Ronniel's POV
Pinuntahan kita sa rest room, narinig kitang umiiyak sa loob nang isa sa mga cubicle. Sobra yung iyak mo nasasaktan ako habang naririnig ko ang bawat hikbi mo.
"Charmaine, nandiyan ka ba? Labas ka usap tayo."
"Bumalik ka na doon kay Shiela."
"Halika na lumabas ka na diyan, mag usap na tayo paparating na rin kuya mo niyan, oras na."
Lumabas ka nang cubicle mugto ang mga mata mo tapos hulas na make up mo, hindi ko alam kung maaawa ako o tatawa sa itsura mo. Medyo masarap kasi sa pakiramdam, marunong palang magselos ang prinsesa ko.
"Bakit ka umiiyak?"
"Paanong hindi? Nakita ko kayo ni Shiela habang nagsasayaw tapos naghahalikan."
Naku, galit si commander. Kung ano ano nalang ang nakikita. Kinuha ang panyo ko para sana punasan at ayusin ang nahulas niyang make up ngunit bago ko pa iyon magawa ay tinabig na niya ang aking mga kamay.
"Hindi kami naghahalikan ni Shiela, may sinasabi lamang siya sa akin."
"At ano naman iyon?" Nang may pagtataray.
"Sinabi niya sa akin na matagal mo na raw akong crush noong una palang na maging magkaklase tayo."
"Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin 'yan."
"Sa tingin mo ba magsisinungaling sa akin ang bff mo, para na kayong magkapatid kung tutuusin. Bakit ikaw nag walk out ka bigla syaka umalis nung makita mo kami? Nagseselos ka no?" Sabi ko sakaniya nang may halong pang aasar.
"Hindi no, 'wag ka ngang feeling diyan. Nawalan lang ako nang gana sumayaw syaka naiihi na 'ko kaya pumunta ako sa CR." Habang naka-pout
"Hindi eh, nagseselos ka talaga. Aminin mo na kasi."
Hinawakan ko ang mga kamay niya at mukha para maramdaman niyang totoo ang mga sinasabi ko.
"Charmaine, I love you. Mahal na mahal kita hindi ako mapapagod sabihin 'yan. Nung panahong binubully kita may feelings na ako sa'yo noon. Akala ko ayos na yung ganoong set up, yung binubully kita at pinapansin mo ko pero hindi pala. Habang tumatagal lumalalim yung pagtingin ko sa'yo namimiss na kita kapag 'di kita nakikita, ginaganahan na 'ko laging pumasok sa eskuwela. I can't keep it anymore, pagod na akong itago 'yong nararamdaman ko para sa'yo. Mahal kita Charmaine."
Inilapit niya ang labi niya sa mga tenga ko sabay bumulong.
"I love you too Ronniel."
"Ano 'yon Cha? Hindi ko narinig ang hina kasi." Nang may halong kilig at tuwa.
"Sabi ko, I love you too!"
Hindi ko maitago ang kasiyahang nararamdaman ko, ngiti ko'y umaabot na sa tenga ko.
"Hindi nga? Talaga? Talagang talaga? Sigurado ka ba?"
"Oo nga, mahal na kita noon pa man. Ewan ko nga ba bakit ikaw pa 'yong nagustuhan ko samantalang ang bully mo."
Hindi ako nakapagpigil niyakap ko siya nang mahigpit, para bang wala nang bukas sa kagalakang nararamdaman ko.
"Salamat Charmaine, I love you. Asahan mo ikaw lang ang mamahalin ko mahal na mahal kita."
"I love you more Ronniel pero paano ang pamilya ko?"
"Huwag kang mag alala magpapakilala ako sa kanila na boyfriend mo, 'di ako papayag na itago ang relasyon na meron tayo. Gusto kitang ipagsigawan sa mundo."
Niyakap ko siyang muli at naging maayos ang lahat. Natapos ang JS Prom at kami nalang ang magkasama, para akong nasa panaginip at ayaw ko nang magising pa. Hawak ko ang mga kamay niya at ayaw ko nang bitawan pa, hinalikan ko ang mga ito nang paulit ulit nagbabaka-sakaling hindi ito isang kathang isip lamang. Sa huling pagkakataon ay hinagkan ko siyang muli, hinawakan ko ang kaniyang maamong mukha at hinalikan ang matamis niyang mga labi. I gave her my first kiss, ayoko na nang ibang babae pa sa buhay ko. Siya lamang ang gusto kong makasama hanggang pagtanda ko.
Nagdaan ang mga araw at ayos pa rin ang lahat, susunduin ko siya papunta eskwela at katapos ay ihahatid sa bahay nila. Hindi pa rin mawawala ang mga tampuhan pero normal lang 'yon sa isang samahan, araw araw ko pa rin siyang nililigawan at sinasabihang mahal ko siya.
Sabado, araw na nang CAT namin katapos nang mga drills ay nilapitan ako ni Cha, gusto raw akong makilala at makausap ng parents niya. Ako naman kinabahan nang todo, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kapag nandoon na ako pero hindi ko bibiguin ang pangakong binitawan ko para sa babaeng pinakamamahal ko. Buong tapang akong pumunta sa bahay nila, nasa harapan pa lamang ako nang gate nila'y pinagpapawisan na ako nang malamig. Parang gusto kong sabihin na, "Lupa lamunin mo nalang ako."
Bago ako pumasok ay bumungad sa akin ang napakalaki nilang aso, galit na galit ang mukha nito sa akin habang ang mga magulang naman niya ay nasa pintuan nang bahay nila nag aabang sa akin.
"Magandang hapon po tito at tita, mano po."
Nakangiti naman silang dalawa sa akin, gumaan ang pakiramdam ko at medyo nawala ang tensyon ko. Buong puso nila akong inanyayahan sa loob nang bahay nila.
"Kumain ka muna sumabay ka na sa amin."
Hindi ako tumanggi dahil masamang tumanggi sa grasya at baka akalain nila ay magaspang ang ugali ko. Hinainan nila ako nang masasarap na mga putahe. Habang kumakain ay kinausap ako nang Daddy ni Charmaine.
"Ikaw pala ang kinukwento ni Charmaine na boyfriend niya."
"Opo, ako nga po."
"Alam mo ba na pinagbawalan muna namin si Charmaine na magboyfriend at pag aaral muna ang atupagin niya."
"Opo, alam ko po iyon tito."
"Bakit tinuloy mo pa rin ang panliligaw sakaniya kung alam mo naman pala?"
"Sir, mahal ko po ang anak niyo. Makasisigurado po kayo na hindi magiging hadlang ang relasyon naming dalawa sa pag aaral niya."
"Sige, papayag ako sa relasyon niyo pero may kondisyon."
"Ano pong kondisyon?"
"Magiging kayo lang hanggang sa makagraduate kayo nang high school, hanggang doon lang. "
Hindi ako makaimik sa sinabi nang daddy ni Charmaine, para bang nagblangko ang isipan ko at hindi ko na alam ang susunod na sasabihin. Tinignan ko si Charmaine na ngayon ay gulat na gulat at hindi rin makapaniwala sa mga sinabi nang kaniyang ama. Nagsalitang muli ang daddy niya.
"Ano? Payag ka ba sa kondisyon ko?"
"Hindi po ako makapapayag, bakit naman po ganoon 'yong kondisyon?"
Hindi na muli pang nagsalita ang daddy ni Charmaine mukhang buo na ang desisyon at wala nang saysay pa kahit kumontra kaming dalawa pa. Natapos ang gabi na iyon at umuwi na ako. Gusto kong umiyak, gusto kong ilabas yung nararamdaman ko pero paano? Hanggang doon nalang ba talaga kaming dalawa?
(Click the Youtube playlist above before continuing, thank you.)
Wala na kaming pareho magawa kaya naman sinulit na naming ang mga panahong magkasama kami. Lahat nang mga masasayang bagay ay ginawa na namin, kada minuto, oras at araw ay magkasama kami. Wala kaming sinasayang na panahon, habang may oras pa sinasabi ko na sakaniyang mahal na mahal ko siya. Alam kong nasasaktan din siya kahit hindi niya ipakita, ramdam ko at ramdam niya na malapit na namin makita ang wakas sa aming dalawa.
Natapos kami nang 3rd Year lumalapit at nauubos ang mga panahong meron kaming dalawa. Gusto ko nang huminto ang oras, bakit ganito mo pa ko tinamaan kupido? Bakit hinayaan mo kong masaktan nang ganito tadhana? Hindi nga ba kami para sa isa't isa?
Pagtungtong namin nang 4th Year ay mas lalo kong pinaramdam sakaniyang mahal ko siya, hinahagkan ko siya na para bang ngayon na ang wakas para sa aming dalawa. Sinasabihan ko siya nang mga masasayang mga bagay at lagi ko siyang hinahalikan.
"Charmain, Mahal na mahal kita kahit na anong mangyari. Kahit pa na lumayo ka na nang tuluyan sa akin, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko."
Hinawakan niya ang kamay ko at tinanggal ito sa pagkakayakap.
"Ronniel, itigil na natin 'to. Lalo lang tayong nasasaktan at patuloy pa tayong masasaktan kapag ipinagpatuloy pa natin 'tong relasyon na meron tayo."
"Hindi ba mahal mo naman ako Charmaine? Mahal kita." Hindi ko na mapigilan ang mga luha kong tumulo, Oh God sabihin mo naman sa aking panaginip lang 'to.
"Mahal kita Ronniel pero tadhana na ang nagsasabing hindi talaga tayo para sa isa't isa. Someday, makahahanap ka rin nang babaeng mas better sa akin na mas mamahalin mo at mamahalin ka rin niya nang higit pa sa pagmamahal na binibigay mo."
"Cha, 'wag mo naman sabihin sa akin 'yan. Nakikipaghiwalay ka na ba?"
"Oo, hanggang dito nalang tayong dalawa. Salamat sa pagmamahal, hinding hindi kita makakalimutan."
Hinalikan niya ako sa huling pagkakataon, iniwan niya na akong tuluyan. Naiwan akong nakatulala na lamang, hindi ko na kaya 'yong bigat na aking nararamdaman. Unti-unting bumagsak ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Kung nandiyan ka man kupido bawiin mo na ang palasong itinurok mo sa akin. Masyado na kasing masakit, ginawa ko ang lahat pero hindi nga talaga siguro kami para sa isa't isa.
Nakita ko siyang umiiyak habang papalayo sa akin, para akong nagkadementia hindi ko na alam saan ako pupunta. Wala na iyong babaeng dahilan nang sigla kong pumasok sa eskuwela, wala na ang babaeng ihahatid ko sa bahay nila. Natapos na ang pag ibig na sabi ko hanggang sa dulo, wala na si Charmaine na kasama ko dapat sa pagtanda ko.
Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana, may tao talagang darating at aalis din para magsilbing aral sa'yo. Way ito ni God para ihanda ka sa taong itinadhana niya talaga para sa'yo.
Dito magwawakas ang kwentong pag iibigan ni Ronniel at Charmaine ang dalawang tao na pinagtagpo nang panahon pero hindi itinadhana ng Panginoon.
Marami pong salamat po sa pagsubaybay sa kwentong ito, nawa'y nagalak ko ang inyong mga puso. Ganoon talaga mga mamsh, may darating at aalis talaga sa buhay natin. Fasten your seat belt at ihanda ang puso natin. Magandang gabi sa lahat.
Uwuuuu🥺 Ganda ng lesson mamsh pero baka naman may comeback ang ChaNiel?