My Young Love Part I

16 56
Avatar for icary
Written by
3 years ago

Sabi nila sa hinaba haba nang prusisyon sa simbahan din ang tuloy, ngunit ang pag iibigan kaya namin ay doon din magwakas o paglaroon kami ng tadhana at dalhin kami sa magkaibang landas? Ito ang storya nila Ronniel at Charmaine, dalawang pusong nag iibigan pero sinubok nang tadhana't pagkakataon.

Ronniel's POV

First year high school palang kami nang maging magkaklase kami ni Charmaine, una ko palang siyang nakita ay crush ko na siya. Ewan ko ba naman sa dinami-dami nang babaeng kaklase ko ay sakaniya pa 'ko tinamaan, sino ba namang hindi? Bukod sa maganda na ay matalino pa, magaling sa Math at 2nd Honor pa lagi sa klase.

Hindi ko alam paano ako magpapapansin sakaniya, sakto pa na puro kolokoy ang mga kaibigan ko at pagtritripan lang ako kapag nalaman na may gusto ako. Hindi ko ipagkakatiwala sa kanila ang future ng love life ko, baka maudlot pa ang pagkakataon na ibinigay sakin ni tadhana. Wala na akong ibang maisip na paraan para mapansin ako ni Charmaine at hindi mapansin ng mga kaibigan ko na may gusto ako kay Charmaine.

Dahil uso naman ang pang aasar, doon nalang muna ako magsisimula. Kada araw ay tinatali ko ang straps ng bag ni Charmaine sa upuan, kung hindi naman ay nilalagyan ko nang bato sa loob nito. Tama kayo naging bully ako sa mata ni Charmaine at loko-loko sa mata ng mga kaibigan ko, win-win situation naman para sa akin dahil epektib ang pagpapapansin ko, naaasar nga lang sa akin si Charmaine kaya lagi niya kong iniirapan kapag nakikita niya 'ko pero ngumingiti pa rin naman siya, "Ang ganda mo talaga kapag ngumingiti ka." sabi ko sa isip ko

Dumating ang Mahal na Araw, mahabang panahon na walang pasok. Namimiss ko na ang mukha at ngiti mo, ang pang iinis ko sa'yo sa araw-araw kung pwede nga lang walang bakasyon baka mas ginusto ko pang pumasok basta nakikita ka.

"Ano kayang magandang gawin para makausap ko si Charmaine?"

Sa tagal kong pag iisip napagdesisyunan ko na hingin ang number ni Charmaine sa mga nakakakilala sakaniya, syempre 'di ko maaasahan ang mga kaibigan ko doon baka ano pa maisip nila kaya naman nagbaka sakali ako na meron number ang kaklase kong babae at sa kabutihang palad naman ay meron siya.

"Buti nalang, thank you Jane."

Sa sobrang focus ko pala kay Charmaine ay di ko napansin na may gusto rin sa akin si Jane, inis na inis siya habang ako tuwang tuwa dahil nakuha ko ang number ng crush ko. Pagpasensyahan mo ako Jane ngunit hindi tayo ang itinadhana.

Hindi na ako nagdalawang isip pa sa gagawin ko, tinext kong agad si Charmaine.

"Hi Charmaine, ako nga pala 'to si Ronniel yung naglalagay nang bato lagi sa bag mo."

"Ah yung mayabang na may mahabang buhok, tama ba?"

"Aminado akong mahaba ang buhok ko pero hindi ako mayabang."

"Wala akong panahon na makipagtext sa'yo, kaya 'wag ka nang magtext sakin."

Nakaramdam ako nang kirot sa dibdib ko habang binabasa ko ang mga katagang iyon. Gusto ko lang naman makausap ko siya dahil miss ko na siya, hindi man kaya masakit, totoo hindi. Biro lang masakit talaga.

Bumalik na ang klase pero may nagbago sa amin, ayoko na siya ulit bully-hin kaya siguro ayaw niya kong makausap dahil sa mga pinaggagagawa ko. Ngayon gusto ko nalang siyang makitang ngumiti, napakaganda niya kasi kapag nakangiti para akong minamagnet kapag nakikita ko siyang ganoon.

Wala na akong maisip, inamin ko sa mga barkada ko na gusto ko talaga si Charmaine at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para mapansin niya ko.

"Mga pre, anong gagawin ko? 'Di na ko pinapansin ni Charmaine."

"Ganito pre, mag iwan ka nang letter sa desk niya syaka ka gumawa nang bulaklak na gawa sa papel tapos lagyan mo nang pabango pero bago iyan mag FLAMES muna tayo."

FLAMES ang pinakausong fortune telling dati para malaman kung kayo ba talaga ang itinadhana, maraming naniniwala rito at syempre isa ako doon, sayang baka tumama sa M (Married). Ang mga kaibigan kong kolokoy ang nagFlames ng mga pangalan namin at ako nag aantay lang nang resulta. Bumalik sila sa akin na hindi mawari ang mukha.

"Pre, F lumabas mukhang wala kang pag-asa."

Nalungkot ako sa resulta, Friends kasi ang ibig sabihin nang F. Hanggang dito nalang ba talaga kami ni Charmaine? At dahil napagdesisyunan kong hindi maniwala sa flames, ipinush ko pa rin. Tadhana sumang ayon ka sakin ako na ang gagawa manuod ka nalang.

Ipinagpatuloy ko ang advice sakin ng aking mga kaibigan, gumawa ako nang letter at bulaklak at inilagay sa desk niya pagkatapos ay tatakbo sa may canteen nang may halos kilig at tuwa, excited ako sa kung anong magiging reaksyon niya. Ngunit, wala siyang reaksyon sa mga ginawa ko para akong naging invisible sa mga mata niya, mukhang tinalo ko pa si John Cena mag WWW na rin kaya ako.

Habang papadaan siya sa canteen ay hinaragan ko siya pero hindi man lang niya ako inirapan, laging ganun ang pangyayari. Nagmukha akong naghahabol sakaniya, totoo naman pero masakit kasi kahit tignan man lang niya ko ay hindi niya magawa. Ang sakit isipin na iniiwasan ka nang taong gusto mo, wala na nga ata akong pag asa rito mukhang tama ang FLAMES. Titigil na ba ako? Parang mas okay pa yung mga panahong binubully ko siya, at least doon pinapansin niya ko kahit na naiinis siya sa akin hindi gaya nito na para akong hangin sa paningin niya.

Napansin nang mga tropa ko na sobrang lungkot ko, kaya naisipan nila akong tulungan.

"Pre, nasa library si Charmaine tara puntahan natin."

"Huwag na nahihiya ako."

"Tara na."

Sabay-sabay nila akong hinila papunta sa library dahil nahihiya akong humarap kay Charmaine nang mga panahong iyon. Nang nakarating na kami sa library ay pinagalitan kami ng librarian namin na si Ma'am Dipa, ang ingay kasi namin nung pumasok daig pa naman ang nagrarally. Nakita kong nakaupo roon si Charmaine, lumapit ako sakaniya nang akmang kakausapin ko na siya ay tumayo siya at naglakad palabas kasama ang bff niya na si Shiela. Hinarangan naman ng mga tropa ko ang daan palabas para hindi sila makaalis, eto na ang chance ko. Hinawakan ko ang kamay ni Charmaine,

"Usap naman tayo oh, please?"

"Wala akong panahon para makipag usap sayo." Sabay hila sa kamay niya na hawak ko nang oras na iyon.

"Kapag ba naipasa ko ang Math, kakausapin mo na ako kahit saglit lang?" Nang may halong dalangin na sana pumayag siya. Hindi nga pala ako kagalingan sa Math dahil hate ko ang subject na ito at lagi ko itong tinatakbuhan, kaya malaking challenge ito para sa akin.

"Sige, kakausapin kita kapag pumasa ka sa math." Sabi niya sa akin bago siya tuluyang umalis sa loob nang library.

Ginanahan akong mag aral nang maayos, dahil sa kagustuhan kong makausap siya ay ginawa ko ang lahat para lamang pumasa ako sa Math kahit saktong pasado ay ayos na. Nagpaturo ako sa mga magagaling sa math, ginawa ko ang lahat. Pati ang nanay ko ay nagugulat sa akin dahil alam niyang hindi ko gusto ang Math. Anong gayuma ang ginawa mo sa akin Charmaine at mahal na ata talaga kita.

Kuhanan na nang grades, ngayon lang ako kinabahan nang ganito. Dati-rati naman ay wala akong pakielam sa kung anong grado ang makuha ko pero ngayon nagbago ang lahat, kinakabahan na ko habang naeexcite sa resultang makikita ko.

Pagtingin ko sa grado ko ay magkahalong tuwa at iyak ang naramdaman ko, hindi lang ako pasado napaangat ko pa nang bahagya ang grades ko. Sa sobrang saya ko ay kumakanta ako habang tumatakbo sinasambit ang mga katagang "Pasado ako". Dali-dali akong nagpunta kay Charmaine para maipakita ang grado ko.

"Charmaine, pasado ako sa Math. Kakausapin mo na ba ako?"

"Sige na nga, para matapos na."

Katapos nang klase ay sinabayan ko siyang maglakad pauwi para na rin masimulan namin ang pag uusap namin. Ilang minuto na ang lumilipas pero wala pa ring mga boses ang lumalabas sa aming mga labi, nahihiya akong magsimula pero kailangan kong magsalita kaya naman gumawa ako nang topic para sa aming dalawa.

"Kumusta naman pala yung grades mo? Syempre mataas yan, ikaw pa ba?"

"Hala, hindi naman. Tama lang."

"Sus ikaw pa ba? Nga pala Charmaine, sorry nga pala sa mga nagawa ko sa'yo dati. Galit ka ba sa akin?"

"Hindi naman."

"O naiinis ka ba sa akin?"

"Hindi rin."

"Eh ano? Para kaya akong hangin sa'yo kapag dinadaanan mo, masakit kaya."

"Bakit naman masakit?"

"Kasi noong una okay naman tayong dalawa, kahit binubully kita at inaasar pinapansin mo pa rin ako at nginingitian. Pero ngayon nagbago lahat, hindi mo na ko tinitignan man lang."

"Hindi ko rin alam."

"Sorry kung niloloko kita dati at nilalagyan ko nang bato yang bag mo or hinihila yung buhok mo sabay inaamoy."

Ngumiti siya bigla, namiss ko iyon. Natawa siya sa huli kong mga sinabi kaya naman nawala ang tensyon saming dalawa kaya nagpatuloy kami sa kwentuhan namin.

"Ilan nga pala kayong magkakapatid?"

"Lima."

"Hala, ang dami niyo pala."

"Oo, panganay namin lalaki."

Napalunok ako sa narinig ko, mukhang babawian ako nang buhay rito. Iniba ko agad ang topic namin bago pa 'ko tuluyang manginig sa takot.

"Uhm- Charmaine, alam mo ba matagal na talaga kitang gusto, nung una palang na nakita kita, gusto na kita. Kung okay lang sana sayo, Pwede ba akong manligaw?"

"Makakapag antay ka ba hanggang sa makagraduate tayo nang 4th year? Gusto kasi ng magulang ko na makatapos muna ako bago ako mag boyfriend. Sorry Ronniel ah?"

"Kaya kong mag antay Charmaine, hihintayin kita."

Alam kong sinabi ko sakaniya na maghihintay ako pero patuloy pa rin akong nanligaw sa buong taon na magkaklase kami, binilhan ko siya nang bear, chocolate, at kung ano ano pa para lamang mapasaya siya.

Isang araw pumasok ako sa eskuwelahan may dalang gitara at syempre 'di mawawala ang mga tropa kong todo suporta sakin, sinimulan ko nang mag strum at nakaready na akong kumanta.

"Uso pa ba ang harana?,
Marahil ikaw ay nagtataka,
Sino ba 'tong mukhang gago?,
Nagkandarapa sa pagkanta,
At nasisintunado sa kaba...

Puno ang langit ng bituin,
At kay lamig pa ng hangin,
Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw,
At sa awitin kong ito,
Sana'y maibigan mo,
Ibubuhos ko ang buong puso ko,
Sa isang munting harana para sayo"

Ako'y patuloy na kumakanta habang ang lahat ay naghihiyawan sa kilig sa aming dalawa, nung mga panahon na iyon naisip ko na sana huminto ang oras at tumagal kami sa ganitong masaya lang ang lahat. Hindi rin naman mawawala ang kasweetan sa amin kapag kaming dalawa lang, holding hands na sana ay wala nang katapusan. Napansin ko na hindi na sila madalas magsama ng bff niya na si Shiela kaya napatanong ako.

"Bakit di ko na kayong nakikitang dalawa ni Shiela? Samantalang dati lagi kayong magkadikit."

"Nagalit sa akin si Shiela, gusto ka kasi niya pero ako yung nililigawan mo."

Naguilty ako bigla hindi ko naman alam na may ganoon palang ganap, kahit na ganoon ay tuloy pa rin ang panliligaw ko sakaniya. Lagi ko siyang hinahatid sa harap nang bahay nila hanggang doon lang muna, natatakot kasi ako sa kuya niya brusko at matangkad pa 5'5'' ako pero 5'8'' siya. May isang beses na nakita niya akong hinatid si Charmaine sa may gate nila, kumaripas naman ako nang takbo sa sobrang takot ko.

Third Year na kami at nagkaroon nang JS Prom sa school namin, syempre ang una kong gustong isayaw si Charmaine pero nagalit ako dahil iba ang naging escort niya. Nasa sulok ako nakikita ko siyang sumasayaw kasama ang ibang lalaki, inis na inis ako pero wala akong magawa habang itong mga kumag kong kaibigan ay patuloy ang pang aasar sa akin.

"Pre, paano ba yan iba ang kasayaw ni Charmaine. Mukhang mababasted ka na."

Hinayaan ko silang katyawan ako pero hindi ko tatanggalin ang mata ko sa kamay ng lalaking may hawak sa minamahal ko. Patuloy pa rin sila at mukhang hindi magpapatinag.

"Tignan mo si Charmaine, enjoy na enjoy sa pagsasayaw sa iba."

Demonyo talaga 'tong mga kaibigan ko ang lakas kung mang alaska, nakikita na ngang nanggagalaiti ang tao ay dumagdag pa sila. Dala nang selos ko ay hindi rin ako nagpatinag sa kanila, hinanap ko ang bff niyang si Shiela para yayain sumayaw sa harap.

"Hi Shiela, pwede ba kitang mayayang sumayaw?"

Inabot naman ni Shiela agad ang kamay niya sa akin at nagsimula na kaming sumayaw.

"Hindi kaya magalit si Charmaine sakin? Tignan mo ang sama ng tingin niya sa atin." Bulong niya sa akin.

"Hindi 'yan, may kasayaw naman siya." Sumbat ko.

"Ronniel, masaya ako para sa inyong dalawa ni Charmaine."

"Bakit naman?"

"Alam mo bang matagal ka na ring gusto ni Charmaine kaso hindi niya magawang umamin kasi alam niyang may gusto ako sa'yo kaya umiiwas nalang siya."

"Talaga ba? Si Charmaine magkakagusto sa akin eh panay ang pambubully ko sakaniya."

"Oo naman bakit hindi."

Naguilty ako sa mga narinig ko, alam ko namang may gusto sa akin si Shiela pero ginamit ko pa rin siya para pagselosin si Charmaine. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nagsorry ako sakaniya.

"Shiela sorry ah kung nasaktan man kita."

"Its okay tapos naman na iyon."

Tumigil na kaming dalawa sa pagsasayaw at hinanap agad nang mga mata ko si Charmaine pero hindi ko siya mahagilap, ang kaninang kasayaw niya ay nakaupo na ngayon sa silya niya at si Charmaine naman wala sa pwesto niya. Kaya naman hinanap ko si Charmaine at may nakapagsabi sa akin na pumunta ito sa rest room kaya agad ko siyang pinuntahan.

Ipagpapatuloy ko ang kaganapan dito sa susunod na mga kabanata, stay tuned. Comment down below kung gusto niyong malaman ang mga susunod na pangyayari, aantayin ko ang inyong mga kumento. Maraming salamat sa pagbabasa hanggang sa dulo, nawa'y 'wag kayong magsawang samahan ako hanggang sa wakas. Enjoy.

8
$ 7.39
$ 7.39 from @TheRandomRewarder
Sponsors of icary
empty
empty
empty
Avatar for icary
Written by
3 years ago

Comments

yaners romanssa mamsh HAHAHAHA real life ba yern? Ayieeee. Igop na igop ang Ronniel a HAHA

$ 0.00
3 years ago

Real life ba? Siguro sa iba hahahahaha Igop dibaaaaaaa

$ 0.00
3 years ago

cruxx ng bayan wieeee HAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Awieeeee, nagkakasundo talaga tayo hahahahaha

$ 0.00
3 years ago

Sher lovelife wahahahahaha

$ 0.00
3 years ago

Eher all hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Ehhh, daya hahahaha icaryxghosts? Hahahah โœŒ๏ธ

$ 0.00
3 years ago

Ahahahahaha parang hunterxhunter lang. Lovelife ko ghost๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

$ 0.00
3 years ago

HAHAHAHAH owem, teka nalost ako, tagal ko na pinanood HxH e HAHAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Ahahahaha ayernnnn kasi inuuna ang mga hunks sa manga pero mas okay yun eher๐Ÿ˜

$ 0.00
3 years ago

HAHAHAHA alamna mamsh. Simp๐Ÿคช๐Ÿฅบ๐Ÿ˜

$ 0.00
3 years ago

True trueeee kilig muchhhh๐Ÿ˜๐Ÿ˜

$ 0.01
3 years ago

Kiligsssss ๐Ÿ’š๐Ÿ’š๐Ÿ’š

$ 0.00
3 years ago

Trueeeeee same sisssss

$ 0.00
3 years ago

kinikilig ako na ewan hahaha.mganda tamang tama mga detalye.thumbs up

$ 0.00
3 years ago

Abangan mo yaaannnn

$ 0.00
3 years ago