Hello there. If you are a new reader, please check out the 1st and 2nd part of the story. Thank you!
https://read.cash/@icary/the-mysterious-new-student-part-1-02a76973
https://read.cash/@icary/the-mysterious-new-student-last-part-05adfd38
Hermione's POV
Nahihirapan pa rin magsink-in sa utak ko ang mga nangyari noong gabing 'yon. Did he just said he loved me. Ilang oras na rin akong nakatulala sa kisame ngunit hindi ko pa rin lubos na maintindihan ang lahat.
Hindi ko alam kung anong ginawa niya kung bakit niya ako napapapayag sa lahat nang gusto niya. Dahil ba sa nalaman niya ang una kong plano, dahil ba sa natatakot ako para sa buhay ko o dahil ba mahal ko na rin siya? Isa lang ang paraan na naiisip ko para matigil na lahat ng 'to bago pa mahuli ang lahat.
"Harry, we need to talk," tipa ko sa aking phone at isinend ito sa kanya.
"About what?" mabilis namang reply nito sa kalagitnaan ng gabi.
"Wait, tawag ako," pagkasend ko nito ay agad ko siyang tinawagan.
*Phone ringing*
"Hello," malambing niyang boses ang bumungad sa akin sa kabilang linya, saglit kong nakalimutan ang dahilan nang aking pagtawag at natahimik ng ilang segundo.
"Hello," ulit nito at doon ako nagising mula sa aking saglit na pagkatulala.
"Uhm- About what you said last night," bungad ko,
"What about last night," sagot naman nito.
"Yung sinabi mong mahal mo ako," bigla akong nakaramdam nang hiya ng sabihin ko iyon.
"Do you wanna know what my answer is?" dagdag ko rito. Saglit itong natahimik bago muling magsalita.
"A-ah, y-yes," halatang nauutal ito sa pagsagot sa tanong ko.
"Pero may hihilingin muna sana ako bago mo malaman yung sagot ko,"
"A-ano 'yon?" muling sagot nito mula sa kabilang linya.
"Stop killling," maikling sambit ko at ilang segundong nanaig ang katahimikan sa magkabilang linya.
"Hindi ko alam kung bakit mo ba talaga ito ginagawa, Kaya kung totoong mahal mo ako, gagawin mo ang gusto kong mangyari," naramdaman kong unti-unting tumulo ang luha sa mata ko at nakaramdam ako ng konsensya at kirot sa aking dibdib habang bumabalik ang alaala ng mga taong kanyang nabiktima.
"Hindi yun ganun kadali," maikling sagot nito at rinig ko sa telepono ang mahinang pagnangis nito. Ilang segundong katahimikan ang dumaan bago ito muling nagsalita.
"Ganito nalang, meet me at school tomorrow and we'll talk about it. For now, please stop crying, ayaw kong nagkakaganyan ka," pagkatapos niyang sabihin iyon ay binaba na niya ang telepono, sa sinabi niyang iyon ay unti-unting gumaan ang aking pakiramdam kahit na may mga natitira pang tanong sa aking isipan.
Biyernesβ
Maaga akong pumasok at hindi na rin ako nag-almusal.
Isang oras bago ang klase ay nakarating na ako sa aming silid, ngunit maski anino niya'y wala pa rin akong nakikita. Hanggang sa magsimula nalang ang klase.
"Miss mo na agad?" bulong sa akin ni Giselle na kakaupo lang sa bakanteng upuan ni Harry.
"Sino?" maang-maangang tanong ko.
"Sino ba yung lagi mong kasama na wala ngayon, hmm?" sabay taas ng isang kilay nito sa akin.
"Alam mo nakakatampo ka na ah, simula nung nakilala mo yang Harry na yan hindi ka na namin makasama, kayo na ba?" sunod-sunod na daldal nito sa akin.
"Hindi ko nga alam e," napayuko nalang ako nang sabihin ko iyon.
"Parang ang dami niya kasing tinatago sa 'kin," malungkot na tugon ko sa kanya.
"Sus, hayaan mo na muna, sabay ka nalang sa 'min mamayang break, libre ko," aya nito sa akin.
Pagkatapos ng klase ay agad ko itong tinawagan, nakapatay ang cellphone nito kaya naman naisipan kong dumiretso na sa kanila. Nang makarating ako sa kanila at dire-diretso lang ako dahil bukas naman ang kanilang gate at maging ang pinto nang kanilang bahay.
Tinawag ko ang kanyang pangalan ngunit walang sumasagot. Umakyat ako sa ikalawang palapag habang inililibot ang aking mga mata sa paligid at dumiretso sa kanyang silid.
Wala siya roon kaya naman muli kong nilibot ang paligid ngunit ni anino niya hindi ko makita, unti-unti na akong nagtaka sa mga pangyayari kaya naman naisipan kong bumalik sa kwarto nito kanina naghahanap nang kasagutan sa aking mga katanungan. Habang nililibot ko ang kanyang kwarto ay may napansin akong papel na nakasingit sa kanyang lampshade na katabi nang kama. Binuksan ko ito at doon ko lamang napagtanto na isa itong liham.
"Hermione,
Kung mababasa mo man ito ay patawarin mo sana ako. Mahal na mahal kita at gagawin ko ang gusto mo. Lalayo muna ako at hindi ko siguradong makababalik pa. May isang bagay lang sana akong hihilingin sa'yo, ito lang ang paraan ko upang mapatunayan ko ring mahal mo ako. Gusto ko sanang ituloy mo ang nasimulan ko. Alam kong medyo nakakalito pero hindi maaaring maputol ang sinimulan ko, may mabigat na dahilan at hindi pa ito ang tamang oras na malaman mo ang lahat. At kapag natapos mo na ito ay nakasumpa na tayo'y muling magkakatagpo. Kaya sana ay huwag mo akong bibiguin."
Mangiyak-ngiyak akong tinapos ang sulat na iyon, hindi ko alam pero ang sakit maiwan. Mahal ko siya, sobrang mahal ko siya pero hindi ko alam kung sapat na mahal ko siya para ipagpatuloy ko ang ginagawa niya.
Gulong-gulo pa rin ang aking isipan dahil hindi niya sinabi kung bakit niya ito ginagawa, hindi ko magawang kumilos sa aking kinaluluklukan sa dami nang gumugulo sa aking isipan. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagbigyan ang kanyang mga kahilingan dahil hindi sapat na mahal ko lamang siya para dagdagan pa ang aking mga kasalanan.
Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako nang konsensya ko dahil sa nagawa ko kay Jason ngunit hindi ako nagsisisi sa ginawa nito kay Brix. Hibang na rin ako sa tutuusin ngunit hindi niyo ako masisisi, lahat nang napatay ni Harry ay may malaking atraso sa akin ngunit nagbulag-bulagan ako sa lahat nang ito, siguro nga isa ito sa dahilan kung bakit napalapit ako kay Harry at kung bakit ko siya minahal.
Sa haba nang pakikipagtalo ko sa aking isipan ay buo na ang aking desisyon dapat ko nang gawin ang nararapat.
1 year later...
"Missing students found dead inside an abandoned house in San Roque," basa ko sa headline ng isang dyaryo habang naglalakad ako sa gilid ng bangketa papuntang eskwelahan. Nang may mabangga akong isang lalaki...
"Harry?"
Kasabay nang pag-ngiti nito sa akin.
[END]
"She loved Mysteries so much that she became one"
Thank you sa lahat nang sumubaybay sa TMNS, sana'y hindi kayo nabigo nito. Stay safe everyone.
By: icaryxghost
Co-author: kellinsinner
Hello guys! I hoped you like the story.
I know a lot of you still have a lot of question. But let's live up to the story and let the answers to your question remain a mystery.
Btw, congrats icary! Kudos! β€οΈ