikaw nalang talaga ang kulang.

Habang nakaupo ako sa salas ay nag ring ang aking cellphone, nakita ko ang pangalan ni donny isa sa mga barkada ko noong high school.

"Ano kayang meron?" Sabi ko sa isip ko.

Sinagot ko ang tawag para malaman kung ano ang meron.

"Pre, si donny 'to."

"Oh pre, anong meron at napatawag ka?"

"Meron kasi tayong reunion this upcoming friday, lahat nang batchmate natin ng high school pupunta kaya dapat pumunta ka. Para naman makapagbonding na tayo ang tagal din bago ka umuwi since nagpunta ka nang states."

"Oh sige pre balitaan mo nalang ako saan ang venue at time para maayos ko ang schedule ko. Thank you sa pag inform."

Binaba ko na ang cellphone at bumalik na sa ginagawa ko kanina. Biglang nagsink in sa'kin ang mga sinabi ng kaibigan ko.

"Reunion naming high school batchmates."

Bigla akong kinabahan dahil may chance na makita ko si Charmaine, sana okay lang siya. Umaasa pa rin akong makita siya, kahit sa ganoong paraan man lang ay malaman kong okay siya. Inayos ko agad ang schedule ko for this friday, sinigurado kong walang sisira nang araw na ito.

Friday at 5PM ay natapos na lahat nang appointment ko kaya naman nag ayos na ako agad at tinawagan ko ang kaibigan kong si Donny.

"Hello pre, nandiyan na ba lahat?"

"Meron pa namang mga wala, mamayang konti pa naman magstart ang event."

"Okay pre, thank you. Kitakits nalang mamaya."

Kinuha ko na ang mga gamit ko at umalis na agad, habang nilalakbay ko ang kahabaan nang Edsa ay hindi mawala ang kaba at saya ko. Nakarating ako roon at medyo marami nang tao. Sinalubong ako ng mga barkada ko at tinuro kung saan ang puwesto namin, dating gawi puno nang kwentuhan. Habang nag uusap kami ay hindi mapakali ang mga mata ko at para bang may hinahanap ang mga ito.

"Pre, hinahanap mo ba si Charmaine? Maya-maya lang nandito na 'yon, doctor na kasi siya kaya siguro hectic ang sched niya."

"Talaga ba? Wala na kasi akong balita sakaniya since mag-graduate tayo nang 4th Year, mukhang blinock niya ko sa lahat ng social media accounts niya."

Sabay tapik naman sa'kin nang kaibigan ko at may itinuro, hindi ko masyadong maaninag dahil sa lightings sa loob kaya pinakatignan ko ito at nakita ko ang mukhang hinahanap-hanap ng mga mata ko. Nakablue dress ito na hanggang tuhod ang haba, kasama niya si Shiela na siya namang nakapansin sa akin at nginitian ako. Inalis ko ang tingin ko sakaniya dahil hanggang ngayon ay nakaka-awkward pa rin ang sitwasyon sa'min.

Katapos nang event ay nagbalak nang magsiuwian ang lahat nagpaalam na sa akin ang aking mga kaibigan ko habang ako pinagmamasdan ko pa rin si Charmaine na ngayon ay papaalis na rin, gusto kong malaman na okay siyang makakauwi. Naghiwalay na nang landas si Charmaine at Shiela dahil sa pagkakarinig ko ay may susundo naman daw sakaniya. Aalis na sana ako nang marinig kong namromroblema si Charmaine dahil nasiraan daw ng sasakyan ang sundo niya.

"Uhm- Charmaine, sorry I accidentally overheard your conversation. Gusto mo bang sumabay na sa akin? Gabi na rin kasi syaka mag isa ka nalang dito baka mapano ka pa. Yun eh kung okay lang sayo?"

Tinignan ako ni Charmaine at medyo napaisip. Tatanggi sana siya pero inunahan ko siya.

"Please? Kahit ihatid lang kita sa place na comfortable ka. Hindi kasi ako mapapakali kung iiwan kitang naghihintay. Hindi rin kasi safe kung dito ka maghihintay baka mapagtripan ka pa nang mga dumadaan."

"Okay lang ba? Nakakahiya baka kasi may gagawin ka pa."

"No, I insist."

"Okay, then. Thank you and sorry for the inconvenience Ronniel."

Gusto kitang yakapin kaso pinipigilan ko ang sarili ko. Nakakamiss marinig yung pangalan ko mula sa mga labi mo. Tama na ba ang panahon para sa atin Charmaine or may babae pa ba akong hihintayin?

I opened the door for you, ang awkward nang silence sa ating dalawa. Buong biyahe tayong tahimik hindi alam kung sino ang mags-start nang topic.

"Long time no see Cha."

"Yeah, long time."

"Anyway, balita ko doctor ka na. Congratulations pala although late na."

"Yeah, tagal nga eh pero worth it naman."

For me Charmaine, you are also worth the wait. Kung pwede ko lang 'to sabihin sa'yo ngayon kaso dinadaga ako at 'di 'ko sure kung pwede pa.

"Ikaw pala anong work mo ngayon?"

"Ako? I'm a businessman now, hindi naman ganoon kalaki ang company ko pero at least nabili ko na lahat nang kailangan ko."

Ikaw nalang talaga yung kulang, ano ba 'yan Ronniel. Be a man. Bakit 'di ko ba masabi 'to sakaniya ngayong nasa tabi ko na siya, ilang beses na tayong nagpractice sa salamin 'di ba?

"Buti naman pala. Congratulations din. Ang tagal na nung last tayong nag usap, 13 years tama ba?"

"Hindi ko na nabilang ang tagal na kasi noon."

"Yeah right, haha."

Bumalik ulit sa katahimikan ang lahat, 'di na namin namalayan na nakarating na pala kami sa destinasyon niya.

"Dito na pala ako, thank you again Ronniel."

"No problem, anytime Charmaine. Stay safe."

"You too."

Dinaga ka na naman hindi mo tuloy nasabing namiss mo siya. But still, I'm happy for you, Cha.

Sa sobrang taranta ko dahil nakasama ko si Cha ay nakalimutan kong hingin ang number niya or social media account man lang niya. What a waste of opportunity Ronniel. Hinayaan ko nalang dahil hindi ko naman na maibabalik ang oras na iyon ay mahalaga ay maayos siyang nakauwi.

Lumipas ang mga buwan at wala na akong narinig na balita about kay Cha, siguro nga'y tama na ang paghihintay ko sakaniya. Nagscroll ako sa twitter account ko at nakita ko ang pangalan ni Cha na lumabas sa Who to follow list ko, walang pagdadalawang isip ko itong pinindot at bumungad naman sa akin ang napakaamo niyang mukha at nakakalaglag pusong mga ngiti. Grabe ang lakas pa rin nang tama ko sayo hanggang ngayon. Icliclick ko na sana ang follow nang mabasa ko ang word na "Finally!"

Iniscroll down ko ito agad nang may halong kaba, sabay ang pagkagulantang ko at ang pagbagsak ng aking mga luha. Nabasag na naman ang munti kong pag asa, mukhang hanggang dito nalang tayong dalawa. Pinusuan ko ang tweet mo at finollow pa kita kahit na sa loob ko'y sobrang bigat na talaga. Siguro ito ang way ko para pakawalan ka na at tanggaping hindi ka sa akin sasaya.

Nagdaan ang mga araw at natanggap ko na, binuksan ko nang muli ang puso ko sa iba. Pumayag na ako sa mga blind date na inaarrange nila sa'kin, panahon naman na ako ang sumaya.

Nakaupo na ako ngayon sa restaurant kung saan ang meet up, habang ang mga mata kong nakadungaw sa malayo ay may babaeng lumapit sakin at umupo sa harap ko.

"Sorry, I'm late."

"Oh no, it's ok--" Hindi ko na natuloy pa ang mga sasabihin ko dahil nagulat ako na si Charmaine ang nasa harap ko.

"Charmaine? Why are you here?"

"Ronniel? Ikaw ba ang kablind date na sinasabi ni Zen? What a small world, how did you know each other?"

"Well, basically Zen is Danny's wife and also my secretary. Aren't you engaged already?"

"Me? No. Saan mo naman nabalitaan 'yan?"

"Nakita ko kasi yung post mo sa twitter. Am I wrong?"

"Yeah, totally. That engagement ring belongs to Shiela, I said "Finally" kasi matagal na 'yon pinagplanuhan ni kuya, you can still remember my kuya Zeus 'di ba? On the college days kasi nagkamabutihan silang dalawa, to make the long story short nagkatuluyan sila."

"Wow, I'm happy for the both of them."

Pero mas masaya akong malaman na baka may pag-asa pa tayong dalawa.

"Anyway, since kilala naman na natin ang isa't isa let's order some food na baka kasi nagugutom ka na. Nangangain ka pa naman kapag nagugutom ka."

"Grabe ka, hindi kaya."

"Joke lang, be my guest."

Nakakamiss 'yong ganito, aasarin kita tapos ikaw mapipikon ka naman. Ang cute mo talaga kapag nagtampo na, hindi ko maiwasang balikan ang mga ala-ala. Buong araw tayong nag usap tungkol sa buhay natin at hinayaan mo 'kong ihatid ka ulit.

"Cha, thank you nga pala ngayong araw. Sana kahit papaano napasaya kita."

"Ano ka ba? Nag enjoy ako sobra, here's my number para if ever na magkaroon ulit nang third chance na magka usap tayo."

Inabot ko ang kamay mo habang hawak ang calling card, "I wish I could hold this hand everyday" sabi ko sa sarili ko.

"Pa'no ba yan, dito ka na?"

"Yeah, thanks for today. Good night."

"Good night."

Umuwi akong hanggang tenga ang ngiti ko, pwede na kong matulog nang mahimbing ngayong araw na ito. Pero bago iyon ay dinial ko muna ang number na ibinigay sa'kin ni Cha ngunit laking gulat ko nang sagutin niya ito.

"Hello? Sino to?"

"Uhh-- Cha, si Ronniel 'to. Ididial lang sana kita, nagulo ba kita?"

"Ah hindi, nagreready lang ako para matulog. Buti nga napatawag ka."

"Baka inaantok ka na sabihin mo lang ha? I know na busy ka bukas and pagod ka na rin sa blind date natin kanina."

"Ayos lang naman pero medyo inaantok na rin ako, good night na ron."

"Good night din Cha."

Totoo naman ito 'di ba? nakakausap ko nang ulit si Cha. Kung sino man ang nandiyan pakisampal naman ako, sabihin mo sakin na tama totoo nga ito.

Lumipas ang mga araw at buwan patuloy na muli ang aming komunikasyon, may mga oras na nagpapasundo siya sa akin or nagroroad trip kaming dalawa. Nawala na yung awkwardness sa aming dalawa. Napagdesisyunan naming magtravel nang kami lang dalawa, walang malisya, mahal ko si Cha pero ginagalang ko ang mga desisyon niya.

(Please click the Youtube Playlist above, thank you.)

"Ron, Bakit hanggang ngayon wala ka pa rin ipinapalit sa akin?"

Nabigla ako sa tanong si Cha habang nakaupo kami sa harap nang beach.

"Kasi wala naman akong mahanap na isa pang Cha."

Tumingin siya sakin na may pagtataka.

"Naalala mo sinabi ko sa'yo dati na kahit anong mangyari, kahit lumayo ka pa sakin, hindi pa rin kita kakalimutan. Ikaw pa rin ang babaeng mamahalin ko at ihaharap ko sa altar. Ikaw Cha, bakit hindi kayo nagkatuluyan nung lalaking nakita kong kasama mo noong graduation natin nang high school?"

"Sino? Si kuya Mark? Pinsan ko 'yon. Umuwi siya para makita akong umakyat nang stage."

"Pinsan mo 'yon? All this time akala ko siya ang dahilan bakit ayaw sa'tin ng parents mo."

"About that, napagdesisyunan nilang paghiwalayin tayo dahil dadalhin nila ako sa Canada after the graduation at ayaw nilang maging dahilan yung relationship natin para hindi ako pumayag na sumama sa kanila."

Hindi ko madigest lahat nang information na nagmumula sa'yo pero pinapilit ko pa ring humabol sa mga sinasabi mo.

"It was hard for me as well nung nakipaghiwalay ako sayo. But I never regret having that decision, tignan mo nasan tayong dalawa ngayon. It's the best decision for the both of us, I never dream na magkakausap tayo nang ganito ulit."

"All this time akala ko ako lang 'yong nahihirapan, I never thought na ikaw pala ang nagdadala nang lahat. Sorry for not recognizing your pain, Cha. Sana mapatawad mo 'ko."

I hugged you so tight, ayaw na kita muling pakawalan, you hugged me back this time hindi na para magpaalam. Humarap ka sa'kin at hinawakan ang mukha ko.

"Ronniel, all this time pinagdarasal ko pa rin sakaniya na sana kapag tama na ang panahon para sa ating dalawa'y pagtagpuin tayo ng tadhana. Hindi niya ko binago, hindi niya tayo binigo."

I am crying non-stop kaunti na lamang ay iluwa ko ang mga mata ko, sabi ko una akong kikilos para bumalik tayo sa rati pero parang nabaliktad ang sitwasyon.

"Cha, pwede na ba? Pwede na ba ulit tayong dalawa? Tama na ba ang panahon para sa atin?"

"Tinatanong pa ba 'yan? Nandito na nga ako sa harapan mo oh, ngayon hindi ko na hahayaan may humadlang sa atin. Ipaglalaban na kita sa mundo."

"Hindi ako nagkamaling hintayin ka, you are worth the wait talaga."

Hinalikan kita sa noo at nagpasalamat sa Panginoon, "God, thank you for preparing me all this time."

Napahaba na po ang dapat short story ko lang, itutuloy ko ito sa susunod na kabanata baka kasi tulugan niyo na ko sa haba nito. Salamat po sa lahat!

5
$ 4.38
$ 4.34 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @EvilWillow
$ 0.01 from @LucyStephanie
Sponsors of icary
empty
empty
empty
Avatar for icary
Written by
3 years ago

Comments

Ay wow pwede naman pala ang ganito dito. Hehe. Aba naman, nasa wattpad ka ba or baka may nasulat ka nang pocketbook jan? :)

$ 0.00
3 years ago

Pwede po basta di against sa rules, wala po kailan lang ako naging familiar kay wattpad. First stories ko nandito kay rc lahat.

$ 0.00
3 years ago

Waw. Ok yan.

$ 0.00
3 years ago

Wieeeee kasi wala akong mahanap na isang Cha. Nakaheadset ako while listening to in the end by linkin park sumabay ang soundtrip pero happy end sila sa dulo wahaaha. Sanalahat may comeback nung reunion wahahhaha. Wieeee sunod naman during relationship mamsh, SM po wah kalimutan hahahhaha

$ 0.00
3 years ago

Di na nagproprocess utak ko ano nga ulit yung SM? hahahahaha, uyyy parang may gusto rin ng comeback nung reunion. hmmmmm

$ 0.00
3 years ago

badtrip nung reunion. Panget na sya huhu. Oo laitin ko ta di badend HAHAHAHA. SuperMart mamsh ng darkworld HAHAHAH

$ 0.00
3 years ago

HAHAHAHAHA ang baddddddddd, gaano kapangit? hahahaha akala ko tuloy SM - Supermario not functioning na talaga hahahaahaha

$ 0.00
3 years ago

HAHAHAHAHA ay oo nga no, supermamsh HAHAHAH. Wis, let's not talk bad yern HAHAHHAHA

$ 0.00
3 years ago

Ahahahahahaha Shhhhh mamsh bad yernnn, satin satin lang hahahhaha

$ 0.00
3 years ago

ITS SO AMAZING STORY IM LISTENING THE MUSIC IT MADE ME CRY..WITH JOY

$ 0.00
3 years ago

Awww, everything will be fine.

$ 0.00
3 years ago